Transformations
Transformation 1: DESKTOP
My PC recently went bonkers. Kung tutuusin dapat na talagang palitan ito dahil almost 4 yrs na rin itong Acer ko na bulok. I planned to to buy a new desktop PC, yung dual-core na with at least 1 gig of memory and a top of the line videocard pero naisipan kung butingtingin muna yung nasirang PC, at baka sakali mapagana ko pa. At isa pa, naalala kong wala pala akong pera pambili ng bago LOL.
Mabuti na lang, mas talentado pala ako sa gawaan ng sirang PC kesa sa siraan ng maayos na PC, kaya nagawa ko pang isalba ang aking bulok na computer. Kalikot dito kalikot doon, samahan mo na ng upgrade ng memory from 512 to 2 gig, dagdag ng dalawang external drive na tig-500 gig each, palit ng 17″ monitor to a brand new 21″ LCD screen, upgraded the built in soundcard to a soundblaster audigy and the 128mb videocard to a 512mb nvidia geforce, new wireless keyboard and mouse, pagkabit ng router para may internet ako sa lahat ng PC at laptop sa bahay, at syempre ang pinaka-importante, change of OS.. from XP to Vista..
NOT!!! lol
Hindi pa ako ready na mag-format ng HD ko. My desktop PC is still running on Windows XP but I installed a transformation pack called Bricko Vista Inspirat, at nagmukhang Vista na ang OS ko! It’s a good transformation pack actually, way better than the ones I tried before. It didn’t slow down my system at all. Combined with the upgrades, and a few tweaks here and there, walaaaa! Mukhang bago na ulit ang aking computer! And the best part about this whole PC repair and upgrade thing is, my desktop now looks way better than before. The black and orange color combination of my favorite Zune theme is gone. Ngayon black na lang, but with the new icons, and the cool effects that came with the Vista Inspirat Transformation pack, my desktop is sleeker than ever!
OLD
NEW
Transformation 2: LIGHTROOM
And just when I thought I knew stuff about photography.. (kamot ulo sabay simangot..)
Nagulantang ako when I found out that most of the amazing and spectacular shots I see from the pros actually undergo Post Processing techniques. Karamihan sa mga photos na nakunan ko using my DSLR look dull, kaya akala ko tuloy bopols ako sa photography ampft! Buti na lang nandyan ang photoshop at kung anu-ano pang photo manipulation programs to enhance my photos.
I don’t use photoshop at all. Unang-una, hindi naman ako marunong nyan eh. Pangalawa, I don’t have the time to study the program dahil mukhang masalimuot at mahirap isingit sa busy sked ko sa trabaho, and lastly, naniniwala ako na sa mga tulad kong baguhan sa mundo ng photography, dapat na mag-concentrate muna ako sa skills sa composition and techniques at hindi sa pag-edit/enhance ng photos.
Pero minsan handy rin kung may kaalaman ka sa Post Processing. Paano na lang kung meron kang isang partikular na shot na gustong-gusto, pero hindi ganun kaganda at walang dating? At dahil sa bopols ka at walang alam kung paano sya didiskartehan para maging kaaya-aya sa iyong paningin, eh di ganun na lang? Hindi na pwede ayusin? Bumili ka pa ng DSLR eh so-so lang pala ang mga photos mo. Hindi naman pwedeng iasa mo lahat sa camera, dahil ang camera ay tool lang. Ang lahat ay nakasalalay sa kamay at diskarte ng litratista kung paano gagawing panalo ang isang photo.
Kaya naisipan kong dagdagan ng kahit kaunti ang aking kaalaman. Doon muna ako sa madali. Adobe Lightroom muna. Tsaka na yang Photoshop na yan.
Kaya eto ang ilan sa mga pics na pinakialaman ko using Lightroom. Compare the original with the post-processed photos and I’m sure you will agree with me on this: Hindi man sya ganung ka-colorful compared to the orignals, pero mas naging dramatic ang dating di ba?!
At ang subject? Syempre walang iba kundi ang pinakamagandang baby sa balat ng lupa..
Ang anak ko!
Transformation 2: WATTA HAIR
Kung mapapansin nyo, short-hair pa si AILA sa mga photos na nasa itaas. Dahil matagal na yang mga pics na yan, nasa pinas pa ako noon. Long hair na sya now pero ang ipinagtataka ko, everytime I look at her recent pics, hindi ko naman makita yung sinasabi ni Misis Azrael na mahaba na daw ang hair ni Aila. In fact, napagalitan ko pa si misis one time dahil laging nakatali/nakapusod ang hair ni Aila. Sabi ko sa kanya, wag sanayin na ganun dahil baka baby pa lang eh mabatak at malagas na ang hair at hindi tumubo ng maayos dahil lagi ngang may ribbon.
Eto ang itsura ni AILA ngayon kapag nakatali at may ribbons sa buhok:
Hindi ko masyado type. Pakiramdam ko hindi angat ang tunay na kagandahan ng anak ko kapag nakatali ang buhok. Sigurado ako mas cute syang tignan kapag wala yang mga borloloy na yan sa buhok nya. Gusto kong isipin na hindi ako nagkakamali sa aking hinala, kaya kayo na lang ang humusga. Cute ba sya dyan?
O mas cute sya dito??
Hindi yan ang natural na tubo ng hair ni AILA. Ready for bed na sya kasi at kaaalis lang ng panali sa buhok nun kaya ganyan ang itsura. Parang wig na parang afro na parang pugad ng ibon na di mo maintindihan ampft.
But just the same, cute ka pa rin talaga anak at hindi dahil sa tatay mo ako kaya ko sinasabi yan. Kahit tanungin mo pa lahat sila isa lang ang sasabihin nila sayo..
“Aila you are soooo adorable! Sana paglaki mo mag-transform ka pa lalo ha? At wag mo sanang maging kamukha ang tatay mo!”
Possibly Related Posts:
- Napansin ko lang..
- Hindi ako nakakalimot sa atraso…
- Si AZRAEL ay isang..
- Shuttered 012: Madumi
- Patay kang matanda ka
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!












24 comments
aga
on
April 26, 2008 at
11:26 pm
wow bongga!!! asust…
[Reply]
antuken
on
April 27, 2008 at
4:32 am
hahaha. paglaruan daw ba ang buhok sa mga last shots. normal sa babies ang tinatalian ang hair. to keep the hair away from the face and the eyes. it’s a stage… yaan mo, i’m sure pag mejo pwede na gawan ng cutie na hairstyle si aila (read: mas mahaba na ang hair at mas makapal), ganun gagawin ni mrs. azrael.
i always like pics na mejo sepia/b&w ang tone kaya agree ako wid you sa post prod ng pics mo. hehe. wala rin ako alam sa photoshop. microsoft digital image suite gamit ko, at still, natatanga pa rin ako. hahaha.
[Reply]
Rhapsody
on
April 27, 2008 at
10:16 am
cute curly hair… dapat wag nga madalas i-pony nakakasira ng hair yan eh….
[Reply]
Lyzius
on
April 27, 2008 at
12:40 pm
waaahhh..miss ko pa lalu mga junanak ko kpag me pichur ng baby akong nakikita
[Reply]
linglingbells
on
April 27, 2008 at
12:44 pm
kahit anung buhok ng baby, cute siya!
[Reply]
madbong
on
April 27, 2008 at
3:24 pm
naalala ko tuloy yung anak kong babae nung ganyang idad pa. dalaginding na kasi siya ngayon pero at least nagpapababy pa di tulad nung mga nakakatandang kapatid na lalaki
[Reply]
brotherutoy
on
April 27, 2008 at
5:07 pm
nahuli mo rin ang post-processing! ako, lately ko lang rin nalaman yan pero parang nagi-guilty akong magpost ng edited pics. parang… daya. pero forgiveable na rin especially kung exposure lang ang kailangang iayos. kadalasan, yun lang naman talaga ang mali.
[Reply]
abhie
on
April 28, 2008 at
4:40 am
ang cute naman tlga ng baby mo az… =)
sana ako din magka-baby na! LOL!
[Reply]
vera
on
April 28, 2008 at
5:46 am
hmmm, kuyaAZ! kung ako lng nagkaroon ng baby gurl! hahahaha malamang di lng yan abutin ng anak ko skn…lol
… hmmmm, paminsan minsan potpot needs to pony her hair… sagabal kc yan sa mukha ng bata, nasa age ni aila ang madaling mairita… so better to pony her hair, and ma init ngaun sa atin kuyaAZ… ang bugoy nga hananggang tenga na ang hair… pinakalbo pa ng tatay nya… nagkaka alergy xa sa buhok nya bcoz of the weather.
…hmmm, pro agree ako na ang super adorable c potpot!
…tc kuyaAZ!
[Reply]
kulot
on
April 28, 2008 at
6:30 am
oy ayus, pareho tayo ng gamit, bricko din ako, vista na vista ang dating pag may bricko
[Reply]
sommer
on
April 28, 2008 at
9:47 am
…kaya nawalan na ko gana bumili ng mamahaling camera e, di naman ako matututo ng mga post processing thingy na yan…ok na ako sa point and shoot cam ko.hehehehe!!
…kahit anong buhok, cute pa din aila..pero sa 3rd pix talagang nakataas ang isang kilay? ang taray!!;p
…btw, natapos ko na tag mo pare. tnx!
[Reply]
libay
on
April 28, 2008 at
11:40 am
naks naman pren… kapag ganyan ka cute ang subject nakaka inspired talaga mag take ng mga shots.
[Reply]
gasti
on
April 29, 2008 at
6:09 am
sa tingin ko rin mas ok kapag walang tali ang buhok..saka nakakasira yun ng buhok lalo na kung banat na bant ang pagkakatali..
tama ka rin sa sinabi mong hindi mo kamukha anak mo pero cute sya..heheh! o baka naman ganyan itsura mo nung bata ka. nagtransform lang
ako talaga mas gusto ko magpicture kesa picture-an. yung mga post editing makukuha mo rin yan in time..sa ngyon kuha lang ng kuha..mas ok pa rin yung natural.
