Naisip ko lang naman….

Hindi kaya ang dahilan ng pagbaha noong panahon ni Noah, eh dahil sa pinutol nya lahat ng puno para gumawa ng napakalaking arko? :-|
Possibly Related Posts:

Hindi kaya ang dahilan ng pagbaha noong panahon ni Noah, eh dahil sa pinutol nya lahat ng puno para gumawa ng napakalaking arko? :-|
Possibly Related Posts:
Nagdadaliri??? Yep! You’ve read it right! Actually, hindi ako nag-finger kanina. NAMINGER AKO!!!
Ganito kasi yan.. Maaga kong sinimulan ang aking araw. 6 AM pa lang lumabas na ako ng bahay para magpunta sa site. Bigla kong naalala, kailangan ko palang bayaran ang aking mga utility bills. At hindi naman siguro tama na kung kelan ako basang-basa ng pawis at pagod na pagod, eh tsaka lang ako papasok sa isang airconditioned building para tapusin ang bayarin ko di ba? Sakit ang aabutin ko nyan :-|
That’s why I decided not to work in the morning, pay the god damn bills first, then go home, eat a hearty meal, rest, take a nap, then do my field work around 4 in the afternoon. Tamang tama lang ang oras na ‘yun dahil hindi na gaano mainit at palubog na ang araw.
Habang abala ang aking mga alipin helpers sa pagbabaon ng bakal sa lupa (pegging – wag nyo na itanong kung ano yan dahil mahabang paliwanagan yan), at ako naman eh naghihintay na matapos na sila, bigla akong napatunganga sa aking nakita..
Awesomenesssssssssssss!
Today was one of the rare times that I’ve witnessed the sun go down while working my ass off in the field. Ibang klase, hindi maipaliwanag ang pakiramdam. Common na kasi yung makakakita ka ng sunset sa beach di ba? Pero yung sunset sa gitna ng disyerto??? Syet priceless!
Talk about serenity and being at peace and in touch with everything around you… Kung araw-araw ganito ang makikita ng lahat ng tao, malamang lahat tayo kalmado at walang gyera!
“Desert Sunset”
At sa sobrang pagkamangha ko sa aking nasilayan, bigla akong na-arouse. Ibang klase akong ma-arouse.. Nagiging malikot ang aking imahinasyon. Kung anu-anong kalokohan ang pumasok sa isip ko kanina, pero naisip ko.. Kailangang samantalahin ko ang pagkakataon at kunan ng litrato ang ginawa kong pamiminger sa gitna ng disyerto na tanging ang palubog na araw lang ang saksi..
Kaya eto na.. pagmasdan nyo ang iba’t-ibang klaseng pamiminger na ginawa ng inyong lingkod: Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Para sayo asawa ko..
Badtrip ka sa akin. Badtrip din ako sayo. Ayoko ng balikan pa ang dahilan kung bakit tayo nag-away at nagkasagutan noong isang araw. Wala rin naman pupuntahan dahil hindi ka naman aamin na ikaw ang mali, at mas lalong hindi ako papayag na ako ang may pagkukulang.
Naalala mo pa ba ang sinabi sa ating noon ng isang ninong sa kasal? “Hindi naiiwasan ang away sa mag-asawa. Normal yan. Ang importante, sa lalong madaling panahon, tapusin agad ang alitan. Kiss and make up agad!” ang sabi nya.
Sabay tayong nagtanong noon, “Eh ninong, paano namin gagawin yan? Parehong mainitin ang ulo namin at siguradong wala sa amin ang susuko hangga’t walang tumutumba!”

Binigyan nya tayo ng tip. Isang tip na sinunod natin noon at patuloy na ginagawa hanggang ngayon. Isang tip na ilang beses na rin nating napatunayan na epektibo… Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Badtrip ako sa mga taong puro dakdak, pero wala naman mukhang maiharap. Yun bang tipong susugurin ka sa blog at mag-iiwan ng komento pero hindi naman kayang ipakita ang mukha. Tanginang mga tao yan. Mga duwag!
Sa dinami-dami ng kaibigan ko at frequent visitors ng blog ko, iilan lang dyan ang may tapang na ipakita ang mukha nila. Kasama na dyan yung mamang naka-bigote na may nakabalabal na kulay pulang pambaklang tela sa leeg nya. Mula ng nag-dotcom ako, mukha lang nga mamang yan at yung sa akin ang lagi kong nakikita. Kaya badtrip ako sa karamihan sa inyo. Ayaw nyong ipakita ang mga mukha nyo! Mga wala kayong pakinabang!! Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Bumisita ako sa WP Pinoys Forum kanina. Binalak kong i-update ang aking profile. Nagulat ako sa dami ng hits ng profile ko. Parang imposible. 20,972 page views in less than a year? Ano yun, almost 60 page visits sa loob ng isang araw? Almost 60 beses sa isang araw na may tumitingin sa profile kong bukod sa walang ka-kwenta kwenta, eh tago pa?
Naisip ko lang, hindi kaya may stalker ako? Dahil hindi lang sa WPP nangyayari na bumubulusok ang page views ko eh. Pati na rin sa friendster at sa worlddj.com.
Stalker, kung sino ka man, magpakilala ka na! Hindi ako magagalit. Kung lalaki ka, maiintindihan ko na ang dahilan kung bakit mo nagagawa yan eh dahil sa gusto mo akong kilalanin ng tuluyan, pag-aralan ang aking pagkatao, para mapag-planuhan mong maayos ang pambubugbog sa akin in person.. Libre ang mangarap parekoy. At libre ko din wawasakin ang pangarap mo.
Kung babae ka naman, walang masama sa maintriga sa pagkatao ko. Kung yan naman ay paghanga, thank you. Pero mali pa rin na sundan mo ako sa lahat ng espasyo ko sa mundo ng internet. Kalabitin mo na lang ako at makikipagkaibigan ako sayo ng walang malisya. Pero kung may malisya ang gusto mo, ah eh… Please wag na. Nagbabagong buhay nako.
Ayoko ng matukso, so help me God. Amen!
Possibly Related Posts: