Archive for November, 2007

1. Mataas ang uric acid levels ko. I don’t know what’s the effin’ name of that condition, pero 2 times na nangyari saken na hindi ako makalakad sa sobra sakit ng paa. Wala ako rayuma. Hindi pa ako ganun katanda.

2. I’m losing my vision. I can’t even tell the time on my watch, kailangan ko pa ilayo ang putangnang relo para mabasa ko ang oras. Pag malayo ok naman. Pag sobra lapit yun ang problema. Epekto ng halos araw-araw nakasilip sa surveying instrument at nasanay ang mata ko sa malayo? Hmmm.. Baka nga.

3. My hyperacidity is killing me. Dammit. I’m not sure if this is still hyperacidity or ulcer. Hell, I can’t even tell the difference between the two. Basta minsan na lang sobrang sakit, parang may nag-aamok sa loob ng bituka ko. At minsan din may tunog pa. Tunog utot sa loob na parang hangin na hindi makalabas.

4. Badtrip na ‘tong backpain nato ha. Hindi na biro ang sakit. Kahit ano posisyon sa paghiga, pag-upo, at pagtayo tangna parusa pa rin. I have a history of backpains. I know it’s not UTI or some kidney related ailment for I had my kidneys and bladder checked and they’re ok. Sa spine yata eh. Damn.

5. At ang latest kapabdtripan – Galing ako sa CR kanina. This is the second time in 1 month that this happened to me. There’s blood in my stool. Before it was bright red. Now it’s dark red. Oh my. What is happening to me?

Ang problema saken, masipag ako sa ibang bagay. Pero ang pagpunta sa doktor, jan ako tamad. Hangga’t hindi ako sumusuka ng dugo at napuputulan ng ulo, hinding-hindi mo ako mapapapunta sa ospital. Pasaway???

Dapat ba akong kabahan? Tinatanong ko ang sarili ko nyan everytime I feel something wrong with my body. And everytime I think about it, I think of my wife and my baby daughter.. Kapag nalaman ko na may sakit pala ako, at may taning na ang buhay.. Paano na sila. Oh no.. Hindi ko yata kaya. Kaya kinakabahan ako. Hindi pa ako handa namawala sa buhay nila.

Pero kung magiging selfish, palaban at ang sarili ko lang ang iisipin ko.. Ito lang ang masasabi ko..

I DON’T GIVE A FUCK. I CAN TAKE IT… BRING IT!

Ok, joke lang. Nagbibiro lang ako lord. Peace tayo ha? Wag muna now. Madami pa ako gustong gawin sa buhay. Madami pang pangarap at plano na gustong isakatuparan. Marami pang pagkakamali na gustong itama…

 

worried.jpg

Possibly Related Posts:


Comments (40)

FUCK YOU

Possibly Related Posts:


Comments (6)

Malapit na ang pasko! Gusto kong pasalamatan ang lahat ng matyagang nagpapabalik-balik sa aking blog, ang mga readers at commenters na walang sawang nakikigulo sa happenings na nangyayari sa aking humble na page, ang mga kaibigan na sumusuporta at nakikiramay sa lahat ng pinagdadaanan ko sa araw-araw, ang mga kapwa bloggers na naging inspirasyon sa akin upang kumurot ng kapirasong lakas ng loob para ituloy ang pagsusulat, to all the girls i loved before, and will love in the future (bwahahahaha!) at higit sa lahat.. Nais kong magpasalamat sa daan-daang freeloaders na nagpupunta lang sa blog ko para mag-download ng mixes na hindi man lang makuhang mag-iwan ng mensahe o bakas. Nyahahahahaha!

Wala akong maisip na maibigay sa lahat. Hindi naman ako mayaman para bigyan kayong lahat ng regalo. At kahit na milyonaryo pa ako, hindi naman din ako tanga para gawin yan. Ano ako bale?? Nag-download na nga ng libre, gusto pa ng gift? Aba. Over na ha. Puro kabig na lang yan no!

I believe that GIVING, not GETTING, brings to full bloom the Christmas Spirit. At imbes na mag-post ako dito ng mga bagay na gusto kong matanggap sa pasko, ang gagawin ko na lang ay magbibigay ako ng galing sa puso. Hindi man sya mahal at sing-bongga ng mga regalong natanggap at matatanggap nyo pa ngayong kapaskuhan, isang bagay lang ang sisiguraduhin ko…

Kahit saan kayo sulok ng mundo magpunta, wala kayong makikita nito!

