Hmmm.. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento punyeta.

Tutumbukin ko na lang. Wala ng intro intro. Wala akong pakialam kung hindi maganda ang kalalabasan ng entry na ito, ang importante mailabas ko ang kabadtripan ko.

Unang-una, hanggang ngayon hindi ako makumbinsi na mayroon akong sakit. At bakit kamo? Hayaan nyo munang balikan ko ang nakaraan…

Lahat ng resulta ng medical ko noong nakaraang linggo ay normal…

CLICK. CLICK. CLICK. at isa pang CLICK.

Ang palpak lang ay ang x-ray. Kaya pumalpak kasi ganito yan. 3 times sa loob ng isang linggo pinaulit-ulit ang x-ray. Una, lumang film ata ang ginamit kaya may lumabas na sangkatutak na white spots sa gitna ng film, na imposible naman na konektado sa lungs ko dahil parang bulaklak ang korte ampft! At aminado ang ospital na palpak daw yun, kaya pinaulit ang x-ray.

At ang pangalawang resulta, inconclusive daw dahil, over-exposed naman, at binigyan pa ako ng paliwanang ng radiographer na ang dahilan daw nun ay ang sobrang liwanag ng ilaw sa kwarto kung saan dine-develop ang film, at kung bakit naging maliwanag? Abe ewan ko sa kanila. At syempe.. ulit na naman!

Pangatlo, finally! A decent x-ray! Pero teka, ano ang guarantee ko na hindi palpak yun? Na hindi nag-malfunction ang equipment? Na hindi lumang film na naman ang ginamit? Na hindi over-exposed? Baka naman this time under-exposed na? At isa pa, bakit nga pala hindi ako nakuhang harapin ng ekspertong doktor daw, at ipaliwanag sa akin ang ibig sabihin ng ‘mild fibrotic change’ at ano talaga ang nilalaman ng xray report. Ilan beses ako nagtangka na kausapin sya pero hindi raw policy ng ospital na kausapin pa ng doktor ang mga pasyente na dumadaan sa routine medical check-up. Tangina ganun ba talaga yun??!! Sorry ha dahil mula ng bata ako, hindi naman ako naging suki ng kahit anong ospital dahil hindi ako sakitin! Kaya hindi ko alam ang mga policies na pinaiiral! At hindi ko rin alam ang tamang pag-asta at ang dapat ikilos para bigyan pansin ako at ang aking hinaing. Isang bagay lang kase ang alam ko, kahit sinong pasyente, serious man ang kalagayan o hinde, dapat hinaharap ng mga doktor lalong lalo na kung nagbayad naman ito!

Fast-forward ng konti. Matapos na ilabas ang full report ko sa nasabing ospital, kailangan dalhin ko yun sa Ministry Of Health para sa seal. At bakit kailangan ang seal? Pag wala ka nito hindi ka pwede mag-proceed sa next step. Ang pagpunta sa Labor Office at pag-renew ng labor card. No labor card means you cannot work, and If you work without a labor card and got caught, you’ll land in jail for 1 year, then you will be sent home. Syempre hindi ko naman gusto yan, kaya sumunod ako sa tamang proseso kahit na sa totoo lang bwiset na bwiset ako dahil bakit kailangan pang magdaan sa lintek na medical taon-taon. Parang pinagkaka-perahan na lang yata kaming mga banyaga dito dahil ang taas ng bayad. At isa pa, naniniwala ako na kung meron man dapat na magpatingin sa duktor, eh itong mga hayop na arabo na ito dahil sila ang walang disiplina sa pagkain, walang pakundangan sa bisyo kahit na bawal naman sa kanilang relihiyon, at higit sa lahat, sila ang mga nuknukan ng tanga pagdating sa usapang pang-kalusugan!

At dinala ko na nga ang aking mga papeles sa Ministry Of Health for the seal, sa pag-aakalang ok naman ako sa medical dahil nga hindi naman masabi sa akin ng ospital na may sakit nga ako. Ang sinabi lang nila, “Go to the government doctors, They know what to do, They can explain everything to you…” Typical na sagot ng mga taong mangmang!

Pagdating ko sa Health Ministry, dumerecho ako sa opisina kung saan kailangan tatakan ng seal ang aking papeles.. Pagdating sa isang arabong duktor, imbes na silipin ang iba pang tests ko, yung x-ray agad ang nakita. At ang masakit nito, hindi nya raw pwedeng tatakan ang aking papeles dahil kailangan ko daw magpunta pa sa isang duktor. Punyeta! Ilan bang duktor ang kailangan pagdaanan ko dito??!! Eh kahit naman isang daan pa sila, pare-pareho din namang mga tanga! At syempre, ang ugali ng mga arabo, pagtatakpan ang kamalian ng kapwa nila na hindi man lang iniisip kung ano ang kahihinantnan ng kanilang kapalpakan! Ayaw nilang masabihan sila na incompetent, at ayaw nilang tumanggap ng pagkakamali. At mahilig silang magpaikot ng mga banyaga dahil ang turing nila sa mga asyano dito eh mas mababa sa kanila.

At ano ang ginawa ko? Nagpunta ako sa isang opisina pa. Kalmado at confident na siguro naman, kapag pinakita ko ang lahat ng resulta, eh at least man lang sasabihin sa akin na, “Ok, get a second opinion, then come back to me”, o kaya naman, “I’m also a doctor, so come here mr. pogi, and let me have a look at you, and see if something is indeed wrong..”

PUTANGINANG 2nd DOCTOR YAN!! Hindi pinansin ang ibang resulta, kahit na yung past x-rays ko last year and the year before that! Pati mga medical ko sa pinas hindi pinansin at ang katwiran, tapos na daw yun. At hindi na yun importante. Ang importante daw eh yung present!

Ok ok may punto.. pero teka lang, nagkaraon ako ng “fibrotic change” or scarring sa lungs in such a short span of time? Sa loob ng isang taon? At bakit parang yung ibang parte ata ng katawan ko eh hindi nadamay? Sa aking pagkakaalam, kapag nagkasakit ka lalo na sa mga organs, laging may nadadamay dyan! For example, High BP - Ano ang dahilan ng High BP?? Nasanay kase tayo na pag sinabing high-blood akala natin cholesterol related agad. At hindi natin nakaugalian na tanungin ang mga doctors kung ano ang tunay na cause ng pagtaas ng ating blood pressure. Hindi natin alam na it could also point to problems with the kidneys, liver, etc.

Ang punto ko napaka-simple.. May problema pala ako sa lungs according to the first x-ray, at assuming na hindi questionable ang nangyaring screw-up with the film, the equipment, etc.. Bakit ngayon lang nakita??!!!!

Pinaiwan ang papales at passport ko sa opisina nya dahil mayroon pa raw isang doktor na kukunsultahin, at yun daw ang may final decision. Ilan doktor na bobo pa ba ang kailangang pagdaanan ko???!!!

Pag-uwi ko ng bahay, doon na nagsimula ang mga kalituhan sa aking utak. Eh paano nga kaya kung may tama ako sa lungs, at totoo na may sakit ako?? Hmmm.. pwedeng nagsisimula pa lang di ba? Kaya nga ‘mild’ eh. Teka, may naisip akong solusyon sa bumabagabag sa utak ko. Kailangang makahanap ako ng sagot sa lalong madaling panahon para mabawasan naman ang stress ko.

Hindi ko na ginawang magsabi pa sa boss kong isang ring bobo at wala naman pakialam sa kapakanan ng mga empleyado nya. Dumerecho ako sa isa pang ospital at doon nagpa-xray ng panibago! Buong tapang ko pang sinabing, “I want you to take a good x-ray of my lungs, and find out if I really have this thing you call Mild Fibrotic Change”.

Pwede kong hindi sabihin yan di ba? Para they will just conduct the test and maybe not notice anything at all. Eh kaso mo sinadya ko talagang sabihin na meron akong abnormalities kuno, from a past xray. Kaya alam na nila ang hahanapin nila di ba???!!!

At ang resulta?

Wala akong tama according to the 2nd hospital! At sabihin na natin na inconclusive pa rin ito, pero at least man lang dapat akong bigyan ng consideration ng government doctors di ba??

Pinagana ko na naman ang utak ko. Uunahan ko na, dahil nakikinita-kinita ko na na kahit ano pang ang resulta ng 2nd xray, mukhang hindi na yata magbabago ang desisyon ng mga bobong duktor ng gobyerno. Ang ginawa ko, pinilit kong isama ang boss ko sa opisina nya, at nagtanong tanong ako sa mga kakilalang Omanis na medyo may impluwensya dito, at swerte naman na mayroon akong nahagilap. Si Mr. Lawatia na ang pinsan ay asawa nung duktor ng gobyerno, at nagkataong undersecretary din pala.

Sinamahan nila ako sa opisina ng undersecratry ng Ministry Of Health. Ang tagal ng usapan sa loob at nakumbinsi ang utak ko na kaya nagtagal ng ganun, dahil walang nagawa ang aking mga padrino. Lumabas sila na hawak ang aking passport, at may sulat na inilagay sa isang envelope.