[Reply]
Ray
on
April 29, 2008 at
7:54 am
pabor din ako sa nakalugay na buhok…maganda pa naman ang mata ni aila…nakaka-singkit kasi kapag mahigpit ang pagtali ng buhok, o di kaya’y tumataas ang kilay… (ehek! korni!)
[Reply]
antuken
on
April 29, 2008 at
2:47 pm
meron nga ako friend ang sabi nila the first person na mag-gupit sa bata dapat matalino, para matalino rin daw… ewan ko naman kung ano ang katotohananan dun. at di ko makita ang logic. hahaha.
[Reply]
A Z R A E L
on
April 29, 2008 at
2:50 pm
@ chona - walang pinagkaiba yan sa unag subo eh. dapat daw sa malaking kutsara at yung magsusubo eh hindi pihikan sa pagkain para daw yung baby, eh hindi rin mapili.
unang tikim ni aila ng food galing saken, bigmac! nyahahahaha!
[Reply]
Lyzius
on
April 30, 2008 at
9:01 am
tagal ng walang update repapips…
[Reply]
Lyzius
on
April 30, 2008 at
9:05 am
Ngapala, plano namin bumili ng professional cam…yung kapitbahay namin binibentahan kami panasonic lumix DMC FZ 50 12x daw yun..mga 3 months na nyang gamit…2000aed daw with tripod and case… good buy ba yun? kasi base sa salestalk nya maganda daw panasonic kesa sa canon at sony..trulalu ba yun?
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
1:17 pm
@ lyzius - oo nga eh. tinatamad nako mag-blog kaya wala update hehe..
regarding panasonic lumix. maganda kung sa maganda, basta wag mo iko-kompare sa canon at nikon dahil parang nagkumpara ka ng toyota sa mercedez benz if u know what i mean lol.
dalawang brand lang ang sulit im telling you, NIKON or CANON lang. Nikon have the better bodies,especially with the arrival of D300 (astig to!) and Canon have the better lens lineup (L series lenses) period. kahit ang sony hindi uubra sa dalawang brand na yan.
if you’re going to buy a DSLR and plan on using it for a looooooong time, here are my recommendations:
NIKON D40X, NIKON D80, NIKON D300
CANON 450D, CANON 40D, CANON 5D
[Reply]
Lyzius
on
April 30, 2008 at
6:03 pm
oist thanks sa recomendation…kulit kasi ni papa cologne ko, nasales talkan lang na pangit daw ang canon at nikon kasi mas nauna raw ang panasonic chuva tas mas marami raw repair shop ang panasonic..sabi ko mag isip muna at wag padalos dalos…check ko sa market yang mga yan… thanks talaga
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
6:11 pm
@ lyzius - mas nauna ang panasonic?? hehe.. sa DSLR market dalawang brand lang ang tinitingala. Nikon at Canon lang. Tanungin mo kung bakit maraming repair shop ang Panasonic. Baka sirain hehe. Ang Nikon at Canon wala nyan dahil sigurado ang pagkakagawa
Tutal magsisimula pa lang naman kayo, go for CANON 450D. ok yun! Ok din Nikon D80 pero mas mahal. Kung gusto mo pinakamura, Nikon D40X ang para sayo
[Reply]
Lyzius
on
May 1, 2008 at
10:15 am
mga nasa magkano ang ganyan pre? budget ko lang hanggang 2000 dirhams (200 OMR)…
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
10:36 am
@ lyzius -naku patay tayo jan. wala kang makikita na DSLR na Canon or NIKON na 2000dhs lang.
pinakamura kase sa list ko yung D40X, nasa around 2500 siguro yun. kaso mo discontinued model na pala sya dahil nga may mga bagong labas na. Save for at least the CANON 400D (same as my camera),dati nasa 3900dhs yan eh. Pero now siguro around 3400 na lang at ang maganda dun, kumpleto na yun. Meron ng battery grip at isa pang lens na kasama sa package.
It all depends on your needs and budget kase. the panasonic will do actually, but if u are going to invest, siguraduhin mo lang na pagkatapos ng isang taon, eh nakangiti ka pa rin sa binili mo at hindi ka nagsisisi.
I never had complaints abt my Canon.. yun nga lang I’m contemplating on upgrading the camera body by september, just in time for the release of the latest model in the market.
payong kaibigan lyzius, give it more time.. konting research pa sa net. and in doing so, lumalaki pa ang budget mo, at malay mo sa isang buwan na paghihintay eh meron ka ng doble ng amount na yan. o di ba kewlness!
[Reply]
Lyzius
on
May 1, 2008 at
12:40 pm
kaya nga… di pa naman nagmamadali..tsaka beginner pa lang naman kami…salamat sa mga cool tips…naka save na sa mobile ko yung mga nabanggit mong model…para pag dalaw namin sa mall, makita ang presyo…
[Reply]