Malapit na naman ang birthday ko. Sa tuwing pumapasok ang buwan ng Hulyo, napapansin kong lagi akong seryoso. Nandyan yung lagi na lang akong nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, habang iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na taon. Nandyan yung laging tumitingin sa kalendaryo, at pilit niloloko na hindi pa 2008 at dekada otsenta pa rin.

Tumatanda na ako. Wait, let me rephrase that.. Matanda na ako. Yan, better. At sa tulad kong ang edad ay nasa mahigit trenta na, hindi naiiwasan na minsan balikan ang buhay noong medyo bata-bata pa. Mapapangiti kapag naalala ang unang crush, ang buhay sa high school at kolehiyo, and pakiramdam pagkatapos mahawakan ang unang sweldo, ang unang pasok sa beerhaus sa Pasay, mga kalokohan kasama ang barkada sa subdivision, at kung anu-ano pa.

Lagi kong tinatanong ang sarili ko. Have I become the man I wanted to be? Have I fulfilled some, if not most, the promises I made to myself? Have I grown to be a better person? Have I made a positive impact in the lives of those close to my heart?

Kalimitan, hindi ko alam ang sagot. Kahit na sabihin pa ng iba na, “Pare, malayo na rin ang narating mo. You should be proud of your accomplishments”. Or, “Hey, you have touched the lives of people around you in an upbeat kind of way, without you even knowing it”, hindi pa rin ako kumbinsido.

Alam kong marami pa rin akong hindi nagagawa. Marami pa ring pangarap na hindi naisasakatuparan. Marami pa rin mga taong hindi naipapakilala ang tunay kong pagkatao.

Wala akong problema sa pagtanda. Ang gusto ko lang naman, sana kung tumanda man ako, eh yung tipong may pinagkatandaan. Yung bang nagkaroon man lang ng halaga ang existence ko sa mundo. Magagawa at mararamdaman ko lang ang lahat ng yan, kapad nadagdagan na naman ako ng isang guhit sa aking edad. And I’m looking forward to that.

Time flies faster than you think. Looking back at all those years, I am glad that somehow, I flew with time the best way I possibly can.

At kung mayroong magsasabi at magbibiro saken ng; “Pare, mahina na tuhod mo, malaki na tyan mo, puro puting buhok ka na, kumukulubot na balat mo, at hindi ka na ma-appeal sa mga chikas!”…

I would just flash them my silly cute smile, and say…

“Thank you.. That’s exactly what I wanted to hear.”

Make sense? I guess not..

Bata pa kasi kayo kaya wag nyo nang intindihin!

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!