Minsan hindi ko ma-control ang kalikutan ng kamay ko sa pagbubutingting ng kung anu-ano. Mula ng pagkabata, ilang gamit na rin ang nasira ko dahil sa curiousity.. Naniniwala ako na para mo maintindihan kung paano umandar ang isang kagamitan, kailangan mong inspeksyunin ang loob nito at alamin sa sarili kung paano ito gumagana na ayon sa kanyang trabaho. At sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang tamang diskarte kung sakaling pumalya ang nasabing gamit. Swerte kung kayang mong ayusin, makakatipid ka kahit paano sa pagbabayad ng technician, at madadagdagan pa ang iyong kaalaman.

Isang perfect example ng sinasabi ko ay ang talento ko sa pagkumpuni (at pagsira) ng computer. Ilang PC na rin ang nasira ko noon, mayroon na yatang apat. Ang hilig ko kasing bulatlatin ang loob kapag hindi ako kuntento sa performance ng computer ko. Mas nauna ako natuto magkalkal at magbaklas ng PC kesa sa kung anu-anong programs tulad ng Powerpoint, Excel, Photoshop (ay di pa pala ako masyado marunong nyan), Autocad, Frontpage, 3D, animation, video editing at kung anu-ano pa. Pero ang cool dyan, kahit sa applications at sa PC maintenance, walang nagturo sa akin, sariling diskarte lang.

Pero bago ko na-master ang mga bagay na yan, katakot-takot na pera ang naubos ko dahil nga ang dami kong nasira di ba? Ang buong akala ko, magaling na ako pero madami pa rin pala akong hindi alam. Buti sana kung simpleng palit lang ng motherboard, power supply, processor, upgrade ng ram, soundcard, videocard, dagdag ng HD, configuration ng wireless connection, bluetooth at pag-pimp ng PC. Sisiw lahat yan.

Kaso mo, napag-iwanan na ako ng teknolohiya. Lintek na Windows Vista yan, karamihan sa mga programs ko ayaw gumana at naginging unstable ang PC ko, kaya naisipan kong ibalik lahat ng computer dito sa XP. Kasama na doon ang paglipat ng kung anu-anong piyesa mula sa isang PC papunta sa kabila. Ang gusto ko lang naman eh lahat ng magandang piyesa, ilagay sa isa para sya yung set-up na astig!

Tatlo ang dekstop PC ko dito, dalawang personal at isang galing sa opisina. Binaklas ko lahat sa pag-aakalang pwede kong i-rambol ang mga nasa loob nito. Nagkamali ako. Disaster ang kinahinatnan at sa awa ng dyos, sa tatlo, isa lang ang gumana ng maayos. Yung dalawa mukhang mababasura na.

Buti na lang may mga laptop pa rin ako. Oo, MGA. Tatlo din ito dahil marami akong naloko na kliyente at pinuwersa ko sila na bigyan ako ng laptop kung ayaw nilang mamatay. Biro lang, ang totoo nyan, kailangan ko ang mga ito sa aking DJing needs, at tulad ng mga desktop PCs, putragis ayaw din gumana mga programs ko sa Vista.

Hindi ko na aasamin pa na alamin kung ano ang nasa loob ng mga laptop dahil unang-una, hindi ako gago para kalikutin at buksan ang mga ito. Hindi na rin ako interesado na ibalik sa XP ang mga OS nito dahil baka lalo lang magka-loko loko. Kung ayaw gumana ng programs sa Vista, eh di wag gawin ang trabaho!

Yun nga lang, may isang importanteng bagay na konektado sa blogging na matagal ko ng nasimulan, pero hindi ko matapos-tapos.

Tsaka na lang, kapag nahanapan ko na ng paraan at kapag hindi na ako tinatamad.

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!