May halos tatlong taon na rin pala ako sa blogging. Dalawang taon sa Xanga, Friendster at Blogspot, at mag-iisang taon na sa Wordpress. Madami na rin akong nakilala, nakasalamuha at naging kaibigan pero hindi sapat ang pagmamahal na nararamdaman ko galing sa inyo. Kulang ang papuri sa comments, ang parangal sa ibang blogs at forum.. Yoko ng puro salita! Kailangan ko ng pruweba!

At tulad ni Jon Cabron, kailangan ko rin maramdaman na mahal nyo ako! Malapit na rin kasi ang birthday ko, sa July 19. Naisip ko na rin ito matagal na, kaso mo naunahan ako gawin ni Jon dahil nauna birthday nya.

Hindi bale nang maging gaya-gaya sa mata ng iba, pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin ito para patunayan sa sarili ko na kahit paano eh sikat ako wahahahaha! Pero seryoso, matutuwa ako kapag napaunlakan nyo ako dito sa aking ipagagawa.

Simple lang naman eh. Send me a photo of yourself na may hawak na papel na may nakasulat na “Happy bday Az!”, o kaya “I heart U Azrael!”, o kaya “Az may kambal ka ba??”, yun lang.. Ipadala ang litrato sa azrael.666@gmail.com.

Use your imagination. Hindi naman kailangan na sa papel lang nakasulat. Pwede kahit saan basta ang mensahe ay para sa akin.

Pwedeng group shot ng inyong mga drinking buddies, tapos may placard kayong hawak na nakasulat, “Az, tagay na!”, o kaya pwedeng magpagawa kayo ng poster tapos magpa-picture kayo na niroromansa yung poster, o kaya magpagawa kayo ng bandera, tapos ibalot nyo ito sa hubad nyong katawan, o kaya mag-party kayo sa bahay na ang sounds eh yung mga mix ko, tapos isama nyo pa ang lima sa mga ka-partyhan nyo at magpalitrato ng may tig-isang letra ng pangalan ko na nakasulat sa mga noo nyo, o kaya padalhan nyo ako ng scandal pic nyo ng bf nyo, tapos nakasulat sa likod ng bf nyo pangalan ko, o kaya sulatan nyo ang mga tyan nyo ng “Az, please come home!” tapos may kasamang arrow na nakaturo sa ibaba, o kaya may tattoo sa pwet nyo na ang nakatatak ay “Just do it!” ganun lang. Simple di ba??

Ayoko na sana ituloy ito, pero sa dinami-dami ng nagmamahal sa akin, gusto kong malaman kung sino ang totoo at sino ang huwad! Kaya ano pa ang hihihintay nyo?, simulan na! Ngayon pa lang magpadala na kayo ng pic! Meron kayong mahigit dalawang buwan para gawin ito. Hindi ito pwersahan. Pero hindi ko rin pepwersahin ang sarili ko na maging kaibigan kayo kapag hindi nyo ako pinaunlakan!

Paalala: Hindi porke’t sinabi ko na birthday ko sa JULY 19 eh sa mismong araw na ‘yun kayo magpapadala ng pic. Pwede na ngayon pa lang! Para mapaghandaan ko ng mabuti, at magawan ng isang cute na entry. Tandaan ang famous words of wisdom ni AZRAEL…

“The early bird catches the worm, because it’s the thought that counts!” lols

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!