Hulog ka ng langit saken ngayong araw na ito dear VERA. Timing ang tag mo dahil wala ako maisip mai-post. Actually madami pala, kaso mo tinatamad ako kaya eto uunahin ko kasi madali nyahahaha!
As usual, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, dahil hindi ko na nakuhang silipin ang origin ng tag na ito. Basta susundan ko na lang ang ginawa ni VERA, at sa mga ita-tag ko, just do the same or else you will die.
Here goes nothing…
———————————————————–
The rule: Name 11 people you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all the 11 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating.
———————————————————–
1. Aila 2. Misis Azrael 3. Henry 4. Nonna 5. Tristan 6. Carmel 7. Steve 8. Eden 9. Emerald 10. Marie 11. Mardy1. How did you meet # 4? Met her thru my brother. She’s my sister-in-law. Isa sa pinakapaborito kong tao sa buong mundo.
2. What would you do without #5? Wala. Kahit mawala yan wala akong pakialam. Bespren ko yan pero hindi sya importante sa buhay ko lol!
3. What would you do if #2 and # 6 were going out? Magpapakamatay ako. Dahil hindi ko kayang tanggapin na ang bespren kong babae at ang asawa ko ay may relasyon. Ano yan pompyangan?? Misis AZRAEL and Carmel are good friends. Hindi talo!
4. Who’s #10’s best friend? Ay hindi ko alam. But I would like to think that she considers me as one of her ‘better’ friends. Iba ang may pinagsamahan!
5. Have you ever eaten around #1? Eaten around? Di ko gets. Kung ang ibig sabihin nyan eh kumain ako ng patago, at sinadyang hindi ipakita sa kanya, ang sagot ay OO! Dahil matakaw ang anak ko at siguradong iiyak yung pag hindi ko sya binigyan!
6. Do you miss #2? Terribly! I miss my wife all the time. Ay let me rephrase that. I miss her only ONCE.. But continuously. Oh haaaaa! Yan ang banat!
7. Who is #11 dating? Hmmm.. May asawa na sya. Hindi na makikipag-date yun. Tsaka kahit noong single pa yun hindi mahilig makipag-date.
8. What do you think of #3? He’s my favorite bro. Got so much respect for the man. Idol ko yang mokong na yan dahil mas mayaman pa saken wahahahaha! Madiskarte kase, at marunong humawak ng pera.
9. What do you think of #9? I think she’s lost. Hindi nya alam kung babae ba sya o lalaki nyahahahaha! Pasaway kase yang pinsan ko na yan eh. Sayang ganda pa naman. Tsk tsk tsk…
10. Who does #2 like? Like nya? Eh di syempre ako at si Aila. Mas lamang si Aila ngayon dahil syempre anak eh. Pero pag sweldo time na, wala ng mas like pa yun na iba kundi ako lol
11. Would you marry #8? Hindi pwede, kahit na pareho pa kaming single. Pinsan ko yan eh. Ano yan incest?
At ipinapasa ko ang meme na ito sa mga sumusunod. Syempre 11 din hehe.
KOREANMINE, LINGLING, JOVI, REPAH, IRIS, BINX, LIBERTY, LILMISPASAWAY, LYZIUS, MISYEL at SOMMER.
Nasa inyo na yan kung gusto nyong sagutin at paunlakan ang pagpasa ko sa inyo ng tag na ito. Pero kung binibigyan nyo ng halaga ang busilak kong hangarin na makipagkaibigan sa inyo ng seryosohan, at kung mahal nyo ang buhay nyo, at kung ayaw nyong pasabugin ko ang bahay nyo, sasagutin yo yan!
Possibly Related Posts:
- Suplado got tagged!
- Turning Japanese
- 3 things I am addicted to
- Ang REYNA sa buhay ni AZRAEL
- TAGGED: Moo-man reaches out
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


19 comments
MisyeL
on
April 24, 2008 at
12:12 am
ayos tong tag na ito ahh. nakibasa lang talaga ako eh, kasi kita ko may mga comment ka kila repah at mine tungkol dito. na-curious ako hehe, kasama pala ko? hahaha! sige gawin ko to soon, mahal ko buhay ko eh!
Reply
libay
on
April 24, 2008 at
1:57 am
i love my life
saka masunurin kaya pinaunlakan kita pren. BTW yung promise mo sana maalala and sana di ka na masyadong busy
Reply
koreanmine
on
April 24, 2008 at
3:25 am
ah ako din
mahal ko pa buhay ko
gawin ko po
ok ang tag ko, una 12, now 11, pababa b ang mga tags ngaun?
hehe
ayus kay bespren mo ah,la pakems khit mag disapir! Lols
Reply
vera
on
April 24, 2008 at
4:28 am
…hahaha! ako pla ang heroe of ur bloglife today ha!


…tlgang mapapasunod sau ang lahat nang ni-tagged mo! mahal pa nila buhay nila e…
thnx for doing this kuyaAzrael
tc!
Reply
linglingbells
on
April 24, 2008 at
6:13 am
at dahil ayokong sumabog ang bahay ko, gagawin ko to.. hehe!
Reply
iris
on
April 24, 2008 at
7:00 am
nakakatuwa naman itong tag. mas lalong nakakatuwa ang mga sagot mo
sige, i’ll do it.
Reply
binx
on
April 24, 2008 at
8:46 am
Ayoko masabugan kaya gagawin ko po eto sa weekend na, may outing kasi kame, sama ka?
Reply
Lyzius
on
April 24, 2008 at
10:10 am
nagawan ko na ng draft…wala pa lang yung mga links ng pagpapasahan ko…alam mo naman ako, takot na takot sayo! nyahahaha
Reply
sommer
on
April 24, 2008 at
11:10 am
…aye aye sir, gagawin ko na din po kesa pasabugin mo bahay na lilipatan pa lang namin bukas.;p
..hmm, regarding # 9, tsk, ganyan din lagi sinasabi sa akin “sayang ganda pa naman nya!” nyahahahah!!joke!!!
Reply
Elevenish « GIRL, INTERRUPTED on April 25, 2008 at 4:58 am
[...] one’s from AZRAEL. It’s kinda difficult, for me at least, co’z it requires me to think of 11 persons [...]
Jovi
on
April 25, 2008 at
5:30 am
Nagpasabog ka na sa bahay ko noon (bahay bata? joke!)at ayaw ko nang maulit pa ito. Kidding! ‘Di ako napilitan ha? Taos sa puso ko ang paggawa ng tag na ‘to, so there. :-D
Reply
raymond
on
April 25, 2008 at
6:51 am
jovi alam nyo po ba ung mga password sa mga download ni dj? salamat po d ko po kasi alam eh
Reply
repah
on
April 25, 2008 at
10:23 am
kuya azz… cge gagawin ko yan… mukhang magnda yan.. hehehe
Reply
iris
on
April 25, 2008 at
12:08 pm
di na kailangan ng world peace para gawin ko yan. basta sabi mo, nanginginig pa! hahaha. tapos na po! (http://www.naptimerocks.com/2008/04/25/iris-eleven/) basahin mo dali yung intro ko
Reply
linglingbells
on
April 25, 2008 at
2:32 pm
eto na, tapos ko ng gawin yung tag mo.. tanggalin mo na yung mga dinamita sa paligid ng bahay namin! please!!
Reply
binx
on
April 26, 2008 at
7:07 am
ayan na kamahalan. tapos ko na po… ayan ha! kahit pagod ako galing outing, tinapos ko talaga yan. Thank you for tagging me… mwah!
Reply
A Z R A E L
on
April 26, 2008 at
7:35 pm
@ binx – salamat sa pagpapaunlak binx. sa uulitin ha. yung medyo matindi na tag ko sayo lol
Reply
Onse « MissyMisyel on April 26, 2008 at 8:40 pm
[...] Isang tag ang muli kong pinatulan at ginugulan ng oras upang pagbigyan ang mga blogmates kong sina Azrael at asust este Aga na malakas ang arrive sa mundo ng blogging… Ayos ba sa intro mga bosing? [...]
Tag: (7)ELEVEN « Jgsmart’s Geisha (gay-’sya) Diaries on April 26, 2008 at 10:13 pm
[...] 27, 2008 by Geisha Here is another tag from Misyel na naipasa sa kanya galing kina Azrael at Aga na pinasa naman nya sa [...]