Huling biyahe
Isa kang babae. Sosyal. Maganda. Mataas ang pinag-aralan. May maalindog na pangangatawan. May kaya sa buhay. Nakakaangat sa karamihan.
Isang babaeng inabot ng alanganing oras ng gabi sa isang madilim at nakakatakot na lugar. Isang lugar na walang katao-tao at hindi ka pamilyar. Naiwang nag-iisa at malapit sa kapahamakan…
Nag-aabang ng masasakyan na maghahatid sa iyong bahay. Umaasa na may dadaan para ilayo ka sa madilim at nakakatakot na lugar na ito at ihahatid ka sa liwanag ng iyong tahanan.
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat…..
Apat na oras ka ng nakatayo pero wala pa ring sasakyan na dumadaan. Napatingin ka sa isang papel na nakadikit sa pader.
“Last Trip at 12 midnight”
Yan pala ang oras ng daan ng huling bus.
Sinilip mo ang iyong relo. Napangiti ka at nasabi sa sarili.. “Whew! Buti na lang. Limang minuto na lang at may darating ng bus!”
Nabasag ang katahimikan. Palakas ng palakas ang tunog ng makina ng isang sasakyan na nanggagaling sa iyong bandang kaliwa. Unti-unting lumiliwanag ang paligid dahil sa ilaw ng bus na papalapit sa iyong kinatatayuan.
Tumigil ang bus sa iyong harapan. Bumukas ang pinto, at may ngiti ang isang maginoo ngunit matandang drayber na sinabi sayo, “Sakay na miss! Huling trip na ito! Ang susunod na bus ay sa isang linggo pa dahil wala ng bumibyahe sa lugar na ito. Halika na!”
Natigilan ka. Napako ang iyong mga paa sa lupa. Hindi mo gusto ang iyong nakita.
Bulok na bus. Sira at butas butas ang mga upuan. Kinakalawang ang mga hawakan. Bukas ang mga bintana dahil walang aircon. Umaalingasaw ang baho dahil sa pawis ng mga nagsisiksikang tao sa loob.
Mga taong katulad mo, na inabutan din ng dilim sa kung saan man sila nanggaling. Mga pangkaraniwang tao na nagmamadali ng makauwi sa kanilang mga asawa, anak at magulang. Mga taong may pag-aalinlangan kung makakakarating pa ba sila sa kanilang destinasyon, nguni’t may ngiti sa mga mukha dahil sa pag-asa..
Biglang naisip mo ang nakagawian sa siyudad. Lagi kang nagta-taxi sa pagpasok sa opisina. Laging sinusundo ng mga manililigaw at inihahatid sa iyong bahay sa kanilang magarang mga sasakyan. Hindi nakikihalubilo sa mga taong sa tingin mo ay mababa sayo..
Muli kang napatingin sa matandang drayber.. Sa mga taong nagsisiksikan sa loob.. Sa bulok na bus na hindi kaaya-aya sa iyong paningin…
NAPATINGIN KANG MULI SA HULING BIYAHE…
Isang tanong isang sagot babae, SASAKAY KA BA??
———————————————————————————————————
Walang pinagkaiba yang bus na yan sa isang relasyon. Kung ikaw ay isang babae na walang boypren, walang asawa, at malapit ng mag-menopause, aba aba.. wag ka ng mag-inarte dyan at sumakay ka na!
Sa edad mong 30-40, wag ka ng umasa na may binata pa at matinong lalaki na araw araw kang susundutin susunduin sa opisina, ihahatid sa iyong bahay, at bibigyan ka ng rosas at tsokolate sa mga importanteng petsa sa buhay mo!
Wala ng lalaki na nasa ganyang age bracket ang binata oy! Puro may asawa na kami. Yung mga wala pang asawa, tatlong klaseng lalaki lang yun. May anak, binabae o pari!
Wag mo naman sabihin na papatol ka pa sa mga lalaking malaki ang agwat sa edad at sobra bata pa iyo? Huhuthutan ka lang ng mga yan at kapag nakakita ng mas sariwa, itatapon ka lang na parang toilet paper ni ipinahid sa pwet.
Kaya isang payo lang para sa inyong mga babaeng naghahabol… Tigilan nyo na ang kaartehan nyo. Babaan nyo ang inyong standards. Wag kayong masyadong ambisyosa.
