Seven Six O’ Nine
When I started blogging almost 3 years ago, it was all for the purpose of killing time and boredom.
Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang OFW na malayo sa pamilya, at nag-iisang nakikipagsapalaran sa isang bansang dayuhan para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga pansamantalang iniwan sa pinas.
Ang unang mararamdaman mo ay lungkot – Lalo na kapag nasanay ka na lagi mong kasama ang iyong asawa, laging ka-kuwentuhan ang mga magulang at kapatid, laging kasama sa gimik ang barkada.. Pagkalapag pa lang ng eroplano sa bansang pagtatrabahuhan mo, parang gusto mo ng sumakay ulit, at bumalik sa iyong pinanggalingan.
After a while, you learn to deal with the loneliness, the seclusion, the isolation, and learn to move forward. Kung sa mga unang gabi na nagso-solo ka sa kwarto mo, ga-balde ang luha na lumalabas sa mata mo, pagkatapos ng ilang buwan, ga-kaldero na lang.. Hanggang sa umabot sa puntong wala ka ng maiiyak dahil sagad na. Kumbaga dehydrated na ang mga mata mo
Unti-unting napapalitan ang lungkot ng saya.. Bakit kamo? Dahil sa gabing nag-iisip ka ng malalim habang may hawak na calculator, at nagko-compute at nagko-convert ng equivalent sa peso ng sinuweldo mo, mapapangiti ka na lang. Unti unting maisasakatuparan mo na ang plano mo sa buhay..
Mabigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya..
Makapagpundar ng bahay at ari-arian..
Ma-regaluhan ng ginto, alahas at kung anu-ano pang borloloy ang asawa mo..
Makabili ng sangkatutak na gadgets di mo naman gagamitin..
Makapag-painom ng trak trak na beer sa walang kwenta mong mga barkada..
Pero may kulang pa rin eh..
Aanhin mo ang lahat ng yan kung wala naman ang isang bagay na tunay na makakapagpaligaya sayo? Ang isang bagay na makakapagbigay ng kaganapan sa iyong ‘existence’ sa mundong ito??
Nagpapakahirap ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ipon ka ng ipon para sa pamilya, eh nasaan ang pamilya kung wala ka naman anak??
Yan ang kulang sa buhay namin noon ni Mrs. Azrael, ang isang anak na makakapagbigay sa amin ng walang patid na ligaya.
Yan din ang dahilan kung bakit ’super-active’ ako sa blogging noong nagsisimula pa lang ako.
Pilit kong pinupunan ang kakulangan sa aking pagkatao sa pamamagitan ng pagku-kwento ng mga araw araw kong gawain dito, sa mga taong hindi ko naman kaan0-ano at kung tutuusin, eh wala naman pakialam sa mga pinagsasasabi ko.
May tatlong taon din, mula ng una akong nagtrabaho dito, ang pinaghintay namin ni Mrs. Azrael para makabuo ng baby. At ngayon na meron na, si AILA, unti-unti na naman may na-realize ako na bago…
I don’t need material things anymore – I have most of them already. Electronics, DSLR, Laptop, Gadgets, Helicopter, Private plane, Submarine, Laser Sword, Spaceship.. Lahat yan meron nako!
I don’t need the internet – It’s nice to surf the net from time to time, talk to friends once in a while, listen to the latest ‘chismis’ from your ‘flea market’ friends
Pero sa isang pindot ng ‘OFF PC’, kaya kong talikuran ang lahat ng yan.
I don’t need to BLOG anymore (but I’m not saying I’ll stop. Maybe I will, maybe I won’t) – I have said my piece. Shared my views. And I don’t see any more reason to try and be someone I already am
Repulsive, Evil, Opinionated, Talented, Mayabang, Maangas, Salbahe, Tarantado, Bastos, Walang Modo, Kupal.. Ano pa ang ang hindi nyo nakikita sa pagkatao ko? Wala na siguro.
I have a loving wife who in my honest opinion, is the best mom of all.
I have a pretty daughter, who never cease to amaze me.
MY LIFE IS COMPLETE. I DON’T NEED ANYONE OR ANYTHING ELSE. AND THAT’S THE BOTTOMLINE.
That being said, I’d like to post this ‘lil something for my daughter.. Hindi ko alam kung hanggang kailan buhay ang blog na ito. Hindi ko alam kung sa pagtanda nya eh mababasa nya pa ito. At hindi ko alam kung ito na ba ang last entry ko..
Pero, anak… My dear MARIA AILA YSABELLE.. Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:



