mood: calm and collected.. pero may hawak na palakol.
Pano ko ba sisimulan. Parang gusto kong sugurin ang mga blogs ng mga intrigero at intrigera, at mag-deklara ng digmaan. Naku masaya yan. Makikita nyo kung gaano kaangas at kakupal si AZRAEL. Pero wag na. Nagbabagong buhay na ako. Ang mas tamang paraan para mailabas ko ang kinikimkim kong kabuwisitan ay mag post ng entry na lang. At the same time linawin siguro ang mga bagay bagay na ipinagtataka ng iilan. Pramis, wala ako sa mood makipagbalitaktakan at makipag-ubusan ng lahi. Magbasa na lang kayo at sana maunawaan nyo ang gusto kong iparating.
Unang una, nakakasama ng loob kapag may nababalitaan akong nagsasabi na ang mga pinag-gagagawa ko raw ay may hinihintay na kapalit. Teka lang.. Medyo pakilinaw nga. Kapalit? Kelan ako nanghingi ng kapalit? Pera ba? Atensyon? Puri? lol
Ehem.. Kung mapapansin nyo, mayroon ilan beses na rin ako nag-share ng mixes ko online. I spent a considerable amount of time digging thru my materials and making these mixes for everyone. Inaabot na nga ako minsan ng madaling araw at ilan beses na rin ako napuyat para mai-upload lang. Kahit sino pwede mag-download. Kahit sino pwedeng makarinig at makatikim ng “club music” na nilikha ng isang tunay na DJ. Nanghingi ba ako ng pera? Nanghingi ba ako ng donasyon? Hindi. ‘Nuff said. Period.
Pangalawa. Hmmm… Eto ang talagang rason kung bakit nagsasalubong ang kilay ko at namumula ang tenga sa inis.. IMAGE HEADERS! Oo yan nga. Ang paggawa ng image headers sa ilang kaibigan na taga wordpress ang na-misinterpret ata at binigyan ng malisya ng iba. Hindi ko alam kung mga nagbibiro lang, o pasimpleng tinitira na ako. Wala akong balak alamin kung ano pa man yan. Pero ipapaliwanag ko pa rin kung bakit ko naisipan damitan ang ilan nating kaibigan na blogger dito sa wordpress.
Nagsimula yan kay Maru. Natuwa kasi ako at naisipan kong mag-offer. Ang dami na kase ng readers nya at sa tuwing napapadaan ako sa blog, parang papalit palit ng image header si bespren. Pakiramdam ko hindi nya makuha ang tamang timpla ng colors at fonts, kaya inalok ko sya. Eh call naman. Kaya gumawa si AZRAEL ng sampol. Hindi ko naman inaasahan na magugustuhan at gagamitin.
Nasundan yan ng kay Trish. She asked me to pimp her page. I did by starting with the image header.
Nagtanungan sila kung sino ang gumawa. Nagkataon na lahat halos eh kaibigan ko naman. Mayroong humirit ng “Huy! gawa mo rin ako!”. Kahit na pabiro, pero sineryoso ko naman sa dalawang dahilan.. 1) I like making header images, hindi naman kasi mahirap, at 2) Dumaan ako sa blogs nila at napansin na may potensyal na maging mas eye-catching ang page kapag ginawan ko..
Nasundan na nga.. I made headers for Jojie, Malen, Kengkay, Kath, Jovie, Annie and Brath..
Eto ang mga ginawa ko. Might as well flaunt ‘em. This is my blog and I can post anything I want. Wag na hihirit at baka palakulin ko lang ang ulo nyo.
MARUISM (hindi ako pinahirapan ni bespren coz she knew what she wanted)

TRISH (she made me decide on my own, and I came up with these)


JOJIE (hindi rin ako nahirapan kay jojie.. madali syang pasayahin)




MALEN (dito ako nahirapan. nosebleed ako kakahanap ng image na bagay)





KENGKAY (isa pang pahirap. gusto raw ni keng hindi malaswa, sayang type ko pa naman yung pwet)





KATH (medyo mahirap. dami kase pics ni kath na pagpipilian)




JOVI (gusto nya sexy. so i thought of these)



ANNIE (hmmm.. tumagal ang damit kase ayaw sumagot sa pm)




BRATH (eto ang tunay na tumagal. ty ng ty di ko naman alam email ad. pano ko ise-send)




Yan ang ilang mga kaibigan na naigawa ko ng header image. Hindi ko kasalanan na puro babae sila. Hindi ko rin kasalanan kung nagustuhan nila ang gawa ko. Sana naman, wag haluan ng malisya. Kahit tanungin nyo pa isa isa yan, NEVER AKO NANGHINGI NG KAPALIT. At NEVER din ako nag-request na gumawa sila ng entry tungkol sa bagong damit nila. If they made an entry about their new image headers, they made it on their own free will. Ayoko na nga sana coz it might attract attention, pero they were raving about it and who am I to tell them what and what not to post. I guess it’s their way of saying “thank you AZRAEL”.. Hindi po ako naghihintay ng recognition. Galing sa puso lahat yan. Matigil na sana ang walang kwentang pasaring na kesyo si AZRAEL ay ganito, ganun, etc..
Madali naman ako kausap eh. Kung gusto nyo rin igagawa ko kayo. Parang magandang idea nga yata na pati ang mga boys igawa ko na rin. Siguro naman wala ng masasabi at di na mahahaluan ng maling akala.
Sya nga pala, bago ko makalimutan. If you think you can do better, then by all means DO IT.
I’m not here to get the ladies’ attention. If you want their attention for yourself, it’s all yours. Hindi nakukuha ang atensyon ng isang babae sa bunganga. Goodluck.
This is a major ranting. And a ranting by AZRAEL would not be complete without a parting line..
Sa mga nagkakamali ng akala, at pilit na binibigyan ng masamang kahulugan ang mga pinag-gagagawa ko…
YUCK FOU!!!!
Possibly Related Posts: