Tarantado ka, Babalikan kita!
Dismayado ako. Badtrip. Galit. Kailangan mailabas ko ang kinikimkim ko kung hindi, baka mapilitan akong lumabas ng bahay at maghanap sa tabi-tabi ng ‘terorista 4 hire’ para pasabugin ang opisina namin.
Huwebes ng huli kong nakausap ang boss ko. Nasa field ako noon, at tinatawagan ako para sabihing kailangan daw matapos ang ginagawa ko para makabalik ako ng hapon sa opisina. Half-day ang Thursday dito, at alam ng buong Oman na kapag half-day, patay ang workfone ko at hinding hindi mahahagilap si AZRAEL! Kahit lumilindol pa yan, bumabagyo o bumabaha, hindi pwede akong istorbohin, sa paglalaba!
Napilitan akong bumalik ng hapon sa opisina dahil ang pagkakaalam ko, anytime pupunta si bossing sa pinas, mga 2 weeks magbabakasyon dun kasama ang syota nyang pinay na dancer sa isang club, at mag-uubos na naman ng pera. At kapag hindi ko naagapan, sigurado na pati ang pampasweldo nya sa kanyang mga empleyado eh magagalaw, tulad ng mga dati ng nangyari sa amin.
May pagka-iresponsable kase tong damuho na boss ko. Walang pakialam sa mga hinaing ng kanyang mga tauhan at ang tanging importante lang sa kanya eh magtrabaho kami ng maayos, para tuloy-tuloy ang pasok ng pera sa aming kumpanya. Wala naman ako problema doon dahil yan naman ang talagang dahilan kung bakit andito ako, para magtrabaho, makaipon ng pera, yumaman at maging milyonaryo bwahahaha! Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:






