Ang REYNA sa buhay ni AZRAEL
I was tagged by Chona aka Antuken to make a post about my significant others other. I find this one cute. Finally, malalaman na ng buong mundo kung sino ang babaeng nagpaluhod kay AZRAEL.
——————————————————————————————
Instruction: (sorry pinakialaman ko)
A blog post about your better half (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:
- First name: if she doesn�t like her name plastered all over the internet, a pet name will do.
- How and where did you meet?
- Characteristics
- Your plans 20 to 30 years from now
——————————————————————————————
1. Misis Azrael�s real name is JENNIFER. Her nick is Jenny. Some call her Jen, Jeng, Jeng-Jeng, Jennygirl but we call each other “Honeybee”. Tawag sa amin ng mga common friends, “Honeybees”. Nagbago yan noong nagka-baby na kami. “Mommybee” na sya, at ako naman “Daddybee”. At syempre si Aila, nabansagan din ng “Babybee”. Ang tawag ng barkada sa bahay namin sa Tagaytay, “Beehive”. Oo na, baduy na kung baduy, eh ganun eh ano magagawa ko. Pag mag-kaaway kami, I call her �HOY� and she calls me �HOY KUPAL�. O di ba? Astig din sya hahaha!
2. It was December 1999 when a friend gave Jenny�s number to me. Kakatapos lang ng isang lousy relationship ko noon with another girl, wala pa balak magka-gf ng bago, but decided to give Jenny a call nonetheless.. Tipong kwento kwento lang. Baka maganda eh sayang hehe. We started talking on a regular basis and I found myself getting very much interested in her. Naging routine ang pag-uusap namin sa phone at minsan inaabot hanggang madaling araw. You could say, we clicked kahit na hindi pa kami nagkikita. We never got tired of each other, and after 8 months or so (tagal no?), we decided to meet for the first time. Malakas ang ulan noon tandang tanda ko pa, pero sugod pa rin si AZRAEL sa office ni Jenny sa Makati. It was a casual first time meeting. Nothing fancy really. We just had dinner at Chili�s Greenbelt (nandun pa kaya yun?), and that was it.
Aaminin ko na. Mabilis ako sa talaga sa babae. Hindi naman sa nagmamayabang, pero first time meetings usually nakaka-score na ako at kung saan saan agad nakakarating. Pero hindi umubra ang guts at kabilisan ko na ala ‘The Flash’ kay Jenny. Ako mismo umatras when I found out she�s different from other girls. Hindi basta basta. hindi bastusin. She had class and this aura that up to now, I can’t explain Siya yung tipong mapapasipol ka sa kaseksihan, laglag ang panga mo sa pag-hanga, pero hindi ka makakaporma dahil kapag tinitigan ka, parang nagbibigay ng warning na “Tado ka. May beinte-nuwebe ako dito na kinakalawang. Subukan mo lang, ng magilitan kita ng leeg”. Iba din tumingin ang loka. nagmistulang natutunaw ako na kandila sa lagkit at talim ng tingin. It�s the way she looked at me that I found really scary amazing.
Nasundan ang aming first meeting ng madami pa, pagkatapos ng 4 months na araw-araw na pagsundo sa kanya sa office, I asked her kung pwede na kaming mag-motel. Ay mali hindi pala yun lol. I asked kung official gf ko na ba sya. Putragis hindi ako sinagot. Tinawanan lang ako. Umuwi akong malungkot sa pag-aakalang friendship lang ata ang magiging resulta ng panliligaw ko.
I got a call from her on Dec. 13, 2000. Nagpasama sa isang Christmas Party. Sugod si AZRAEL. Syempre kainan eh. Natapos ang party at inihatid ko sa bahay si Jenny, but before we parted ways, she gave me a gift, and planted a kiss on my cheeks (First time yun. Ilan beses ako nag-attempt na kumiss, lagi sampal inaabot ko eh). Tanda ko pa ang kulay ng wrapper. Pink and Lilac. She told me to open it�
Nagulat ako. It was a ring, and the words �JENNY � YOURS FOREVER� were engraved on it. Waaaaaah! Ako ang binigyan ng singsing! Tanggal ang pagiging macho ko at feeling ko ako ang babae ampft. She showed me the other ring, the one she had on her finger for quite some time already, na hindi ko naman inakala na may ka-partner pala. Engraved on hers were the words �ROBIN�S GIRL�.. Abot hanggang tenga ang ngiti ni AZRAEL. Bukod sa official gf na nya si Jennifer, nakatipid din sya sa pagbili ng singsing wahahaha! Cute no??
