Archive for October, 2007

Malapit na mag 4 months si Aila. The last time she was brought to her pediatrician by her mommy, she weighed 6.2 kilos already. Nagrereklamo na nga si misis dahil nahihirapan na daw sya kargahin sa sobra bigat. Isipin mo 4 mos pa lang yun. Eh paano pa kaya sa mga susunod na buwan. I’m sure pag nagkita kami mahihirapan na din ako. Pero I won’t complain. I’m dying to hug and carry my little princess in my arms. (sniff sniff)

(click pics)

aila_01.jpg aila_03.jpg aila_02.jpg

Iba pala talaga pag daddy ka na eh no? Ikaw na mismo ang umiiwas sa gimik at good time. Mga barkada ko nga dito nagtataka na. Bihira na nila ako makita sa dating tambayan. Nagtatanong na rin sila, bakit daw hindi na ako sumasama sa kanila sa barhopping at inuman. Ayoko na rin kasi. Hindi na ako mahilig uminom. Nagsawa na ako sa alak matagal na. Pati yung mga kalaro ko ng basketball dito, hindi ko na rin sinisipot. Kaya ayun, lagi silang talo. Pero mga nakangiti pa rin umuuwi ang mga loko. Paano, nasosolo nila mga chiks. Kanila na ang mga yun. Hindi na ako interesado, at lalong hindi naiinggit. Kung alam lang nila na mas magaganda ang mga kaibigan kong chicks sa wordpress, baka mag blog na rin yung mga yun.

Hindi ko na rin nakukuha ang gumala. Pagkatapos ng trabaho, derecho bahay na ako. I don’t see any reason to waste my time malling and go sight-seeing. Unang una, wala naman ako bibilhin. Pangalawa, wala na ako pera pambili. Pangatlo, araw araw na ako sa field ano pa ang isa-sight see ko? Pero ang totoo nyan, mula ng naging tatay na ako, parang nawalan na ako ng interes sa mga bagay na usually ginagawa dito ng mga pinoys para palipasin ang oras.

Nakakasira ng ulo ang mawalay sa mga mahal mo sa buhay sa totoo lang. Hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa. Bukod sa hirap na araw araw mong haharapin, maisakatuparan lamang ang munting pangarap na mabigyan mo ng magandang buhay ang mga naiwan mo sa pinas.. Delikado ka rin kung mahina hina ang iyong panlaban sa temptations.

Madami sa ating kapwa pinoys na OFWs ang nawawalan ng direksyon, nawiwindang ang buhay at kung anu-anong kalokohan ang pinapasok. Mayroong nalululong sa alak, sa sugal, sa drugs, nambababae, nanlalalake, nakikisawsaw sa asawa ng may asawa, pumapatol sa may asawa, para lamang aliwin ang sarili at makalimot sa lungkot.

Buti na lang mayroon akong mga dahilan para iwasan ang mga bagay na yan. Blogging, Music, and just recently, I got reacquainted to Photography. These are the things I do to keep me busy and keep my mind off things. Pero ang pinakamalaking dahilan kung bakit sa kabila ng lahat, hindi pa rin ako nagloloko naloloko ay si Aila, ang tabachingching kong anak.

Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho sa labas, umuuwi pa rin akong nakangiti, masaya at kuntento. Kung araw araw ba naman, ganitong pictures ang makikita ko sa inbox ko, hindi talaga ako malulungkot. Ikaw kaya ang ngitiian ng ganito? Ewan ko lang kung hindi matanggal ang pagod mo.

aila_08.jpg aila_06.jpg aila_07.jpg

O di ba? Ang cute cute ni Aila? Ang taba taba na! Dumadaldal na nga raw eh. Nakikipag-usap na. Nakikipagtawanan at nakikipaglokohan. Haaaaay…

Pero teka lang. Just like her daddy, Aila’s got moods too. Bata pa lang daw halata na nila. Ang numero uno nilang napapansin ay ang pagiging impatient ni Aila. Ayaw pinaghihintay pag gutom. Hmmm.. parang ako nyahahaha! Ako kase kapag ubos na ang pasensya, kunot na noo ko eh. Hindi na maipinta ang mukha ko at halatang galit na. Parang gustong kumain ng tao. Pareho kaya kay daddy azrael ang itsura ni Aila pag naiinis?

aila_04.jpg aila_05.jpg

Yaiks!! Galit na! Kamukha ko! Pero cute pa rin. Dapat ata name nya AZRAELITA eh no?

MARIA AILA YSABELLE is the REASON why I am happy, content and in high spirits. You can seize all the material things I possess. But you can never take away my PRIDE and JOY of being a father to a beautiful little princess.

HAPPY 4th MONTH TABACHINGCHING!

Possibly Related Posts:


Comments (20)

Demanding

Isa sa pinaka-ayokong klase ng tao eh yung mga demanding. Magpapagawa ng isang bagay sayo, tapos bibigyan ka ng deadline, at katakot-takot na instructions at utos ang gagawin, na para bang isa kang alila na bayaran. Naalala ko tuloy ang mga taong dumaan sa aking nakaraan. Mayroong akala mo eh asawa ko na kung makapag-demand na i-meet ko raw sya sa ganitong lugar, sa ganung oras, bla bla bla. Mayroon din na mag-uutos na gawin mo ito, gawin mo yun at pagkatapos mong tapusin, eh tangna hindi man lang makuhang magpasalamat at bigyan ka kahit na plastik na ngiti.

Nagmuni-muni ako kanina lang. Napangiti ako ng mapatunayan ko sa sarili na hindi pa talaga pinapanganak ang magmamando at mag-uutos sa akin ng gagawin. Hindi naman ako ganun kasamang tao. There are also times that I follow instructions by the book, give in to people’s requests, and do things that are required of me. I may not be good at dealing with people, but when work requires me to do certain things I make sure I deliver on time.

Pero ibang klase ang mga Arabo. Hindi ko maintindihan kung bakit laging nagmamadali ang mga ito. Laging speed amputa! Alam naman nila na hindi posible ang kanilang pinapagawa, tapos kung makipagtalo sayo kapag sinabi mong “it’s not possible”, eh bubungangaan ka. Ang lalakas ng boses! Sinabi ko na nga na hindi ako nakakaintindi ng Arabic, nagsisisigaw pa rin sa kanilang native language.

Sa isang banda, kasalanan din ng mga expats ito. Ewan ko ba sa mga Indians, Bangladeshis, Pakistanis, Sri Lankans at iba pang bansa na katabi nila. Hinayaan kasi nila na basta basta na lang sila utusan at sigawan ng mga arabo. Palibhasa, mababa siguro ang kanilang estado sa kanilang bansa, at nagkataon na marami talaga ang mga arabong mayayaman, kaya’t kung sigaw-sigawan sila eh ganun na lang. Nakakapanlumo. Nakakababa ng pagkatao. Naawa ako sa ibang expats kapag sinasabihan ng mga arabo na ‘walang utak’. Parang sa paningin nila eh sila lang ang magaling.

Kaso mo……

Dumating si AZRAEL sa bansang Oman…..

Tulad nga ng sinabi ko kanila lang. Hindi pa pinapanganak ang mag-uutos at magtuturing sa akin na parang alila. I have always believed that all Pinoys shouldn’t allow themselves to be subjected to this form of humiliation. Yung sisigawan ka in public. Uutusan ka kahit na kaya naman nilang gawin. Tatawagan ka in the middle of the night and ask if you already finished the project. Pag sinabi mong hindi, bubungangaan ka na naman, na nagiging dahilan para maputol ang magandang panaginip mo tungkol sa mahal mo sa buhay na naiwan mo sa Pilipinas.

