Cross the line, and you’re dead (updated)
Isang bagay na hindi ko kayang palamapasin eh yung makitang sinisigaw-sigawan ang tatay ko. Tahimik na tao yun, ni minsan walang nakaaway at walang nakasamaan ng loob sa sobrang kabaitan. Hindi madakdak tulad ko, at hindi mo makikitang nakasimangot at sa halip, laging nakangiti kahit medyo inis na sya sa kausap nya.
My dad is a licensed Geodetic and Civil Engineer. Nagtapos yan sa UNC at sa UP ng dalawang kurso na yan. Pinag-aral ng gobyerno ng pinas noon sa Amsterdam ng dalawang taon, at sa Madrid ng isang taon para sa Urban Planning at Geospatial Analysis. Kung hindi umalis ang tatay ko sa pinas, malamang undersecretary na yan noon pa sa DENR. Kung meron akong isang tao na pwedeng ipagyabang kahit kanino, yan ang aking pagkabait-bait na ama.
Uminit ang ulo ko kanina dahil kasama ko sya sa field dahil sa isang sideline o special job na sya lang ang pwedeng mag-assist sa akin dahil sa kanyang expertise, at mayroong isang nag-aastang magaling na engineer kuno ang putak ng putak at mando ng mando na akala mo sya ang eksperto.
Medyo nasa kalayuan ako, pero nakita ko kung paano duruin ng isang Turkish Engineer ang tatay ko. Nilapitan ko ang dalawa, at kasabay noon ang paglapit din ng tatlong alipores ng magaling na Turkish sa amin. Isang Lebanese, isang Syrian at isang Egyptian. Derecho sa putak si Turkish, at ang tatlong kasama nya, nagsisigaw na rin. Sinalo lahat ng tatay ko ang insulto. Nakipagsagutan sa apat na mga kausap nya sa kalmado at mahinang boses. Nakisali na rin ako sa sigawan, pero inawat ako ng tatay ko at sinabihan na lumayo. Usapan daw nila yun at wag akong makialam. Hindi raw tama at wag ko raw gayahin ang kamalian na ginagawa ng mga kausap nya. “Lumayo ka muna. Mainitin ang ulo mo eh, lalaki ang away. Ako ang bahala dito”, ang tanging sabi nya.
Bago ako lumakad palayo, nakita ko kung paano itinaas ng isa dun sa apat ang kanyang kamay, itinuro ang isang daliri, at dinuldol sa dibdib ng tatay ko. Imbes na gumanti, mas pinili ng tatay ko na umiwas at lumakad na rin palayo sa mga kausap nya.
Nilapitan ko sya, garalgal ang boses ng tatay ko habang pinapaliwanag sa akin ang nangyari. Ngayon lang daw sya nakaranas ng ganung pamamahiya, na kung tutuusin eh wala naman syang kinalaman at kasalanan lahat ng isa pang gagong engineer na nagkataon ipinasa lang ang trabaho sa aming dalawa dahil hindi nya alam ang kanyang ginagawa. Galit na galit ako, sumisigaw na rin sa wikang pinoy na kami lang dalawa ng aking ama ang nakakaintindi.
Bigla akong natahimk. Biglang napatunganga. Biglang napako sa aking kinatatayuan….
Kitang kita ko ang luha na tumulo galing sa mata ng aking ama. Humalo ang luha na iyon sa pawis sa kanyang pisngi na dulot ng init ng araw.
Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Naiyak ako na parang bata. Naalala ko kung paano ako inalagaan at binigyan ng proteksyon ng aking ama noong ako ay bata pa. Naalala ko ang paghihirap nya sa aming magkakapatid. Ni minsan hindi ko nakita ang tatay ko na nagreklamo sa amin noon kahit na mayroong pagkakataon na naging pahirap kaming magkakapatid sa aming mga magulang.