So Dec. 13, 2000 was the date Jenny and I officially became a couple. After 3 years, we decided to tie the knot and guess what? We got married on Dec. 13, 2003. At ang kulay ng motif namen was Pink and Lilac. Malapit na rin pala ang 7th year anniversary namin, at syempre isasabay na namin ang binyag ng aming one and only princess. Ang produkto ng aming kalandian pagmamahalan. Si Maria Aila Ysabelle.
3. Simple lang si Misis Azrael. The one thing that really stands out about her personality is her generosity. Sobrang mapagbigay nyan. Sa magulang, kamag-anak, kaibigan at kahit sa mga taong hindi gaano kilala. She’s always there to help and lend a helping hand when needed. Masyado mabait at masayahin. Laging nakatawa, pero iyakin din. Makakita lang ng pusa na tumatawid sa kalye naiiyak na kasi daw baka masagasaan kawawa naman. She likes cats by the way. She has 4 of them bastards. Sinabi ko nga pag-uwi ko gagawin ko siopao yung mga pusa eh dahil makukulet, baka makalmot ang prinsesa ko. Inaway ako. Hihiwalayan daw nya ako pag nagalusan mga pusa nya waaaaaaaah!
Ang isa pang nakakatuwa kay Misis Azrael, masyado touchy yan. Ako kasi hindi eh. Si misis lagi yan nakadikit saken na parang linta. Hindi natutulog pag hindi nakapasok ang kamay sa brip ko nakayakap sa akin. And I�m telling you, she is a very good wife. Magaling magluto. Marunong sa bahay. Masipag. And she knows her role very well. Hindi sya nakikipagkumpitensya
pagdating sa usapang ‘man and wife’. She lets me decide on things most of the time. Pero syempre minsan sa kanya din ako humihingi ng advices, and she’s pretty good at giving them too.
Kaya perfect match kami ni misis. We are different in so many ways, and yet we bond so well. Swak na swak. Hand in glove ika nga. The secret to our longetivity, that started with friendship and led to marriage, is how we complimented each other through the years.
4. I see myself still happy and content with Misis Azrael after 30 to 40 years. Sana umabot pa kami ng ganung age. In 30 to 40 years time, Jenny and I see ourselves playing with our grandkids (malamang isandosena, dahil balak namin sundan agad si Aila pag pwede na hehe)
Siguro by that time, retired na kami sa aming respective careers at nag-eenjoy na lang kaka-travel, cruise trips, sightseeing and maybe touring the world. Kami lang. Walang asungot na kasama. I wanna take her to cool and romantic places like Iran, Iraq, Afghanistan, Pakistan.. Ay mali!�. Paris (kiss kami sa taas ng Eiffel hehe), Venice (gondola ride aaaww), Taj Mahal in India, Spain (I’ll run with the bulls, tapos si misis sumisigaw “Takbo! ayan na yung mahaba ang sungay! Tina-target tumbong mo hala ka!”, Aspen Colorado (We’ll learn to ski together), Bahamas, at kung saan saan pa. Yun! Dun pala kami pupunta hehe. Huh? Teka muna 30-40 yrs from now tapos magpapahabol pa ako sa bull?? Ah basta. Pangarap ko yan wag kayo magulo. Nyahahaha!
Alam kong madami akong kapalpakan sa buhay. Alam din ni misis yan. Pero at the end of the day, SHE IS THE ONE I WANT TO SPEND MY LAST DAYS ON EARTH. Parang cool yata na ending sa chapter ng buhay ni AZRAEL sa lupa, yung scene na � Matanda na ako at bungal.
Hindi na makatayo at makakilos ng maayos. Nakaupo sa rocking chair sa balkonahe ng isang cottage sa bundok. Tahimik ang paligid at ang maririning mo lang eh yung huni ng mga ibon. Nakatitig at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ka-holding hands si Misis Azrael, at bumubulong sa kanya ng � �HONEYBEE, WE DID GOOD�.. Sabay tingin sa mga mata ni misis, ngingiti, at isang matinding hinga na malalim.. Sabay ayun. Wala na. Dedo nako.. The end na si AZRAEL.. So peaceful and serene.. Such a fitting way to end my chaotic life.. Haaaaays�
Thanks for everything honeybee. Advance Happy 7th year wedding anniversary. I will see you soon. I LOVE YOU MY QUEEN..
——————————————————————————————
Time to pass the tag: ICE ICE BABY, KIKO, JON CABRON, ROY and MYLENE. Tulad ng mga nauna saken, gusto ko rin malaman ang lab story nyo at ng inyong mga mahal.
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


45 comments
Banana
on
November 20, 2007 at
12:56 am
Amen.
Aabangan ko ang mga pictures ng apo ninyo, sana dito pa rin sa Blog mo na ito. tsk tsk..
Uyy.. magandang idea ito ah. Hahaha! oist mga blogo-friends, kung sino magkaka-apo puwede paki balita naman dito at i post ang piktyur waaa! Sorry po naisip ko lang kase magha-high school na ang baby ko waaaaa!! :cry:
Reply
A Z R A E L
on
November 20, 2007 at
12:59 am
@ Annie – Salamat sa ‘nakaka-batang’ komento mo hmmp!. Kung meron man gagawa nyang idea mo, malalamg ikaw mauuna. nyahahahaha!
Reply
chuvaness
on
November 20, 2007 at
2:21 am
grabeng ang sweet ni misis azrael..gayahin ko nga yang style nya…ako na din magbibigay ng engagement ring…hahhaha
pero natuwa ako sa lab story nyo…wish you and misis all the lab in this world!
Reply
Kiko Matsing
on
November 20, 2007 at
3:24 am
Woohoo! Ang sweet naman!! Congrats sa inyo!
Umpisahan ko na nga rin gawin ‘tong tag mo sa akin, utang ko din ‘to kay brath eh! Hehe!
Reply
jojie
on
November 20, 2007 at
4:46 am
uy.. si pards.. swit-switan.. hahahaha! mas kinilig ata ko sa inyo kesa kina bea at john lloyd.
Reply
Damienctf
on
November 20, 2007 at
6:23 am
Bossing, gawa ka ng script ninyo at benta natin sa Regal or sa GMA Films… sigurado blockbuster hit yan! Tapos kunin nating leading man si Sonny Parsons para ASTIG! hehehe…
Great lovestory btw p’re, paiyak ako lalo na sa part ng pagbigay ng singsing ng misis mo, hehehe. Hope you lead many more years in blissful married existence surronded by all your wonderful kids, and their kids, and their kids…haba nun ah…
Reply
cdy173
on
November 20, 2007 at
6:42 am
wow…super kilig ako.napaka romantic! pang-maala-ala mo kaya ang dating…
advance happy anniversary sa inyo ni misis azrael..more kidz to come!
Reply
bruhilda
on
November 20, 2007 at
8:38 am
wow… sobra kakakilig naman love story nyo. kakainggit…pwede na pang MMK.
Reply
kuya dom
on
November 20, 2007 at
9:11 am
woahhhhh-super romantic naman ng lab story nyo ni misis…at nadala ako sa mga sinabi mo hahahaah–parang bigla kong naitanong sa sarili ko na baket ba kasi nag monge pa ako at disin sana ay may tulad din ako ng misis ni azrael ? bwhahahahahahah—-
Bless you kapatid!
Reply
bunz2605
on
November 20, 2007 at
9:17 am
aww… kaka-inlab naman!!!! very inspiring!
e2 yun mga tipong kahit paulit-ulit kang masawi sa pag-ibig eh patuloy ka pa ring maniniwala sa power of love!! yihee. **kileegg**
Reply
...sommer...
on
November 20, 2007 at
10:07 am
…awww, ang sweet naman. as usual kainggit.:p
…walang binatbat ang ending ng the notebook sa ending na ginawa mo e.hehehe!
Reply
camille
on
November 20, 2007 at
1:08 pm
kaka-inlab naman… :oops:
Reply
icsx
on
November 20, 2007 at
1:53 pm
it is a sweet, creative, unique in its own way, heart warming love story.
i hope and pray na hindi ka na mambabae. lolz! manlalaki na lang. lolz! uli.
seriously, i hope and sincerely pray both of you make it to the very last breath you exhale.
and to the next lifetime…. and to the next… and next… and next….