Hindi na applicable sa inyo ang linyang, “The right guy will come, I just have to wait” and all that shit, you know why??
Because the RIGHT GUY is already married to someone else!
Wag masyado mapili. Kapag may dumating na lalaki at seryoso naman sa pakikipag-relason, kahit may asawa pa yan sige GO!!!!
At kung hindi nyo kayang gawin yan..
Eh di wag kayong sumakay sa bus at magsimula ng maglakad pauwi. After 100 years, makakarating din kayo sa pupuntahan nyo. Yun eh kung hindi kayo mapapahamak sa paglalakad sa isang madilim at malungkot na daan…
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!

:*(... 


25 comments
mrs azrael
on
September 5, 2008 at
4:29 am
ehem…i just hope di ka isa sa bus na bumibiyahe at nag hahanap ng sasakay na girl na 30-40years old ha
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 5th, 2008 7:59 am:
ang tagal mo na akong asawa, ganyan pa rin ang tingin mo saken? hindi ako bus.
BULLDOZER AKO NA WALANG PRENO
[Reply]
mylene
reply on September 7th, 2008 12:41 pm:
nyahahaha! lagot ka, lagot ka!
mylenes last blog post..moving on
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 7th, 2008 12:49 pm:
this mylene, watta friend
[Reply]
gasti
on
September 5, 2008 at
5:12 am
hehe! sa mga babaeng naniniwalang may asim pa sila..parang ganun ah! habang may buhay may pag asa….
ayan kasi..pili ng pili, sa bungi naman mauuwi. tumpak ang iyong tinuran pards…andaming babae ngyon na ganyan mag isip.
gastis last blog post..ibuka mo pa ng kaunti
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 5th, 2008 8:03 am:
daming maaarte no?? kung makapanghamak noon ng lalaki akala mo kung sino. masyado mataas ang standards yan tuloy, pinagwelgahan ng mga lalaki lols
[Reply]
dor
on
September 5, 2008 at
9:00 am
Hear Hear, ang problema kasi sa mga babae ngayon, masyadong mga maaarte, and they expect men to understand them quickly…hay nako
dors last blog post..When Girls are a Man’s Best Hell
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 6th, 2008 11:31 am:
hindi naman lahat. wala naman problema ang kaartehan eh. minsan tayong mga lalaki maarte din. nagiging problema lang yan kapag malapit ng mag-menopause tapos masyado pa rin mapili. gusto ng mag-asawa, ang arte arte naman
[Reply]
jon verzosa
on
September 5, 2008 at
11:59 am
hay naku . . . to cut it short . . . sumakay lang ng sumaky
[Reply]
Ann
on
September 5, 2008 at
4:07 pm
eh ang mga babae kasi ngayon segurista … yung alam nila na kaya sila buhayon ng mapapangasawa nila. pero don’t get me wrong … I’ve been with my boyfriend-turned-husband for 7 years bago kami kinasal … kahit madami ang nagpa-cute sa akin nung 7 years na yun, eh wala sila sa kalingkingan ng pagmamahal ng asawa ko hahaha.
na-off topic ata bigla yung comment ko wahahaha.
Anns last blog post..Just in case…
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 6th, 2008 11:34 am:
kung ang dahilan ng pag-aasawa ng isang babae, eh para buhayin sila ng magiging asawa nila, pwes ngayon pa lang.. magsitigil na ang iba sa pag-aaral, wag ng magtrabaho, kalimutan na yang “gender equality” na yan., at magsimula ng humanap ng mayaman na lalaki.
[Reply]
Ann
reply on September 6th, 2008 3:15 pm:
Hahahaha may point ka diyan … bigla nga tinamaan yung pinsan ko sa reply mo … nag-nursing, pinasa lahat ng board … hindi pa nakakapagtrabaho sa mga sikat na hospital eh ayun ikakasal na sa January. Sayang lang yung tulong na binigay namin sa kanya para makapagtapos siya tsk!
Anns last blog post..Just in case…
[Reply]
Reyn
reply on September 7th, 2008 9:13 am:
Nakakilala na ako ng ibang babae na nag-aaral lang para makakuha ng mas magandang “MRS” degree. lol.
