Lettuce Girls @ Plaza Miranda
Tatlong babae na nagnga-ngalang Istara Bon Gundry, Katrina Lugartos, at Ashley Fruno ang gumawa ng eksena at pinagkaguluhan ng mga tao kanina sa Plaza Miranda. Summer ngayon, at uso ang mga babaeng naka-bikini sa beach, pero mga babaeng litsugas lang ang ginamit na pantakip sa maseselang bahagi ng katawan? At naka-display pa sa abalang lugar sa Maynila? Aba! Talagang pagkakaguluhan yan!
At yun na nga ang nangyari. Pinagpyestahan ng mga miron ang tatlong babaeng ito dahil alam nyo naman, hindi araw-araw na makakakita ka ng ganyan. Kahit ako, kasama ko man si Misis Azrael sa Plaza Miranda, aba iiwan ko sandali yun para lang maki-usyoso sa tatlong seksing babaeng gulay lang na pang-salad ang suot!

Ang kanilang mithiin kaya nila ginawa ito? Para kumbinsihin ang mga tao na wag ng kumain ng karne, at sa halip eh puro gulay na lang ang kainin. Hmmm.. may punto. Wala naman masama kung ang isang tao ay magiging ‘vegetarian’ o ‘vegan’, dahil totoo naman healthy yan. Pero ang tanong ko lang. Sa ganyang pagdi-display ba ng katawan sa publiko, lalo na sa pinas, eh meron kaya silang nahikayat? Kase kung ako ang tatanungin, kapag ganyan ang nakita ko, imbes na gulay na lang ang kainin ko, lalo akong maghahanap ng karne! Bwahahahahaha!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


22 comments
madbong
on
April 19, 2008 at
4:59 am
lagyan ko lang yan ng tawsan aylan dressing kakainin ko na yan ahahaha
!
[Reply]
Lyzius
on
April 19, 2008 at
7:59 am
nyahahaha..napanood ko yan kagabi sa tfc…habang iniintrbyu si ashley fruno, panay ang project nung dalawang alipores nya sa camera…kakamatay talaga sa katatawanan yung dalawang pinay na kasama kasi habang nagpapaliwanag ng pro-vegetarian churva si ashley hindi kumukurap yung dalawang babaita sa tabi na akala mo still-camera yung nakatutok sa kanila…nyahahaha!
[Reply]
linglingbells
on
April 19, 2008 at
10:01 am
wahahaha! oo nga noh?! may punto ka dyan!
[Reply]
aga
on
April 19, 2008 at
10:33 am
tsarap tsarap!!! asust…
[Reply]
koreanmine
on
April 19, 2008 at
10:37 am
thousandisland dressing coming up!
[Reply]
ris
on
April 19, 2008 at
7:49 pm
medyo nga, kung ako din ang lalaki. hehe. parang PETA campaign yan ah. pero this one has no taste at all.
[Reply]
TBAC
on
April 19, 2008 at
11:47 pm
Hi. I’ve read your Malou Fernandez post while searching for her name. I was wondering if you could write a post and join the TBAC challenge. Our challenge is about blogging and, yes, Malou Fernandez.
http://www.theblogawardchallenge.com/
See you there.
[Reply]
Maldito
on
April 20, 2008 at
6:50 am
ahe he he….bakit indi dahun ng malunggay nalang ang nilagay nila?lols…ang ganda naman ng mithiin nila..pero naka impossible ngang mag tigil sa kakakain ng karne ang tao..lalong lalo na na talagang karne na nga ang nasa harapan..lols.in ferness pwde na pang ceasar salad ha..
[Reply]
sommer
on
April 20, 2008 at
10:40 am
…buti na lang pala ang lettuce hindi parang dahon ng makahiya, nagtitiklop pag nagagalaw or else…;p
[Reply]
rhapsody
on
April 20, 2008 at
3:04 pm
ang mga kalalakihan sa seksing katawan tlga nakapokus ang mga mata hahaha
[Reply]
Lenggai
on
April 20, 2008 at
7:57 pm
josme… magka-exposure laaaannnngggg….
[Reply]
brotherutoy
on
April 21, 2008 at
3:54 am
ang punto nila yata eh talagang masarap kumain ng sariwang petchay.
teka, parang di yata tama yung sinabi ko…
[Reply]
Schumey
on
April 21, 2008 at
5:23 am
Hahaha…buti at hindi nalanta yung mga suot nila. Anak ng lichugas, tama ka, parang steak ang pumasok sa utak ko at hindi yung mga gulay sa Bahay Kubo.
[Reply]
buffalo soldier kadeteng kalabaw
on
April 21, 2008 at
5:26 am
Tama si maldito..dapat malunggay na lang pinantapal nila… Parang sablay ata yung rason nila nila na ah…parang ewan…hahaha
[Reply]
mrpatok
on
April 21, 2008 at
7:29 am
see more lettuce girls @ http://pinaysexy.blogspot.com/search/label/Alicia%20Mayer
[Reply]
foobarph
on
April 21, 2008 at
9:45 am
tama ka jan az! mahirap kumain ng gulay kung ang promotor eh mga karne na binalutan ng lettuce. lolz
[Reply]
wei vines
on
April 21, 2008 at
10:23 am
mukang sumawsaw lang yung dalawang pinay.
[Reply]
gasti
on
April 21, 2008 at
10:25 am
ako rin karne ang nakikita ko sa tatlong yan at hind ang lettuse..hahaha! kainan na!
[Reply]
R.J.
on
April 21, 2008 at
3:47 pm
pwede rin siguro kahit sitaw na lang. hehehe
napadaan lang po. kita ko site nyo sa blog ni islander. ill add you on my blog roll ha. thanks.
[Reply]
R.J.
on
April 21, 2008 at
5:10 pm
sorry, blog ni madbong pala. hehehe.
[Reply]
A Z R A E L
on
April 21, 2008 at
9:21 pm
@ RJ - sige sige add din kita. hehe
[Reply]
taroogs
on
April 22, 2008 at
9:12 am
ano naman kaya ang pwedeng gimik ng mga carnivores — magbalabal ng tocino at bacon sa katawan? :-) sana asparagus na lang ginamit nilang panakip imbes na lettuce. heheh
[Reply]