Hindi na biro ang trabaho ko dito. Sobrang hirap na. Parang gusto ko ng sumuko. Nag-usap na nga kami ni Misis Azrael at sinabi ko sa kanya na parang gusto ko ng umuwi ng pinas. Nahihirapan na ako dito. Buti na lang mabait at understanding si Misis Azrael, at ang sabi nya sa akin, “Sige kung pagod ka na dyan, umuwi ka na dito. Ako na bahala sayo. Ako na lang ang magtatrabaho para sa ating tatlo ni Aila. Sa bahay ka na lang, at magpalaki ka na lang ng betlog!”.
Bwahahaha! Minsan nakakatawa ‘tong si Misis Azrael eh. Alam na alam na nag-iinarte lang ako kaya kung sagutin ako eh ganun-ganun lang.
Just a bunch of old photos from Flickr. Took these when we had our family reunion last December 2007. Trying Adobe Lightroom for Post production. Pwede na ba? What do you think?
Claire - My pretty half Pinay-half Thai cousin. Huli kaming nagkita, tulo sipon pa kami pareho.
UPDATE (Aug. 19, 2008):POSITIVA is now available as a premium download. No more free stuff sorry.
Madaming dahilan kung bakit masaya ako ngayon at nasa mood mag-party. Hayaan nyong isa-isahin ko..
Natapos na rin ang nakakabwiset na pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. Sino ba naman ang makakalimot kung muntik ka ng mapalayas sa bansang pinagtatrabahuhan mo sa isang bagay na kahit mismo ang ang mga taong nakapaligid sayo eh hindi maipaliwanag.
I’m talking about the medical problems I had. Akala ko noong una, talagang may sakit nga ako na matindi, at dahil doon ay mapapauwi ako ng pinas. Alangya, parang ang korny naman yata na ganun-ganun na lang ang katapusan. I almost went home because of what happened. Ang nakakatakot doon, uuwi pala ako at hindi na muling makakapagtrabaho kung hindi ko ipinaglaban ang sarili ko dito.