I am a field person. I spend 2-5 hours a day driving. Parte ng ng trabaho ko ang makipagsabayan sa kalye sa mga tarantadong local drivers dito. Minsan ko ng inireklamo ang klase ng pagmamaneho ng mga Arabo. Mga walang pakundangan sa kalye na akala mo sila lang ang may karapatan humawak ng manibela. Bukod sa walang galang sa batas trapiko, sobrang agresibo pa ang mga damuho na minsan naglalagay sa alanganin hindi lang sa buhay nila, kundi pati na rin sa kapakanan ng kanilang mga pasahero at kasabayang sasakyan sa daan.

Sa loob ng mahigit apat na taon kong pagtatrabaho dito, madami na akong nasaksihan na aksidente. Ang ilan minor road mishaps lang, ang iba naman seryoso at may casualties pa. Pero 90 percent ng nasaksihan kong mga aksidente na yan, laging mga locals ang involved at may kasalanan.Hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin na ang dahilan kung bakit ganyan, eh dahil sa mga bobo talaga sa kalye ang mga hinayupak na ito.

Here are some photos of road accidents that I’ve witnessed. Madami pa yan, pero hindi naman all the time ready ang aking camfone :cool:

(click image for a bigger picture)

Kita nyo ang mga taong nakatayo sa tabi ng aksidente? Puro mga naka-puti di ba? :/

Gustuhin ko man na kaawaan ang mga taong ito, hindi ko magawa. Kasalanan naman nila eh! Kung wala silang pakialam sa buhay ng kanilang mga pasahero at kasabayang sasakyan sa daan, wala silang karapatan na kaawaan at bigyan ng simpatya ng mga tulad kong doble ang pag-ingat sa kalsada makaiiwas lang sa kanila at sa trahedya.

Imbes na damayan ko sila, sasabihin ko pa sa kanilang..

“UHMM LOKO! BUTI NGA SA INYO!”

Possibly Related Posts:


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!