Malapit na ang RAMADAN. Malamang sa unang araw ng september ang bagsak nito. Sa ibang OFWs na nagtatrabaho sa Middle East, ito ay welcome news dahil ang ibig sabihin nyan, less work hours everyday for 1 whole month. Hindi naman talaga pina-practice ang tradisyon ng ramadan ng mga kristiyanong tulad ko na nagtatrabaho dito,. Walang fasting-fasting sa akin. Pero dapat lang na pinapahalagahan ito bilang pagbibigay-pugay sa bansang pinagtatrabahuhan, at bilang paggalang sa way of life ng mga muslim na araw-araw na nakakasalamuha.
Swerte kung ang trabaho mo ay sa opisina lang. Kung dating walong oras ang inuubos mo sa loob ng opisina kaka-laro ng solitaire sa computer, pagpapaikot ng ballpen sa iyong daliri, kaka-sagot ng crossword puzzle, o di kaya’y kaka-ngatngat ng kuko sa paghihintay ng uwian, kapag ramadan na, lima hanggang anim na oras mo na lang gagawin ang lahat ng yan.
Pero sa tulad kong 80 percent ng trabaho eh sa field, parusa ang ramadan. Bakit kamo?
Aila had her first haircut about a week ago. Masyado na raw kasi mahaba ang buhok at naiirita na ang anak ko kaya pinagupitan na ni Misis Azrael. Kinabahan nga daw si misis dahil baka sumpungin si Aila at magwala habang ginugupitan ng buhok. Surprisingly, Aila enjoyed it Ang bait talaga ng anak ko, mana sa ama