Archive for April, 2008

Isang bagay na hindi ko kayang palamapasin eh yung makitang sinisigaw-sigawan ang tatay ko. Tahimik na tao yun, ni minsan walang nakaaway at walang nakasamaan ng loob sa sobrang kabaitan. Hindi madakdak tulad ko, at hindi mo makikitang nakasimangot at sa halip, laging nakangiti kahit medyo inis na sya sa kausap nya.

My dad is a licensed Geodetic and Civil Engineer. Nagtapos yan sa UNC at sa UP ng dalawang kurso na yan. Pinag-aral ng gobyerno ng pinas noon sa Amsterdam ng dalawang taon, at sa Madrid ng isang taon para sa Urban Planning at Geospatial Analysis. Kung hindi umalis ang tatay ko sa pinas, malamang undersecretary na yan noon pa sa DENR. Kung meron akong isang tao na pwedeng ipagyabang kahit kanino, yan ang aking pagkabait-bait na ama.

Uminit ang ulo ko kanina dahil kasama ko sya sa field dahil sa isang sideline o special job na sya lang ang pwedeng mag-assist sa akin dahil sa kanyang expertise, at mayroong isang nag-aastang magaling na engineer kuno ang putak ng putak at mando ng mando na akala mo sya ang eksperto.

Medyo nasa kalayuan ako, pero nakita ko kung paano duruin ng isang Turkish Engineer ang tatay ko. Nilapitan ko ang dalawa, at kasabay noon ang paglapit din ng tatlong alipores ng magaling na Turkish sa amin. Isang Lebanese, isang Syrian at isang Egyptian. Derecho sa putak si Turkish, at ang tatlong kasama nya, nagsisigaw na rin. Sinalo lahat ng tatay ko ang insulto. Nakipagsagutan sa apat na mga kausap nya sa kalmado at mahinang boses. Nakisali na rin ako sa sigawan, pero inawat ako ng tatay ko at sinabihan na lumayo. Usapan daw nila yun at wag akong makialam. Hindi raw tama at wag ko raw gayahin ang kamalian na ginagawa ng mga kausap nya. “Lumayo ka muna. Mainitin ang ulo mo eh, lalaki ang away. Ako ang bahala dito”, ang tanging sabi nya.

Bago ako lumakad palayo, nakita ko kung paano itinaas ng isa dun sa apat ang kanyang kamay, itinuro ang isang daliri, at dinuldol sa dibdib ng tatay ko. Imbes na gumanti, mas pinili ng tatay ko na umiwas at lumakad na rin palayo sa mga kausap nya.

Nilapitan ko sya, garalgal ang boses ng tatay ko habang pinapaliwanag sa akin ang nangyari. Ngayon lang daw sya nakaranas ng ganung pamamahiya, na kung tutuusin eh wala naman syang kinalaman at kasalanan lahat ng isa pang gagong engineer na nagkataon ipinasa lang ang trabaho sa aming dalawa dahil hindi nya alam ang kanyang ginagawa. Galit na galit ako, sumisigaw na rin sa wikang pinoy na kami lang dalawa ng aking ama ang nakakaintindi.

Bigla akong natahimk. Biglang napatunganga. Biglang napako sa aking kinatatayuan….

Kitang kita ko ang luha na tumulo galing sa mata ng aking ama. Humalo ang luha na iyon sa pawis sa kanyang pisngi na dulot ng init ng araw.

Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Naiyak ako na parang bata. Naalala ko kung paano ako inalagaan at binigyan ng proteksyon ng aking ama noong ako ay bata pa. Naalala ko ang paghihirap nya sa aming magkakapatid. Ni minsan hindi ko nakita ang tatay ko na nagreklamo sa amin noon kahit na mayroong pagkakataon na naging pahirap kaming magkakapatid sa aming mga magulang.

Hindi ko alam kung ‘yon ang tinatawag na emotional breakdown, pero pinilit na itago ng tatay ko ang pag-iyak nya. Sa mahina nyang boses, ito ang mga natandaan kong sinabi nya…

“Mahirap lang ako nung bata.. Sariling kayod para mapagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo.. Naglako ako ng bananacue, nag-kutsero, naglinis ng babuyan, at nag-janitor para lang bigyan ng kaganapan ang aking mga pangarap. Napangasawa ko ang pinakamagandang babae sa buong mundo, nabiyayaan kami ng tatlong matitinong anak, ng apat na magaganda at gwapong apo, nakapag-pundar ng bahay at kagamitan, at nagkaroon ng magandang pamumuhay dahil sa hirap, tiyaga, disiplina at pagpupursigi… At eto lang ang katapat ko?? Ang pagyurak sa aking pagkatao ng ibang lahi na hindi man lang inisip na mas matanda, mas may kaalaman at mas eksperto ako sa kanila? Nasan ang respeto sa kapwa tao?..”

Pinigilan ko na ang tatay ko sa pagsasalita.. Inihatid sya sa aking sasakyan. Naka-akbay ako sa balikat nya at nagibiro na gigimik kaming dalawa mamayang gabi. Napangiti ang tatay ko.. Mas lalo akong naiyak, dahil bigla kong naisip, “Iba talaga tatay ko. Napaka-simple. Ang daling pasayahin. Ang daling alisin ng galit sa puso… Mahal ko talaga itong mama na ito”…

At habang nagpapalamig sa aircon ng sasakyan ang tatay ko, binuksan ko ang trunk at kinuha ang isang survey pole na bakal. ito lang ang naisip kong paraan para iligaw ang aking sarili sa nararamdamang pinaghalong galit at awa. Iniwasan ko rin kasing patagalin pa ang seryosong sitwasyon na aming kinalalagyan ngayon. Ayoko namang mag-iyakan kami pareho sa loob ng sasakyan, sa gitna ng disyerto, sa isang bansa na kami ay mga banyaga.. Ayokong magmukha kaming kawawa..

“Punta lang ako sa station ha?, mamarkahan ko ang benchmark para alam ko ang posisyon mamaya ok?” ang sabi ko. Tumungo lang ang aking ama sabay pahid ng naghalong luha at pawis sa kanyang pisngi..

Habang naglalakad palapit sa lugar na aking pagtatayuan ng survey pole, bumalik sa utak ko ang nangyari kani-kanina lang. Nandun pa rin ang apat na hindot na kanina lang ay minaliit ang tatay ko. Nag-uusap, nagtatawanan, nagsisigawan… sa kanilang native language na Arabic.

Malas nila dahil una, naintindihan ko ang kanilang pinagsasabi. Na kesyo duwag daw pala ang mga Asyano, na kesyo small-time daw ang tatay ko, at ang pinakamatindi… Harapan daw nilang pinahiya ang isang eksperto sa harap ng kanyang sariling anak, at wala itong nagawa kundi lumayo na parang asong nabahag ang buntot.

Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanila sabay senyales sa apat na lumapit sa akin. Gamit ang aking survey pole, gumuhit ako ng isang derechong linya sa buhangin.. Isang linya na pinaghihiwalay ang aking kinatatayuan sa kanila. “Doon sila, dito ako”, sa isip-isip ko..

“Why are you making this line on the ground? Is that what we paid you to do? A line?” sabay tawanan ang mga loko.

“NO”, I said. “This line is to separate the bad-asses from the fags. And the way I see it, you’re all on the faggots’ side!”. “You call yourself men?? Cross the line and show me what you’ve got! But I’m warning you, all of you.. Cross this line and you’re dead!”

At doon na nagsimula ang kanilang katapusan…

Halos sabay sabay naglapitan ang apat na gago. Hindi ko na pinatagal ang girian. Pinagpapalo ko ng survey pole na bakal ang apat. May isang hindi napuruhan kaya nagantihan ako ng isang suntok sa panga at malakas na tadyak sa tagiliran. Bumagsak ako at ng akmang palapit ang loko, nabigyan ko ng isang sipa naman sa bayag. Hindi pa ako nakuntento at pinagpapalo ko pa sila sa ulo. Dalawa ang duguan sa noo, isa ang basag ang ilong, at yung isa naman may latay sa braso. At ang icing sa cake, pinagduduraan ko sila habang nagmumura.. “Mga putang-ina nyo! Nagkamali kayo ng iinsultuhin!

Lumakad ako palayo at siniguradong walang sumusunod sa akin. Dukot ng celfone at dial sa number ni General Maharoqi. Sumakay sa sasakayan na parang walang nangyari, at biglang tanong sa tatay ko…

“Bakit hindi man lang kayo bumaba? Bakit hindi nyo ako tinulungan eh apat kaya yun??! Eh pano kung mabugbog ako??!”

At ang sabi ng tatay ko, “Aba ikaw naghamon eh, bahala ka sa buhay mo. At tsaka habang nakikipag-pataasan ka ng ihi sa mga yun, tinawagan ko na rin si Ambassador Karusi, inabisuhan ko na na may inaway ka na naman”.

Balak ko pa sanang magtagal sa site, pero tinawagan na rin pala ng tatay ko yung isa pang gagong engineer na nagbigay sa amin ng sideline. Hindi na raw nya gagawin. Dahil ayaw daw nya makatrabaho ang mga bobo at walang alam na mga engineers.

“Yaaaaaaaan! Ganyan dapat! Dapat magalit ka din! Murahin mo sila at sabihin mong wala sila sa kalingkingan mo!”, ang sabi ko sa kanya.

“Sus, alam ko naman yun eh. Kaya nga di ko sila pinatulan kasi di ko sila ka-level”, ang sabi nya.

Napakamot ako ng ulo…

“Uwi na tayo! Naghihintay na mommy mo! Magagalit yun pag nakitang nakipag-away tayo!” dagdag nya.

AZRAEL: “Tayo????? Eh ako lang nakipag-away ah!!!! Umiyak ka lang eh!”

TATAY NI AZRAEL: “Mas malakas nga iyak mo eh. Para kang babae.”

At sabay kaming nagtawanan mag-ama.

——————————————————–

UPDATE

Spent two hours at the police station earlier. Nagreklamo ang apat na ginulpi ko (ako pa ang nang-gulpi eh no? lol). Parang mga babae na putak ng putak sa harapan ng pulis, dumating ang boss ko, ang kaibigang ambassador, at isang kaibigan ng tatay ko na nagtatrabaho sa Royal Court. Dinaan sa diplomasya at hindi na itinuloy ang formal complaint laban sa akin. Pinagsabihan lang ako ng pulis na wag ko ng uulitin ulit. Natawa ako ng nag-usap usap sila ng Arabo at sinigawan ng isang pulis yung apat.. Apat daw sila tapos sila pa nagreklamo, parang hindi raw kapani-paniwala na sila pa ang nabugbog wahahahahaha!

Todo ang suporta sa akin ng mga kaibigang Omani. Tama daw ang ginawa ko. Umalis ako ng police station na may ngiti sa mukha. Nagpang-abot kami ng dalawa dun sa apat sa parking lot at humingi ng dispensa yung dalawa. Gustong makipag-kamay, hindi ko pinansin. Tinalukuran ko lang sabay sakay ng sasakyan at harurot palayo.

Nagpunta ako sa malapit na ospital at pinatignan ang kanang kamay at ang mata ko. May fracture ako sa right hand, may blod clot sa left eye, namamaga ang kaliwang parte ng pisngi, at mayroon kulay ube na namumukol sa bandang taas ng tuhod sa kanang paa. Matindi rin pala ang inabot ko kanina, hindi ko lang naramdaman ang sakit dahil sa galit. Nothing to worry about sabi ng duktor. My wounds will heal in time.

It’s the emotional torment that scares me. Everyone in the family, and some of my friends know how passionate I am when it comes to things. Isa itong bagay na naging dahilan para mag-rambol ang emosyon at saloobin ko. Hindi ko ito malilimutan. It will leave me emotionally scarred for life, that I am certain..

At habang nasa ospital ako at nakikipag-usap sa duktor. nag-ring ang aking celfone at nasa kabilang linya si General Maharoqi. He plans on talking to Immigration officials to persuade them to cancel the working visas of the four assholes. Nakausap na rin daw nya ang employers ng apat. Ang may ari ng kumpanya na Shanfari ay nagkataon palang distant relative ni general. Uh-oooh……

Nagkamali talaga sila ng binangga. They took my father for granted, looked down on his accomplishments, and downplayed his own connections here, and look what happened? Retribution.

May ngiti akong umalis sa ospital at taas noong lumakad papunta sa sasakyan. Naisip ko lang naman…

TANGINA NYO, MALAPIT NA KAYONG MAWALAN NG TRABAHO MGA HINDOT. HABANG ANG TATAY KO NASA SALA, NAKAPATONG ANG MGA PAA SA LAMESITA, UMIINOM NG BEER AT KUMAKANTA NG SINTUNADO SA PABORITO NYANG “MY WAY” NI SINATRA….