Sobra na eh. Almost 4 years pa lang ako dito, pero hindi ko na ma-take ang pagiging demanding nga mga lintek na Arabo na ito. Madaming beses na na nakipagtalo ako sa mga lokal. Akala mo kung sino ang mga hinayopes. Puro bunganga ang pinaiiral, ayaw paganahin ang utak. Kapag hindi kayo nagkasundo at hindi mo nasunod ang gusto, tatakutin ka pa at sasabihing “If you will not do it, I give this project to another!” (mali English eh no? Sila yan hindi ako)

Aba aba. Ako pa ang tinakot. Sinigawan ko nga at sinabing, “Fine. Give it to someone else, You think I give a fuck?” Putragis, natatawa na lang ako sa reaksyon. Porke narinig ang salitang ‘fuck’ ang pagkakaintindi ata eh may sexual undertone ang aking sinabi. Sagutin ba naman ako ng “Yes! Yes! I like fuck! Where? What kind of girl is this for fucking?” Bwakanasyett mga bobo. Akala mo kung sino eh kung ikukumpara mo sa grade 1 na pinoy, mas nakakaintindi pa ng di hamak ang bata.

I can’t stand the arrogance, self-importance and superiority kuno ng mga taong ito. Naubos na pisi ko. Eh paano ba naman.. Ang sarap ng tulog ka kanina. Around 2 am, my phone rang. Nagulat ako at halos mapabalikwas sa kinahihigaan. Akala ko tawag from misis azrael. Tingin muna sa relo. 6 am na pala sa pinas. Baka si misis nga.

Walangya. Yung isang client pala. Tumawag ng alanganin oras para ipaalala sa akin na nakausap daw nya ang boss ko at nangako si bossing na first thing in the morning, ready na ang kanyang documents at drawings. He woke me up to tell me that he needs the document at his office before 8 am, dahil may meeting daw sya. Paano magiging ready??? Eh hindi pa nga nasisimulan. Paano masisimulan? Eh tambak ako ng trabaho. Bakit kasi may schedule na nga akong ginawa, para smooth ang trabaho ko, eh araw-araw binabago ng bossing ko na isa ring tukmol at bopols!

Hinayaan ko na lang magsalita ang client. Yes lang ako ng yes. Afterwards I asked him, “Are you done talking now?”. He said “yes”. And then I said…

“Ok, hear me out Mr. Saud Al Harthy. There is no way I can finish your site in one day. Let me tell you the reasons. First, it is very far from where I am. 2nd, It’s in the middle of nowhere, and it will take me half the day to find the location by GPS for it is not accessible by road. I have to traverse mountains and rivers and try and find the best way to reach it. 3rd, Even if I’m there by noon, I can’t finish a 1 million sq.km site. And lastly, I only found out about this project last night when my boss called me while I was taking a dump. So don’t expect me to weave my magic and finish your documents by 8 am. If you will insist on it, and continue bossing me around, I suggest you talk to my boss, and air your grievances and complaints to him. I don’t have time to listen to him in the first place, so what made you decide to call me and think that I’d listen to your crap? Didn’t he tell you that I hate arrogant son-of-a-bitches like you who call in the middle of the night, and disturb my precious sleep?”

Biglang hirit si mokong.. “You know…”

Putangina hindi ko na hinayaan pang makapagsalita. Narindi na ako eh. Parang nakikipag-iskrima yung dila sa ngipin nya at wala din naman akong maintindihan. Sing-tigas ng marble ang ingles anak ng pating!

“Wait. Im not done talking yet Mr. Al Harthy. When people like you talk, even if it’s pure nonsense, I listen. Now, I’m the one talking and I expect you to treat me with the same respect and civility as I did you. Please listen to me well because this is for your own good. You might actually get something out of this, and thank me in the end. Now, if you’re really thick headed like what I presumed you to be, then there’s no point in this conversation. You might as well look for another consultancy firm to do it for you. I am not interested to do it anymore simply because u got on my nerves. If my boss will side with your bullshit, then I’ll gladly submit my resignation letter tomorrow. But you have to believe me when I tell you that, he can’t afford losing a workaholic and efficient person like me. But might severe his ties with a client if forced, for it is the most logical thing do to, to survive in this daily struggle called life. And if I may add, I don’t appreciate someone calling me, while I’m dreaming of my baby daughter! Have I made myself clear???”