Hindi ko alam kung ‘yon ang tinatawag na emotional breakdown, pero pinilit na itago ng tatay ko ang pag-iyak nya. Sa mahina nyang boses, ito ang mga natandaan kong sinabi nya…
“Mahirap lang ako nung bata.. Sariling kayod para mapagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo.. Naglako ako ng bananacue, nag-kutsero, naglinis ng babuyan, at nag-janitor para lang bigyan ng kaganapan ang aking mga pangarap. Napangasawa ko ang pinakamagandang babae sa buong mundo, nabiyayaan kami ng tatlong matitinong anak, ng apat na magaganda at gwapong apo, nakapag-pundar ng bahay at kagamitan, at nagkaroon ng magandang pamumuhay dahil sa hirap, tiyaga, disiplina at pagpupursigi… At eto lang ang katapat ko?? Ang pagyurak sa aking pagkatao ng ibang lahi na hindi man lang inisip na mas matanda, mas may kaalaman at mas eksperto ako sa kanila? Nasan ang respeto sa kapwa tao?..”
Pinigilan ko na ang tatay ko sa pagsasalita.. Inihatid sya sa aking sasakyan. Naka-akbay ako sa balikat nya at nagibiro na gigimik kaming dalawa mamayang gabi. Napangiti ang tatay ko.. Mas lalo akong naiyak, dahil bigla kong naisip, “Iba talaga tatay ko. Napaka-simple. Ang daling pasayahin. Ang daling alisin ng galit sa puso… Mahal ko talaga itong mama na ito”…
At habang nagpapalamig sa aircon ng sasakyan ang tatay ko, binuksan ko ang trunk at kinuha ang isang survey pole na bakal. ito lang ang naisip kong paraan para iligaw ang aking sarili sa nararamdamang pinaghalong galit at awa. Iniwasan ko rin kasing patagalin pa ang seryosong sitwasyon na aming kinalalagyan ngayon. Ayoko namang mag-iyakan kami pareho sa loob ng sasakyan, sa gitna ng disyerto, sa isang bansa na kami ay mga banyaga.. Ayokong magmukha kaming kawawa..
“Punta lang ako sa station ha?, mamarkahan ko ang benchmark para alam ko ang posisyon mamaya ok?” ang sabi ko. Tumungo lang ang aking ama sabay pahid ng naghalong luha at pawis sa kanyang pisngi..
Habang naglalakad palapit sa lugar na aking pagtatayuan ng survey pole, bumalik sa utak ko ang nangyari kani-kanina lang. Nandun pa rin ang apat na hindot na kanina lang ay minaliit ang tatay ko. Nag-uusap, nagtatawanan, nagsisigawan… sa kanilang native language na Arabic.
Malas nila dahil una, naintindihan ko ang kanilang pinagsasabi. Na kesyo duwag daw pala ang mga Asyano, na kesyo small-time daw ang tatay ko, at ang pinakamatindi… Harapan daw nilang pinahiya ang isang eksperto sa harap ng kanyang sariling anak, at wala itong nagawa kundi lumayo na parang asong nabahag ang buntot.
Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanila sabay senyales sa apat na lumapit sa akin. Gamit ang aking survey pole, gumuhit ako ng isang derechong linya sa buhangin.. Isang linya na pinaghihiwalay ang aking kinatatayuan sa kanila. “Doon sila, dito ako”, sa isip-isip ko..
“Why are you making this line on the ground? Is that what we paid you to do? A line?” sabay tawanan ang mga loko.
“NO”, I said. “This line is to separate the bad-asses from the fags. And the way I see it, you’re all on the faggots’ side!”. “You call yourself men?? Cross the line and show me what you’ve got! But I’m warning you, all of you.. Cross this line and you’re dead!”
At doon na nagsimula ang kanilang katapusan…
Halos sabay sabay naglapitan ang apat na gago. Hindi ko na pinatagal ang girian. Pinagpapalo ko ng survey pole na bakal ang apat. May isang hindi napuruhan kaya nagantihan ako ng isang suntok sa panga at malakas na tadyak sa tagiliran. Bumagsak ako at ng akmang palapit ang loko, nabigyan ko ng isang sipa naman sa bayag. Hindi pa ako nakuntento at pinagpapalo ko pa sila sa ulo. Dalawa ang duguan sa noo, isa ang basag ang ilong, at yung isa naman may latay sa braso. At ang icing sa cake, pinagduduraan ko sila habang nagmumura.. “Mga putang-ina nyo! Nagkamali kayo ng iinsultuhin!
Lumakad ako palayo at siniguradong walang sumusunod sa akin. Dukot ng celfone at dial sa number ni General Maharoqi. Sumakay sa sasakayan na parang walang nangyari, at biglang tanong sa tatay ko…
“Bakit hindi man lang kayo bumaba? Bakit hindi nyo ako tinulungan eh apat kaya yun??! Eh pano kung mabugbog ako??!”
