I recently bought a CANON DSLR. Expensive? YES. Worth it? HELL YEAH! Planning to educate myself more about photography. Who’s willing to strike a pose for me? LOL!
2. DVDS
I’m a sucker for good films. I have hundreds of DVDs. Among my favorites are Gone With The Wind, Wicker Park, LOTR Trilogy (I have the originals), Star Wars Series, 300, Gladiator, 24 Hour Party People, Conspiracy Theory, Contact, Seven, Silence Of The Lambs and Legends Of The Fall. Will buy more soon when I go home. Edu Manzano and your crew, CATCH ME IF YOU CAN! Hahahaha!
3. AILA
Aila’s pics are plastered all over my room. I enjoy buying stuff for MARIA AILA YSABELLE and in fact, I already had one big box, filled with toys and gifts just for her. I hope she likes them. Can’t wait to play with my beautiful ‘lil princess. Aaaaawwww..
I was tagged by Chona aka Antuken to make a post about my significant others other. I find this one cute. Finally, malalaman na ng buong mundo kung sino ang babaeng nagpaluhod kay AZRAEL.
——————————————————————————————
Instruction: (sorry pinakialaman ko)
A blog post about your better half (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:
First name: if she doesn�t like her name plastered all over the internet, a pet name will do.
How and where did you meet?
Characteristics
Your plans 20 to 30 years from now
——————————————————————————————
1. Misis Azrael�s real name is JENNIFER. Her nick is Jenny. Some call her Jen, Jeng, Jeng-Jeng, Jennygirl but we call each other “Honeybee”. Tawag sa amin ng mga common friends, “Honeybees”. Nagbago yan noong nagka-baby na kami. “Mommybee” na sya, at ako naman “Daddybee”. At syempre si Aila, nabansagan din ng “Babybee”. Ang tawag ng barkada sa bahay namin sa Tagaytay, “Beehive”. Oo na, baduy na kung baduy, eh ganun eh ano magagawa ko. Pag mag-kaaway kami, I call her �HOY� and she calls me �HOY KUPAL�. O di ba? Astig din sya hahaha!
2. It was December 1999 when a friend gave Jenny�s number to me. Kakatapos lang ng isang lousy relationship ko noon with another girl, wala pa balak magka-gf ng bago, but decided to give Jenny a call nonetheless.. Tipong kwento kwento lang. Baka maganda eh sayang hehe. We started talking on a regular basis and I found myself getting very much interested in her. Naging routine ang pag-uusap namin sa phone at minsan inaabot hanggang madaling araw. You could say, we clicked kahit na hindi pa kami nagkikita. We never got tired of each other, and after 8 months or so (tagal no?), we decided to meet for the first time. Malakas ang ulan noon tandang tanda ko pa, pero sugod pa rin si AZRAEL sa office ni Jenny sa Makati. It was a casual first time meeting. Nothing fancy really. We just had dinner at Chili�s Greenbelt (nandun pa kaya yun?), and that was it.
Aaminin ko na. Mabilis ako sa talaga sa babae. Hindi naman sa nagmamayabang, pero first time meetings usually nakaka-score na ako at kung saan saan agad nakakarating. Pero hindi umubra ang guts at kabilisan ko na ala ‘The Flash’ kay Jenny. Ako mismo umatras when I found out she�s different from other girls. Hindi basta basta. hindi bastusin. She had class and this aura that up to now, I can’t explain Siya yung tipong mapapasipol ka sa kaseksihan, laglag ang panga mo sa pag-hanga, pero hindi ka makakaporma dahil kapag tinitigan ka, parang nagbibigay ng warning na “Tado ka. May beinte-nuwebe ako dito na kinakalawang. Subukan mo lang, ng magilitan kita ng leeg”. Iba din tumingin ang loka. nagmistulang natutunaw ako na kandila sa lagkit at talim ng tingin. It�s the way she looked at me that I found really scary amazing.
Nasundan ang aming first meeting ng madami pa, pagkatapos ng 4 months na araw-araw na pagsundo sa kanya sa office, I asked her kung pwede na kaming mag-motel. Ay mali hindi pala yun lol. I asked kung official gf ko na ba sya. Putragis hindi ako sinagot. Tinawanan lang ako. Umuwi akong malungkot sa pag-aakalang friendship lang ata ang magiging resulta ng panliligaw ko.
I got a call from her on Dec. 13, 2000. Nagpasama sa isang Christmas Party. Sugod si AZRAEL. Syempre kainan eh. Natapos ang party at inihatid ko sa bahay si Jenny, but before we parted ways, she gave me a gift, and planted a kiss on my cheeks (First time yun. Ilan beses ako nag-attempt na kumiss, lagi sampal inaabot ko eh). Tanda ko pa ang kulay ng wrapper. Pink and Lilac. She told me to open it�
Nagulat ako. It was a ring, and the words �JENNY � YOURS FOREVER� were engraved on it. Waaaaaah! Ako ang binigyan ng singsing! Tanggal ang pagiging macho ko at feeling ko ako ang babae ampft. She showed me the other ring, the one she had on her finger for quite some time already, na hindi ko naman inakala na may ka-partner pala. Engraved on hers were the words �ROBIN�S GIRL�.. Abot hanggang tenga ang ngiti ni AZRAEL. Bukod sa official gf na nya si Jennifer, nakatipid din sya sa pagbili ng singsing wahahaha! Cute no??
So Dec. 13, 2000 was the date Jenny and I officially became a couple. After 3 years, we decided to tie the knot and guess what? We got married on Dec. 13, 2003. At ang kulay ng motif namen was Pink and Lilac. Malapit na rin pala ang 7th year anniversary namin, at syempre isasabay na namin ang binyag ng aming one and only princess. Ang produkto ng aming kalandian pagmamahalan. Si Maria Aila Ysabelle.
3. Simple lang si Misis Azrael. The one thing that really stands out about her personality is her generosity. Sobrang mapagbigay nyan. Sa magulang, kamag-anak, kaibigan at kahit sa mga taong hindi gaano kilala. She’s always there to help and lend a helping hand when needed. Masyado mabait at masayahin. Laging nakatawa, pero iyakin din. Makakita lang ng pusa na tumatawid sa kalye naiiyak na kasi daw baka masagasaan kawawa naman. She likes cats by the way. She has 4 of them bastards. Sinabi ko nga pag-uwi ko gagawin ko siopao yung mga pusa eh dahil makukulet, baka makalmot ang prinsesa ko. Inaway ako. Hihiwalayan daw nya ako pag nagalusan mga pusa nya waaaaaaaah!
Ang isa pang nakakatuwa kay Misis Azrael, masyado touchy yan. Ako kasi hindi eh. Si misis lagi yan nakadikit saken na parang linta. Hindi natutulog pag hindi nakapasok ang kamay sa brip ko nakayakap sa akin. And I�m telling you, she is a very good wife. Magaling magluto. Marunong sa bahay. Masipag. And she knows her role very well. Hindi sya nakikipagkumpitensya pagdating sa usapang ‘man and wife’. She lets me decide on things most of the time. Pero syempre minsan sa kanya din ako humihingi ng advices, and she’s pretty good at giving them too.
Kaya perfect match kami ni misis. We are different in so many ways, and yet we bond so well. Swak na swak. Hand in glove ika nga. The secret to our longetivity, that started with friendship and led to marriage, is how we complimented each other through the years.
4. I see myself still happy and content with Misis Azrael after 30 to 40 years. Sana umabot pa kami ng ganung age. In 30 to 40 years time, Jenny and I see ourselves playing with our grandkids (malamang isandosena, dahil balak namin sundan agad si Aila pag pwede na hehe) Siguro by that time, retired na kami sa aming respective careers at nag-eenjoy na lang kaka-travel, cruise trips, sightseeing and maybe touring the world. Kami lang. Walang asungot na kasama. I wanna take her to cool and romantic places like Iran, Iraq, Afghanistan, Pakistan.. Ay mali!�. Paris (kiss kami sa taas ng Eiffel hehe), Venice (gondola ride aaaww), Taj Mahal in India, Spain (I’ll run with the bulls, tapos si misis sumisigaw “Takbo! ayan na yung mahaba ang sungay! Tina-target tumbong mo hala ka!”, Aspen Colorado (We’ll learn to ski together), Bahamas, at kung saan saan pa. Yun! Dun pala kami pupunta hehe. Huh? Teka muna 30-40 yrs from now tapos magpapahabol pa ako sa bull?? Ah basta. Pangarap ko yan wag kayo magulo. Nyahahaha!
Alam kong madami akong kapalpakan sa buhay. Alam din ni misis yan. Pero at the end of the day, SHE IS THE ONE I WANT TO SPEND MY LAST DAYS ON EARTH. Parang cool yata na ending sa chapter ng buhay ni AZRAEL sa lupa, yung scene na � Matanda na ako at bungal. Hindi na makatayo at makakilos ng maayos. Nakaupo sa rocking chair sa balkonahe ng isang cottage sa bundok. Tahimik ang paligid at ang maririning mo lang eh yung huni ng mga ibon. Nakatitig at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ka-holding hands si Misis Azrael, at bumubulong sa kanya ng � �HONEYBEE, WE DID GOOD�.. Sabay tingin sa mga mata ni misis, ngingiti, at isang matinding hinga na malalim.. Sabay ayun. Wala na. Dedo nako.. The end na si AZRAEL.. So peaceful and serene.. Such a fitting way to end my chaotic life.. Haaaaays�
Thanks for everything honeybee. Advance Happy 7th year wedding anniversary. I will see you soon. I LOVE YOU MY QUEEN..
——————————————————————————————
Time to pass the tag: ICE ICE BABY, KIKO, JON CABRON, ROY and MYLENE. Tulad ng mga nauna saken, gusto ko rin malaman ang lab story nyo at ng inyong mga mahal.
Kausap ko si Tintin last night. Actually lagi ko naman talaga sya kausap noon pa, pero kagabi lang ako pinalad nagtyaga na makipagwkentuhan kay Tintin ng matagal. Wag nyo nang bigyan ng malisya ang aming usapan. Parang magkapatid lang ang turingan naming dalawa. Eh paano ba naman, ‘Kuya’ ang tawag sa akin na parang ayaw magpaligaw ampffft! Tsaka masyadong wholesome ang image nitong si Tintoy para landiin ko pa. At mag-aasawa na yan malapit na sa ayaw natin at gusto!
Seriously, Tintin is a very dear friend. Kung tutuusin bago pa lang kami magkakilala, pero kahit paano napamahal na sa akin ang batang ire. Nalulungkot ako minsan kapag nababasa ko ang YM status nya na puro ‘emo’, kahit hindi naman sya ‘emo’ kaya’t minarapat ko na pasayahin naman ang aking kaibigan.
Kinukulit kasi ako nyan, 2 days na. Mula ng marinig yung ‘Hagibis Mix’ alangya, lumabas din ang pagiging jologita ni Tintoy nyahahaha! Nag-request ba naman ng isa pang OPM mix. Napasubo si AZRAEL. Hindi nakahindi. Napuyat at kinarir ang request ni Tintin. At eto ang resulta: Isang MIX para sa isang espesyal na kaibigan(special child? lol)
Nahirapan ako dito. Sobra tagal bago ko natapos. Siguro mga 30 mins may kasama pa pahinga, kain, shower at laba nyahahaha! Baka nga meron magtampo dahil siguro iniisip nila, ‘Bakit si tintin pinagbigyan? Bakit ako hindi?‘.. Wag kayong magtampururot. Medyo madali lang kasi ang request ni Tin. Danceable naman eh. Yan ang importante sa paggawa ng mix. Yung pwedeng sayawan dahil mayron beats at constant ang BPM (beats per minute). Ngayon pa lang sasabihin ko na at sisirain ang pangarap nyo na magkaroon ng isang mix na puro love songs.. HINDE SYA PWEDEEEEEE!. Pero hmmmmmm.. Pag may kapalit baka sakali pwede hehe.
Sana lang wag bumaba ang tingin nyo saken. Sobrang retro na ‘to eh. Matanda nako oo. Pero hindi ko naman inabutan ang panahon na ito. Pero as usual, TRIP na naman ‘to! Kung hindi nyo type, DL nyo pa rin! Burn nyo sa CD at iregalo nyo sa mga tatay at nanay nyo ng matuwa naman sila at mabigyan kayo regalo sa pasko.
Eto na po. Tintin, here’s a little something for you. From your friendly neighborhood DJ..
total running time: 24:52 mins @ 128 kbps (22.7 mb)
TRACK LISTING:
1. Disco Fever 2. Etcetera 3. I-Swing Mo Ako (with Sharon Cuneta) nyay! ano ba yan! 4. Magsayawan 5. Awitin Mo At Isasayaw Ko 6. Rock Baby Rock 7. Step No, Step Yes
O ayan na Tintin ha! VST and Company as requested! Very Special Treatment ka saken ha. Kase VST ka naman talaga eh - Very Sentimental Tintin! Wahahahahahah joke lang. Friends pa rin tayo ok?
——————————————————————————–
If you find my mixes cool, please support me by putting a banner on your blog’s sidebar. It will be much appreciated.
warning: Isang magulo at nakakakawindang na entry. Pag hindi mo naintindihan, isa lang ang ibig sabihin nyan. You’re an idiot.
—————-
Sino ang nakakaalala pa sa grupong Hagibis? Ang limang bruskong pinoys na sumikat noong 70s hanggang early 80s? Sa mga hindi nakakaalam, ang Hagibis ay maitututuring na ‘legends’ ng Manila Sound. Para mas maintindihan kung ano ba talaga ang grupong eto, basahin ang impormasyon galing sa wikipedia:
Hagibis is an all-male sing-and-dance group from the Philippines. A parody of the Village People, the group sings campy songs mostly about female beauty and falling in love with a beautiful woman. They were famous in the 1970s to the early 1980s and was also a Manila sound icon.
When you watch Hagibis in live concerts back in the 1970s, they imitate camp movements and singing styles. They appear muscular and fresh from the military yet they’re just simple musicians from Manila. Imitating the Village People’s campy movements and musical style gave smiles to Filipino audiences. They also use macho dance steps to express the sense of their masculine songs.
Part of Manila sound, the group is not a disco fever band but an all-male group with Taglish songs and camp imitation.
Below are their hits:
KATAWAN (BODY) - being attracted to the sexy form of a woman.
LEGS - being attracted to the long, smooth legs of a woman.
Legs, legs, legs mo ay nakakatunaw (Your legs makes me melt) Legs, legs, legs mo ay nakakasilaw (Your legs appears so bright)
LALAKE (MAN) - a song which explains why a man is attracted to a beautiful lady.
Unfortunately, the imitating styles of the Manila sound, including the Hagibis style of parodying the Village People, made Manila sound only a sub-genre to American music. At that point, Original Pilipino Music rose to fame. Even though, Hagibis songs became dance classics especially, “Katawan” and “Legs”. These songs are still popular until now. Hagibis is an inspiration of all-male groups.
Ok ok. Bakit tungkol sa Hagibis ang entry na ito? Simple lang. I was and still am a big fan of this group. Naalala ko pa noong elementary ako, sinasayaw namin ng mga classmates kong lalaki ang mga kanta nila kapag may presentations sa school. Oo na. Matanda na kung matanda. Jologs na kung jologs. Pero tangna bata pa ako noon kaya malay ko ba na may iilan ang magsasabing baduy ang musika ng Hagibis. Besides, I don’t see any reason not to like them. Their songs are funny, yet speak of women and masculinity. Siguro kung member ako ng banda ngayon, hindi ako kasali sa isang grupo na boy band, or rock band. Malamang isa akong member ng Hagibis. Forget about this other group that imitated them a few years back. Maskulados ba yun? Putragis. Mga matrona at bakla lang ata naka-appreciate sa kanila. Not like Hagibis, they were loved by everyone for the simple reason that people can relate to their songs, and dance to them na walang bahid ng kalaswaan at kamanyakan at bagkus, naglalagay sa pedestal sa kababaihan habang nagpapakita ng pagiging macho. One word to describe Hagibis and their music - ASTIG!
Kung ako ang tatanungin kung sino sa history ng Pinoy Music ang maituturing kong 5 greatests bands/groups of all time, this will be my list: APO, The Dawn, Eraserheads, Juan Dela Cruz Band, and Hagibis (not in particular order). Wag nyo na akong hiritan at tanungin kung bakit wala jan ang Rivermaya, Parokya ni Edgar at iba pang bagong banda dahil mas matanda ako sa inyo at mas alam ko kung pano nag-progress ang OPM scene sa Pinas. Yang mga banda na yan ang naging daan para kilalanin ang pinoy at seryosohin ang ating musika. Nagkaroon tayo ng identity kahit paano dahil sa mga bandang ito. These bands - ASTIG!
Although the band broke up eventually, mayroon din ilan members ang nagkapangalan at sumikat na hindi nakadikit ang tatak ng Hagibis. Isa na dito si Sonny Parsons. Kilala nyo sya? Dating naging konsehal sa Marikina si Sonny at mga ilan taon na rin ang nakalipas, sya ay naging laman ng balita ng pasukin ang bahay nya ng anim na armadong kalalakihan. Mahaba ang istorya na yan pero ang ending napaka-simple - Nakawala si Sonny sa pagkakatali, nakuha ang kanyang .45 caliber pistol, nakipag-barilan sa anim na lalaki, at ng magkaubusan na ang bala, hand to hand combat na. Tumba ang tatlo sa attackers. Si Sonny naiwang nakatayo. End of story. Kahit anong version pa ang marinig nyo tungkol sa lumang balita na yan, sigurado ako na sasabihin nyong ‘Puta! Astig yun ah!’.. Tama. ASTIG TALAGA!
Yan ang Hagibis. Malambing at mapagmahal sa babae, ngunit matinik at mabagsik sa laban! Parang si Leonidas at ang kanyang mga spartans! Parang ako nyahahaha!
Hmmm.. Humahaba na ang entry. Bored na kayo kababasa? Pwes… Eto na lang gawin nyo..
Mag-download na lang kayo ng bagong mix ko. My tribute to one of the best the Philippines has produced!
This megamix is a novelty and wasn’t created using turntables, cd players, and professional mixing softwares. I finished this one in 2 hours using simple cut and paste techniques and minor reverse tweaks here and there. You might notice that this mix isn’t as seamless as the ones I did before. Mahirap kase. Hindi constant ang BPM. Mahirap i-beatmatch just like other OPM music. You may find the mix different from the ones I did before but one thing I can assure you… TRIP ITO! YOU WILL LOVE IT!
(email me at azrael.666.gmail.com for the password)
total running time: 30:02 mins @ 128 kbps (27.5 mb)
TRACK LISTING:
1. Lalake 2. Iduduyan Kita 3. Bintana 4. Nanggigigil 5. Legs 6. Katawan 7. Babae 8. Ilagay Mo Kid 9. Maginoo 10. Mandurugas 11. Mama Monchang
——————————————————————————————
WAIT! Hindi pa tapos!!!!
HAGIBIS the group = ASTIG
HAGIBIS music = ASTIG
HAGIBIS the megamix = ASTIG
DJ ROBIN MENDOZA = ASTIG
AZRAEL = ASTIG
LEONIDAS and his SPARTANS = ASTIG
At eto pa ang isang astig…. paghahaluhaluin ko lahat yang nasa itaas.. JUST WATCH!
Natutuwa ako sa mix at sa video. Ang gaan ng pakiramdam ko. Masaya at parang gusto kong ituloy ang kasayahan at mag-party. Nakahanda na ang kahon kahon na beer, pulutan at mga GRO. Mga spartans, ano pa ang hinihintay nyo??!! Tara naaaaaaaa! Ika nga ni Leonidas.. TONIGHT, WE DINE IN HELL DRINK IN BEERHAUS!! nyahahaha!
——————————————————————————————-
If you find my mixes cool, please support me by putting a banner on your blog’s sidebar. It will be much appreciated.