Ang nilalaman ng sulat? Isang liham para sa Immigration at Police signed by theundersecratary himself telling them to cancel the “BLACKLIST” order on me..

What the fuck???!!! Na-black list na pala ako nun at wala akong kaalam-alam! Kung hindi ko pa pinuntahan kanina, malamang nai-forward na ang passport ko sa kung ano mang ahensya ng gobyerno na nagpapatupad nitong lintek na ‘blacklist’ order na ito. Anytime pala, pwede akong puntahan ng pulis sa bahay, o kaya sa opisina, at utusang mag-impake at ihatid sa airport para bumalik sa pinas??! At ang masakit nun, hindi na ako makakabalik dito kahit kailan. Idagdag mo pa ang kahihiyan na aabutin ko sa mata ng mga taong hindi alam ang tunay na nangyari, at maaring iniisip na isa akong kriminal o isang OFW na minalas at kinapitan ng nakakapandiring sakit sa ibang bansa.

Wala na sigurong mas babadtrip pa dito ano? Buti na lang kamo, ang binitawang salita ng undersecratary sa akin, “Go home to the Philippines and take your complete medical tests there. Then come back here, go straight to my office, of course with my good friend Mr. Lawatia, for I may not remember you, and I will personally sign the letter and give you the seal of approval so that you can go straight to Ministry Of Labor and not go thru the medical process here again..”

Hmmmm.. Pero hindi ako kumbinsido. Parang inamin nila na hindi conclusive ang kanilang findings. 2 hospitals with different reports, and they cant fuckin’ decide which one is true, and which one is a dud! Bakit hindi na lang sinabi sa akin na magpunta ako sa pangatlong ospital at kapag normal ang x-ray, eh di back to normal na din ang buhay at tarabaho ko! At isa pa, pinanindigan na nga nila dito ang unang resulta ng x-ray at binaliwala yung pangalawa. ano ang assurance ko na igagalang nila ang resulta na galing sa pinas at galing sa doktor na mga pinoys?!!! Baka pagbalik ko dito sabihin lang saken na, “Sorry, our decision is irreversible..” Makakapatay lang ako ng tao!

Uuwi ako sa pinas anytime now. 2 things I need to do. First, I need to go to a very good doctor and see if I really have an illness. Kung meron man, ipapahinga ko ng maayos ang sarili ko dahil sigurado akong matagal na gamutan ito. Hindi pa rin ako naniniwala na meron nga akong sakit. Pero kung nagsisimula na ngang pumalya ang katawan ko, tatanggapin ko ito na walang pagsisisi at hinding-hindi nyo ako makikita o mababalitaan na nagmumukmok at nag-ngangangawa sa isang sulok. I have tackled obstacles in my life the best way I can, and if I have to live this kind of life again, I won’t change a damn thing.

Pangalawa.. At kapag sinabi ng doktor sa pinas na wala akong dipresya sa lungs, de-derecho ako sa medical exams, aayusin ang reports at iba pang papeles, magbabakasyon pa rin ng matagal para lang badtripin ang boss ko dahil sya lang ang Omani na kaya kong gantihan dahil sa mga kabulastugan ng lahi nya. At pagkatapos ng ilang buwan sa pinas, babalik ako dito at ibibigay ang resulta sa opisina ng undersecretary. Kasama na dun ang ilang photocopy na iiipit ko sa pinakamatigas na folder na makikita ko sa national bookstore, at isasampal ko ang isang kopya dun sa doktor ng gobyerno na unang tumingin sa results ko at hindi ako binigyan ng approval. At yung isang folder naman, i-rorolyo ko, at ipapalo ko sa batok ng doktor sa private hospital na hindi nagpakita sa akin kapag tinatanong ko ang ibig sabihin ng ‘mild fibrotic change’.

Parang ayoko ng bumalik dito kung sakali. Iniisip ko na lang na ito siguro ang paraan ni Lord para sabihin saken na, “Hoy! Hinay-hinay ka naman sa trabaho! Masyado mo na inaabuso ang katawan mo! Pag di mo tinigilan yan, may aksidenteng mangyayari sayo sa mga susunod na buwan sige ka!”

Kung hindi lang talaga maganda ang trabaho at malaki ang sweldo ko dito, hindi ko isisiksik ang sarili ko sa isang bansa na naglipana ang mga bobong doktor, mga hindot na nagmamarunong, at mga walang pakialam na nakaupo pa naman sa mga importanteng puwesto sa gobyerno..

INCONSIDERATE DUMBFUCKS!

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!