Isa kang babae. Sosyal. Maganda. Mataas ang pinag-aralan. May maalindog na pangangatawan. May kaya sa buhay. Nakakaangat sa karamihan.

Isang babaeng inabot ng alanganing oras ng gabi sa isang madilim at nakakatakot na lugar. Isang lugar na walang katao-tao at hindi ka pamilyar. Naiwang nag-iisa at malapit sa kapahamakan…

Nag-aabang ng masasakyan na maghahatid sa iyong bahay. Umaasa na may dadaan para ilayo ka sa madilim at nakakatakot na lugar na ito at ihahatid ka sa liwanag ng iyong tahanan.

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat…..

Apat na oras ka ng nakatayo pero wala pa ring sasakyan na dumadaan. Napatingin ka sa isang papel na nakadikit sa pader.

“Last Trip at 12 midnight”

Yan pala ang oras ng daan ng huling bus.

Sinilip mo ang iyong relo. Napangiti ka at nasabi sa sarili.. “Whew! Buti na lang. Limang minuto na lang at may darating ng bus!”

Nabasag ang katahimikan. Palakas ng palakas ang tunog ng makina ng isang sasakyan na nanggagaling sa iyong bandang kaliwa. Unti-unting lumiliwanag ang paligid dahil sa ilaw ng bus na papalapit sa iyong kinatatayuan.

Tumigil ang bus sa iyong harapan. Bumukas ang pinto, at may ngiti ang isang maginoo ngunit matandang drayber na sinabi sayo, “Sakay na miss! Huling trip na ito! Ang susunod na bus ay sa isang linggo pa dahil wala ng bumibyahe sa lugar na ito. Halika na!”

Natigilan ka. Napako ang iyong mga paa sa lupa. Hindi mo gusto ang iyong nakita.

Bulok na bus. Sira at butas butas ang mga upuan. Kinakalawang ang mga hawakan. Bukas ang mga bintana dahil walang aircon. Umaalingasaw ang baho dahil sa pawis ng mga nagsisiksikang tao sa loob.

Mga taong katulad mo, na inabutan din ng dilim sa kung saan man sila nanggaling. Mga pangkaraniwang tao na nagmamadali ng makauwi sa kanilang mga asawa, anak at magulang. Mga taong may pag-aalinlangan kung makakakarating pa ba sila sa kanilang destinasyon, nguni’t may ngiti sa mga mukha dahil sa pag-asa..

Biglang naisip mo ang nakagawian sa siyudad. Lagi kang nagta-taxi sa pagpasok sa opisina. Laging sinusundo ng mga manililigaw at inihahatid sa iyong bahay sa kanilang magarang mga sasakyan. Hindi nakikihalubilo sa mga taong sa tingin mo ay mababa sayo..

Muli kang napatingin sa matandang drayber.. Sa mga taong nagsisiksikan sa loob.. Sa bulok na bus na hindi kaaya-aya sa iyong paningin…

NAPATINGIN KANG MULI SA HULING BIYAHE…

Isang tanong isang sagot babae, SASAKAY KA BA??

———————————————————————————————————

Walang pinagkaiba yang bus na yan sa isang relasyon. Kung ikaw ay isang babae na walang boypren, walang asawa, at malapit ng mag-menopause, aba aba.. wag ka ng mag-inarte dyan at sumakay ka na!

Sa edad mong 30-40, wag ka ng umasa na may binata pa at matinong lalaki na araw araw kang susundutin susunduin sa opisina, ihahatid sa iyong bahay, at bibigyan ka ng rosas at tsokolate sa mga importanteng petsa sa buhay mo!

Wala ng lalaki na nasa ganyang age bracket ang binata oy! Puro may asawa na kami. Yung mga wala pang asawa, tatlong klaseng lalaki lang yun. May anak, binabae o pari!

Wag mo naman sabihin na papatol ka pa sa mga lalaking malaki ang agwat sa edad at sobra bata pa iyo? Huhuthutan ka lang ng mga yan at kapag nakakita ng mas sariwa, itatapon ka lang na parang toilet paper ni ipinahid sa pwet.

Kaya isang payo lang para sa inyong mga babaeng naghahabol… Tigilan nyo na ang kaartehan nyo. Babaan nyo ang inyong standards. Wag kayong masyadong ambisyosa.

Hindi na applicable sa inyo ang linyang, “The right guy will come, I just have to wait” and all that shit, you know why??

Because the RIGHT GUY is already married to someone else!

Wag masyado mapili. Kapag may dumating na lalaki at seryoso naman sa pakikipag-relason, kahit may asawa pa yan sige GO!!!! :lol: :P :lol2:

At kung hindi nyo kayang gawin yan..

Eh di wag kayong sumakay sa bus at magsimula ng maglakad pauwi. After 100 years, makakarating din kayo sa pupuntahan nyo. Yun eh kung hindi kayo mapapahamak sa paglalakad sa isang madilim at malungkot na daan…

Possibly Related Posts:


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!