Archive for July, 2008

The BIG day is finally here. Matapos ang ilang linggo ng paghihintay at ng kung-ano anong ka ek-ekan, dumating na rin ang birthday ko! Some of you might be expecting something big and fancy today huh? Akala nyo siguro may party or may pakulo ako na nakahain. Sorry to disappoint.

WALA.

Oo nga walang biro. Wala talaga.

Dahil kung tutuusin, wala naman talagang saysay ang araw na ito. It’s just a motherfuckin’ date on the motherfuckin’ calendar. And I really think birthdays are overrated. Naniniwala ako na dapat lang yan sineselebra kapag 1 yr old ka, kapag 7, 18 (pag babae) at 21 (pag lalaki). Pagkatapos ng mga numero na yan, wala ng saysay ang birthday mo.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (54)

Changes

Sa aking opinyon, ang blog ko na ito ay nahahati sa apat na ‘main’ content..

1. Daily Rambling/Rants/Life abroad/Work related shitnitz

2. Music/Mixes/DJ Stuff

3. Photography/Photoblog

4. Family/Married Life/Aila Fever

Matagal ko ng tinatanong ang sarili ko kung tama ba na pagsama-samahin ko yang mga ‘yan sa isang blog lang, hanggang ngayon wala pa rin akong matinong maisagot. Hanggang ngayon pakiramdam ko wala pa ring maayos na direksyon ang blog ko.

I have this bad habit of doing things and trying to accomplish tasks in one sitting. Kahit na hindi naman dapat, pinipilit kong pagsabay-sabayin ang mga bagay na sa tingin ko ay kaya ko naman tapusin ng mabilisan.

At dahil dyan, I always end up with half-baked pies. Hindi ako satisfied sa resulta.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (15)

Swerte

May tatlong taon na din pala akong blogger. Sa loob ng tatlong taon na yan, marami na rin akong nakilala. May mga naging kaibigan, may mga naging kaaway. Kapag naiisip ko ang mga taong minsan kong naging kakulitan, pero wala na ngayon na at burado na sa mundo ko, hindi ko maiwasan na sabihin sa sarili na…

“Tangna, ang malas ko naman. Ang daming taong pwedeng kaibiganin noon, bakit ang mga hindot at walang kwentang taong mga yun pa ang pinag-aksayahan ko ng oras!”

Pero sa kabila ng kamalasan na yan, may swerte pa rin naman ako kahit paano.

Ang mga taong mula pa lang sa simula eh hindi na nakialam kung ano man ang trip ko. Mga taong sa tinatagal-tagal ng panahon, eh andyan pa rin at masipag na bumibisita.  Mga taong kahit walang bagong mix, nag-iiwan pa rin ng mga komento. Mga taong kahit hindi ko naigawa ng image headers (kase wala naman silang blog), eh nakukuha pa ring magpasalamat. Mga taong mula ngayon, itinuturing ko nang mga tunay na kaibigan at ipaglalaban ko ng patayan!

Sa blogosphere lang ha, wag sa totoong buhay dahil nagpapakabait na ako bwahahahaha!

Kilalalanin ang mga taong nagbibigay ngiti sa akin kapag ako ay nakatamabay sa aking munting espasyo sa blogosphere:

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (65)

Naniniwala ako, na tayong mga tao ay may tinatawag na soulmates. Yung bang isang nilalalang na hindi mo pa nakikita pero nakaguhit na sa tadhana na ang kaluluwa nyong dalawa ang talagang nababagay sa isa’t-isa. Sa bilyon ng bilang ng ating populasyon, iilan lang ang natatagpuan ang kanilang soulmates? Kahit sabihin pa na tayo ay may mga asawa na, at mahal na mahal naman natin sila, hindi nangangahulugan yan na sila nga ang kakambal ng ating kaluluwa.

Swerte ka kung natagpuan mo ang soulmate mo. Wala na sigurong mas magiging maligaya sa inyong dalawa. Isipin mo nga naman, sa lahat ng bagay magkasundo kayo. Wala kayong pag-aawayan, isang bagay na importante sa isang relasyon.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (39)

Iba na talaga ang tumatanda. Madali ng mapagod. Kung dati kaya kong tumakbo ng apat hanggang limang kilometro, ngayon sampung metro lang hinihingal na ako. Hindi na rin ako pwedeng tumayo ng matagal. Bilang isang CAT officer noong HS, sisiw saken ang tumayo sa initan ng dalawang oras. At kapag nasa field naman ako dito, nakasanayan ko na rin na minsang nakatayo ng mas matagal pa dyan. Ngayon, dahil na rin siguro sa pagbigat ng aking timbang at paglaki ng itlog tyan, hindi na kayang suportahan ng katawan ko ang mahigit pa sa isang oras na nakatayo. Siguradong bibigay ang mga paa ko at maglalabasan ang varicose veins sa binti.

At kakambal ng pagtanda ang katamaran. Syempre dahil alam mong medyo mahina na ang katawan mo, natural lang na tatamarin ka na rin sa ilang bagay na datirati eh minamani mo lang. Tulad ng paglilipat-lipat ng mga kagamitan sa bahay tulad ng TV, ref at sala set na gamit lang ang isang kamay. Kailangan magtawag ka na ngayon ng mga taong uupahan para lang maayos ang gulo-gulo mong bahay na ang may kagagawan ay ang tatay at nanay mong nagbakasyon sayo, na ngayon naman ay nanggugulo ng ibang bahay sa Amerika dahil yun ang trip nila. :-|

Nakakatamad naman kasi talaga na gumawa ng isang bagay na alam mong mahihirapan ka na di ba? Kung pwede lang na iutos ang lahat ng bagay, yan na sana ang ginawa ko.

Eh paano kung usapang anuhan na??? Pati ba naman yun iuutos ko pa?? Bwahahahaha! Tangina magkakaubusan muna ng lahi bago mahawakan ng kahit sinong damuho ang kuko ng asawa ko!

Ok ok, sige sa ganyang bagay nangangako akong hindi tatamarin. Kahit na pagod na pagod na ako, kapag kinalabit ako ni Misis Azrael ng bandang alas tres ng madaling araw, dali-dali pa rin akong tatayo, maghuhubad ng brip, at sasayaw na parang kolboy. Pero hindi ko sinisigurado ang performance. :(

Hindi ko maipapangako na kakayanin ko pa ang sampung tatlong sesyon ng pagulung-gulong at pag-tumbling sa kama tulad ng dating nakagawian. Baka isa pa lang, laylay na dila ko sa sahig! Oh noooooooooo!

Naniniwala ako na may solusyon pa dyan sa problema ng anuhan na kagagawan ng katandaan at katamaran. Sa modernong panahon ngayon na ang dami ng naiimbento, imposible naman na walang maisip ang mga malulupit ang utak para bigyan ng konting kaginhawahan ang mga taong tulad ko, na bukod sa nagkaka-edad na, eh parati na ring tinatamad. Gusto ko nga pala sabihin sa mga nag-aakalang parang dragon pa rin ang bangis ko sa kama, nagkakamali kayo. Parang overweight na butiki na lang akong nahulog galing sa kisame ngayon :(

Mabuti na lang, may nahagilap ako na katarantaduhan solusyon sa internet. Isang napakasimpleng bagay na tiyak na magdudulot ng kaginhawahan para sa mga madaling mapagod at tamad na taong tulad ko.

At ang solusyon??

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (24)