At ang sabi ng tatay ko, “Aba ikaw naghamon eh, bahala ka sa buhay mo. At tsaka habang nakikipag-pataasan ka ng ihi sa mga yun, tinawagan ko na rin si Ambassador Karusi, inabisuhan ko na na may inaway ka na naman”.
Balak ko pa sanang magtagal sa site, pero tinawagan na rin pala ng tatay ko yung isa pang gagong engineer na nagbigay sa amin ng sideline. Hindi na raw nya gagawin. Dahil ayaw daw nya makatrabaho ang mga bobo at walang alam na mga engineers.
“Yaaaaaaaan! Ganyan dapat! Dapat magalit ka din! Murahin mo sila at sabihin mong wala sila sa kalingkingan mo!”, ang sabi ko sa kanya.
“Sus, alam ko naman yun eh. Kaya nga di ko sila pinatulan kasi di ko sila ka-level”, ang sabi nya.
Napakamot ako ng ulo…
“Uwi na tayo! Naghihintay na mommy mo! Magagalit yun pag nakitang nakipag-away tayo!” dagdag nya.
AZRAEL: “Tayo????? Eh ako lang nakipag-away ah!!!! Umiyak ka lang eh!”
TATAY NI AZRAEL: “Mas malakas nga iyak mo eh. Para kang babae.”
At sabay kaming nagtawanan mag-ama.
——————————————————–
UPDATE
Spent two hours at the police station earlier. Nagreklamo ang apat na ginulpi ko (ako pa ang nang-gulpi eh no? lol). Parang mga babae na putak ng putak sa harapan ng pulis, dumating ang boss ko, ang kaibigang ambassador, at isang kaibigan ng tatay ko na nagtatrabaho sa Royal Court. Dinaan sa diplomasya at hindi na itinuloy ang formal complaint laban sa akin. Pinagsabihan lang ako ng pulis na wag ko ng uulitin ulit. Natawa ako ng nag-usap usap sila ng Arabo at sinigawan ng isang pulis yung apat.. Apat daw sila tapos sila pa nagreklamo, parang hindi raw kapani-paniwala na sila pa ang nabugbog wahahahahaha!
Todo ang suporta sa akin ng mga kaibigang Omani. Tama daw ang ginawa ko. Umalis ako ng police station na may ngiti sa mukha. Nagpang-abot kami ng dalawa dun sa apat sa parking lot at humingi ng dispensa yung dalawa. Gustong makipag-kamay, hindi ko pinansin. Tinalukuran ko lang sabay sakay ng sasakyan at harurot palayo.
Nagpunta ako sa malapit na ospital at pinatignan ang kanang kamay at ang mata ko. May fracture ako sa right hand, may blod clot sa left eye, namamaga ang kaliwang parte ng pisngi, at mayroon kulay ube na namumukol sa bandang taas ng tuhod sa kanang paa. Matindi rin pala ang inabot ko kanina, hindi ko lang naramdaman ang sakit dahil sa galit. Nothing to worry about sabi ng duktor. My wounds will heal in time.
It’s the emotional torment that scares me. Everyone in the family, and some of my friends know how passionate I am when it comes to things. Isa itong bagay na naging dahilan para mag-rambol ang emosyon at saloobin ko. Hindi ko ito malilimutan. It will leave me emotionally scarred for life, that I am certain..
At habang nasa ospital ako at nakikipag-usap sa duktor. nag-ring ang aking celfone at nasa kabilang linya si General Maharoqi. He plans on talking to Immigration officials to persuade them to cancel the working visas of the four assholes. Nakausap na rin daw nya ang employers ng apat. Ang may ari ng kumpanya na Shanfari ay nagkataon palang distant relative ni general. Uh-oooh……
Nagkamali talaga sila ng binangga. They took my father for granted, looked down on his accomplishments, and downplayed his own connections here, and look what happened? Retribution.
May ngiti akong umalis sa ospital at taas noong lumakad papunta sa sasakyan. Naisip ko lang naman…
TANGINA NYO, MALAPIT NA KAYONG MAWALAN NG TRABAHO MGA HINDOT. HABANG ANG TATAY KO NASA SALA, NAKAPATONG ANG MGA PAA SA LAMESITA, UMIINOM NG BEER AT KUMAKANTA NG SINTUNADO SA PABORITO NYANG “MY WAY” NI SINATRA….
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!
55 comments
Lyzius
on
April 30, 2008 at
4:14 pm
hands up ako sa haba ng pisi ng dad mo…
lam mo dito sa project namin marami rin kaming kasamahang turkish, egyptian at syrian na akala mo kung sinong mga me utak! Wala naman…
ang gagaling magsabi ng “this man is ijit” Potah eh pare-pareho lang naman silang idiota!
buti na lang me tinulungan kang general dati kahit makipagbasagan ka ng betlog jan me sasalo sayo!
tama yan patikimin mo sila ng pambansang kamao!
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
4:18 pm
@ lyzius - alam mo habang ginagawa ko yang entry, naiiyak pa rin ako. parang naawa ako sa tatay ko nasabayan pa ng galit sa mga lintek na mga lahi na yan.
tangina nila nakatikim sila ngayon saken. at hindi pa ako tapos.. babalikan ko pa mga yan. mga small time yan, kayang kaya kong ipadampot sa pulis ang mga yan kahit na ako naman ang nagsimula lol
[Reply]
linglingbells
on
April 30, 2008 at
4:21 pm
grabe, ang bait ng tatay mo!! at ang bait mo ding anak..
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
4:26 pm
@ lingling - sya mabait. gusto kong isipin na mabait din ako dahil alam mo ba na pareho kami ng bday? pero bakit parang magkaiba ugali namin lol
[Reply]
Lenggai
on
April 30, 2008 at
4:27 pm
grabe az, mahal na kita! lol!
gleng! seryoso, napaisip tuloy ako tungkol sa tatay ko, pero war freak kasi ‘yun eh, kabaligtaran naman kami. ako kasi, hangga’t kaya kong palampasin, pinapalampas ko. pag nasimulan ko kasi, giyera talaga.
saludo ako sa inyo ng papa mo, ganda ng entry na ‘to!
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
4:53 pm
@ lenggai - at kailangan pa palang makipagdigmaan ako sa apat na tukmol para lang sabihin mo saken yan?? lol
sobrang saludo ako sa tatay ko, at hindi ako nagbibiro kapag sinabi kong papatay ako ng tao na walang alinlangan para sa tatay ko, sa nanay ko, sa asawa ata anak, sa mahal sa buhay, at sa kaibigan…
haaaaaysss. ginawa ko na comedy yung last part pero naiiyak pa rin ako hanggang ngayon.
[Reply]
Jon Cabron
on
April 30, 2008 at
4:58 pm
isang beses na rin akong napaaway dahil sa pagtatanggol sa tatay ko, di nga lang kasing intense ng sayo dahil babae ang kaaway ko.. heheh’ pero seryoso, pag magulang at pamilya na ang pinag uusapan kahit sino at kahit saan tama lang makipag basagan ng mukha. bumigat ang dibdib ko para sa tatay mo at lalo kong naisip na tamang tama ang ginawa mo sa mga kups na yun.
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
5:02 pm
@ jon - ang totoo nyan, masakit ang katawan ko dahil napuruhan din ako. hindi ko na lang nilagay sa entry na sumigaw din ako ng ‘timeout timeout!’ dahil magmumukhang comedy at hindi bagay dahil medyo seryoso ako ngayon.
parang na-trauma ako kanina. wala ang sakit sa katawan kung ikukumpara mo sa sakit ng damdamin na naranasan ko kanina.
hindi pa nawawala ang galit. nanginginig pa rin ako ngayon… habang yung tatay ko parang wala lang. ayun nasa sala, nagvivideoke ampft
[Reply]
sommer
on
April 30, 2008 at
5:21 pm
…shit! napaiyak ako sa entry mo tong, for reals!! grabe, bigla ko tuloy gusto umuwi baguio at yakapin ang tatay ko. whaaa, parang kelan lang umiiyak din akong nagsusulat ng entry ko tungkol sa tatay at nanay ko.whaaaaa!!! pero kung siguro ginanun din tatay ko, kahit di ako marunong makipagaway, sisiguraduhin ko ding dadanak dugo mga bwakinanginang yan.
