Malapit na ang birthday ko. Sa mga sumusubaybay sa lumang blog ko, nasabi ko na dati pa na kung itinuturing nyo akong kaibigan, ano ba naman na paunlakan nyo ang isang munting kahilingan. Napaka-simple lang naman eh. Picture lang na may dedication na ipapadala nyo sa azrael.666@gmail.com. Mahirap bang gawin yun?

Pero sa totoo lang, kahit ako muntik ko ng makalimutan na may inaabangan nga pala ako galing sa inyo bwahahahahaha! Buti na lang at may tatlo o apat na yatang tunay na kaibigan ang nakapagpadala na sa akin ng kanilang mga litrato. Yung isa kita pwet at nakasulat pa real name ko. Yung isa naman may hawak na isang cartolina na nakatiklop at kitang-kita pa ang fold marks na obvious na laging nakalagay sa bulsa, at kapag nakahanap ng pagkakataon, eh doon magpapa-litrato. At yung isa naman, todo ngiti na nakaupo sa isang silya, na hawak ang papel na may pangalan ko na tadtad ng lipstick.

Salamat sa mga unang nagpaunlak. Tsaka ko na babanggitin kung sino-sino sila kapag nakumpleto na. Pero bilang paalala sa mga nakakalimot dyan, MALAPIT NA JULY 19 HUY!!! hindi nyo naman siguro gusto na dahil lang sa pagdadamot nyo eh alisin ko kayo sa blogroll ko di ba?????

Kita nyo ‘tong mama na ito. Kahit na busy sa schedule nya eh nakuha nyang bumati agad. Yan ang gayahin nyo!

Jano, isa kang tunay na kaibigan. Ikumusta mo ako kay Bing. At pakisabi miss ko na sya. At sya nga pala, hindi totoo ang tsismis na gabi-gabi kami gumigimik nun ha! Birthday ko lang din noon at nagkasarapan ng gimik kaya inumaga na sya ng uwi. Si Jaya na lang tanungin mo kung saan sila nakarating basta ako labas ako dyan!

JULY 19 ang birthday ko ha. Magpadala na kayo ng pics ngayon pa lang dahil hindi ko alam ang mangyayari sa mga susunod na araw. Baka bigla ako madapa at mabagok ang ulo ko sa isang malaking bato at magkaroon ako ng amnesia tapos baka makalimutan ko na blogger pala ako, at hindi ko na maalala kung sinu-sino ang nagmamahal saken, kaya kung may pics kayo, mapapadali ang aking recovery o di ba masaya  :grin:

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!