5:00 am. nagising ako dahil yung celphone nagri-ring. bigla ako napatayo ng di oras sa maling posisyon. kung titignan mo kase kama ko, right side yun ang tamang posisyon, left side pader. naalimpungatan ako sa ring at vibration ng celphone sa may bandang ulo ko, kaya ayun napapihit ako papuntang kaliwa kaya.. BOG!!! untog ako sa pader tangina.
di ko na pinansin kahit na medyo nakakita ako ng stars. baka kase yung tumatawag eh si misis at sasabihin na “hoy gising! papunta nako ospital at manganganak nako!”. eh hindi naman pala. tsaka considerate si misis. alam nun na pag madaling araw, kahit na importante eh di ako dapat tinatawagan. kung manganganak nga yun ng ganung oras, malamang alam na ng lahat eh, at ako natutulog pa sa pansitan.
so yun na nga. di pala si misis. eh sino nga ba tumawag?? ay sus. yung isang makulit na taga-japan. miss na raw nya ako. daldal ng daldal di man lang ako tinanong kung anong oras na. sa buwisit ko, binabaan ko telepono. aba aba! tumawag ulet at nagalit! nag asta na parang gf. kung anu-ano pinagsasabi na kesyo daw di ako accomodating at kung anu-ano pa. sa sobra inis ko, nasabihan ko tuloy ng “bat ka ba putak ng putak? syota ba kita? at kung syota man kita, sa mga pinaggagagawa mo, break na tayo.” imbes na matauhan lalo nagalit. di ko nakayanan at bigla ko na lang pinatay ang celphone sabay bato sa bandang paanan, at bumalik sa pagtulog.9:00 am, kagigising ko lang. masakit ulo ko dahil sa pagkakauntog sa pader. bigla ko hinanap ang celphone na naibato ko kani-kanina lang. ayun, nasa sahig. sira. basag ang screen.

ang ganda ng simula ng araw ko. buti na lang di ako pumasok. kung nagkataon, road-rage na naman toh. mababawasan na naman ang bilang ng kambing na tumatawid sa highway sa disyerto.

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!