Sadly, iginagapang sila ng kanilang mga magulang sa magandang paaralan para ano pa ba.. makakuha ng mas mayaman
[Reply]
glesy the great
on
September 5, 2008 at
9:30 pm
nyahaha.. naiba agad ang twist ng storya…hala sige mas marami ang lalaki sa babae ngaun.. naku kelangan ko na bang magpanic?
glesy the greats last blog post..thou shall not covet thy neighbor’s goods…
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 6th, 2008 11:35 am:
bata ka pa glesy. at walang dahilan mag-panic kung wala naman kaartehan sa katawan
[Reply]
glesy the great
reply on September 13th, 2008 4:55 pm:
di kasi ako kerengkeng eh siguro it follows na wala akong kaartehan..? ahihi.. grabe ah parang mula sa kaibuturan ng puso mo ayaw mo sa maarteng babae!!! cheers, glesy the great
http://anakngpiso.wordpress.com/
[Reply]
prinsesa
on
September 5, 2008 at
9:44 pm
may pinatatamaan ka ba sa post mong to? hehehe
depende cguro sa babae..
pero parang pagpasok lang din yan e
pwedeng mamili ng sasakyan kung medyo maaga pa
pero kung late na kahit sumabit pa keri na yan!
prinsesas last blog post..random…
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 6th, 2008 11:37 am:
ako? wala ah. kelan ba ako may pinatamaan?
lahat tayo may choices. pero hindi habang buhay, available yang choices na yan. at hindi lang applicable sa babae itong sinasabi ko, pwede rin sa lalaki.
isipin mo, kung ako ay isang lalaking nasa edad 40 na… ako ba naman eh maghahanap pa ng kasing edad ko na dalaga?? c’mon.
get my point?
[Reply]
antuken
on
September 6, 2008 at
3:01 am
aba, buti na lang pala at nakapag-asawa na ako. dahil feeling ko eh ako ang pinatatamaan sa post na ito. hahaha.
why settle for anything less? kung di mo feel, wag ipilit. hehehe.
ngayon lang ulet nakabisita. nag-upgrade si hubby ng pc at ngayon lang ulet nagkatime maglamyerda sa blogosphere.
antukens last blog post..apat dapat, dapat apat
[Reply]
A Z R A E L
reply on September 6th, 2008 11:41 am:
korek. kung hindi feel, wag ipilit. eh kaso mo nga mapilit eh. at feel ng mag-asawa pero isinisisi sa kalalakihan kung bakit hindi matuloy. kaliwa’t kanan ang reklamo na kesyo walang lalaking worthy sa pagmamahal ang dumarating, o pare-pareho ang mga lalaki na magpapaiyak lang.. leche.
kung maraming hang-ups sa mga lalaki, eh di magpakatandang dalaga at wag ng mag-inarte
[Reply]
lyzius
on
September 6, 2008 at
10:12 am
tsk!
bumibisita na pala si mrs azrael… ahihihi…
marami talagang ganyan, na kung mag maganda eh akala mo kung sinong josa…hindi ba nila naisip na kung maganda sya, pinitas na sana sya noon pa…
lyziuss last blog post..Ang Di Marunong Tumingin sa Pinanggalingan ay May Stiff Neck
[Reply]
A Z R A E L
on
September 6, 2008 at
11:42 am
oo nga, at natahimik ako sa banat. tinawag akong ‘bus driver’ kahapon ampft!
at gusto ko ang linya mo tungkol sa pagpitas ng dyosa. panalo bwahahahaha!
[Reply]
jao220
on
September 7, 2008 at
12:23 pm
ilang seater b ung bus?tama kng maganda matagal na pinitas ang namumulaklak na bulaklak nya.cguro di maganda nag mamaganda lng.hehehehehehehehe
[Reply]
mayui
on
September 13, 2008 at
9:14 am
kanya-kanyang choice lang yan. sila naman magsasuffer sa desisyon nila eh. ahaha..
bloghopper lang po. *wave*
mayuis last blog post..Secret
[Reply]
trampoi
on
October 18, 2008 at
11:32 am
bulldozer na walng preno!heheh!! cgurado tibag ang lupa..
[Reply]