Isang dalaga, isang hot momma, at isang senior citizen, ang nakaupo ng hubo’t-hubad sa sauna. Nagkekwentuhan sila ng biglang may narinig silang nag-’beep’.

Pinindot ng dalaga ang kanyang siko at huminto ang tunog. Napatingin ang hot momma at ang senior citizen sa dalaga na parang nagtataka.

Dalaga: Oooops. Sori. Beeper ko ‘yong tumunog. May microchip kase ako sa siko.

Tuloy sila ng kwentuhan ng biglang may narinig silang nag-’ring’.

Inilapit ng hot momma ang kanyang palad at itinapat ito sa kanyang tenga. Napatingin ang dalaga at ang senior citizen kay hot momma na parang nagtataka.

Hot momma: “Hello. Yes darling pauwi na ako. Bye”. Ooops. Sori. Celfone ko ‘yun. May microchip kase ako sa palad.

Tuloy ang kwentuhan ng tatlong babae. Ngunit nakaramdam ng lungkot ang senior citizen sa dahilang wala syang panama sa dalawa nyang kasama. Hi-tech sila at sya naman ay low-tech.

Hindi naman sya magpapatalo, kaya’t nag-isip sya ng paraan para ipakita sa dalaga at sa hot momma na hindi sya huli sa teknolohiya. Lumabas ng sauna ang senior citizen at nagtungo sa CR.

Bumalik sya na may nakadikit na toilet paper sa kanyang puwitan. Taas ang kilay ng dalaga at ng hot momma at nagtataka sa kanilang nakita.

Senior citizen: “Kita mo nga naman ano! Hindi na lang ako bineep, o kaya tinawagan sa cel! Ang asawa ko nag-FAX pa!”

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!