Sweldo…….

(timer starts)

00:15 seconds - Nabilang at nailagay na sa deposit envelope ang buong sweldo
00:30 seconds - Labas ng office. Takbo papunta sa Bank deposit machine sa labas.
00:60 seconds - Kuha ng receipt sa machine. Transaction complete.
00:61 seconds - Kamot ulo

Ganyan kabilis ang pangyayari. Dumaan lang sa kamay ang sweldo. Sa sobrang bilis , hindi na nakuhang kumapit ng germs sa palad. Derecho sa banko. Mapupunta sa gastusin, pambayad utang, at pambili ng mga kailangan ng pamilya sa pinas.

Uuwi ng bahay na hindi maipinta ang mukha. Papasok ng kwarto at aalisin ang baryang naiwan sa bulsa ng pantalon. Itatapon ang tira-tira sa isang lata na lalagyan ng iba pang barya. Magbibilang ng total. Nangingilid ang luha sa mata at mapa-hinga ng malalim. May halong saya at lungkot ang laman ng utak.

Saya dahil makakatulog na ng mahimbing sa kasiguruhang mayroon ng sapat na panggastos ang pamilya.

Lungkot dahil, gigising na naman na kape, yosi at buntung-hininga lang ang almusal.

Yan ang buhay ng isang nagtatrabaho sa ibang bansa na naiwan ang mga mahal sa buhay sa pilipinas.

Yan ang buhay ng isang asawa na nagsusumikap para sa kasiyahan at kaluwagan ng buhay ng naiwang kabiyak.

Yan ang buhay ng isang ama na nagpipilit at umaasa na makakapagbigay ng magandang kinabukasan sa anak.

mood: EMO. Nyahahaha!

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!