Minsan hindi ko ma-control ang kalikutan ng kamay ko sa pagbubutingting ng kung anu-ano. Mula ng pagkabata, ilang gamit na rin ang nasira ko dahil sa curiousity.. Naniniwala ako na para mo maintindihan kung paano umandar ang isang kagamitan, kailangan mong inspeksyunin ang loob nito at alamin sa sarili kung paano ito gumagana na ayon sa kanyang trabaho. At sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang tamang diskarte kung sakaling pumalya ang nasabing gamit. Swerte kung kayang mong ayusin, makakatipid ka kahit paano sa pagbabayad ng technician, at madadagdagan pa ang iyong kaalaman.
Isang perfect example ng sinasabi ko ay ang talento ko sa pagkumpuni (at pagsira) ng computer. Ilang PC na rin ang nasira ko noon, mayroon na yatang apat. Ang hilig ko kasing bulatlatin ang loob kapag hindi ako kuntento sa performance ng computer ko. Mas nauna ako natuto magkalkal at magbaklas ng PC kesa sa kung anu-anong programs tulad ng Powerpoint, Excel, Photoshop (ay di pa pala ako masyado marunong nyan), Autocad, Frontpage, 3D, animation, video editing at kung anu-ano pa. Pero ang cool dyan, kahit sa applications at sa PC maintenance, walang nagturo sa akin, sariling diskarte lang. Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Hmmm.. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento punyeta.
Tutumbukin ko na lang. Wala ng intro intro. Wala akong pakialam kung hindi maganda ang kalalabasan ng entry na ito, ang importante mailabas ko ang kabadtripan ko.
Unang-una, hanggang ngayon hindi ako makumbinsi na mayroon akong sakit. At bakit kamo? Hayaan nyo munang balikan ko ang nakaraan…
Lahat ng resulta ng medical ko noong nakaraang linggo ay normal…
CLICK. CLICK. CLICK. at isa pang CLICK.
Ang palpak lang ay ang x-ray. Kaya pumalpak kasi ganito yan. 3 times sa loob ng isang linggo pinaulit-ulit ang x-ray. Una, lumang film ata ang ginamit kaya may lumabas na sangkatutak na white spots sa gitna ng film, na imposible naman na konektado sa lungs ko dahil parang bulaklak ang korte ampft! At aminado ang ospital na palpak daw yun, kaya pinaulit ang x-ray. Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Tatlong araw na ako pabalik-balik sa ospital. Tatlong beses na pinaulit-ulit ang x-ray, at kapag tinatanong ko ang mga bobong staff ng private hospital dito kung bakit nagtagal ng ganito, wala naman matinong maisagot sa akin. Laging sinasabi na kausapin ko raw ang doktor, at kapag hinahanap ko naman ang doktor na nag-request ng paulit-ulit na x-ray, lagi naman wala at balikan ko na lang daw kinabukasan.
Normal naman ang resulta ng aking medical tests. Ang isang medyo sumablay ay yung x-ray nga. Tanda ko pa noong isang taon, wala naman ako naging problema sa x-ray, kahit ilan taon na akong naninigarilyo ok pa rin ang baga ko. Ang pinagtataka ko lang, bakit sa loob ng isang taon eh biglang bumulaga sa medical report ko ito: Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
May halos tatlong taon na rin pala ako sa blogging. Dalawang taon sa Xanga, Friendster at Blogspot, at mag-iisang taon na sa Wordpress. Madami na rin akong nakilala, nakasalamuha at naging kaibigan pero hindi sapat ang pagmamahal na nararamdaman ko galing sa inyo. Kulang ang papuri sa comments, ang parangal sa ibang blogs at forum.. Yoko ng puro salita! Kailangan ko ng pruweba!
At tulad ni Jon Cabron, kailangan ko rin maramdaman na mahal nyo ako! Malapit na rin kasi ang birthday ko, sa July 19. Naisip ko na rin ito matagal na, kaso mo naunahan ako gawin ni Jon dahil nauna birthday nya.
Hindi bale nang maging gaya-gaya sa mata ng iba, pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin ito para patunayan sa sarili ko na kahit paano eh sikat ako wahahahaha! Pero seryoso, matutuwa ako kapag napaunlakan nyo ako dito sa aking ipagagawa. Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
I got tagged by LIMEGEMINI. Mabilisan na tag response ito. Madali lang kasi. Alam nyo naman ako mabilis pa sa alas-kwatro sa pagpatol sa tag na hindi na kailangang pag-isipan nyahahaha!
Pero bukod sa pagpatol sa tag, alam nyo ba na ang pinakapaborito kong klase ng pagkain ay Japanese? Ramen, Tempura, Sushi, Udon, Tofu, Sashimi, Donburi, Yakitori, Gyoza, Sukiyaki at kung anu-ano pa. Name it, I’ve tried it all (I think), and I love ‘em! At magaling din ako sa chopsticks!
At noong bata pa ako (mga isang taon pa lang ang nakakalipas), at mahilig pa ako maglaro ng Playstation, ang mga paborito kong games ay ang mga gawa ng mga hapon. Final Fantasy 7 & 8, Biohazard (Resident Evil sa English Version) are some of my favorites.
At sabi ng nanay ko, noong maputi pa daw ako, minsan mukha akong hapon o kaya intsik dahil may pagkasingkit ang mata ko. Noon yun, ngayon mukha na akong amerikano.. Na egoy! Bwahahaha! Read the rest of this entry
Possibly Related Posts: