
a father’s blabbing for the world to read:
nag-text si misis kanina. kagagaling lang nya sa medical city for her weekly pregnancy check-up. malapit na kase due date nya (july 7) kaya ginawa nang weekly ang kanyang sked. medyo high blood ang reyna ko, 140/90. 2 weeks nang ganun. di ko alam kung na high blood dahil sa napapasarap kumain, or dahil sa kunsumisyon na dinudulot ko. sabi ng doktora, kung hindi pa raw sya manganganak within this week, pagbalik nya sa july 7 for her weekly check-up (ulit), ia-admit na raw sya sa hospital, and ii-induce labor na (whatever that means)… haay naku. kumakabog na talaga dibdib ko sa halong kaba at excitement. di naman ako dapat kinakabahan kung tutuusin dahil ever since naman, lagi normal ang tests nya. tsaka mabait ang prinsesa ko, di nya pahihirapan mommy nya. di ko lang ma-imagine na during labor eh wala man lang ako sa tabi ni misis. pero ok na rin yun. at least di ko maririning na pinagmumura nya ako dahil sa sakit. di naman kase ako makakauwi, late na para maghanap pa ng available flight at ticket. besides, napag-usapan na namin na better kung november na ako uuwi. para medyo malaki na prinsesa ko, makakalaro ko na sya, at makaka-attend ako binyag, makaka-celebrate ng pasko at bagong taon, at kung anu-ano pang okasyon. naglalakbay diwa ko kanina habang nagda-drive pauwi. excited na ako na marinig unang iyak ng baby namin, nakahanda na nga camera at videocam eh, ang tanong sino kukuha? matindi si misis. sabi nya, pag di raw pinayagan ng hospital na magpa-pasok ng kasama nya, irerecord na lang daw mismo nya sa camera phone. ayus! lahat ng tao sa paligid namin excited na rin. nagkakapustahan pa nga kung ano talaga date na lalabas ang aming prinsesa. madami sa side nila na gusto june, kase puro june ang birthdays nila. sa side ko naman, tatlo kami july. tsaka daddy’s girl yan sigurado, didikit yan sa birthday ko hehe.
a daddy’s message for her baby daughter:
anak, lumabas ka mismo july 7 ha? maganda date yan. isipin mo.. july 7, 2007. 777.. oh di ba? wag mo pahirapan si mommy ha. balita ko 6.5 lbs ka daw, partida nasa loob ka pa nyan. ako nung pinanganak 6.2 lang eh. imagine mo mas malaki ka pa saken. baka mawakwak ang “pech” ni mommy wag naman. tirhan mo ng konting sensasyon si daddy ha?.. dahil pag-uwi ko, gagawa na agad kami ng kapatid mo. kumpleto ka na sa gamit kaya wag ka maginarte masyado ha. wag din masyado supladita. wag ka magmamana saken. kunin mo ugali ng mommy mo, pati looks sa kanya na rin. pero ang utak saken ok??
a king’s message for her queen:
my lab. malapit na matupad ang pangarap naten. konting tiis na lang, at pagkatapos, ang kapalit nyan eh matinding sakit at pagdurusa dahil sa labor.. joke. kaya mo yan, ikaw pa. wag ka kabahan. naging mabait saten, lalo na sayo si lord, di ka nya pababayaan. i am so proud of you. wag mo masyado iisipin na dahil lumba lumba ka na eh di na kita lab. lab pa rin kita noh! tsaka babalik yang figure mong ala-vivian velez. basta wag ka lang masyado kakain. ang takaw mo kase.
a soon to be dad’s message to himself:
hoy bruho. malapit ka na magkaanak. umayos ka na ha. tama na chicks. sabagay di ka naman mahilig sa chiks. basta, iwasan mo na sila kahit na sila namimilit sayo. tama na friendship. pero kung di ka makakatiis, pwede na rin siguro one night stand o kaya fling, basta wag ka lang pahuhuli kay misis. maghanda ka na rin at magbasa basa ng libro kung paano mag-alaga ng bata. ibang klase kasing bata lagi mo inaatupag eh.
Possibly Related Posts: