RETREAT!
field work kanina as usual. meron ako project na bago. pegging for 120 plots. sa mga di nakakaalam, pegging (setting-out) eh yung paglalagay ng bakal sa lupa. surveying term yan. di lang basta nilalagay, kailangan sundin mo yung nasa subdivison plan. kailangan eksakto ka. dahil pag nagkamali ka, magkakaroon ng problema individual lot titles. maaring lumaki, or lumiit, at pwede ring mag-overlap ka sa katabing lote. pag nagkaganun, yari ka. babayaran mo mga pagkakamali mo ng iyong buhay nyahaha!
ang gamit sa pegging ay ang tinatawag na total station o kaya naman GPS, para malaman mo kung saan ang eksaktong posisyon ng isang point/kanto. madali lang yan. pinag-aaralan yan at tinuturo. pero……….. hindi biro ang pegging kapag ang lupa na tinatrabaho mo eh puro puno. hindi clear ang iyong field of vision, madaming obstructions at higit sa lahat, kailangan ka magpalipat-lipat ng station para makuha mo ang point na tinutumbok mo. yan ang tinatawag na traversing, ginagawa lang ang traverse kapag ang gamit mo eh total station. kapag GPS naman, at marami puno, problema pa rin. dahil GPS kumukuha ng signals sa mga satellites na nag-oorbit sa earth. pag madami puno, natatakpan ang signals, kaya di ka makakakuha ng magandang GPS reading.
base sa pag-uusap namin kagabi ng client, ok naman daw ang site nya. wala daw puno at open area. so ang ginawa ko, hinanda ko na ang subdivison plan, inayos ang route, nagcompute kaliwa’t kanan, at nilagay lahat ng detalye at coordinates sa total station ko. naisip ko na di na siguro kailangan GPS, dahil ayoko maglakad. tutal open area naman, eh di sa isang lugar na lang ako, at yung mga mokong na helpers ko na lang papalakarin ko. ayus di ba?
pag dating namin sa site kanina.. eto ang tumambad sa amin..
nyek! wala nga puno. open area nga. pero puro naman talahib nyahahaha! di uubra, pag yuko ng helper at maglalagay na ng bakal sa lupa, baka matusok pa mata nya. tsaka baka puro ahas pa jan noh! di na huy! ano ako bale??? yamong i-peg ng may-ari ang lupa nyang mag-isa.tara na mga kapatid kong pana.. UWI NA TAYOOOOOOOOOOO!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


No comments yet