At ang pinakamagandang parte ng kayabangan regalo na yan, ay… Ito ay pinag-ubusan ng oras ng inyong lingkod upang mabigyan ng konting ngiti ang inyong mga mukha, at saya ang inyong mga puso sa nararating na kapaskuhan.

Mga kaibigan, ang regalo sa inyo ni AZRAEL aka DJ Robin Mendoza:

COVER

click image to download

total running time: 42:06 mins (38.55 mb @ 128 kbps)

TRACK LISTING:

1. The Christmas Song – Mel Torme
2. Happy Holidays – Bing Crosby
3. Winter Wonderland – Johnny Mercer
4. Joy To The World – The Cathedral Brass
5. Jingle Bells – Duke Ellington
6. It’s The Most Wonderful Time Of The Year – Andy Williams
7. The First Noel – Bing Crosby
8. Gloria In Excelsis Deo – Halle-Lujah
9. Adeste Fideles – X-Mas Noise
10. Oh Tannenbaum – Frosty MC
11. We Wish You A Merry Christmas – Three Kings
12. Little Drummer Boy – C.R.U.
13. Auld Lang Syne – Pathfinder

Paunawa: Bago kayo mag-react sa kabaduyan at kakornihan ng mix, uunahan ko na kayo. Christmas Songs po yan party people. Kahit anong production at remix ang gawin jan, ang tunog nyan pang-christmas pa rin. I tried my best looking for songs that won’t sound cheap and cheesy, and this is the best line-up I could find. If you notice, the first 7 tracks are classics. Given a regrooved sound by famous remixers of course. The mix starts with a “Big Band – Swingy” feel, and later given a modern “Big Beat – Triphop” treatment. Around the 23 minute mark, you will notice the “Trancy” beats start kicking in.

I hope you enjoy this one! At baka hindi ko na kayo mabati pag-uwi ko sa pinas kaya ngayon ko na sasabihin..

 

MERRY CHRISTMAS TO ALL!

———————————————————————————–

azrael.jpg

If you find my mixes cool, please support me by putting a banner on your blog’s sidebar. It will be much appreciated.

here’s the banner code:

<p align=center><a href=http://azrael666.wordpress.com/the-dj/><img src=http://img110.imageshack.us/img110/4400/azrael02e2sg9.jpg border=0 alt= AZRAEL width=180></a></p>

 

 

Possibly Related Posts:


Comments (34)

Nagpunta si AZRAEL sa isang manghuhula. Gusto nyang malaman kung ano ang magiging dahilan ng kanyang pagkamatay.

AZRAEL: Parekoy, hulaan mo ako. Gusto kong malaman kung paano ako mamamatay. Sa sakit ba? Old age? Saksak? Rambol? Kidnap for ransom gone bad? O baka naman sa isang controversial na drive by shooting?

Manghuhula: Ah ganun ba. Sige. Patingin ng palad mo. (sabay kapa dito, kapa doon) Hmmmm.. Nakikita ko sa guhit ng palad mo ang dalawang bagay.

AZRAEL: Huh? Dalawa? 2 times ako mamamatay? Double dead?

Manghuhula: Hindi. Dalawang bagay ang maaring magiging dahilan ng pagkamatay mo. Isa sa mga yan.

AZRAEL: Ahhhh.. Ganun ba? Eh ano ba yang dalawa na yan?

Manghuhula: APOY at BATO.

AZRAEL: Pakipaliwanag please.

Manghuhula: Isa sa maaring maging dahilan ng pagpanaw mo ay ang APOY. Maaring sunog. Maaring dahil din sa paglalaro mo ng apoy.

AZRAEL: Bwahahahahahaha! Paglalaro ng apoy ampfft! Pwede! Eh yung bato naman?

Manghuhula: Bato, pwedeng ang ibig sabihin nyan ay semento, konkreto.. Basta bato.

AZRAEL: Shabu? Bossing hindi ako nagda-drugs, malabo hehe.

Manghuhula: Medyo magulo ang nakikita ko sa palad mo. Hindi ko ma-pinpoint ng eksakto. Basta ingatan mo ang sarili mo sa dalawang bagay na yan. Apoy at Bato. Umiwas sa Apoy at Bato.

AZRAEL: Ok. Apoy at bato noted! Salamat bossing. I’m outta here!

Habang tinatahak ni AZRAEL and daan palabas sa lugar ng manghuhula, halos mabingi ang kanyang tenga sa ingay sa kalye. Truck ng bumbero. Madami. Nagkumpul-kumpol sa isang lugar. Madaming tao ang nagkalat sa kalye, nagmamasid, nakikiusyoso… “SUNOG! May isang building na nasusunog!”

 

Fire

Naalala ni AZRAEL ang sinabi ng manghuhula. “Apoy”.. Umiwas sa apoy.

At yan nga ang ginawa ni AZRAEL. Umiwas sya sa kaguluhan, at tinahak ang daan na palayo sa sunog na nagaganap. May ngiti sa mukha ni AZRAEL habang bumubulong sa sarili. “Hehehe.. Sunog pala ha? Neknek mo apoy! Not now. Not ever. Bwahahahaha!”

Hindi pa nakakalayo si AZRAEL sa paglalakad, ng madaanan nya ang isang lumang building. May naka-paskel na notice sa labas, at mababasa ng malinaw ang salitang “Condemned Building. For Demolition”. Palapit sana si AZRAEL sa building ng mayroon syang narinig na nagsisigawan. “Ilag mga tol! May mga debris na naglalaglagan! Bumabagsak na ang building!”.

debris

Naalala ni AZRAEL ang sinabi ng manghuhula. “Bato”.. Umiwas sa bato.

At yan nga ang ginawa ni AZRAEL. Umiwas sya sa lugar na iyon, at siniguradong malayo ang kanyang kinatatayuan sa mga naglalaglagang debris na galing sa lumang building. Muling napangiti si AZRAEL habang bumubulong sa sarili. “Hehehe… Debris pala ha? Neknek mo bato! Not now. Not ever. Bwahahahaha!”

Tuwang-tuwa si AZRAEL habang naiisip ang dalawang aksidente na kanyang nakita kani-kanina lang. May kayabangan na sinabi sa sarili, “Dalawang beses ko natakasan si kamatayan ngayon! Hahahaha! I am invincible! I’m da man! Bwahahahaha!”

Sa sobrang galak at hyper ni AZRAEL, hindi nya napansin na may rumaragasang sasakyan ang papunta sa kanya. Hindi na nya nakuha pang umiwas. Nabundol sya nito. Bagsak si AZRAEL. Matindi ang paraan ng paghinto ng sasakyan. Eksakto sa dibdib ni AZRAEL, napapatong ang front wheel ng kotse. Mayroon lamang isang fire hydrant na tinamaan, ang tanging nagbibigay leverage upang hindi tuluyang maipit at ma-crush ang kanyang katawan. Ramdam ni AZRAEL ang bigat sa kanyang dibdib.

Nagkagulo ang mga tao. May nagsigawan. May nanigas sa kinatatayuan sa pagkagulat sa nasaksihan. Lahat ng tao nanlalaki ang mata. Hindi makapaniwala. Nagulantang ang lahat…

Pwera lang kay AZRAEL…

Tumawa pa ng malakas ang mokong. “Bwahahahahaha! Don’t worry mga fans! Ok lang ako! Hindi pa ako mamamatay! Nabangga lang ako! Nahihirapan lang ako huminga dahil naipit ako ng gulong! Hindi ko pa oras don’t worry! Walang apoy at bato dito! Bwahahahahaha!”

At habang tumatawa ng malakas si AZRAEL, at nagpapabaling ang ulo sa kaliwa’t kanan.. Bigla syang nanlamig at natahimik sa kanyang nakita…

fs.jpg

 

AZRAEL: Shit…………

Possibly Related Posts:


Comments (15)

Bad Back

Bad backI’ve been experiencing this for some time. Hindi ko lang pinapansin noon dahil tolerable pa naman. But today was different. Parang winakwak ang likod ko at pinipilit hilalhin ang spinal chord palabas. Tangina ang sakit. I am really getting old. The kind of lifestyle I had, the nature of my work, my slapdash way of doing things, at siguro kasama na din ang libo-libong pagkakataon na minolestya, sinakyan at inibabawan ako ng babae, ang dahilan kung bakit sinisingil na ako ngayon. Hindi magandang senyales ito. Goodbye sex life? Hello wheel chair? Hmmmm… not good.

Goin’ to the doctor tomorrow to have it checked… If I can manage to bring myself to the hospital that is…

Tsk tsk tsk.. Problem.. Very Big problem…

Possibly Related Posts:


Comments (14)