Reply
Rhapsody
on
November 20, 2007 at
4:58 pm
ang sweet mo palang asawa akalain mo nga naman… sa kabila ng kalokohan sa babae, kay Mrs Azrael parin ang balik mo.. xempre naman nasa knya na lahat… pero ang cute tlga ng story lalo na ung episode na “the ring” naks.. kaw pa binigyan ng ring… pero ang sweet din tlga ni misis.. i love her na hahaha
ung tag… sana magawa ko.. pero parang ayoko… basta saka na hehehe
Reply
Misyel
on
November 20, 2007 at
6:50 pm
Hanep kinilig ako sa lab story nyo ni misis! Hmmm ang gandang idea nung ginawa niya na bigyan ka ng ring, magaya nga! lolz. Walang originality, hehehe… Kwintas na lang sa akin, nyahahha!
Happy Anniversary sa inyo! May you have more Aila to come
Reply
Jep
on
November 20, 2007 at
8:33 pm
weeee! answeeet pala ni honeybee/mamabee ni idol! tsk tsk. sana ako den me honeybee den na ganun. hahaha.
idol! happy anniversary sa inyo ni mamabee! sana magtagal pa kayo at magkaroon pa ng madaming babybees para madami kang tuturuan na mag mix! wooo hooo!
Reply
kuya dom
on
November 21, 2007 at
2:06 am
tutal napag uusapan din lang naman ang tags–ay ni tag kita rael nyahahahahah— check mo na lang dito.
bless you kapatid!
Reply
brath
on
November 21, 2007 at
8:05 am
wow hapi anibersari sa inyong dalawa ni misis azrael…
lam mo az gagawin ko rin sana yung ginawa ni misis azrael na pagbibigay nung ring e, kaya lang naunahan ako, tsk tsk,
xiao!
Reply
cathy laine
on
November 21, 2007 at
2:14 pm
in fairness, touch ako… taray ni Misis ha, sya nagbigay ng singsing! IDOL!!!!
Reply
vera
on
November 21, 2007 at
5:14 pm
ayayay… ngaun kompleto na ang Azrael FAmily sa utak ko.. nakita ko na c misis e! knno nga ba kamukha c potpot?….hmmmm– sweet tlga ng labs story nyu!
i have tagged for you! ingats!
Reply
kengkay
on
November 22, 2007 at
12:54 am
ang sarap naman ng love story nyo, hayyyy… az, lalo naman ako na excite para sa yo sa pag uwi mo this december… ready ka na ba, hehehe
Reply
KoPi
on
November 22, 2007 at
4:15 am
how swit naman ingget aku
, sana tumagal pa kayu ni mrs azrael ( ang ganda ng story nyu! )
Reply
KoPi
on
November 22, 2007 at
4:16 am
az pano ko mababasa un alienated walang pass.. pa send naman =)) ty
Reply
alphasensei
on
November 22, 2007 at
1:30 pm
awwww… kinilig ako dito ha.
gusto ko sana sagutan itong tag na ito kaso lang feeling ko wala ako malalagay sa 20-30 years from now. haha olats.
Reply
Maldito
on
November 22, 2007 at
1:38 pm
ang sweet…kinilig pwuet ko sa love story…ahehee
Reply
antuken
on
November 22, 2007 at
2:55 pm
thanks for sharing your love story. as usual, wala na naman binatbat love story namin. you beat us in everything. tsk. tsk. hehe. sorry, at ngayon ko lang nabasa ang post mo. have been very busy. with work. and love. lapit na eh.
mrs. azrael is one cool chic. kung saken nya ginawa yung ginawa nya, laglag panty ko. hahaha.
i wish you more years of wedded bliss, and plenty of healthy kids!
thanks for doing the tag.
Reply
ris
on
November 22, 2007 at
6:06 pm
this is so freaking sweet!
i can see she’s just the right one for you, mukhang na-tame ka sa kanya eh! hehe.
Reply
istarfish
on
November 22, 2007 at
6:58 pm
aaaww! super sweet. hay, inggit ako.
advance happee anniv po kuya!
nyehehe.