…kamusta naman ang sapak sa panga at tadyak sa tagiliran mo? napagalitan siguro kayong magama ng mommy mo noh?
[Reply]
A Z R A E L
on
April 30, 2008 at
5:26 pm
@ sommer - haaaaaays.. hindi lang kasi namin nakasanayan sa pamilya na magyakapan eh. pero gusto kong yakapin ang tatay ko at sabihin sa kanya na ‘hanggat buhay ako, lagi ko syang ipagtatanggol’
masyado pa akong shocked sa nangyari.. hindi sa away, sanay na ako sa ganun eh.. doon sa pinahiya sya. nanggigigil pa rin ako, at ang emosyon na nararamdaman ko ngayon, eto na yata ang pinakamatinding poot na naramdaman ko sa buong buhay ko. traumatized ako grabe. habambuhay na nakatatak na saken ito sigurado.
masama din ang tama ko. now ko lang nararamdaman ang sakit. baka 1 month ako sick leave neto lols
[Reply]
libay
on
April 30, 2008 at
5:52 pm
isa lang ang masasabi ko pren “buti nga sa kanila nakatikim ng lupit at hataw ng pinoy”… pero apat yun kaya i’m sure na hindi din maganda ang tama mo… pagaling ka ok?
[Reply]
brath
on
April 30, 2008 at
6:12 pm
hanga naman ako sayo pati narin sa papa mo,,, ang swerte mo nagkaroon ka ng tatay na gaya niya….
xiao!
[Reply]
Pryss
on
April 30, 2008 at
7:49 pm
ouch…na-touch naman ako don…kahit di kami in good terms ng dad ko,alam ko magagawa ko din yan…kahit babae ako alam kong kaya kong makipag basag-ulo para sa mahal ko sa buhay…
nice entry,touching and spicy…good job mahal….
[Reply]
MisyeL
on
April 30, 2008 at
8:10 pm
Napaiyak din ako sa post mong ito, kapag magulang na talaga pinaguusapan at inaalipusta eh matira na lang matibay! Bilib ako sa tatay mo, isang mabuting tao at kita mong mataas ang pinagaralan. Kung ako din siguro lumagay sa katayuan mo baka magawa ko din yun kahit na may pagka duwag ako. Sana ayos na mga tama mo mula sa mga idiot na yun.
[Reply]
kengkay
on
May 1, 2008 at
12:47 am
hindi ako naiyak, nang-gigil ako dito sa post mo na to, mga ulanghiyang yon. lintek lang talaga ang walang ganti kapag pamilya ko na ang inaway at pinaiyak. mabuhay ka, azrael. at saludo din ako kay tatay mo. at sa mga hayup na yon… buti nga sa kanila. sana pinainom mo rin ng tig isang basong buhangin. erm, natawa rin ako dun sa sinabi ng tatay mo na dun lang sya papatol sa ka level nya, hehe
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
1:21 am
@ keng - nakakatawa talaga yun. di raw nya ka-level.. tama sya..
hindi nya ka-level dahil maliit lang ang tatay ko bwahahahaha! At bukod dun, bugbog sarado sya kapag pinatulan nya ang mga yun.
[Reply]
binx
on
May 1, 2008 at
2:34 am
nakakatuwa naman kayong mag-ama. Ang bait ni Daddy and ang tapang mo naman! Buti na lang nandyan si Mommy, may mag-aalaga sa inyo ni Daddy. Wala talaga tayong hindi gagawin para sa pamilya natin. At isa rin talaga sa importante sa buhay ay ang mga KONEKSYON. Hehehe!
ong mundo, kundi ang koneksyon ng bakal na pinamalo ko sa mga mukha nila.. lol
[Reply]
taroogs
on
May 1, 2008 at
5:49 am
tanginang mga turkong yon! kamelyo lang ang kaya nilang upakan!! kambing lang ang kaya nilang takutin!!!
ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit ni minsan walang naging sikat na boksingero na turko… lang kwenta… pweh
mabuhay Kurdistan!!!! humiwalay na kayo sa turkey :-)
[Reply]
abhie
on
May 1, 2008 at
6:46 am
bilib ako sa disposisyon ng daddy mo.. at ciempre, mas bilib ako sa tapang mo!
[Reply]
MissPinkBiik
on
May 1, 2008 at
7:35 am
I would have done the same! Mga HayuF!!! pero komedy ka pa din…fafalicious ha ha ha ha
[Reply]
Lenggai
on
May 1, 2008 at
9:53 am
mahal kita az pero me asawa ka na
nway, galing ng update… pinagpala ka talaga. sabagay, karma karma lang ‘yan.
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
10:08 am
@ lenggai - wag mong gawing dahilan ang pagiging may asawa ko. if theres a will theres a way! lol
[Reply]
Lyzius
on
May 1, 2008 at
10:13 am
nabasa ko na updated version… hay buti nga sa kanila… kasi feeling nila pinoy “lang” tayo..di naman marunong makipag suntukan yang mga yan…they are bunch of sissies and fagots magots! bwahahaha… astig ka tol!
serves them well! hehehehe
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
10:19 am
@ lyzius - kung titignan parang mukhang panalo ako sa away di ba? pero sa totoo lang, mas masakit ang katawan ko kumpara sa kanila sigurado. tsaka hindi naman sila na-trauma eh. ako ang na-trauma..
[Reply]
kengkay
on
May 1, 2008 at
2:07 pm
lintek lang ang walang ganti. lessons in life. pero kaya mo yan, az! makinig ka na lang din ng my way
tulad ng iyong cool na tatay
[Reply]
burinj
on
May 1, 2008 at
2:12 pm
kakatouch move naman entry mo!naalala ko na naman ang aking tatay…
btw, gago, sira ulo, talaga ang mga lahing yun! lagi kong ngang sinasabi sa sarili ko dati..(oo, madalas kong kinakausap sarili ko) kung 100 dirhams lang ang buhay ng mga Egyptians, willing akong lumustay ng 100,000 dirhams, mabawasan lang ang tanga sa mundo…
hay….serves them right..kung nasa Pilipinas sila malamang di lang ganon inabot ng mga ungas na yun malamang matagal na silang nalitson!
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
2:21 pm
@ burinj - pahiram ako ng glock mo sa pic! uubusin ko lahi nga mga ‘to! lol
[Reply]
Maldito
on
May 1, 2008 at
2:41 pm
si tatay din indi gaanung mahilig sa away..kainis nga dahil palaging luhod sa asin ang drama sa bahay pag nalaman niyang nkipag away kami ni kuya.grabe ang wisdom ng tatay mo..ahehhe..inbyt mo yung apat dito sa pinas..alam mo na ang gagawin namin sa kanila.lols.
pagaling ka…hahanapan kita ng coach para sa boxing.baka kaw na ang susunod na pakyaw.
[Reply]
madbong
on
May 1, 2008 at
3:14 pm
tama lang yung inabot nung apat parekoy - beh buti nga sa kanila. pero cool talaga erpats mo elibs ako. pero mukhang masama ang ihip ng hangin ngayong panahon na ito at marami akong away na nababasa sa mga blog hehe
[Reply]
linglingbells
on
May 1, 2008 at
4:58 pm
mabait ka din naman dahil ipinaglaban mo ng patayan ang tatay mo!
ayan, balik sa pinagmulan nila yung apat na ungas na yan.. hahaha!! sa ating mga pinoy ang huling halakhak!!
[Reply]
R.J.
on
May 1, 2008 at
5:43 pm
whew! para akong nanonood ng pelikula ni FPJ habang binubogbog sila paquito at romy diaz. sa totoo lang dude, medyo naiyak ako (medyo lang naman) at napoot (hindi medyo)ako sa mga hinayupak na yun. punta rin akong ng site two weeks from now at asahan ko rin na may maeencounter akong mga kupal na ganyan. buti na lang nabasa ko yung mga ginawa mo para meron na ko idea, humingi ng timeout! hahaha! astig ka pare!
[Reply]
Jen
on
May 1, 2008 at
7:57 pm
ge ba! no broblem! timbrehan mo lang ko, papadala ko ang epektos!
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
9:19 pm
@ jen - epektos ampft lols! underground na underground ang dating ah. samahan mo an rin ng dalawang kahon ng bala ha??
[Reply]
Jules
on
May 1, 2008 at
11:23 pm
:-) nung una, naiiyak na ako sa post mo kase talagang feel ko ang emotion tungkol sa tatay mo pero nung nasa puntong binanatan mo na ang mga animal na gago, bumalik ang luha ko at halos pumalakpak sa tapang mo. saludo ako pasensya ng tatay mo, pero mas saludo ako sa ginawa mong pagbibigay ng leksyon sa mga ungas na yon. mabuhay ka!
[Reply]
A Z R A E L
on
May 1, 2008 at
11:31 pm
@ jules - salamat bro.. sis.. teka ano ka ba. di ka kase nag-iwan ng URL at ng madalaw din sana kita lols.
anyway, iba talaga ang tapang ng pinoy.. NA MAY HAWAK NA BAKAL NA PAMALO! bwahahahaha! yun yun eh! kung wala ako nun hindi ako susugod no. ano ako bale? lols
[Reply]
Jovi
on
May 2, 2008 at
4:35 am
Sa lahat ng post mo, ito ang peyborit ko! Astig ng dad mo! A real gentleman. O siya, astig ka na rin… At dahil sa injured ka… (wink! wink!) ;-)
[Reply]
ana_banana
on
May 2, 2008 at
9:03 am
ganda nitong post mo… full of emotion.
grabe talagng mang alipusta mga ibang lahi, akala nila kung sino lang kaharap nila.
Si amo ko ganyan din gusto ko ngang resbakan pwede ka bang arkilahin? bugbugin natin si amo… I
[Reply]
chuanwei
on
May 2, 2008 at
12:02 pm
========
========
IF YOU NEED A BLOG, DONT FORGET TO SEE HERE: [link deleted by AZRAEL]
(The themes is so beautiful & also able to place adsense)
========
========
many people have moved from other blog to [link deleted by AZRAEL] blog because the themes is very beautiful
[Reply]
dakilang islander
on
May 3, 2008 at
3:35 am
wow!! grabing experience na yun hah…gigil na gigil ako habang binabasa ang entry mo, kung may arabo palang dito baka binato ko na ng tinapay!lol kala ko manahimik nalang kayo ng tatay mo pagkatapos. kahit bilib ako sa ugali ng tatay mo pero mas hanga ako sa ginawa mo. 1 vs 4 at sila pa nagreklamo! mga bunganga lang malaki ng mga yun eh..kung di kayang turuan ng respeto sa thru ur dad’s way then teach them in your own way!
i-add kita sa blogroll ko hah..
[Reply]
Jules
on
May 3, 2008 at
5:22 am
hi az! :-) babae pwo akwo at matutunghayan mo dito!
http://juleste.wordpress.com/
cheers!
[Reply]
A Z R A E L
on
May 3, 2008 at
1:27 pm
@ jules! ma’am! titser ka pala! gandang araw po. at mahilig ka rin pala sa photography. add kita hehe.
[Reply]
Find ways to make yourself smile « A Z R A E L on May 3, 2008 at 11:42 pm
[...] now, I’m a bit depressed. Alam naman nyo siguro kung bakit. Pero nothing to worry about, I’m [...]
antuken
on
May 4, 2008 at
6:14 am
nice post. and soooo cool dad. hehehe. reminds me so much of my dad. yung mga pag-hirit nya.
one of the reasons kaya ayoko magwork abroad eh mga racism at kung anu-anong panlalait na pwede mong makuha sa mga foreigners kse minority ka. hmp. kumag sila!
hope you’re feeling better now.
[Reply]
Thess
on
May 4, 2008 at
12:51 pm
Whoa! pare bilib ako sa tapang mo!! pero mas bilib ako sa pagmamahal mo sa tatay mo, swerte nya
Saan mo kinuha tapang mo sa rambol *lol*
Bilib din ako sa disposisyon ng tatay mo, pero cgro kung ako din nasa posisyon mo at nakita ko na minaliit ng mga amoy kambing ang tatay ko, ipapakulam ko silaaa! (d ako pwede sa bakbakan at lampa ako eh)
ingat dyan at laging talasan pakiramdam..lam mo na, daming kalahi pa rin nyan dyan.
[Reply]
A Z R A E L
on
May 4, 2008 at
10:38 pm
@ thess - yan yata ang isang bagay na hindi ko nakagawian.. ang mag-ingat pagkatapos ng isang aaway lol. ang katwiran ko, patay kung patay. kung oras ko na wala naman ako magagawa eh.. tsaka puro dada lang tong mga to. maniwala ka saken wala ibubuga mga yan at mas pipiliin pang tumawid ng kalye, o kaya lumakad pabalik kung sakaling makakasalubong ko sila sa daan.
at bakit kamo?? kase dala ko pa rin ang pamalo ko at wala akong balak bitawan nyahaha!
[Reply]
rhapsody
on
May 5, 2008 at
11:59 am
nakakabilib ang tapang mo talaga… at timing din na nakilala mo si general mahoraqui malaki din ang suporta na naibigay niya sa inyo… mabuti naman nabigayn mo ng hustisya ang pang-aalipusta nila sa dad mo… nagkamali tlga sila ng binanngga tsktsktsk…
[Reply]
A Z R A E L
on
May 6, 2008 at
11:24 am
@ mylene - naku walang dapat ikabilib dun. kahit sinong duwag na tao, kapag pamilya na ang minaliit tumatapang yan. sa totoong buhay hindi naman ako basta basta susugod ng walang dahilan. barumbado man ako sa paningin ng karamihan, sa maniwala ka o sa hindi, mas gugustuhin ko pa ring umiwas sa away. kaso mo tatay ko ang binangga eh, kaya patay kung patay
[Reply]
Jules
on
May 6, 2008 at
7:33 pm
:-) hi az! gandang gabi! titser nga na kinakarir ang bakasyon dahil ilang tulog na lang at tapos na ang maliligayang araw ko sa walang sawang pagba-blogging! add din kita ha! nice entry sa bloghopping habits! bigyan kaya kita ng grade jan… 99%! pag may mag-apila kung bat di perfect, punta lang sa principal’s office at dun kami mag-uusap mwahaha!
[Reply]
A Z R A E L
on
May 6, 2008 at
9:11 pm
@ jules - ma’am salamat sa mataas na grade! sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng 99! at kung hahayaan mo akong ihatid ka tuwing uwian, buhatin ang mga libro mo, at bumili ng mga pahulugan mong binebenta, sige call ako dyan! next time 100 na ha?
[Reply]
Jules
on
May 7, 2008 at
8:09 pm
ikaw talaga! malayo inuuwian ko kaya di ako pwede ihatid, di na ko nagdadala ng libro kase bawal sa bahay magdala ng trabaho at sa daming nagpapahulugan dun sa ‘min, wala na kaya akong maisip na pwede i-business! sige next time 100% basta good handwriting, with proper margin and no erasures :-) sa theme writing pala yun! :-)
hala, serious ang topic eh.. basta sa ‘kin, sa lahat ng sitwasyon, dapat may natutuhang leksyon. pagkatapos matutuhan ang leksyon, dapat magbigay ito ng inspirasyon at sa kwento mo, ang daming matutunghayan.
naku, nag-lecture na si ma’am! basta tandaan ang leksyon na inabot ng mga nang-aapi at nagdudunong-dunungan! :-)
[Reply]
miss choi
on
May 30, 2008 at
8:42 pm
Late na, pero gusto ko lang humirit. Angas!
Bookmark ko to. Porma eh.
Naalala ko pala, kahit babae ako, nakipagsuntukan ako sa lalake dahil nagjoke ng hindi maganda sa tatay ko. Lintik lang ang walang ganti!
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 11th, 2008 11:16 am:
at bakit ngayon ko lang nabasa ang comment na ito?
haaayyyyyssss…
[Reply]
Lhay
on
September 11, 2008 at
11:05 am
Potek ka Az, mangiyak-ngiyak ako sa kwento mo..Kung kaya ko lang gawin ang ginawa mo sa mga bwakanang diterch na mga yan, ginawa ko na sa Amo ko..
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 11th, 2008 11:14 am:
nyay! amo yan eh. ibang usapan yan huy
pag sa amo, hindi pwede manakit.
LASUNIN mo na lang!
[Reply]
glesy the great
on
November 12, 2008 at
5:16 am
alam kong matagal na post na to pero di ko mapigilang mag-comment…. lagi kong sinasabi na “anak ka ng magulang mo kaya may privilege right kang murahin ang taong gumagago sa magulang mo”… hats off to you kuya azrael!!!
nice one… napagrambol-rambol mo ang emosyon ko sa iisang post lang… cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
[Reply]