Archive for September, 2008

Babaero ako noong binata. Sabi ng iba hanggang ngayon eh ganun pa rin daw. Babaero pa rin daw ako. At gusto kong sabihin sa mga nagsasabi nyan, Pakyu! :lol2:

Kulang ang mga daliri sa kamay at paa kung bibilangin ang mga babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi ko pinagyayabang yan dahil sa isang banda, kasiraan yan sa pagkatao ko. Dahil pwedeng ang ibig sabihin nyan, hindi ako ang tipo ng lalaki na nagse-seryoso kaya mabilis akong magpalit ng GF at kumawala sa isang relasyon. Pwede rin naman na hindi nagtatagal sa akin ang isang babae dahil sa hindi masakyan ang ugali ko na nauuwi sa maagang pagtatapos ng aming samahan. :/

Kahit na naging ganyan ako noon, masasabi ko pa rin na marunong akong magmahal. Pagmamahal na nasuklian ng mas higit pa dyan ng ilang babae na hinding hindi ko malilimutan. Sa mahigit kwarenta na babae na dumaan sa buhay ko, apat na pangalan lang ang pwede kong sabihin na totoong nagbigay kulay sa mundo ko. Syempre kasama dyan si Mrs. Azrael dahil sya ang asawa ko at ang pinakamahal ko sa lahat. Pero hindi sya ang bida sa kwento kong ito dahil sa dalawang importanteng dahilan. Una, wala pa sya sa buhay ko noon at  hindi nya kilala ang babaeng tinutukoy ko. At pangalawa, hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang ngayon kaya asa pa syang maging bida. Kontrabida oo! :meh:

Ang entry nato ay tungkol kay Iza. Ang unang babae na nagpaiyak sa akin na parang bata na inagawan ng laruan. Ang pangalawang babae na minahal ko sa buong buhay ko. Ang huling babaeng pinangakuan ko ng isang bagay, pero sa kasamaang palad, hanggang ngayon hindi ko pa natutupad :worry:

———————————————————————————————————————-

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (20)

Cute and funny commercial.
Click PLAY BUTTON to watch!


Even babies know when “they’re” fake lol

Possibly Related Posts:


Comments (4)

Nagsimula sa Philippine Blog Awards.

Nauwi sa bangayan.

Nagkasuguran sa blogs.

Pati ang Plurk hindi tinantanan..

Divided na naman daw ang Philippine Blogosphere ngayon.

Away dito, away doon.

Nagsama ang dating magka-kaaway.

Nag-away ang dating magkakaibigan.

Nagkakaroon ng giriian.

Patalinuhan..

Inglesan…

Pa-pogian…

Pataasan ng pinag-aralan…

Palakasan ng hangin.

Pataasan ng ihi.

Baka mauwi sa personalan at ubusan ng lahi.

:) :meh: :/

And my take on this ongoing brouhaha?? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (16)

Dedma

Mahigit dalawang linggo na kitang hindi nakakausap. Wala akong pakialam kahit abutin pa ng isang taon yan. Sanay na ako. Hindi mo ako kayang pasukuin at kung inaakala mong ako na naman ang lalapit at gagawa ng paraan para makausap kang muli, sa pagkakataong ito nagkakamali ka.

Hindi aabot sa ganito kung hindi matigas ang kukote mo. Napaka-simpleng bagay, nauwi sa matinding away. Gusto ko lang ipamukha sayo kung saan ka nagkamali. At kung hindi mo kayang tanggapin ngayon na ikaw ang may pagkukulang, hintayin mo ang tamang oras dahil ipamumukha ko sayo lahat yan ng harapan.

Sagutin mo ang tanong ko. BAKIT HINDI MO AKO MATAWAGAN?

Tatlo ang numbers ko dito. Dalawang local sim at isang globe na roaming. Sa tuwing tinatanong kita kung bakit hindi ka makatawag, ang laging sagot mo.. “Puro ring lang eh! Yung isang number naman walang tone!”

Kalokohan. Gagawin mo pa akong sinungaling ngayon pag sinabi ko sayo na ni isang number sa tatlong yan eh wala naman nagri-ring? Hindi mo ba naisip na baka yang lintek na simcard mo ang may problema? Ahh naisip mo nga pala. Pero hindi sapat na dahilan yan para hindi ka maghanap ng ibang paraan para matawagan ako. Wala bang ibang celfone na pwedeng mahiram dyan, kargahan ng load, at gamitin na pantawag saken??? Wala?? Ok I rest my case.

I therefore conclude, ayaw mo lang talagang tumawag. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (27)

Pre,

May mahigit isang taon ka na rin pala nagtatrabaho dito sa Oman. Kamusta na ang trabaho? Balita ko malaki-laki na raw ang naiipon mo. Ok ka na ba dyan sa trabaho mo?

Sandali. I’m not here to ask how you’re coping. Nandito ako para balikan ang nakaraan at ipaalala sayo ang ilang importanteng kaganapan sa buhay mo. I’m here to make sure your feet are firmly planted on the ground.

Natatandaan mo pa ba ang araw-araw nating inuman noon sa pinas kung saan sa bawa’t tungga mo ng alak, kasabay ang reklamo sa buhay na kesyo nahihirapan ka na sa trabaho at kailangan mo ng mangibang-bansa? Noon una hindi kita pinapansin dahil ang akala ko, sadyang reklamador ka lang talaga kapag nalalasing, pero ng minsang dumaan ka sa bahay at nakipag-usap ng masisinsinan sa harap ng tatay, nanay, at asawa ko, doon ko naintindihan ang lahat na totoo palang nahihirapan ka na at ang iyong pamilya.

Nang inilabas mo ang nakatiklop na litrato ng anak mo galing sa wallet at nagsimulang mamungay ang iyong mga mata, hindi ko na pinatagal ang diskusyon at ipinangako kong hahanapan kita ng trabaho dito. Hindi ako naawa sayo pre, nakornihan ako sayo. Naawa ako sa anak mo dahil ang buong akala nya ang tatay nya nagtatrabaho ng matino sa maynila, yun pala puro inom at babae lang ang inaatupag at kapag wala ng pera, kakatok sa bahay ng kaibigan at doon magda-drama. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (32)