Malapit na ang RAMADAN. Malamang sa unang araw ng september ang bagsak nito. Sa ibang OFWs na nagtatrabaho sa Middle East, ito ay welcome news dahil ang ibig sabihin nyan, less work hours everyday for 1 whole month. Hindi naman talaga pina-practice ang tradisyon ng ramadan ng mga kristiyanong tulad ko na nagtatrabaho dito,. Walang fasting-fasting sa akin. Pero dapat lang na pinapahalagahan ito bilang pagbibigay-pugay sa bansang pinagtatrabahuhan, at bilang paggalang sa way of life ng mga muslim na araw-araw na nakakasalamuha.

Swerte kung ang trabaho mo ay sa opisina lang. Kung dating walong oras ang inuubos mo sa loob ng opisina kaka-laro ng solitaire sa computer, pagpapaikot ng ballpen sa iyong daliri, kaka-sagot ng crossword puzzle, o di kaya’y kaka-ngatngat ng kuko sa paghihintay ng uwian, kapag ramadan na, lima hanggang anim na oras mo na lang gagawin ang lahat ng yan.

Pero sa tulad kong 80 percent ng trabaho eh sa field, parusa ang ramadan. Bakit kamo?

1. Mainit at humid. Kailangan ng katawan ng sapat na tubig para mapalitan ang nawala sa katawan dahil sa pagpapawis. Hindi pwedeng basta-basta uminom ng tubig lalo na kapag ang site ko ay populated at abot tingin ng mga tao ang aking kinatatayuan. kapag nakita ako ng isang arabo na makaluma at matigas ang kukote sa pag-intindi na hindi ako muslim at wala akong kakayahan na mag-imbak ng tubig sa katawan tulad ng camel, mauuwi lang ito sa away. Kailangan pa akong magtago para lang uminom dahil umiiwas na rin ako sa gulo, at wala pa akong balak na makapatay ng arabo.

2. Walang bukas na coffee shop o cafeteria para makainan. Ugali ko na kasing bago sumabak sa trabaho sa field, nilalagyan ko muna ng laman ang aking tyan para may pambala man lang sa laban. Hyper-acidic din ako kaya’t maya’t maya ang pagkalam ng sikmura kahit hindi gutom. Paano ako kakain kung lahat eh sarado? Sa bahay? Eh 5-6 am lumalabas na ako. Kakain ako ng almusal alas kwatro ganun? :meh: Magluluto ako at magbabaon? Masyadong time consuming at ayokong magmukhang KJ sa mga helpers ko dahil ako may bitbit na lunchbox at sila wala bwahahaha!

3. Mga clients na tamad. Hindi ko mapupuntahan ang ilang sites kapag hindi ito itinuro ng may-ari. Hindi lahat ng lugar kaya kong hanapin by handheld GPS dahil ang mga titulo ng lupa dito, ang karamihan luma at mali ang coordinates. Kaya nga pinapasukat sa akin eh. Para magawan ng bago at maitama. Ang problema, dahil nga sa ramadan, late gumising ang mga arabo. Para silang nagha-hibernate. Matapos na mag-imbak ng kalde-kalderong pagkain sa katawan sa gabi, late na kung gumising ang mga yan. Mga bandang alas-dose ng tanghali ampft! Para nga naman konting oras na lang ang hihintayin nila sa oras na pwede na silang kumain. Mga bandang 6:30 - 7pm yun ng gabi. At ang ibig sabihin nyan, pwersado akong magtrabaho ng late, kung kelan kainitan ng araw.

4. At dahil sa alas-siyete na ng gabi ang kanilang kain, ang ibig sabihin nyan, may oras lang sila na puntahan ako sa opisina para makipag-usap tungkol sa trabaho, at makipag-meeting na kaharap ang boss ko, bandang alas otso na. Kaya ang dating balik ko ng 6 - 8 pm, mababago rin. Magiging 7- 9  na. Minsan aabot pa yan ng 10. Paano ang dinner ko? Kakain ako ng hapunan 5 ng hapon? Na kadarating lang galing sa field work? Leche.

Yan ang haharapin kong problema sa susunod na buwan. Hindi pwedeng paghintayin ang trabaho. Kapag ginawa ko yan at nagpakatamad sa buwan ng ramadan, hindi kikita at yayaman ang boss kong waldas sa pera na puro sa syota nyang pinay lang naman napupunta. At kapag kinulang si bossing sa sustento sa gf nyang obvious naman na hinuhuthutan lang sya, outside da kulambo si loko. At pag isang buwan na outside da kulambo sya, malulungkot sya ng todo na maaring maging dahilan ng pagiging emo. At ayokong mangyari yan dahil baka maglaslas ng pulso si bossing. Sino ang magpapa-sweldo saken aber???

Kaya ang ginagawa ko ngayon, direkta akong nakikipag-usap sa mga kliyente, at ako na ang gumagawa ng schedule ko. May mga araw na imbes na isang site lang ang gawin ko, ginagawa kong dalawa o tatlo. Minsan apat pa nga. At ang mga gawaing opisina tulad ng computations, planning and all that drawing shit, sa bahay ko na tinitira.

Gusto kong makarami. Kung pwede nga lang tapusin na ang lahat ng ito sa loob ng tatlo hanggang limang araw, ginawa ko na sana. But I can only do so much. Kung saan lang kaya ng katawan. At ang ibig sabihin nyan, hangga’t hindi ako sumusuka ng dugo, o nagko-collapse dahil sa init at humidity, sige bira!!!

Mas ok ng tapusin ko itong lahat kesa naman sa ramadan pa ako mahirapan. Ang motto ko: What you can do today, why leave it for tomorrow. Yan ang diskarteng AZRAEL.

Busy ako ngayon.. Sobra.. Sana matapos kong lahat bago matapos ang buwan na ito. Para sa ramadan, magha-hibernate na rin ako tulad ng mga arabo.

Possibly Related Posts:


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!