Possibly Related Posts:


Comments (55)

Transformation 1: DESKTOP

My PC recently went bonkers. Kung tutuusin dapat na talagang palitan ito dahil almost 4 yrs na rin itong Acer ko na bulok. I planned to to buy a new desktop PC, yung dual-core na with at least 1 gig of memory and a top of the line videocard pero naisipan kung butingtingin muna yung nasirang PC, at baka sakali mapagana ko pa. At isa pa, naalala kong wala pala akong pera pambili ng bago LOL.

Mabuti na lang, mas talentado pala ako sa gawaan ng sirang PC kesa sa siraan ng maayos na PC, kaya nagawa ko pang isalba ang aking bulok na computer. Kalikot dito kalikot doon, samahan mo na ng upgrade ng memory from 512 to 2 gig, dagdag ng dalawang external drive na tig-500 gig each, palit ng 17″ monitor to a brand new 21″ LCD screen, upgraded the built in soundcard to a soundblaster audigy and the 128mb videocard to a 512mb nvidia geforce, new wireless keyboard and mouse, pagkabit ng router para may internet ako sa lahat ng PC at laptop sa bahay, at syempre ang pinaka-importante, change of OS.. from XP to Vista..

NOT!!! lol

Hindi pa ako ready na mag-format ng HD ko. My desktop PC is still running on Windows XP but I installed a transformation pack called Bricko Vista Inspirat, at nagmukhang Vista na ang OS ko! It’s a good transformation pack actually, way better than the ones I tried before. It didn’t slow down my system at all. Combined with the upgrades, and a few tweaks here and there, walaaaa! Mukhang bago na ulit ang aking computer! And the best part about this whole PC repair and upgrade thing is, my desktop now looks way better than before. The black and orange color combination of my favorite Zune theme is gone. Ngayon black na lang, but with the new icons, and the cool effects that came with the Vista Inspirat Transformation pack, my desktop is sleeker than ever!

OLD

NEW

Transformation 2: LIGHTROOM

And just when I thought I knew stuff about photography.. (kamot ulo sabay simangot..)

Nagulantang ako when I found out that most of the amazing and spectacular shots I see from the pros actually undergo Post Processing techniques. Karamihan sa mga photos na nakunan ko using my DSLR look dull, kaya akala ko tuloy bopols ako sa photography ampft! Buti na lang nandyan ang photoshop at kung anu-ano pang photo manipulation programs to enhance my photos.

I don’t use photoshop at all. Unang-una, hindi naman ako marunong nyan eh. Pangalawa, I don’t have the time to study the program dahil mukhang masalimuot at mahirap isingit sa busy sked ko sa trabaho, and lastly, naniniwala ako na sa mga tulad kong baguhan sa mundo ng photography, dapat na mag-concentrate muna ako sa skills sa composition and techniques at hindi sa pag-edit/enhance ng photos.

Pero minsan handy rin kung may kaalaman ka sa Post Processing. Paano na lang kung meron kang isang partikular na shot na gustong-gusto, pero hindi ganun kaganda at walang dating? At dahil sa bopols ka at walang alam kung paano sya didiskartehan para maging kaaya-aya sa iyong paningin, eh di ganun na lang? Hindi na pwede ayusin? Bumili ka pa ng DSLR eh so-so lang pala ang mga photos mo. Hindi naman pwedeng iasa mo lahat sa camera, dahil ang camera ay tool lang. Ang lahat ay nakasalalay sa kamay at diskarte ng litratista kung paano gagawing panalo ang isang photo.

Kaya naisipan kong dagdagan ng kahit kaunti ang aking kaalaman. Doon muna ako sa madali. Adobe Lightroom muna. Tsaka na yang Photoshop na yan.

Kaya eto ang ilan sa mga pics na pinakialaman ko using Lightroom. Compare the original with the post-processed photos and I’m sure you will agree with me on this: Hindi man sya ganung ka-colorful compared to the orignals, pero mas naging dramatic ang dating di ba?!

At ang subject? Syempre walang iba kundi ang pinakamagandang baby sa balat ng lupa..

Ang anak ko!

Transformation 2: WATTA HAIR

Kung mapapansin nyo, short-hair pa si AILA sa mga photos na nasa itaas. Dahil matagal na yang mga pics na yan, nasa pinas pa ako noon. Long hair na sya now pero ang ipinagtataka ko, everytime I look at her recent pics, hindi ko naman makita yung sinasabi ni Misis Azrael na mahaba na daw ang hair ni Aila. In fact, napagalitan ko pa si misis one time dahil laging nakatali/nakapusod ang hair ni Aila. Sabi ko sa kanya, wag sanayin na ganun dahil baka baby pa lang eh mabatak at malagas na ang hair at hindi tumubo ng maayos dahil lagi ngang may ribbon.

Eto ang itsura ni AILA ngayon kapag nakatali at may ribbons sa buhok:

Hindi ko masyado type. Pakiramdam ko hindi angat ang tunay na kagandahan ng anak ko kapag nakatali ang buhok. Sigurado ako mas cute syang tignan kapag wala yang mga borloloy na yan sa buhok nya. Gusto kong isipin na hindi ako nagkakamali sa aking hinala, kaya kayo na lang ang humusga. Cute ba sya dyan?

O mas cute sya dito??

Hindi yan ang natural na tubo ng hair ni AILA. Ready for bed na sya kasi at kaaalis lang ng panali sa buhok nun kaya ganyan ang itsura. Parang wig na parang afro na parang pugad ng ibon na di mo maintindihan ampft.

But just the same, cute ka pa rin talaga anak at hindi dahil sa tatay mo ako kaya ko sinasabi yan. Kahit tanungin mo pa lahat sila isa lang ang sasabihin nila sayo..

“Aila you are soooo adorable! Sana paglaki mo mag-transform ka pa lalo ha? At wag mo sanang maging kamukha ang tatay mo!”

Possibly Related Posts:


Comments (24)

Hulog ka ng langit saken ngayong araw na ito dear VERA. Timing ang tag mo dahil wala ako maisip mai-post. Actually madami pala, kaso mo tinatamad ako kaya eto uunahin ko kasi madali nyahahaha!

As usual, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, dahil hindi ko na nakuhang silipin ang origin ng tag na ito. Basta susundan ko na lang ang ginawa ni VERA, at sa mga ita-tag ko, just do the same or else you will die.

Here goes nothing…

———————————————————–

The rule: Name 11 people you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all the 11 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating.

———————————————————–

1. Aila
2. Misis Azrael
3. Henry
4. Nonna
5. Tristan
6. Carmel
7. Steve
8. Eden
9. Emerald
10. Marie
11. Mardy

1. How did you meet # 4? Met her thru my brother. She’s my sister-in-law. Isa sa pinakapaborito kong tao sa buong mundo.
2. What would you do without #5? Wala. Kahit mawala yan wala akong pakialam. Bespren ko yan pero hindi sya importante sa buhay ko lol!
3. What would you do if #2 and # 6 were going out? Magpapakamatay ako. Dahil hindi ko kayang tanggapin na ang bespren kong babae at ang asawa ko ay may relasyon. Ano yan pompyangan?? Misis AZRAEL and Carmel are good friends. Hindi talo!
4. Who’s #10’s best friend? Ay hindi ko alam. But I would like to think that she considers me as one of her ‘better’ friends. Iba ang may pinagsamahan!
5. Have you ever eaten around #1? Eaten around? Di ko gets. Kung ang ibig sabihin nyan eh kumain ako ng patago, at sinadyang hindi ipakita sa kanya, ang sagot ay OO! Dahil matakaw ang anak ko at siguradong iiyak yung pag hindi ko sya binigyan!
6. Do you miss #2? Terribly! I miss my wife all the time. Ay let me rephrase that. I miss her only ONCE.. But continuously. Oh haaaaa! Yan ang banat!
7. Who is #11 dating? Hmmm.. May asawa na sya. Hindi na makikipag-date yun. Tsaka kahit noong single pa yun hindi mahilig makipag-date.
8. What do you think of #3? He’s my favorite bro. Got so much respect for the man. Idol ko yang mokong na yan dahil mas mayaman pa saken wahahahaha! Madiskarte kase, at marunong humawak ng pera.
9. What do you think of #9? I think she’s lost. Hindi nya alam kung babae ba sya o lalaki nyahahahaha! Pasaway kase yang pinsan ko na yan eh. Sayang ganda pa naman. Tsk tsk tsk…
10. Who does #2 like? Like nya? Eh di syempre ako at si Aila. Mas lamang si Aila ngayon dahil syempre anak eh. Pero pag sweldo time na, wala ng mas like pa yun na iba kundi ako lol
11. Would you marry #8? Hindi pwede, kahit na pareho pa kaming single. Pinsan ko yan eh. Ano yan incest?

At ipinapasa ko ang meme na ito sa mga sumusunod. Syempre 11 din hehe.

KOREANMINE, LINGLING, JOVI, REPAH, IRIS, BINX, LIBERTY, LILMISPASAWAY, LYZIUS, MISYEL at SOMMER.

Nasa inyo na yan kung gusto nyong sagutin at paunlakan ang pagpasa ko sa inyo ng tag na ito. Pero kung binibigyan nyo ng halaga ang busilak kong hangarin na makipagkaibigan sa inyo ng seryosohan, at kung mahal nyo ang buhay nyo, at kung ayaw nyong pasabugin ko ang bahay nyo, sasagutin yo yan!

Possibly Related Posts:


Comments (19)

Dear Aila,

Kamusta ka na? Nakita ko na ang latest pics mo, grabe ang laki mo na. At lalo kang gumaganda. Kwento saken ni mommy na 9 kgs ka na daw? Hahahahaha ang bigat mo na ano anak? Ang lakas mo siguro dumede ng gatas ano? Umiinom ka pa rin ba ng fresh orange juice everyday? Patatas at papaya pa rin ba ang mga paborito mong gulay? I’m sure hindi lang yan ang kinakain mo ngayon. Madami ka na rin siguro alam na tricks huh? Balita ko magaling ka daw sumayaw, at responsive ka daw sa mga taong nakikipag-usap sayo. Nakakatuwa naman. I am so proud of you my dearest Maria Aila Ysabelle.

Sayang nga lang anak, at hindi nakikita ngayon ni daddy yang mga pinaggagagawa mo. Pero ok lang, ang importante lumalaki ka ng maayos, malayo sa sakit, at sagana sa pagmamahal. Wag mong iisipin na hindi kita nami-miss ha? Araw-araw lagi kitang naiisip. Gabi gabi lagi kitang napa-panaginipan. Magkalayo man tayong dalawa ngayon, at hindi mo man mayakap si daddy kapag naglalambing ka, lagi mo lang tatandaan..Umalis sa daddy sa pinas, at bumalik ulit sa Oman pero… katawan lang nya ang sumakay sa eroplano.

Iniwan nya ang puso at kaluluwa nya sa piling nyong dalawa ni mommy..

I miss you so much my little prinsesa…

love,

Daddy

Possibly Related Posts:


Comments (31)

Tatlong babae na nagnga-ngalang Istara Bon Gundry, Katrina Lugartos, at Ashley Fruno ang gumawa ng eksena at pinagkaguluhan ng mga tao kanina sa Plaza Miranda. Summer ngayon, at uso ang mga babaeng naka-bikini sa beach, pero mga babaeng litsugas lang ang ginamit na pantakip sa maseselang bahagi ng katawan? At naka-display pa sa abalang lugar sa Maynila? Aba! Talagang pagkakaguluhan yan!

At yun na nga ang nangyari. Pinagpyestahan ng mga miron ang tatlong babaeng ito dahil alam nyo naman, hindi araw-araw na makakakita ka ng ganyan. Kahit ako, kasama ko man si Misis Azrael sa Plaza Miranda, aba iiwan ko sandali yun para lang maki-usyoso sa tatlong seksing babaeng gulay lang na pang-salad ang suot!

Ang kanilang mithiin kaya nila ginawa ito? Para kumbinsihin ang mga tao na wag ng kumain ng karne, at sa halip eh puro gulay na lang ang kainin. Hmmm.. may punto. Wala naman masama kung ang isang tao ay magiging ‘vegetarian’ o ‘vegan’, dahil totoo naman healthy yan. Pero ang tanong ko lang. Sa ganyang pagdi-display ba ng katawan sa publiko, lalo na sa pinas, eh meron kaya silang nahikayat? Kase kung ako ang tatanungin, kapag ganyan ang nakita ko, imbes na gulay na lang ang kainin ko, lalo akong maghahanap ng karne! Bwahahahahaha!

Possibly Related Posts:


Comments (22)