Reply
lilmispasaway
on
November 22, 2007 at
9:58 pm
how sweet!
.. nilalanggam na yung monitor ko ahehe .. sana mangyari nga yung gusto mo na death scene, pagdadasal ko
Reply
thess
on
November 23, 2007 at
12:45 am
Amazing!! Napaka romantic naman ng story nyo. Ang galing mo mag kwento, pramis. Feel na feel ko love mo kay misis and yung love nya for you in return. Tsaka nakakatuwa, pinaghandaan nya ang pagiging ‘kayo’, natawa ako sa sinabi mo na nakatipid ka *lol*
lovely story…I wish you guys more wonderful years and tsikitings to come! At sana nga makapag travel kayo sa lahat ng lugar na nabanggit mo…wag ka lang titigil mag ensayo ng kakatakbo para dumating man yung time na yun, ma-out-run mo mga bulls.
Reply
A Z R A E L
on
November 23, 2007 at
1:01 am
@ thess – hi thess! so glad you visited me again. magaling ba magkwento? hahahaha. i guess thats how it is. kapag totoo at happy ka sa isang bagay, your story tends to be a worthy read. natuwa din ako nung inunahan ako sa ring eh. tipid talaga hahahaha! thanks for the visit again!
Reply
bluepanjeet
on
November 23, 2007 at
3:29 am
Pards, in all honesty nainggit ako dito sa post mo… i’m in the stage wherein i really want to marry someone pero I can’t… it’s a long story. we’ve been best friends since elementary… nag hintayan kami and all until di kami nagmeet. there was a time she waited for me but I didn’t know. when I realized that she had feelings for me, late na coz she had a BF na. till now i’m in the waiting list. My friends say to look for another girl but I guess this is the kind of thing they don’t understand about me.. I already found the woman who I want to spend the rest of my life with at pinakawalan ko and I think i can’t face the fact of marrying someone else other than her when my heart is really longing for her… kaya up tonow SINGOL! haha
ewan, nasa stage ako na sawa na ako sa pubhouse, sa blind dates at kung ano ano kalokohan… I just want to be married and have my own family. Kaya inggit ako sa post mo na ito. Di naman ako bitter kaya lang diba ang hirap gumising sa umaga na yung babaeng dapat sayo ay gumigising sa tabi ng ibang lalaki… ouch!
Masalimuot ang lovelife ko. kung maa-ari iwasan ko sa blog ko. pero this is the truth. dapat kasama dun sa hundreth ko yung mystery woman behind the man kaya lang I kept it to myself muna, di pa ako handa, medyo sansitibo sa akin yung topic dahil mahal ko talaga yung babae at ayaw ko malaman ng mundo ang katangahan ko….
sensya na inako ko na naman eto blog mo. Tatched lang ako sa post mo. nakarelate kumbaga… hay dyaskeng puso ito. kaya ayaw ko pag valentines day eh hehe.
Thank you so much for sharing this post. Naiingit talaga ako haha.
Pax et Bonum Pare.
Reply
thess
on
November 23, 2007 at
12:20 pm
hi again Robin …ipapabasa ko nga sa mister ko ang love story nyo at pipilipitin ko ang mga braso nya para mag guest writer sa blog ko, ipapakwento ko rin ang love story namin….kung paano ko sya pinaghintay sa airport ng 2 oras ng first time nya dumalaw sa akin (kasi sa maling terminal pala ako naghihintay he he)
o sha, sa muling pagkukwento mo ng mga karanasan mo…I like your writing, asteeg eh *lol*
at saka nga pala, kibuin mo naman ako pag napadalaw ka..sige ka mapapanis laway mo
peace kapatid!
Reply
A Z R A E L
on
November 23, 2007 at
12:28 pm
@ bluep – whew! haba ng comment ah. aylabit! nakaka-relate ako sayo bro. i married late. ilan masalimuot na relationships din ang dinaanan ko bago ako nakapag-asawa. before i married misis azrael, meron ako dating gf na muntik ng pakasalan. u know what happened? she went to the states to ask blessings from her parents. i never saw her after that. she died in a car accident. putragis parang bigla nagunaw ang mundo ko noon. i lost all hope and i wanted to die as well. akala ko i will never overcome the pain, but i did. thanks to misis azrael.
kaya ang moral of the story parekoy.. do not be afraid to open ur heart and fall in love.. AGAIN. naiintindihan ko ang sinasabi mo abt ur true love, pero malay mo.. meron dumating na bigla bibigyan ka ng ibang outlook sa buhay.
ang wish ko sayo, sana nga makamtan mo ulit ang pag-ibig nya.. if not, sana meron dumating na magpapatibok ulit ng puso mo.
for the meantime, ayusin muna ang lahat ng gusot sa buhay. plantsahin ika nga. so that wen the RIGHT GIRL comes along, you can tell her.. ‘HEY, I AM ALSO THE RIGHT MAN FOR YOU’ o di ba?? happy lahat. at ang kasunod nyan kasal nya! yahuuuuu!
god bless you bro!
Reply
A Z R A E L
on
November 23, 2007 at
12:32 pm
@ thess again – hahahahaha! natawa ako sayo lols. sige sige maganda yan idea mo. i’d love to read what hubby has to say. sa totoo lang, nakakatuwa talaga pag ang mga lalaki ang nagke-kwento sa kanilang love life di ba? parang hirap na hirap sila sabihin and yet, their stories end up really sweet and amazing!
nagdaan ako kahapon sayo, kaso mo nahiya ako mag comment. ambababait kase mga tao dun eh nyahahaha! daan ako ulit! this time i’ll leave prints! lol
Reply
mhel
on
November 24, 2007 at
5:31 am
wow! breath-taking love story! ang galing mo… it’s rarely you find men who can actually narrate in full (or gruesome hehehe) detail his love story (especially if it’s the legal one, usually they remember the illicit ones hehehe)
amazing, good luck on ur 8th yr bro!
Reply
A Z R A E L
on
November 24, 2007 at
9:19 pm
@ mhel – hey there! thanks for the visit. ilan bote ng beer ang naubos ko nyan, para magkaroon ng lakas na loob na ikwento hahahaha!
Reply
Kahit maputi na ang buhok ko « Ang Saging ni Kiko Matsing on November 28, 2007 at 4:34 am
[...] ko kasi ito ay patungkol sa isa sa mga pinakamamahal ko sa buhay. Kaya salamat kay Brath at Azrael sa tag nila sa akin. The instructions of this game are simple. It’s a blog post about your [...]
Au
on
December 2, 2007 at
4:03 pm
Az ganda naman nito!sa tagal kona nadaan d2 sa sites mo now klang nakita tuh?susmeo puro lang sa mixes ako naliligaw kc!congrats tol Robin,musta sa Mrs mo magkakasundo kami pagdating sa pusa he he he,invite ko kau pasyal kau d2 sa Milan,nvite ko kau mag-anak,catwoman55532001@yahoo.com ayan email add ko,advanced Happy anniversary sa inyo.GODSPEED
Reply
Au
on
December 2, 2007 at
4:13 pm
How romantic naman pala c Az d lang pala magaling na Dj ei,super sweetahhhhhhhhhhh lolz,pulot ng mga beee honeybee,ok tuh Az,ganda talaga…God bless 2 ur family.
Reply
A Z R A E L
on
December 2, 2007 at
9:32 pm
@ au – pag nagpunta kami italy, sagot mo accomodation namin? hehe. thanks for the visit again!
Reply
Idetrorce
on
December 16, 2007 at
3:00 am
very interesting, but I don’t agree with you
Idetrorce
Reply
weng
on
December 25, 2007 at
1:11 pm
wow. ang cute po talaga ninyo! God bless po sa inyo!
-from a blog-wanderer ü
Reply
porkyvore
on
January 14, 2008 at
8:02 am
Ang sobrang sweet naman nito considering na galing sa isang straight guy na hindi nerdaks. Hay. Sana dumami pa ang mga kagaya mo sa mundo (feel ko 1% na lang ang mga ganito). At sana mangyari nga lahat ng pangarap mo pati na iyong pagpapahabol mo sa bull (aabangan ko ang mga pictures).
Reply
A Z R A E L
on
April 4, 2008 at
11:23 am
bakit now ko lang nabasa comment ni idetforce??
hmmm… you don’t agree with me??? cool. all you need to do is read.. there’s nothing to agree with, idiot!
Reply