Just Another Day
The BIG day is finally here. Matapos ang ilang linggo ng paghihintay at ng kung-ano anong ka ek-ekan, dumating na rin ang birthday ko! Some of you might be expecting something big and fancy today huh? Akala nyo siguro may party or may pakulo ako na nakahain. Sorry to disappoint.
WALA.
Oo nga walang biro. Wala talaga.
Dahil kung tutuusin, wala naman talagang saysay ang araw na ito. It’s just a motherfuckin’ date on the motherfuckin’ calendar. And I really think birthdays are overrated. Naniniwala ako na dapat lang yan sineselebra kapag 1 yr old ka, kapag 7, 18 (pag babae) at 21 (pag lalaki). Pagkatapos ng mga numero na yan, wala ng saysay ang birthday mo.
Pipilitin kong ipaliwanag sa abot ng aking makakaya, at sa sarili kong opinyon kung bakit ang mga numero na yan lang ang importante.
1 year old syempre tatambakan ka nyan ng laruan kasi yan ang edad na nakaka-appreciate ka na ng mga bagay-bagay. Kalimitan din na ibinibigay sa mga 1st yr birthday celebrants ang mga cute na damit at iba pang kagamitan na pang-baby. Kase, baby ka pa eh. Wala ka pang kamuwang-muwang sa nangyayari. Akala mo kaya madaming tao sa birthday party mo dahil gusto nilang makipaglaro sayo. Pero ang totoo nyan, gusto lang nila ng libreng pagkain sa Mcdo o Jollibee at kung hindi ka naniniwala dyan, subukan mong tanungin ang tatay at nanay mo pag medyo matanda ka na, kung bakit dalawa lang ang nakalagay sa guest list ng kapitbahay mo, pero isang dosena silang sumugod at nag-take out pa ng sobrang pagkain.
At 7 yrs, natural marunong ka ng bumasa at nag-aaral ka na, dyan ka naman makakatanggap ng regalong medyo seryoso na, na maghuhubog sa iyong paglaki. Halimbawa, painting set - kaya ka niregaluhan nyan dahil napapansin na ng mga tao na mahilig ka sa pag-guhit at meron kang inclination towards Art. Kung makakatanggap ka naman ng piano or organ, yan ay dahil sa lumalabas na ang talento mo sa musika. Kung ballet shoes naman, asahan mong natutuwa sayo ang iyong mga magulang at binibigyan ka nila ng encouragement sa iyong pagsasayaw dahil nakikita nila ang future mo dun. Yun eh kung babae ka. Pero kung lalaki ka, at may magbibigay sayo ng ballet shoes, isa lang ang ibig sabihin nyan. Bata ka pa lang, alam na ng buong mundo na sa kabaklaan ka lang babagsak.
At 18 yrs, eto ang pinaka-importanteng edad sa pagseselebra ng birthday ng isang babae. Bakit kamo? Yan ang edad kung saan ipinangangalandakan ka ng iyong nanay at tatay sa publiko na parang gustong ipagsigawan na, “Hear ye! Hear ye! Dalaga na ang anak namin, may pahintulot na syang makipag-relasyon sa kahit na sino basta tama ang presyo!”, parang ganun. Pero seryoso, importante ang debut sa babae dahil ito ang edad na humihiwalay sila sa paging dalaginding papunta sa tunay na pagdadalaga. Ito rin ang edad na makakatanggap ang mga babaeng yan ng mamahaling regalo tulad ng alahas, latest na celfone, computer, kotse, at kapag tunay na sinusuwerte, isang astig na 3 bedroom condo unit sa gitna ng siyudad.
