Archive for February, 2008

Muscat Festival is an annual celebration of Oman’s traditional arts, culture and heritage. It is organized by the Muscat Municipality, and is usually held at the beginning of every year, to provide the people of Oman, expatriates and tourists fun, adventure, excitement and entertainment. It is the country’s most spectacular tourist attraction, and has played a very significant role in building and supporting the country’s flourishing tourism and hospitality industry.

I’ve been a regular visitor of this festival ever since I was a kid. Oo, matagal na akong nakakapunta dito dahil ang tatay ko nagtrabaho dito ng 20 plus years. Tuwing bakasyon at Christmas break, lagi kami nagpupunta dito. Pero sa kasamaang palad, bukod sa bata pa ako noon, wala rin akong DSLR para kunan ng pics ang aking mga nakikita.

Eh ngayon meron na. So.. Ano pa hinihintay natin?? Eh di tignan na natin ang mga pics!

Click images for bigger photos.

img_6780_resize.jpg

The welcoming party. Lahat ng pumapasok sa festival grounds, eto ang unang makikita. A group of Omani musicians playing traditional music. Lively ang kanilang musika at talaga naman mapapasayaw ka. Don’t mind the people heckling at your crazy dance steps. Theirs is that bad as well hahaha!

img_6787_resize.jpg

A harvest dance of some sort. Siguro para maganda ang ani, at para umulan. Yeah right.

img_6792_resize.jpg

Mga lokal na nagbabatian. Hindi uso sa kanila ang beso-beso. Nagkakamay sila at nagdidikitan ng ilong kasama na jan ang pagsinghot at pagtatanong ng, “Helo pre. Kelan ka huling naligo??”

img_6799_resize.jpg

At syempre, mawawala ba ang picture ng camel? Hindi kumpleto ang festival kapag wala nito.

img_6819_resize.jpg

Omanis selling native jewelries and silver craft. Famous ang Oman sa quality ng silver, at napaka-intricate ng designs ng mga palamuti sa katawan.

img_6836_resize.jpg

Mga batang nag-aaral.. Ay teka, di ako sure. Baka nagtsi-tsismisan lang sila. O baka naglalaro ng tong-its. Siguro mga pasaway din ito tulad nating mga pinoys pag wala ang titser.

img_6843_resize.jpg

A typical Omani house.. ermmm… doorway pala. Sayang hindi ko nakunan ang loob ng bahay. I sooo love this pic! And oh, if you must know.. I submitted this photo in a magazine and hopefully, they will use it and pay me good money lol.

img_6864_resize.jpg
Omani jars and furniture. Again, some of the best in the region.
img_6884_resize.jpg

A Syrian dance troupe entertaining the crowd. Madami pang bansa ang kasama dito pero dahil sa naglibot ako, mga Syrians lang inabutan ko. If I stayed longer, I would have seen the Russians, the Dutch, Egyptians, Chinese and many more. Sayang nga lang at wala representation ang Pilipinas. Matutuwa sila pag nakakita sila ng tinikling for sure.

img_6903_resize.jpg

Festival grounds near the man-made lagoon. Nakakatuwa dito dahil feel na feel mo ang festive mood. The lights, the music, the cool breeze of the night, the smell of flowers, the smoke from barbecue grills… Haaaay…

img_6915_resize.jpg

A reproduction of Oman’s most famous castle, the Nizwa fort located 300 kilometers south of the city. Nakapunta na ako dun, at talaga naman iba ang pakiramdam kapag nakakita ka ng mga lumang gusali na gawa sa bato. One of the best tourist destinations in Oman.

img_6917_resize.jpg

A massive scale reproduction of the pyramids of Egypt. Hindi ko maintindihan kung bakit naisama ang pyramids dito, eh wala naman ganun sa Oman. Pyramiding schemes meron.

img_6922_resize.jpg
The dancing fountain at the lagoon. Sayang lang at di ko nakuhanan ng madami. Paiba-iba ng ilaw yan eh. And when you look at it from a distance, mukha talagang sumasayaw.

img_6952_resize.jpg

A high-flying acrobatic act from Canada. The kids love them! And I do too. Especially the girl on the pic. Seksi kase eh hahaha!

img_6974_resize.jpg

View of the man-made lagoon from afar. Simply beautiful! Romantic din. Wag lang sana matulad sa mga parks sa pinas, na pagdating ng gabi eh ginagawang motel ng mga baboy at walang modong malilibog.

img_7008_resize.jpg

Fireworks! AWESOME!!! and awesome pic too. Di ba di ba di ba??!!!!

img_7012_resize.jpg

Another photo of the fountain. ‘Nuff said.

img_7026_resize.jpg

Festival grounds again. Nakunan pati yung bat signal lol

img_7027_resize.jpg

Entrance to the Heritage Pavillions. This is where participating countries showcase their stuff ranging from handicraft to food and everything else in between. Dito ka rin makakabili ng mga produkto na gawa sa mga bansang kasali. Mura at siguradong orig!

img_7028_resize.jpg

Eto ang pavillion ng.. ng… ay nakalimutan ko. Sensya na, absent ako nung tinuro ng titser namin ang mga flags ng iba’t ibang bansa. Isang flag lang talaga kabisado ko at di ko malilimutan. Red Flag.. na buwanang naka-taas lol.

img_7035_resize.jpg

Yemen Pavilion. If you’re looking for good bargains, this is the place to be. I remember my wife buying a pair of leather shoes and a some fancy jewelries at the Yemen pavilion last year. Ang mura! Ok din ang kanilang handicraft at iba pang pang-display sa bahay.

img_7041_resize.jpg

Turkish pavilion. Dito naman matatagpuan ang pinaka-masarap na shawarma sa balat ng lupa! You haven’t experienced a real shawarma if you haven’t eaten a turkish one. Madami din good finds dito. At syempre, madami chiks na Turkish sa loob. Ang gaganda nila. Bagay na bagay sila saken nyahahaha!

img_7040_resize.jpg

This is one pavilion that disappointed me. Look at the pic closely. Indonesia and Philippines, sharing one pavilion. Wala ako paki sa Indonesia, pero hindi ba kaya ng pinas na mag-host ng sarili nilang pavilion na walang kasama??? At ang mas lalong nakakainis jan, pagpasok mo sa loob, eto ang makikita mo:

img_7048_resize.jpg

Yan ang makikita mo. Puro framed posters ng places sa pinas. Wala man lang kasamang mga pamphlets or flyers. At eto pa.. shit walang tao sa mga booths!! How do you expect a visitor taking interest in something you are promoting, if there’s no one there to talk to??? Whoever organized and planned the representation of the Philippines here should be reprimanded. You guys did a lousy job! Unf*ckingbelievable!

Umiinit na ulo ko! Kailangan ng pampa-kalma…

img_7054_resize.jpg

Ayan! Kalmado nako. Ganda eh. This is the ceiling of the Chinese Pavilion. Ramdam ko na parang sumisinghot ako ng insenso, umiinom ng tsaa at kumakain ng mami’t siopao habang mayroong nagde-demo sa harapan ko ng kung-fu.

img_7058_resize.jpg

Ferris Wheel inside MaraLand. Sayang at hindi ako nakasakay. Ganda pa naman vantage point sana to take more pics of the festival grounds.

img_7062_resize.jpg

Carousel. Ang laki nitong merry-go-round na ito. Lahat ng nanggaling jan makikita mo pasuray-suray paglabas nyaaaaa!

img_7068_resize.jpg

The Track of Death. Tawag ko lang yan sa rollercoaster ride na ito. This is the same ride that killed two people last year. Mechanical problems daw and some people got thrown off the carriage. Hindi na ako nag-attempt na sumakay, dahil ang dami may sabi na talagang nakaka-windang daw. Notice the two Omanis buying popcorn? Naisip ko lang naman, na kung kakain kaya sila ng hilaw na popcorn, at sasakay sa rollercoaster, maluluto kaya yun sa loob ng tyan nila? Hindi siguro dahil kailangan nga pala ng mantika. Watta stupid thought. Ok, shuddup!

img_7097_resize.jpg

An old-fashioned well. Noong hindi pa uso ang makinarya, ang ginagamit ng mga lokal para makakuha ng tubig sa balon ay mga donkeys. Ang mga donkeys ang humihila ng tali na nakakabit sa malaking timba na bumababa sa balon bla bla bla bla.. Syempre alam nyo na yan…. Next!

img_7098_resize.jpg

A typical Bedouin tent. Hand made ang tent na ito, at ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng mga Bedouin’s (nomads). Palipat lipat kasi sila ng lugar, kung saan may tubig at pwede maanginain ang kanilang mga alagang kambing at tupa, doon sila. Sa disyerto, hindi lang init ang mararanasan mo. Madaming lugar dito na pag dating ng gabi sobrang lamig, at ang ganitong klaseng tent ang nagbibigay proteksyon sa mga Bedouins.. Sya nga pala, pati ata mga kambing nakikigamit ng tent na ganito at nakikitulog din. Kaya wag na kayo magtaka kung bakit amoy kambing din ang iba sa kanila.

img_7106_resize.jpg

A replica of the ship Sinbad (or Sindbad) used during his quests and travels. Trivia time muna.. Sinbad came from Oman. Sohar, Oman to be exact. Omanis are very good fishermen. Makakakita ka pa dito sa mga malalayong lugar ng mga lokal na ganitong uri ng sasakyang dagat ang ginagamit sa pangingisda.

img_7108_resize.jpg
Eto, hindi ko alam kung ano ito. Basta kinuhanan ko lang ng pic kasi parang kewl tignan lol

img_7112_resize.jpg

Mga babaeng lokal na nagsasayaw ng kanilang native dance, otherwise known as ‘itaktak mo ang papaya remix’ lol. Di ko maintindihan mga pinaggagawa ng mga ito. Bawal kasi kung tutuusin na basta-basta kukuha ng pics ng mga babaeng lokal. Pero may nakita akong isang expat na kuha ng kuha, eh mas maganda camera ko sa kanya, kaya nag-showdown kami nyahahaha!

img_7081_resize.jpg

The lagoon and the fountains again. Paalis na ako nito eh, pero binalik balikan ko ang lagoon and thought of good things. Nag-imagine ako na kasama ko ang aking mga kaibigan at pamilya. Ang saya siguro. Oh well… For now, solo flight muna ako…

img_7088_resize.jpg

Goodbye MUSCAT FESTIVAL 2008! Thanks for the experience! I will be visiting you again next year!

Possibly Related Posts:


Comments (31)

Isang dalaga, isang hot momma, at isang senior citizen, ang nakaupo ng hubo’t-hubad sa sauna. Nagkekwentuhan sila ng biglang may narinig silang nag-’beep’.

Pinindot ng dalaga ang kanyang siko at huminto ang tunog. Napatingin ang hot momma at ang senior citizen sa dalaga na parang nagtataka.

Dalaga: Oooops. Sori. Beeper ko ‘yong tumunog. May microchip kase ako sa siko.

Tuloy sila ng kwentuhan ng biglang may narinig silang nag-’ring’.

Inilapit ng hot momma ang kanyang palad at itinapat ito sa kanyang tenga. Napatingin ang dalaga at ang senior citizen kay hot momma na parang nagtataka.

Hot momma: “Hello. Yes darling pauwi na ako. Bye”. Ooops. Sori. Celfone ko ‘yun. May microchip kase ako sa palad.

Tuloy ang kwentuhan ng tatlong babae. Ngunit nakaramdam ng lungkot ang senior citizen sa dahilang wala syang panama sa dalawa nyang kasama. Hi-tech sila at sya naman ay low-tech.

Hindi naman sya magpapatalo, kaya’t nag-isip sya ng paraan para ipakita sa dalaga at sa hot momma na hindi sya huli sa teknolohiya. Lumabas ng sauna ang senior citizen at nagtungo sa CR.

Bumalik sya na may nakadikit na toilet paper sa kanyang puwitan. Taas ang kilay ng dalaga at ng hot momma at nagtataka sa kanilang nakita.

Senior citizen: “Kita mo nga naman ano! Hindi na lang ako bineep, o kaya tinawagan sa cel! Ang asawa ko nag-FAX pa!”

Possibly Related Posts:


Comments (10)

Mamimigay ako ng mga sumusunod:

  1. Libreng konsultasyon at paggawa ng Header Image (maximum of six designs)
  2. 160 gigabyte iPod classic with all my mixes (even the ones I haven’t shared here yet)
  3. Overnight stay sa kahit anong motel na gusto nyo (may kasama pa partner)
  4. Brand new iPhone na may kasamang telephone numbers ng mga chicks na hindi na kailangan ligawan (kung babae naman, telephone numbers ng mga lalaking galante)
  5. Brand new Canon 450D w/ battery grip, flash unit, prime lens, telephoto lens & tripod
  6. House & lot, brand new car at round trip ticket to any destination of your choice

Mechanics:

Nakikita nyo ba to?

666.jpg

Yan ang aking current blog hits.

Matagal ko ng inaabangan pumalo yan ng 66,666 pero sa kasawiang palad, ako ay inaantok ngayon dahil galing ako sa trabaho. Inaasahan ko na makukuha ko ngayon yan. Yeah, I am that confident lol

Eto lang ang dapat nyong gawin, napaka-simple. I-screen cap nyo ang 66,666 at ipadala ang captured image sa [azrael.666@gmail.com] at ang mauunang magpadala ay mananalo ng..

ng…..

ng………

Teka muna. Nabibigla ako sa mga pa-premyo. Ang totoo nyan, hindi ko kayang ipamigay ang mga yun. Nagbibiro lang ako. Yung number 1 pwede, pero yung 2 to 6.. Aba.. Imposible nyahahaha!

Basta, tatanawin ko ng malaking utang na loob ang makakagawa nito at syempre, kung ano man ang aking magagawa para mabigyan ng ngiti ang inyong mga mukha in exchange for the screen cap, gagawin ko for the sake of love. Pwede naman pag-usapan yan eh.

Yun lang. Wala kwenta post ko pero salamat sa pagbabasa.

Possibly Related Posts:


Comments (17)

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis sa usapan namin kanina ni Mrs. Azrael. Nakakatuwa dahil syempre, nakakakwentuhan ko si misis at nakikita pa sa webcam, na parang hindi rin kami magkalayo. Yun nga lang, hindi ko man lang natsa-tsansingan nahahawakan. Pero ok na rin yun, At least updated kaming dalawa sa mga nangyayari sa aming paligid. Nakakawala ng pagod at talaga namang nababawasan ang aking pagka-miss sa aking pamilya. Kasama rin nya kasi si Aila na nakaupo sa kanya, at sabay kaming tumatawa kapag nagpapakitang gilas ang aming prinsesa sa harapan ng webcam.
ja_1.jpg
Nakakainis naman, dahil sa dinami dami ng pwedeng pag-usapan, hindi ko alam kung bakit napunta ang topic sa mga gamit sa bahay na nasira. Hindi naman sikreto sa ilan, na kaya ako naging busy noong nasa pinas, ay dahil sa nagpagawa kami ni Mrs. Azrael ng bahay. Sa buong akala ko, aalis ako ng pinas at muling babalik dito na wala ng iniisip na problema dahil 80 percent tapos na naman ang aming bahay, at well-placed na ang aming mga pag-aari at kagamitan. Nagkamali pala ako…
AZRAEL: Ok na ba installation nung tangke ng tubig? Ok na ang flow?
Mrs. AZRAEL: Hay naku! Ok nung una pero may nagalaw ako dun sa valve ba yun? Hindi na naman tumutulo sa banyo.
AZRAEL: Sa banyo lang? Pero sa kusina ok na? Baka naman may naiipon na hangin sa loob kaya di umaakyat sa taas?
Mrs. AZRAEL: Hehe. My lab pati sa kusina wala rin. Di bale papatingin ko na lang ulit next week pag bumalik kami ni Aila dun.
AZRAEL: Eh bakit next week pa? Sabado naman ngayon ah. Puntahan nyo na bukas, magsama ka jan sa taguig ng marunong tumingin.
Mrs. AZRAEL: Problem eh
AZRAEL: Problem ka jan. Ano na naman problema?
Mrs. AZRAEL: Hindi kami makakapunta. Wala sasakyan. Ipapagawa ko pa. Basag headlight eh. Sorry.
AZRAEL: Whaaaaaaaat! Pano nabasag? Anu ba yan. Nabangga kayo?
Mrs. AZRAEL: Hindi kami nabangga. Naibangga ko. Ang sikip kasi ng garahe. Nahirapan ako ipasok. Bat naman kasi malaki sasakyan pa binili mo eh.
AZRAEL: Ako pa sinisi. Eh di ba ikaw may gusto ng malaki. Di ka pala marunong mag-drive. Sus ginoo.
Mrs. AZRAEL: Sorry na. Punta na lang kami sa bahay kapag ok nato. Wag ka na magalit.
AZRAEL: Eh ano pa nga ba magagawa ko. Basta ikaw magpagawa nyan ha! Kasalanan mo yan eh. Baka naman yung budget ko dito eh pag-interesan mo pa.
Mrs. AZRAEL: Sobra ka naman. Sige ako na bahala. Magsa-sideline na lang ako ng paglalaba at plantsa para maipagawa ko sasakyan mong pang-higante!
Mrs. AZRAEL: Ay meron pa pala nasira dito. Yung stereo mo. Nilipat ko muna sa baba kasi pag hapon si Aila wala sounds sa sala. Nakalimutan ko 110 pala yun. Naisaksak ko ng derecho. Saan kaya pwede ipagawa yun?
AZRAEL: Grrrrrrrrrr! Over nato waaaaaaaaaaaaah!
Mrs. AZRAEL: Tsaka yung videocam na nahulog sa pool. Pinatignan ko sa shop di na raw pwede i-repair dahil pinasok ng tubig yung lcd tsaka yung lens.
Mrs. AZRAEL: Yung bottle sterilizer ni Aila sira na din. Nasobrahan ng lagay ng tubig, ayaw na gumana. Bili nako ng bago ha?
AZRAEL: Tsk. Ok.
Mrs. AZRAEL: Si Aila ang likot. Gusto abutin yung cel ko.
ja_1-3.jpg

AZRAEL: Oo nga kita ko nga. Teka lang. Dami pala nasira jan. Hindi ka kasi maingat eh.
Mrs. AZRAEL: Putek!
AZRAEL: Huh?? Galit ka? Ikaw na nakasira ikaw pa may gana magalit??!!
Mrs. AZRAEL: Hindi ako galit tanga. Si Aila naibato yung cel!
AZRAEL: Huhuhuhuhuhu.. Lord I don’t deserve this waaaaaaaaah!
Mrs. AZRAEL: My lab. Nasira ata. Ayaw mag-on.
AZRAEL: …………………
Mrs. AZRAEL: Sira nga hahahahaha! Basag yung lcd. Aila stop!!!!!!!!!
AZRAEL: *kamot ulo
AZRAEL: Stop ka jan. Huli na ang lahat! Naibato na eh. Sira na.
Mrs. AZRAEL: Hindi. Si Aila kasi pilit inaabot keyboard.

ja_1-1.jpg
AZRAEL: Gusto na rin mag-type? Wahahahahaha! Ang galing ng anak ko! Ang talino!
Mrs. AZRAEL: kfxkkrdfkikio6ob
Mrs. AZRAEL: kkjjjjjjjjj jj j
AZRAEL: Ano yan????
Mrs. AZRAEL: ffjjhddjdhhjj
Mrs. AZRAEL: kjjhhj ddjdjddkkkb
ja_1-2.jpg
AZRAEL: Aila stop!!!!!!!!!!
Mrs. AZRAEL: hiutjkghfthggdgdh jj
Mrs. AZRAEL: llkjhyhjk
untitled.jpg
Mrs. AZRAEL has signed out of chat
AZRAEL: what the……..
AZRAEL: Anak ng teteng! Huy bumalik kayo!!!!!!!!
Matapos ang halos 30 minutes na paghihintay, naisipan kong tawagan na lang si Mrs. Azrael sa kanyang cel. Badtrip! Hindi man lang nagri-ring. Nasira na nga yata ng tuluyan ang telepono ni misis.

Hindi ko na maitago ang aking inis. Para akong isang lasenggo na nabitin sa alak. Mura dito, mura dun. Kulang na lang na ibalibag ko ang mga kagamitan dito sa galit. Paano ko sya matatawagan ngayon, eh mayroon pa naman akong ibibilin na importante. Tsk tsk tsk.. Problem!!!!!!!!

Maya maya, tumunog ang aking cel at may text ako na natanggap galing sa celfone ng aking biyenang lalaki.

TATAY: My lab! Ako to. Di ako magamit yung cel ko dahil nasira na nga yata. Di na rin ako makabalik online dahil may napindot si Aila. Nag-crash ata PC. Ayaw mag boot eh. Papatignan ko muna. Next time na lang ulit ha. Labyu! We miss u!
AZRAEL: K
Parang nagunaw ang mundong aking ginagawalan. Naiwan ako sa ere na nakatitig sa kisame, hindi makapagsalita, naninikip ang lalamunan at tumutulo ang luha sa pisngi. Hindi ko na nakuhang magalit ng tuluyan at sa halip, napaupo na lang ako sa isang sulok at napaiyak ng todo habang bumubulong ng…..
“Mga destroyer… huhuhuhuhu…”
cryingman.jpg

Possibly Related Posts:


Comments (16)

Ang tipo kong babae.. ay ang mga sumusunod:

  1. Beautiful and so damn proud of it - Eto ang type na alam nilang may itsura sila at dahil dyan, halos ipagsigawan sa buong mundo ang kanilang angking kagandahan, kahit na hindi naman interesado ang mundo sa kanilang itsura. Malakas ang loob na sabihin sa lahat kung gaano sila kaganda. Masanay ka na, na pag naguusap kayo, out of the blue bigla sasabihin, ‘byutipul ako talaga grabe!’. Maghanda ka na ng matinding gamot dahil sigurado na sa araw araw na ginawa ng dyos na naririnig mo ang ganitong papuri nila sa kanilang sarili, hindi lang suka ang gagawin mo, sasabayan mo na rin ng pagtatae.
  2. Ugly but doesn’t want to admit it - Eto naman yung mga panget, pero kahit na mukhang piniritong tokwa ang kutis, mukhang pugad ng ibon ang buhok, parang dinaanan ng pison ang ilong, at mukhang pinagdikit na longaniza ang nguso, eh ayaw pa rin tanggapin ang kanilang kapangitan. Nakakabilib ang guts ng mga babaeng ganito. Kapag sinabihan mong ‘uhmmm, you look ok naman ah’, magagalit pa sayo at sasabihan ka ng ’sinungaling! go to hell!’
  3. Emo Girls - Laging senti. Umulan, senti. Umaraw, senti. Xmas, senti. Birthday, senti. Valentines at wala ka-date, senti at suicidal. Kahit na wala problema, gagawa at gagawa ng paraan para maging senti. Masarap kausap ang mga ganitong klaseng babae. Hindi mapapagod ang mga muscles mo sa mukha sa pag-ngiti dahil hindi naman siguro tama kung gagawin mo pang ngumiti pag kaharap sila, eh senti nga eh. Magmumukha ka lang nang-aasar at maaring maging dahilan sa lalo nilang pagiging senti at pagbibigti.
  4. User Friendly Ladies - Nakakatuwa makahalubilo ang mga ganitong tipo ng babae. Masarap kausap. Feel na feel mo ang kanilang presence, ang kanilang pakikiramay, and atensyon at pakikipagkaibigan.. Yun eh kapag may kailangan sila. Pero pag ikaw may kailangan, kahit ano approach gawin mo di ka kakausapin. Kalimitan ang ganitong klaseng babae eh mga ‘bilmoko’ type din. Mahilig magturo, at magpalibre sa kung anu-ano. Kapag nakuha na ang gusto sayo, ‘goodbye friendship’ ka na dude. Mapapakamot ka na lang sa ulo at masasabi sa sarili mo, ‘Shit ginamit lang ako nun ah. Loser ba ako inay???’.
  5. Girls that talk too much - Eto pa ang isang masarap na kausap. Mabilis ang dila. Hindi nauubusan ng sasabihin. Hindi ka na nga kumikibo, pero ‘hala bira’ pa rin sa pagsasalita. Imagine mo to ha.. Karera ng kabayo sa bilis, ala Boy Abunda ang dating sa issues, at halos bumaha na abot hanggang bewang sa sobra talsik ng laway.. Yan sila. Rapid fire ang mga bunganga na kung totoong baril lang, malamang wakwak na at nagkaluray-luray na ang katawan mo sa tama ng bala.
  6. Girls that don’t talk at all - Opposite naman ang mga ito. Ikaw ang mapipilitan magkwento kapag ganitong babae ang kausap mo. Kahit na mag-initiate ka ng magagandang topics, at maglahad ang mga nakakatawa mong karanasan sa buhay, hindi basta basta magre-react. Magpamisa ka sa Quiapo bilang pasasalamat, kapag sumagot sayo ng isang makabagbag damdaming… “k”
  7. Pintasera - Eto naman ang mga mahilig mang-okray ng kapwa. Pagtatawanan ang iyong pagsasalita, pananamit, pangangatawan at kung anu-ano pa. Ikukumpara ka sa kanilang BF kesyo mas pogi sya, mas kewl ang kanyang porma, mas macho sya pero wag ka, mukha naman bakla ang boypren, kung manamit parang aattend ng kasal kahit na sa mall lang pupunta, at mukhang tagahila ng anchor sa barko ang pangangatawan. Pati kapwa babae nila pinipintasan at parang sila lang ata ang nilikha ng dyos na perpekto. Kalimitan ang ganitong tipong babae ang hindi nakakatagpo ng tunay na boypren, iniiwan ng boypren, napipilitang magtyaga sa kapwa babae para maging gerlpren, tumatandang dalaga at natutuyuan ng matris.

Yan ang mga tipo ko…..

  1. Tipo kong pasinghutin ng aroma ng brip na isang taong hindi hinubad.
  2. Tipo kong ilublob sa isang malaking kaldero ng kumukulong tubig at balatan ng buhay.
  3. Tipo kong igapos sa malaking puno ng cactus na nakahubad at palagyan ng chikinini sa libo-libong manyak na langgam.
  4. Tipo kong sapilitang suotan ng butas-butas na parachute, na may kasamang timed bomb, at tadyakan palabas ng eroplano.
  5. Tipo kong ilagay sa kahon na may kasamang ipis, butiki, daga at higad, at ibaon ang kahon sa gitna ng sahara desert.
  6. Tipo kong pagdikitin ang mga labi ng superglue, staple wire, tinunaw na plastik at maipa-welding na rin para siguradong hindi na bubukas pang muli.
  7. Tipo kong lagyan ng condom sa ulo, at gawing dildo ang ulo nya na labas-masok sa ari ng isang nirereglang kalabaw.
img_7138.jpg

Kung yan din ang tipo mo.. Apir tayo.

Possibly Related Posts:


Comments (27)