I got tagged by LIMEGEMINI. Mabilisan na tag response ito. Madali lang kasi. Alam nyo naman ako mabilis pa sa alas-kwatro sa pagpatol sa tag na hindi na kailangang pag-isipan nyahahaha!

Pero bukod sa pagpatol sa tag, alam nyo ba na ang pinakapaborito kong klase ng pagkain ay Japanese? Ramen, Tempura, Sushi, Udon, Tofu, Sashimi, Donburi, Yakitori, Gyoza, Sukiyaki at kung anu-ano pa. Name it, I’ve tried it all (I think), and I love ‘em! At magaling din ako sa chopsticks!

At noong bata pa ako (mga isang taon pa lang ang nakakalipas), at mahilig pa ako maglaro ng Playstation, ang mga paborito kong games ay ang mga gawa ng mga hapon. Final Fantasy 7 & 8, Biohazard (Resident Evil sa English Version) are some of my favorites.

At sabi ng nanay ko, noong maputi pa daw ako, minsan mukha akong hapon o kaya intsik dahil may pagkasingkit ang mata ko. Noon yun, ngayon mukha na akong amerikano.. Na egoy! Bwahahaha!

Meron din akong brand loyalty pagdating sa Electronics. Canon sa camera at camcorder, Sony sa TV, stereo at gaming platform, at Toshiba sa laptop. Eh pano naman kasi, mga hapon talaga ang numero uno pagdating sa mga yan.

Minsan ko ng na-imagine na hapon ako at naisip ko lang naman, ang lakas siguro ng arrive ko kung pinaghalong Ryu ng Streetfighter ang katawan ko, Squall ng Final Fantasy 8 ang mukha ko, at ang ugali ko naman ay kay Sepiroth ng Final Fantasy 7. ASTIG!!!

At ang dami ko ng sinabi dahil umiral na naman ang aking pagiging makwento. Tama na nga at balikan na natin ang tag.

Ever wondered what your Japanese name is? Wonder no more, for this tag will give u a cool Japanese name!

————————————————————–

For the instructions, add your name on the list and simply spell out your name using the given Japanese letter- translations below. Tag six of your friends and inform them of the tag. Have fun.

TRANSLATION:

A - ka     G - ji      M - rin      S - ari      Y - fu

B - tu      H - ri      N - to      T - chi      Z - zi

C - mi     I - ki      O - mo     U - do

D - te      J - zu     P - no       V - ru

E - ku     K - me    Q - ke      W - mei

F - lu      L - ta      R - shi      X - na

————————————————————–

Ang my Japanese name is……

ROBIN - SHIMOTUKITO!!!

Ambantot ampft!

Isa pa..

AZRAEL - KAZISHIKAKUTA!

Parang anime ng isang tutang malnourished na puro garapata bwahahahaha!

I’m not passing this tag to a particular person/group of persons. Kung sino ang may gusto, hala sige BANATTTT!!

SAYONARA!

Possibly Related Posts:


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!