At sa lalaki naman, kapag 21 yrs old yan ang sensyales na nag-mature ka na. Dapat 18 din yan kung tutuusin, pero sadyang utak bata ang mga lalaki at mas matagal sila mag-mature sa mga babae kaya ginawang 21 yan. At 21, dito nakakaranas na tunay na selebrasyon ang mga boys. Hindi ka na makakatanggap ng regalong laruan dito. Ikaw ang lalaruin dito! Ng iyong barkada na kalimitan sa beerhaus o sa sauna bath ka dadalhin, at ang cool part dun, sagot nila! Ang hindi nila alam, 14 yrs old ka pa lang naranasan mo na yan at mas higit pa. Pero syempre sagot ng tropa kaya, hindi ka na rin iimik at sa halip, nanamnamin na lang ang sarap na dulot ng mga kamay na humahaplos sa iyong katawan na lunod sa oil o kaya lotion.
Wala na ako dyan sa mga numero na yan. In fact, kahit sa kalendaryo wala na rin ako. Ilan taon na akong hindi man lang nagseselebra ng birthday hindi dahil sa wala akong pera, o wala akong makasama. Ayoko na talaga. Wala ng dating sa akin ang birthdays.
Mula ng nagtrabaho ako sa ibang bansa, nawalan na ng meaning sa akin ang mismong kaarawan ko. Pinipilit kong sabihin sa sarili na, “Dude, for once, celebrate mo naman birthday mo with a bang! Go out with friends and party!”, pero wala na talagang dating. Nagsawa na rin kasi ako sa puro party noong binata pa, kaya hindi na ako excited sa mga ganyang bagay. At isa pa, wala akong nakikitang cool sa pagseselebra ng aking kaarawan dito, eh wala naman akong kasama at nag-iisa lang. Ano? Ako na naman ang gagastos sa inuman pero sila ang magiging masaya? Hinde na uy!
Ayoko ng pahabain ang post na ito. Wala naman kwenta ang mga pinagsasasabi ko. Nagmumukha lang akong bitter dahil na rin siguro sa nagso-solo nga ako dito, at matagal ng hindi nakakatikim na tunay na regalo
Pero alam nyo, inspite of the negative feelings I have for this birthday shit, masaya pa rin ako ngayong araw na ito.
Hindi ko kailangan ng matinding celebration na tipong ako ang bida at halos hindi na makahinga sa dami ng yakap at halik na makukuha sa mga bista. Hindi ko kailangan ng regalo dahil naniniwala ako na mas maganda at mas may kabuluhan kung ang dapat na ibibigay sa akin ay ibigay na lang sa mga taong naghihirap. Hindi ko kailangan ang tapik at pagbati ng mga plastik na taong kasama ko sa bansa na ito…
I am happy because I have a wife who stands by me in spite of my shortcomings, and loves me unconditionally for what I am. I have a daughter who makes me smile everyday, and gives me the strength whenever I miss home. I have a family who never fail to support me in all my undertakings in life. A good job. A simple life free from complexities and intricacies..
At ang isa pang dahilan kung bakit ako masaya at kuntento ngayon, dahil mayroon akong mga taong nakilala na naglaan ng konting panahon sa kanilang mga busy schedules para bigyan ako ng ngiti at batiin sa aking kaarawan. Mga taong tinuturing kong kaibigan.
JULY 19 - is just another day. Made special by the presence of people that count most. :wink:
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


54 comments
Binx
on
July 19, 2008 at
3:14 am
Happpppy BIRTHDAY!!! Im still reading your pages (everyday) though di na nga ko nakakapagcomment. Im hoping that today ull find something worth remembering for the rest of your life.
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:42 pm:
aba si binx nabuhay. salamat sa bisita. sana bumalik ka ulit. kahit isang taon pa ang pagitan nyan ok lang, hindi na ako magtatampo hmmp!
[Reply]
willy
on
July 19, 2008 at
4:02 am
happy birthday sir robin! hindi mo man nararamdaman ang pagiging special ng araw na ito pero tandaan mo, kung hindi dahil sa araw na ito, walang hahangaan ang mga milyon-milyong admirers mo sir.
happy birthday mula sa amin sa mixministry!
willys last blog post..The Mayor presents Where in the World Ministrymix
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:44 pm:
ty sir willy. musta na ang mga mixes natin dyan? hindi ko pa natatapos yung binabalak ko na project.
pero teka email kita minsan. may naisip akong project na pwedeng i-collaborate sa mix ministry hehe :grin:
ty ulit kapatid kong DJ!
[Reply]
willy
reply on July 20th, 2008 2:10 am:
magandang idea yan! timbrehan mo lang kami
willys last blog post..workshy presents I Feel for You Tribal Housemix 2k8
[Reply]
cams
on
July 19, 2008 at
4:26 am
ako din, di na nakakapag iwan ng bakas dito sa blog mo pero sa araw na to….
HAPPY BIRTHDAY KUYA AZ !!!
gud health po para sa iyo tsaka sa family mo.
camss last blog post..pink na lobo
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:46 pm:
salamat cams! :-*
[Reply]
l2o1v1e
on
July 19, 2008 at
6:22 am
Happy Birthday Sir DJ Robin Mendoza! =)
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:46 pm:
ty bro! more power to you and the guys at mix ministry!
[Reply]
Jovi
on
July 19, 2008 at
6:29 am
Hababerdi, Pogi! Tara na, libre moko ng frap sa Starbucks… Hehe! :grin:
Jovis last blog post..Why so Serious? Let’s Put a Smile on that Face
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:47 pm:
sige sige!
[Reply]
libay
on
July 19, 2008 at
7:29 am
api burdey! Good health… God bless!
Mwah!
ps… may isa pa kong greeting pix pero sa site ko nilagay.
libays last blog post..Rated KKK Kaibigan - Kapatid - Kaarawan
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:47 pm:
salamat ulti libs! nakita ko na, ang bagsik mo talaga!
[Reply]
Aling Baby
on
July 19, 2008 at
9:55 am
Eto na Kuya Az, 19 na!
P I B E R T D E I !!!
Iba pa rin talaga na kasama mo ang si wifey at baby aila especially on this day. u have a reason why it had to be this way. Ang important pa rin is yung unconditional love ninyo sa isa’t-isa..best gift na yon diba? Pibertdei ulit Kuya Az! pa-canton ka naman for long life din yon. ;) God Bless!
Aling Babys last blog post..Kolektor
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:49 pm:
ty baby. naasiwa na akong tawagin kang aling baby dahil mas matanda ako sayo. pero hindi ibig sabihin nyan pwede mo na akong tawagin na mamang azrael ha!
[Reply]
Aling Baby
reply on July 22nd, 2008 10:57 pm:
hehe delayed reaction ‘to…. eh indi naman bagay sayo tawaging mang azrael eh, para kasing ang sagwa. kung ok nga lang sana baka pwedeng “pre” na lang hehehe…kasi mas sanay ako sa ganun saka ayaw mu nun, parang twenties ka lang haha! musta naman ang pibertdei celebs mo? wala ba pics dyan??
Aling Babys last blog post..Naniniwala ka ba dito?
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 22nd, 2008 11:51 pm:
pre? hmmm.. pwede na siguro. dahil yan din naman ang tawag saken ni sommer. pero kung tatawagin mo akong sweetheart ok lang, di ako magrereklamo nyahahaha!
[Reply]
pEpPeR
on
July 19, 2008 at
4:17 pm
Oist! Happy bertday po! Kahit ang dami mo pang kaek-ekan na this is just another motherfucking day. May you have more birthdays to come!
pEpPeRs last blog post..The Sharia Law in U.A.E.
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:49 pm:
salamat jen. regalo ko?
[Reply]
pEpPeR
reply on July 21st, 2008 4:30 pm:
Wala pang sahod eh, send ko na lang sa text sa katapusan! Happy bertday uli!
[Reply]
mylene
on
July 19, 2008 at
5:33 pm
hey Azrael Happy Happy Birthday! Im sure happy ka naman.. wag na mag-isip na nag-iisa ka..
cheers!
mylenes last blog post..trip trip lang
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 8:49 pm:
ty mylene!
[Reply]
Isagani
on
July 19, 2008 at
9:17 pm
Happy Birthday Az.
Isaganis last blog post..43rd Update: Boredom is Killing Me
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 19th, 2008 9:28 pm:
salamat gani :wink:
[Reply]
trampoi n kimmie
on
July 20, 2008 at
12:05 am
happi birthday pre!!
tagay na yan!!! nyahahaha!!! sorry walang naganap na piktyuran nung bday ko puro lasing walng matinong photographer…heheheh
maligayang bati ulit!!
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 20th, 2008 1:27 pm:
pwede naman ulitin ang inuman ah! buti ka nga may party eh, ako wala
[Reply]
R O Y
on
July 20, 2008 at
9:21 am
anak ng pating! nakaligtaan ko na bday mo pala neybor kahapon huuu… nakabakasyon kasi ako ngayon eh.
HAPPY BIRTHDAY sa menyakis kong neybor ehehe… :grin:
R O Ys last blog post..Tallinn, Estonia
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 20th, 2008 1:28 pm:
huuuuuuuuuuuuu! bakasyon?? eh lagi kang namamayagpag sa flickr damuho ka. pero teka, ano? may D700 na ah. di mo pa ba papalitan yang D300 mo?
:p
[Reply]
misyel
on
July 20, 2008 at
9:30 am
Happy birthday po! Sensya busy masyado kaya late ako nakabati. Big hug for you bro! >”,<
God bless!
misyels last blog post..Hulyo otso
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 20th, 2008 1:29 pm:
thanks misyel. hugs to you too!
[Reply]
R.J.
on
July 20, 2008 at
1:18 pm
bakit nawawala itong leave a reply window kahapon? hehehe happy birthday pare. oo nga minsan nakakatamad na talaga magcelebrate. minsan napupuwersa na lang tayo magdiwang dahil sa mga tao sa paligid. pero ang maging essence talaga dapat ay ang pasasalamat dahil isang taon na naman ang ipinagkaloob sa atin.
R.J.s last blog post..chikkaminute! ‘the kutings’ updated
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 20th, 2008 1:30 pm:
korek! kaya ako hindi ko na talaga iniintindi yang party party na yan. at isa pa, hindi ko type ilibre mga tao dito kaya maghanap sila ng magpapainom sa kanila nyahahaha!
[Reply]
R O Y
on
July 20, 2008 at
2:17 pm
bat nawala yung may Rudy Project na piktyur neybor? hehe…
R O Ys last blog post..big church
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 20th, 2008 2:18 pm:
saan? sa header image? automatic yan. nagpapalit ng image every 30 mins
[Reply]
Zapped PhD
on
July 20, 2008 at
9:44 pm
Totoo yan.. Sabi nga: “age ain’t nothin but NUMBERS!” eh ano naman kung tumatanda? Atleast may pinagkatandaan diba? yun ang importante dun. Ako pag birthday ko never ko naranasan na naghanda ng bonggang bongga when I turned 8. Tsaka hindi ako sanay.para ngang wala nang saysay sakin yun eh. Ginagawa ko na lng pag birthday ko tambay sa bookstore tapos kakain mag isa. Yun na yung gift ko sa sarili ko. ok na ko dun. Nagtatanggal ng stress and trying to find solace for myself tutal its my day naman diba? Hala.. napakwento eh no… bago pa mauwi sa post ang comment ko,, greet na rin kita ng HAPPY BIRTHDAY! I wish u well and may u be blessed in ways u need it.
ngapala.. tagal ko na bumibisita d2 ngayon ko lng naisip,pwede b kita i enroll sa iskul(link) ko?
Zapped PhDs last blog post..MISEDUCATION #4: The Hallucination of BUFFY
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:00 pm:
salamat s apagbisita zapped. at sige, i-enroll mo na ako dyan sa skul mo. kaso mo baka ako lang ang matanda dyan.
ako ang magtuturo sa class ng kalokohan ok ba yun? lol
[Reply]
Zapped PhD
reply on July 22nd, 2008 8:41 pm:
Hay nako AZRAEL,c mommy kenks nga naka enroll pa kahit may mga little kengkays na eh. maglista ka na lng ng noisy kasi deyker yun no! hahaha!!! :p teka, e pano naman mag-enroll sa blogroll mo?
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 22nd, 2008 11:52 pm:
tanong tanong ka pa dyan. naka-enroll ka na sa blogroll ko sa ayaw mo at sa hindi!
[Reply]
Zapped PhD
on
July 20, 2008 at
9:45 pm
sorry nag freeze yung screen. nadoble tuloy! anghaba pla ng comment ko..hahahahha@ sorry1
Zapped PhDs last blog post..MISEDUCATION #4: The Hallucination of BUFFY
[Reply]
chaden
on
July 21, 2008 at
5:21 am
just another day made special by your treasured friends and family.
sweet line.
happy birthday, idol dj.
chadens last blog post..paul vincent
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:01 pm:
thanks chaden. mabuhay ka!
[Reply]
kamotenista
on
July 21, 2008 at
7:02 am
happy birthday po…belated
may the Lord bless and guide you
have a blessed day…
kamotenistas last blog post..Believe It or Not
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:01 pm:
thanks kamote
[Reply]
Dor
on
July 21, 2008 at
9:41 am
wish u well dude, teka, pwede bang kumain ng baboy dyan sa qatar? iba ang sipa pag may baboy sa birthday mo; lechon, adobo, paksiw, pata atbp (marami namang green tea dyan pagkatapos, haha)
Dors last blog post..Most WANTED
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:02 pm:
nyay! hindi ako sa qatar pre. sa oman ako. kung tutuusin eh bawal talaga ang baboy dito. pero hindi naman ganun kahigpit dito. makakabili ka pa rin medyo may kamahalan nga lang. :p
[Reply]
chuvaness
on
July 21, 2008 at
2:21 pm
waaaaaaaah nahuli si harlene…pwede pa ba? LOL
chuvanesss last blog post..Gurls Gone Old Skool At Eastwood City
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:03 pm:
oo nga huli ka hmmp!
[Reply]
Ann
on
July 21, 2008 at
4:35 pm
Hi Kuya Az, Happy Happy Birthday! May you have many more birthdays to come. Sorry sa late greeting ko, medyo busy kay Baby Janna eh
chikahan tayo minsan sa YM mwah!
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:04 pm:
oks lang yun ann. mas importante talaga ang pag-aasikaso kay baby Janna..
at sino ba naman ako para pag-ukulan mo ng panahon.. hmmmp!
:grin:
[Reply]
Ann
reply on July 22nd, 2008 10:21 am:
hindi ka naman nagtatampo niyan hehehe! naku matapos lang talaga yung binyag mag-a-update na ako ng blog… hindi ko na siya naaasikaso kasi… saka demanding ang anak ko … wala kasi kami yaya … hehehe
Anns last blog post..Julianna Alyssa @ 2 months old
[Reply]
wifeybee
on
July 21, 2008 at
4:37 pm
hapi birthday po! enjoy ang bagong taon na nadagdag sa iyong buhay… pagpalain ka ng Maykapal
wifeybees last blog post..ang buhok
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 21st, 2008 9:04 pm:
salamat wifeybee :wink:
[Reply]
Mumu sa Kanto
on
July 24, 2008 at
6:37 am
aw late ako :o belated yapi birthday kuya az ^^
[Reply]
A Z R A E L
reply on July 24th, 2008 11:52 am:
salamat mumu!
[Reply]