Dismayado ako. Badtrip. Galit. Kailangan mailabas ko ang kinikimkim ko kung hindi, baka mapilitan akong lumabas ng bahay at maghanap sa tabi-tabi ng ‘terorista 4 hire’ para pasabugin ang opisina namin.

Huwebes ng huli kong nakausap ang boss ko. Nasa field ako noon, at tinatawagan ako para sabihing kailangan daw matapos ang ginagawa ko para makabalik ako ng hapon sa opisina. Half-day ang Thursday dito, at alam ng buong Oman na kapag half-day, patay ang workfone ko at hinding hindi mahahagilap si AZRAEL! Kahit lumilindol pa yan, bumabagyo o bumabaha, hindi pwede akong istorbohin, sa paglalaba!

Napilitan akong bumalik ng hapon sa opisina dahil ang pagkakaalam ko, anytime pupunta si bossing sa pinas, mga 2 weeks magbabakasyon dun kasama ang syota nyang pinay na dancer sa isang club, at mag-uubos na naman ng pera. At kapag hindi ko naagapan, sigurado na pati ang pampasweldo nya sa kanyang mga empleyado eh magagalaw, tulad ng mga dati ng nangyari sa amin.

May pagka-iresponsable kase tong damuho na boss ko. Walang pakialam sa mga hinaing ng kanyang mga tauhan at ang tanging importante lang sa kanya eh magtrabaho kami ng maayos, para tuloy-tuloy ang pasok ng pera sa aming kumpanya. Wala naman ako problema doon dahil yan naman ang talagang dahilan kung bakit andito ako, para magtrabaho, makaipon ng pera, yumaman at maging milyonaryo bwahahaha!

Ang kinaiinis ko lang, bakit ba naman sa tuwing payday, lahat halos ng mga tao eh nakapagpadala na sa kani-kanilang pamilya o kaya naman ay paubos na ang mga pera dahil sa pambababae at bisyo dito, samantalang kaming mga empleyado ni Ali (pangalan ng boss ko), eh nakapangalumbaba pa rin at nagkakamot ng ulo at hindi alam kung kelan namin mahahawakan ang aming pinagpaguran.

Pagdating ko sa opisina, dumerecho ako sa aking kwarto at nagbubutingting ng kung anu-ano sa computer. Hindi ko na ginawa pang buksan ang mga files na related sa trabaho dahil half-day nga di ba? Kung hindi lang din ako babayaran ng OT sa pagtatrabaho ko, hindi ako magsasayang ng kahit na isang segundo para magtrabaho na walang kapalit.

Naghintay ako ng dalawang oras. Wala pa rin si bossing. Inisip ko na lang na baka dumaan muna sa ATM at nag-withdraw. Hintay pa rin. Yosi sa labas. Inom ng tsaa. Langya, alas nuwebe na ng gabi wala pa rin ang hindot. Tinawagan ko na, dahil ang ayoko sa lahat yung gagahuhin ako at sasabihing maghintay tapos wala naman pala akong dapat hintayin.

Pagtawag ko sa fone, OFF. Sinubukan kong gamitin ang landline, OFF pa rin. Tinawagan ko sa bahay at pagkatapos ng may isandaang ring siguro, sinagot din.

AZRAEL: Hello?
Babae sa linya: Hello? Hu is dis please?
AZRAEL: Hi good evening, may I speak will Mr. Ali please? Tell him it’s Robin, his planner.
Babae sa linya: Ay! Kuya Robin! Ikaw pala. Wala si sir dito. Kanina pa umalis.
AZRAEL: Aiza, ikaw pala. Anong oras umalis? Saan daw pupunta? (maid ni Ali si Aiza. Isang pinay)
Aiza: Kanina pa 4pm. Hinatid ng anak nya sa airport. Punta raw sa pinas.
AZRAEL: Ganun? Bakit hindi nagsabi sa akin? Kelan daw babalik?
Aiza: 2 weeks yata sya dun. Kasi daw bday nung gf nya. May malaking handaan yata sa probinsya.
AZRAEL: Tarantado yun ah! Sige Aiza. Bye na salamat.
Aiza: Sige kuya. Sya nga pala. Walang tao dito. Yung anak nya nasa Dubai. Pasyal ka?
AZRAEL: HINDE! Alam kong type mo ako at alam kong may maitim kang balak saken. Di pwede may asawa nako! BYE!
Aiza: Hmmp! Suplado! TSE!

Blag! Sabay bagsak ng telepono.

At yun na nga. Ang tarantado kong boss, nilito lang pala ako at inunahan para hindi ko sya tawagan at kulitin dahil sa sweldo. Lunes na ngayon, ilang araw na ang nakalipas mula ng umalis sya, putangina wala na akong pera! Hindi man lang inisip ng gagong si Ali na may pamilya ako sa pinas na umaasa sa regular na padala. Hindi man lang nya inisip na may anak na ako ngayon, at every 1st week of the month eh may visit sa pedia ang anak ko. Hindi man lang nya inisip na kailangan kong magpunta sa ospital for my regular check-up. At ang pinakamatindi dyan, hindi man lang nya inisip na paano kami magpupunta sa field at magtatrabaho?? Eh wala naman syang iniwan na instructions! Walang allowance! At walang pang-gas! Ano?? Abonado na naman ako??! HINDI NA UY!

Parang gusto kong karnihin ang unang arabo na makakasalubong ko sa daan. Sa sobrang galit, inawat na ako ng mga kaopisinang mga ‘pana’ dahil pinagpupunit ko na ang mga papel sa kwarto ni Ali. Hindi ko na gaanong naalala kung ano ang nangyari noong araw na yun.

Tinawagan ako ng ang isang ka-opisina kinabukasan at humihiram ng pera. Andun daw kase sa office ang mga ‘carpet cleaners’. Tinanong ko kung bakit andun, eh sa 15 pa ang sked ng mga yun. Tinawagan na daw nya kase daw umaalingasaw na raw ang amoy sa kwarto ni Ali. Doon ko lang naalala. INIHIAN KO PALA ANG CARPET NG GAGONG BOSS KO.

Hindi pa dun nagtapos ang pag-ganti ko. Tinawagan kong muli si Aiza.

AZRAEL: Hello? Aiza??
Aiza: Hello! Kuya!
AZRAEL: Pagpasensyahan mo na kung mainit ulo ko noong isang araw ha. Yang kasing amo mo pasaway eh.
Aiza: Ok lang yun kuya. O bakit ka napatawag?
AZRAEL: Wala lang. Naisip lang kita.
Aiza: Ikaw kuya ha! May ibig sabihin yata yang sinasabi mo.
AZRAEL: Eh ano naman kung may ibig sabihin? Masama?
Aiza: Hindi naman. Natutuwa lang ako hihihi!
AZRAEL: Sya nga pala darling, wala pa rin bang tao dyan?
Aiza: Wala pa rin. Nagiisa nga lang ako dito eh. Gusto mo ako puntahan?
AZRAEL: (ngiting aso) Sige. Pagluto mo ako adobo at nilagang baka ha?
Aiza: Yun lang pala eh! Sige ba! Ano pa ang gusto mo?
AZRAEL: Yun lang. Tsaka na lang tayo mag-usap pag andyan na ako. Sasabihin ko sayo ang gusto ko. At sana bilang kuya mo, wag akong mapapahiya.
Aiza: Sus naman. Basta ikaw anytime! Kahit ano gusto mo ako bahala!
AZRAEL: (ngiting aso ulit) Sya sya. puntahan kita bukas ok? Bye!
Aiza: Intayin kita. Bye kuya! Ingat!

Naiisip nyo ba ang naiisip ko? Kung akala nyong sasamantalahin ko ang pagkakataon dahil walang tao sa bahay ni Ali, at yung maid lang nya na pinay ang andun, nagkakamali kayo. Madudumi ang utak!

Pagpunta ko kay Aiza bukas, kukunin ko ang loob nya. May pagka-eng eng naman yun eh. Yakang-yaka ko yan. Isang ngiti na matindi lang dyan at konting kurot sa singit-singitan, gagawin nya ang gusto ko.

At ano ang gusto ko??

Gusto kong matuto syang magluto ng paboritong ulam ni Ali, na may halong DORA RAT KILLER MIXED WITH PESTICIDE AND MURIATIC ACID!

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!