…….

Hello….

Hello? Mr. Al Harthy?…

Still there?….”

Yuhuuuu! Earth calling Mr. Al Harthy!

HELLO??????????!!!!!!!!!!!!!

………..


BINABAAN AKO NG TELEPONO NG HINDOT…

 

Possibly Related Posts:


Comments (32)

Hindi na bago sa akin ang photography. May ilang beses na rin ako nagtangka na pasukin yan noong bata pa ako. Kasabay ng pagkahilig sa musika at painting, ang photography ang pinakamahal sa lahat ng gusto kong karirin. Noon kasi hindi pa uso ang digital cameras. Eh kung baguhan ka sa hobby na ito, at self study ka, isipin mo na lang kung ilan rolls ng film ang mauubos mo bago mo makuha ang perfect shot. Sa kadahilanang mahal ang bisyo na ito, hindi ko tinuloy noon. Hanggang simula lang ako lagi. Tsaka syempre, nag-aaral pa ako. Saan naman ako kukuha ng pera para pambili ng accessories?

Thank God for technology, and the digital age. Although photography is still an expensive hobby, it’s a lot easier now for a newbie like me to indulge in this leisure pursuit. I think this time I’m going to be a serious enthusiast. I think I have the flair; all I need are the tools. That’s why I recently bought a brand new DSLR.

Ay teka muna. May talent nga ba? Anak ng tokwa, hanggang himas na lang ata ako sa bagong camera. Hindi ko pa ma-testing ng maayos dahil lagi ako nasa field. Mainit. Ayoko naman ma-expose sa scorching conditions ang aking bagong toy.

Kaya no choice ako kundi mag-practice sa bahay. Next time na lang ako magse-seryoso kapag may oras na ako mamasyal at maghanap ng subjects to photograph. Dito muna ako sa mga walang kwentang bagay na nasa loob ng bahay, at nakikita from the bahay.

Here are a few photos I took with my new camera. Sa mga professionals jan, huwag nyo ako laitin please. Noob lang po.


Susi at Yosi
Bulaklak na plastik Sinigang na baka Kutsara’t tinidor


Ang nanay
At night Selepono iPod

Kailangan ko pa mag-practice. Kulang pa sa techniques. At kailangan pa bumili ng accessories. Hindi ako makaporma kahit na sa bahay lang. Nanay ko nagmamando ampft! Pati yung ulam na ’sinigang na baka’ testingin ko daw. Tsaka yung bulaklak na plastik anu ba yun.

Syempre, para saan pa ang camera kung hindi ko kukunan ang sarili ko di ba? :D

AZRAEL

Huwat????? ANO YANG NAMUMULA SA DIBDIB KO??

Hmmmmmm………….. CLICK mo pic bilis!

:D

Possibly Related Posts:


Comments (17)

Walang kwentang post ito. Gusto ko lang magkwento. Nitong mga nakaraang araw, lagi ako badtrip. Teka, kelan ba ako hindi badtrip? Eh talaga naman araw araw galit ako ampft! 2 days kase na sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nagkaroon ng katakot takot na virus ang pc ko at sobrang bagal ng DSL connection. Nasabayan pa ng lagi ako nabu-boot sa YM. At nauna na dun ang pagkainis ko sa isang bastos. Siguro naman nabalitaan nyo na yun.

Halos magkakasunod na nangyari ang mga yan, at hindi ko mapigilan na isipin na malamang eh konektado ang mga pangyayari. Eto ang aking theory: Nagalit ako at nag-post ng entry. Nakarating sa kinauukulan. Nabadtrip din dahil napahiya. Ginantihan ako dahil booter. Hindi nakuntento sa boot. Nagpadala ng virus. Bumagal DSL connection. At kung anu-ano pa.

Sumabay pa ang pagkasira ng videocard ng pc. Kaya 2 days ako naka-laptop. Badtrip pa rin dahil hindi ako sanay sa maliit na keyboard. Wala rin cam sa laptop kaya hindi man lang ako makita ni misis azrael noong magkausap kami.

Naisip ko na lang. Siguro matindi ang galit saken ng taong iyon, at talagang kinarir ako nyahahaha! Isipin mo araw araw, lagi ako laglag sa YM. Nalungkot tuloy ang mga kausap kong naggagandahang kababaihan. Naiyak sila. Hindi nila matanggap na napuputol ang aming conversations dahil sa booter. Nag-emo sila. Gustong mag-harakiri. Buti na lang pinigilan ko. Sinabi ko na lang na.. “Malaglag man ako sa YM at mag-offline ng matagal, asahan mong laging online ka sa puso ko”

Sinara ko na muna ang blog ko for 2 days yata. Nawalang ako ng gana magsulat. Ay mali, meron pala gana pero paano ko ipo-post eh puro white lang nakikita ko sa browser. Pasalamat nga ako dahil napagod ata kung sino man ang aking katunggali, at eto ako ngayon. Balik blogging. Hataw sa entries.

Hindi ko gusto ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. I got disappointed on so many things and so many people. Sa sobra inis ko, naisipan kong mag-rebelde. Yun bang parang isa kang anak, na narindi na sa sermon at pangaral ng mga magulang mo kaya naisipan mong mag-aklas. Kahit na pinipilit mong maging mabait sa paningin nila, masama pa rin ang tingin sayo. Sinusunod mo naman ang mga payo nila, naging mabuti kang anak, kahit na tarantado ang iba mong mga kapatid. Pero kapag dumarating ang time na nakaupo kayo lahat sa hapag kainan, hindi ka man lang mapuri sa mga nagawa mong maganda, at imbes na ikaw ang kampihan ni ermat at erpat dahil ikaw ang binastos ng kuya mong ungas, eh putragis sasabihin pa sayo na “Azrael anak, pantay ang pantay ang tingin namin sa inyong lahat. Lahat kayong mga anak namin, pare-pareho lang namin mahal. Kalimutan mo na ang nagawa ng kuya mo, pagpasensyahan mo na lang kase sadyang may kakulangan yan sa pag-iisip. Kuya mo yan. Dapat mahalin mo rin. At pagkatapos nga pala ng usapang ito. ILIGPIT MO MGA PINAGKAINAN HA AT IKAW ANG MAGHUGAS!”

Putangina! Kung ganyan ang mga magulang ko sa totoong buhay magrerebelde ako talaga. Buti na lang mabait si ermat at erpat. Wala sila pinapanigan. Kapag mga utol ko ang mali, pinapagalitan nila tapos ako may gift na isang kahong beer at pulutan na crsipy pata para ako lambingin. Kapag ako naman ang mali, binibitin ako patiwarik ng isang buwan sa puno ng mangga sa kanto, tapos nireregaluhan ng bagong kotse ang mga kapatid ko. O di ba fair?

Teka muna. Back to rebellion. So ayun na nga, naisip kong mag-rebelde. Kahit man lang online eh mailabas ko bwiset ko. Sinara ko ang blog. Lahat ng maling hirit sa YM hindi ko kinakausap (kahit na on na webcam at naghuhubad na). At ang pinakamatindi…. Nag-rebelde ako sa pamamagitan ng pag-ubos ng laman ng wallet. Women when they get depressed, they go on eating binges and shopping sprees di ba? Siguro mas maiintindihan ako ng mga babae sa sinasabi ko ngayon Makes no sense pa rin ampfft!

Basta, naging masarap ang pakiramdam ko ng naubos inubos ko pera ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. But like what I just said to a friend, “Not all things that happen in this world can be explained”.. And rebelling by spending your money on something so expensive, is something i can never elucidate.

Bigla akong nagpunta sa mall kahapon. Iniwan ko ang trabaho at nag-window shop muna, Naghanap ng isang bagay na pwede kong bilhin na babagay sa aking ‘rebelde’ mood. Pag dating ko sa camera section. May ngiti ako na hindi maipaliwanag. Nakita ko na ang gusto kong bilhin. After 2 hours of looking around, my search for the Holy Grail came to an end.

Rebelde pala ha. Eto sayo! Binili ko sya na hindi na nagdalawang isip pa.

CANON EOS XTI 400D Digital Rebel

 

CANNON EOS XTI 400D Digital Rebel

dsc02035.jpg

dsc02036.jpg

dsc02037.jpg

Hmmmm.. next time na mag-rebelde ako, ano kaya maisunod?

Possibly Related Posts:


Comments (29)

Haven’t posted a new mix lately. Hindi dahil sa wala akong bagong mix. Madami. Hindi ko lang magawan ng entry. If you noticed, all the mixes I have posted came up with introductions and backrounders. I wanted to explain what inspired me doing the mixes, at the same time, try to educate readers about the different subgenres of electronica and make them recognize that there are better music out there compared to the ones they are listening to right now.

Nakapila na nga ang mixes ko eh. All ready for upload. Meron Reggae, Techno, Retro, Chicago House, Chillout, Club, etc. I just can’t compose entries for them. Tinatamad pa ako. Ayoko naman paulit ulit lang sinasabi ko.

That’s why I came up with this idea. I have wished that readers and followers of my blog would participate in my projects. Yung tipo bang they will suggest which type of music I should compile next. Marami din naman nagbigay ng kanilang suggestions and requests, kaso mo puro pabiro. Hindi seryoso. Eh seryoso pa naman ako pag dating sa ganito. Yan ang bagong gimik! I will let readers request and submit their tracks, and I will make a mix out of them. KEWLNESS! Naiisip ko pa lang, biglang………….

Enter JEP. Out of nowhere biglang sulpot ang mamang ito. I’d like to think that he’s an avid reader of my blog, or a fan of my mixes, or maybe both. Pero hindi ko inaasahan na seseryosohin nya ang kanyang sinabi dati. Here’s what Jep said:

 

asteg talaga ni idol az. kahet nde ako blogger (at multiply people lang ako, and mostly reading lang gawain ko) idol talaga kita. daming talents. pede bang mag apply bilang tagahanap ng songs mo para sa mixing mo? para me share den naman ako sa mga mixing mo. hehe. ako na lang maghahanap ng materials mo na gagamitin idol az. galing kase ng music mo eh. para naman in return, nde ka na mahirapan maghanap ng materials dba? hehe. bilang thank you ko na den un idol az. you deserve this recognition man! your the man!!!

Natuwa ako nung nabasa ko yan. Parang kahit man lang pabiro eh meron yata mag-uubos ng oras para tumulong. Tinotoo ni jep ang sinabi nya. He painstakingly researched on music (kase daw baka ibasura ko lang pag korny nyahahaha), downloaded them, compiled them, uploaded them to a hosting and sent me a pm message:

jeypz_16 (10/15/2007 6:33:42 AM): idol?
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:33:49 AM): oooist jep!
jeypz_16 (10/15/2007 6:33:53 AM): oi idol
jeypz_16 (10/15/2007 6:33:54 AM): hehehe
jeypz_16 (10/15/2007 6:34:00 AM): ayus at andyan ka
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:34:02 AM): swerte naabutan mo ako, paalis nako in 15 mins
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:34:07 AM): balita parekoy?
jeypz_16 (10/15/2007 6:34:11 AM): okay naman
jeypz_16 (10/15/2007 6:34:22 AM): idol ah.. asaken na materials na gagamitin mow
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:34:27 AM): gusto ko proposal mo ha
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:34:33 AM): type ko yan, challenging
jeypz_16 (10/15/2007 6:35:40 AM): split ko na lang sa dalawa idol
jeypz_16 (10/15/2007 6:35:43 AM): para nde ka mahirapan
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:36:01 AM): ilan ba yan?
jeypz_16 (10/15/2007 6:36:05 AM): 169mb
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:36:09 AM): wag mo nako tawagin idol
jeypz_16 (10/15/2007 6:36:20 AM): hehehe
jeypz_16 (10/15/2007 6:36:21 AM): cge
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:36:31 AM): hala malaki nga.. ilan tracks? at ano genre?
jeypz_16 (10/15/2007 6:36:35 AM): hmm
jeypz_16 (10/15/2007 6:36:43 AM): uhm 18 tracks
jeypz_16 (10/15/2007 6:36:55 AM): genre.. halo halo eh
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:37:00 AM): hmmm.. pwede
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:37:05 AM): pero dance music?
jeypz_16 (10/15/2007 6:37:08 AM): uu
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:37:14 AM): ayus yan
jeypz_16 (10/15/2007 6:37:16 AM): ayaw ko itapon mo ung materials eh
jeypz_16 (10/15/2007 6:37:19 AM): ayaw ko mapahiya sayo
lllllll_azrael_lllllll (10/15/2007 6:37:34 AM): sige basta special mention ka sa next mix
jeypz_16 (10/15/2007 6:37:38 AM): naks
jeypz_16 (10/15/2007 6:37:40 AM): idol wag na

Pareng JEP! Hindi mo alam kung gaano ko na-appreciate ang contribution mo. Matagal ko na natapos ang mix kaso mo, tumagal sa entry part ampft! Hindi ko kase alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ganun ang kinalabasan.

Ngayon ko lang na-realize na hindi lang pala dapat ‘special mention’ ka sa mix na ito. Ikaw dapat ang bida. You were the one who worked hard for this. I was just the DJ, the tool that made it complete. Saludo ako sayo bro. Hindi ka lang reader at fan sa mata ko. ISA KANG KAIBIGAN NI AZRAEL. In this entry, I’m giving the limelight to you! You’re da MAN!

Sa mga chiks jan, add nyo sa YM si JEP. Maganda ang kanyang taste sa music. You can run to him if you need to get your hands on some tracks that are hard to find. He may not be able to download music for you, but he sure can point you in the right direction where to get them.

So without further ado, I present you my latest mixed compilation. 15 soulful and sexy house tracks that are guaranteed to get your groove on. A collaboration of a DJ blogger and a friend. Download and enjoy!

sexy_cover_1.jpg

click HERE to download

SEXY - DJ ROBIN MENDOZA TRACK LISTING

1. My Life (Original Classic Mix) - Hardsoul & Ron Caroll
2. So Far (Album Mix) - Miguel Migs
3. Universal Love (Jay-J’s Shifted Up Mix) - Ananda Project
4. It’s Alright (Hannu Mix) - Sterling Void
5. Never Ending (Extended Mix) - Kaskade
6. Alive (Original 12′ Mix) - Locktown & Alexandra Prince
7. Everybody (All Around The World Spread Love) - FPI Project vs. Philtre Phreekz feat. Bianca Lindgren
8. The Answer (Original Mix) - Bassmonkeys feat. Naomi Marsh
9. I Know You’re There (Ek’s Extended Mix) - Xenon feat. Bonnie Bailey
10. Jazz In Your Face (Soulseekerz Mix) - Erick Morillo
11. Let The Music Play (Riff ‘N’ Rays Mix) - Riff ‘N’ Ray feat. Kelly Llorenna
12. For Your Love (T&F vs. Moltosugo Klub Mix) - Moony
13. Take It (Closing Time) (Extended Video Mix) - Tom Novy feat. Lima
14. Oh! What A Girl (Sweet Connection Extended Vocal Mix) - Simply Red
15. Turn Me On (Freemasons Mix) - Dirty Old Ann

————————————————————————————–

azrael.jpg

If you find my mixes cool, please support me by putting a banner on your blog’s sidebar. It will be much appreciated.

here’s the banner code:

<p align=center><a href=http://azrael666.wordpress.com/the-dj/><img src=http://img110.imageshack.us/img110/4400/azrael02e2sg9.jpg border=0 alt= AZRAEL width=180></a></p>

 

Possibly Related Posts:


Comments (24)