Hindi ko na talaga kaya. Nasusuka na ako. Nagsasawa na. Sa tuwing makikita ko lagi akong naiinis. Lagi na lang ganun. Walang pinagbago. Kahit anong paghihirap ko, lagi ganun pa din ang resulta. Ilan oras ang inuubos ko araw-araw para bigyan ng pagbabago, pero wala pa rin. Boring pa rin. Wala man lang kulay. Walang bahid ng kaligayahan dahil sa kadiliman na bumabalot. Pinilit kong dagdagan ng kung anu-anong bagay para mapaganda ka sa aking paningin. Pero di pa rin ako nagagandahan sayo. Lahat ng research nagawa ko na yata, pero talagang hanggang jan na lang ang kapasidad mo. Ginalugad ko na ang apat na sulok ng internet para hanapin ang magbibigay buhay sayo, pero patay ka pa rin. Nagsisikip ang dibdib ko tuwing makikita ko na wala pa ring kabuhay-buhay ang oras-oras kong pinagtutuunan ng pansin, inuukulan ng panahon, pinagpupuyatan at laging binibisita.

Masama man sa loob ko, pero kailangan kong gawin ito. Naging maganda ang samahan natin noong simula. Meron akong magandang alaala kahit paano. Pero hindi lahat ng pagsasama ay pang habang-buhay. Ang lahat ay may katapusan. Ngayon ay katapusan mo na. Ito na ang mga huling sandali mo sa mundo. Bukas tuluyan ka nang mabubura sa aking pag-iisip. Bukas papalitan na kita. Bukas derecho ka na sa inidoro.

Paalam aking pinakamamahal na “BLOGGER TEMPLATE”. Nagsawa nako sayo. Masyado kang dark para saken. Negro na nga ako, dark ka pa rin?? Oras na para magpalit ng template na medyo makulay. Floral kaya?? nyeeee!

Diyan ka na panget.

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!