UPDATE (Aug. 19, 2008): POSITIVA is now available as a premium download. No more free stuff sorry.

Madaming dahilan kung bakit masaya ako ngayon at nasa mood mag-party. Hayaan nyong isa-isahin ko..

Natapos na rin ang nakakabwiset na pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. Sino ba naman ang makakalimot kung muntik ka ng mapalayas sa bansang pinagtatrabahuhan mo sa isang bagay na kahit mismo ang ang mga taong nakapaligid sayo eh hindi maipaliwanag.

I’m talking about the medical problems I had. Akala ko noong una, talagang may sakit nga ako na matindi, at dahil doon ay mapapauwi ako ng pinas. Alangya, parang ang korny naman yata na ganun-ganun na lang ang katapusan. I almost went home because of what happened. Ang nakakatakot doon, uuwi pala ako at hindi na muling makakapagtrabaho kung hindi ko ipinaglaban ang sarili ko dito.

At paano ko nagawa yan? Simple lang. I refused to accept what these stupid doctors had to say. Na kesyo daw meron akong ganito, at meron akong ganun. Ipinaglaban ko na kaya naging inconclusive ang x-rays ko dahil sa nagkaroon sila ng problema sa kanilang equipment noong araw na yun, at ipinamukha ko sa kanila na mali ang kanilang ginawa na tatlong beses ulitin ang xrays ko sa loob ng dalawang araw. Mali naman talaga yun eh. They put my body at risk dahil sa radiation. Sisingilin ako nun balang araw, at dyan sigurado ako.

At dahil nga dyan, I looked for ways to get in touch and talk directly to the big man himself, the Health Minister. Tagumpay ako dahil ang bespren ni bossing, eh kaibigan pala nung mama na yun. I had an appointment with him, at doon ko sinabi ang lahat ng nangyari, at ipinakita ko na rin ang aking medical results. He can’t find anything wrong with the rest of my medical reports, aside from the inconsistencies of the xrays which made him decide that I shouldn’t be handed the “blacklist” order at all.

Pinirmahan nya agad ang papers ko, at binigyan ng recommendation letter to expedite the processing of my papers and walah! Magic!! Sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na ngiting-aso na lumalabas sa opisina nya at sa loob ng isang araw, nakapag-renew agad ako ng working papers.

The only downside to this is, I won’t be able to come home and celebrate Aila’s birthday on July 6. Ang dami pa naman sana ng plano ko. Pero naisip ko rin, aanhin ko ang isang masayang selebrasyon ng birthday ng anak ko na magkasama kami, pero wala naman kaisigurahan na makakabalik pa ako dito para makapagtrabaho. Mas ok na ang magkalayo kami, pero tuloy-tuloy naman ang ligaya nya sa piling ng mommy nya na hindi naman sya pinababayaan hindi ba?

The second reason why I am happy right now is because, finally.. naayos ko na rin ang dotcom ko! Matagal na ‘tong nakaabang sa totoo lang. 1st week pa lang ng May may domain at hosting na ako eh. Pero bobo ang inyong lingkod sa mga bagay na yan, at nasabayan pa ng problemang nabanggit ko sa itaas, kaya hindi ko naasikaso. Mabuti na lang, nandyan ang isang matulunging binibini na nag-ngangalang Nika, at sya ang nagset-up ng initial installation ng bagong blog ko. Kung hindi dahil sa pagmamagandang loob ng taong ito, wala ako dito ngayon, at malamang wala rin akong gana na mag-update pa ng blog doon sa luma. Salamat Nika! Isa kang hulog ng langit!

Ang pangatlo, excited na kami ni Misis AZRAEL dahil malapit na ang birthday ng aming pasaway na prinsesa. Ang cute cute ni Aila ngayon alam nyo ba? Meron na syang ngipin at sobrang likot! Mahilig maglakad, I mean mag-palakad. Yung ginagabayan sya at hinahawakan tapos sya mismo kusa pupunta sa gusto nyang puntahan. Sa Market Market o kaya Greenbelt ganun! Bwahahaha! Kaya ang mga taong naiiwan na mag-alaga kay Aila sa bahay kapag ang mommy nya eh nasa opisina, nagrereklamo na dahil nananakit na raw ang mga beywang.

Nakahanda na ang lahat para sa birthday nya. From the venue, to the guest lists and the invitation, to the photo-video coverage and the giveaways. Misis AZRAEL had it all covered and I have to give it to her. She’s doing a very good job inspite of my absence. Kaya sobrang tuwa ko kay misis, nakapag-door to door tuloy ako ng di oras! :lol:

Which brings me to “Why I am happy” reason number 4: Sobra akong mapagbigay na tao. Alam yan ng mga mahal ko sa buhay at sa mga taong close sa akin. I find joy and fulfillment in giving to others. Mahilig ako mamigay ng mga bagay na alam kong ikatutuwa nila. Isang perfect example dyan si Misis AZRAEL. Bihira magturo yun at magpabili ng mga bagay-bagay. Ang katwiran nya, meron naman daw syang sariling trabaho para mabili ang gusto nya. Pero minsan nagugulat pa rin yun kapag nakatanggap ng isang bagay na gusto nya, pero hindi naman nya inaasahan.

Ngayon, sigurado mauuntog yun sa kisame kata-talon kapag nabuksan nya ang mga kahon na ipinadala ko. Gusto ko na lang isipin na pambawi ang lahat ng yun dahil hindi kami nakapag-celebrate ng valentines, mothers’ day, at birthday nya. At isa pa, para mabawasan na rin ang pagkamuhi nya sa akin kapag lumalandi ako bwahahahaha!

Masaya ako kapag masaya si misis. Magaan ang pakiramdam ko kapag alam kong nakangiti sya at natutuwa sa mga bigay ko. At OO, isa akong dakilang asawa. Pero hindi sana maging dahilan yan para pigilan nyo ang sarili nyo na mainlab pa rin isang lalaking nakatali na, na tulad ko!

Kaya naman bilang selebrayson sa mga biyaya at kasayahan ko ngayon, tama lang naman siguro na mamigay ako ano? At tutal, PARTY TIME ang title ng entry, eh di mag-party na tayo!

Pero walang kwenta ang isang party kung puro kwentuhan lang. Dapat may alak! May pagkain! May babae! Yung mga babaeng naka-sexy outfit at gumigiling! RAWWWWWWWRRRR!!!

Hindi ko kayang ibigay yan eh nyahahaha! Lalo na yung parte tungkol sa babae, dahil alam nyo naman na good boy ang inyong lingkod at walang kahilig-hilig dyan!  :P

Kaya pagtyagaan nyo na lang ang kaya kong sagutin sa party na ito.. SOUNDS lang eh, sorry na.  :cool:

Click PLAY button below to listen

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

If you want a permanent copy for yourself, please CLICK image above for PREMIUM (192 kbps) download link.

Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakapag-share ng mix. Ang totoo nyan, nawalan ako ng gana dahil nalaman ko na ang mga mixes ko pala eh pinagkakaperahan ng iba. Maiintindihan ko kung makikita ko ang mixes ko sa mga russian o polish sites, dahil mga talipandas naman talaga ang mga ‘yun, pero noong makita ko sa bangketa ang mixes ko, na binura ang pangalan ko at pinalitan ng title, nadismaya ako. if they wanted to make money, they could have at least told me so that I could call the proper authorities and have them arrested bwahahahahaha!

Yan din ang dahilan kung bakit hindi ko na ilalagay ang track-listing ng mix na ito. Gusto nilang magkapera?? Pwes magdusa sila kahuhula kung ano ang titles ng mga kanta dito! :twisted: Those who know me, and have downloaded my mixes before, know that DJ ROBIN MENDOZA aka AZRAEL only gives out quality mixes anyway, so screw the tracklistings!

O pano?! PARTY TIME NA!

Sayaw kayo ha! Habang nagpapatugtog ako dito at nanonood sa inyo, at naiingiit sa mga lalaki na may mga katsansingan na babae. :evil:

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!