Kailangan ko din ng pagmamahal
May halos tatlong taon na rin pala ako sa blogging. Dalawang taon sa Xanga, Friendster at Blogspot, at mag-iisang taon na sa Wordpress. Madami na rin akong nakilala, nakasalamuha at naging kaibigan pero hindi sapat ang pagmamahal na nararamdaman ko galing sa inyo. Kulang ang papuri sa comments, ang parangal sa ibang blogs at forum.. Yoko ng puro salita! Kailangan ko ng pruweba!
At tulad ni Jon Cabron, kailangan ko rin maramdaman na mahal nyo ako! Malapit na rin kasi ang birthday ko, sa July 19. Naisip ko na rin ito matagal na, kaso mo naunahan ako gawin ni Jon dahil nauna birthday nya.
Hindi bale nang maging gaya-gaya sa mata ng iba, pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin ito para patunayan sa sarili ko na kahit paano eh sikat ako wahahahaha! Pero seryoso, matutuwa ako kapag napaunlakan nyo ako dito sa aking ipagagawa.
Simple lang naman eh. Send me a photo of yourself na may hawak na papel na may nakasulat na “Happy bday Az!”, o kaya “I heart U Azrael!”, o kaya “Az may kambal ka ba??”, yun lang.. Ipadala ang litrato sa azrael.666@gmail.com.
Use your imagination. Hindi naman kailangan na sa papel lang nakasulat. Pwede kahit saan basta ang mensahe ay para sa akin.
Pwedeng group shot ng inyong mga drinking buddies, tapos may placard kayong hawak na nakasulat, “Az, tagay na!”, o kaya pwedeng magpagawa kayo ng poster tapos magpa-picture kayo na niroromansa yung poster, o kaya magpagawa kayo ng bandera, tapos ibalot nyo ito sa hubad nyong katawan, o kaya mag-party kayo sa bahay na ang sounds eh yung mga mix ko, tapos isama nyo pa ang lima sa mga ka-partyhan nyo at magpalitrato ng may tig-isang letra ng pangalan ko na nakasulat sa mga noo nyo, o kaya padalhan nyo ako ng scandal pic nyo ng bf nyo, tapos nakasulat sa likod ng bf nyo pangalan ko, o kaya sulatan nyo ang mga tyan nyo ng “Az, please come home!” tapos may kasamang arrow na nakaturo sa ibaba, o kaya may tattoo sa pwet nyo na ang nakatatak ay “Just do it!” ganun lang. Simple di ba??
Ayoko na sana ituloy ito, pero sa dinami-dami ng nagmamahal sa akin, gusto kong malaman kung sino ang totoo at sino ang huwad! Kaya ano pa ang hihihintay nyo?, simulan na! Ngayon pa lang magpadala na kayo ng pic! Meron kayong mahigit dalawang buwan para gawin ito. Hindi ito pwersahan. Pero hindi ko rin pepwersahin ang sarili ko na maging kaibigan kayo kapag hindi nyo ako pinaunlakan!
Paalala: Hindi porke’t sinabi ko na birthday ko sa JULY 19 eh sa mismong araw na ‘yun kayo magpapadala ng pic. Pwede na ngayon pa lang! Para mapaghandaan ko ng mabuti, at magawan ng isang cute na entry. Tandaan ang famous words of wisdom ni AZRAEL…
“The early bird catches the worm, because it’s the thought that counts!” lols
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


:*(... 


18 comments
dakilang islander
on
May 9, 2008 at
3:55 am
heheh ayos na gimik at talagang may mga suggestions pa. pero iba gawin ko, may malaking nakasulat na AZ sa pwet…hehh tanggapin mo kaya?!
[Reply]
chellhe
on
May 9, 2008 at
4:31 am
sure, why not. kso ndi ako creative,wla ako galing sa ganyan. july k din pala, july 24 ako =)
sapat na skin ang bati mo..hehe..
[Reply]
koreanmine
on
May 9, 2008 at
8:36 am
hanef sa mga suggestions ah! Lols
[Reply]
A Z R A E L
on
May 9, 2008 at
10:02 am
@ korean - oo nga eh. masyado madumi utak ko tsk tsk tsk. send ka ha???
[Reply]
gasti
on
May 9, 2008 at
10:12 am
haha! gusto ko rin yung ideyang may “come home” at “just do it” na may arrow…
[Reply]
kulot
on
May 9, 2008 at
10:15 am
magkano naman ang premyo?
huh? meron ba hehehe
[Reply]
hener
on
May 9, 2008 at
11:18 am
Manlibre ka naman…
[Reply]
Pryss
on
May 9, 2008 at
11:33 am
aba tignan mo nga naman…ang tagal ko na pala nakapag-submit…
[Reply]
Jen
on
May 9, 2008 at
11:43 am
hala Aririn! kung ano2x pumapasok sa isip ko sa mga kahilingan mo! esep-esep pa….
[Reply]
abhie
on
May 9, 2008 at
11:44 am
wow! ka-bday mo pa mother ko! how i wish makapag-send din ako… =)
[Reply]
Maldito
on
May 9, 2008 at
4:42 pm
pareho tayu ng day bossing..19 din ako..yun lang JUne ang akin..hu h hu….ano nalang ang pakulo ko kaya sa bday ko?ahehhehee…cge..gawa ako bossing!!para sayu..ang laban na to!lols
[Reply]
earthlotus
on
May 9, 2008 at
5:56 pm
hmmm.. honga noh, wapak. kaso, kakaberdey ko lang kahapon.. di ko na naisip na gawin yan.
tsk tsk tsk.
yaan mo brader, hmm.. hagilapin ko mamaya yung digicam, tapos padala ko sa iyo sooner. ^_^
haish, tsk tsk tsk. ^_^ magawa nga din yan. wahaha. ^_^
mangha-haunting naman ako para sa akin. ayhii!
turning 2 palang ako sa blogosphere this coming august, kaso, amdami ko na ding napadparang site..
blogger, blogspot, multiply, xanga (na sadyang ipinagsisisi ko) at sa Wordpress (na minahal ko.. ) at ngayon eh sa sarili kong site na (pero WP pa din gamit ko..)
ayhii. ^_^
[Reply]
MisyeL
on
May 9, 2008 at
7:26 pm
Ayos ito ahh, sige sali ako. Pero sa bday ko sa June batiin mo din ako ha?
[Reply]
MisyeL
on
May 9, 2008 at
7:28 pm
Ayos ito ahh, sige sali ako. Pero sa bday ko sa June batiin mo din ako ha?
[Reply]
Abby
on
May 10, 2008 at
5:42 am
hmm… sounds interesting. whoah…! magka birthday pala tayo. edxchange gifts kaya tayo? lol.
btw na download ko na yung popgirl mix. my daughter loves it. thanks to you, may official disco tune na kami.
[Reply]
sommer
on
May 10, 2008 at
10:37 am
hmmm, interesting to ah..gusto ko sumali, kaso parang hirap maisip ng gimik…mahirap ka ba iplease?hehehe!!
[Reply]
rhapsody
on
May 13, 2008 at
11:41 am
la ako maisip na gimik hehehe…
[Reply]
aKDa
on
May 24, 2008 at
11:57 am
sayang sinabi mo sana ng maaga. kakapa-tattoo ko lang, dapat pala, “i hart az na lang pinalagay ko.” hahaha.
nyway, sige, iisip ako ng malupet na gimik. pag wala akong naisip, sesendan na lang kita ng babae sa loob ng cake. hehe.
[Reply]