Nakatanggap ako kamakailan ng email galing sa isang kaibigan. Isang pormal na imbitasyon para sumulat sa isang bagong publication na ilalabas ngayong kalagitnaan ng Oktubre at unang ikakalat sa LRT at MRT station sa kamaynilaan.

Rekomendado ang inyong lingkod sa editors ng publication na ito dahil pasok daw ako sa panlasa nila. Blogger na sanay sa Tagalog, naninirahan sa ibang bansa at handang magsulat ng kung anu-anong bagay na may koneksyon sa pagiging OFW ang kanilang kailangan. Hmmmm.. pasok nga ako.

Kinakailangang mag-submit ng articles twice a week at ang bawat aprubadong column ay may kapalit na halaga na makukuha isang buwan pagkatapos mailathala ang column sa dyaryo. Hindi ako interesado sa pera. Wait. Let me rephrase that. Hindi importante sa akin kung bayaran ako o hindi. Ang numero unong concern ko ay kung kaya ko bang makapag-submit ng 2 fresh articles every week. At kakambal ng concern na yan ang pangamba na baka puro singaw lang lumabas sa mga isusulat ko.

Kung pipilitin kaya. Kung gugustuhin pwede. Kung nakasalalay ang buhay ko dito at pipitpitin ang bayag ko kapag hindi ko ginawa, aba kakaririn ko talaga to!

Pero…

Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako ang dating AZRAEL na kinagiliwan at hinangaan ng ilang mambabasa at kapwa bloggers noon. Lipas na ang glory days ng inyong lingkod. Laos na. Wala ng karapatang umasta at paniwalain ang sarili na may mga tagasubaybay pa dahil ang katotohanan nyan ay wala na at nag-alisan na lahat.

Kahit na ilang papuri na ang aking natanggap galing sa mga kapwa blogista, noon ko pa sinasabi na hindi ko tinuturing na isa akong manunulat. I hate writing. I don’t have the training for that. I don’t know the ins, the outs, and the techniques involved to  make a composition stand out.

I never really considered myself a blogger as well. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng SEO, trackbacks, pingbacks, piggybacks, ang alam ko lang tback… I don’t understand why site traffic is a must. Naiirita ako sa mga ads sa blogs. At hindi ko maarok ang concept ng “Link me, I’ll link you, Let’s link our asses and take a dump on the same toilet bowl together because our shit look and smell the same anyway”

I am a story teller. I tell a tale just how I see it. No holds barred. Brutal. Pranka. Walang sinasanto. Walang pinapalampas na detalye. Kahit walang magbasa basa mailabas ko ang gusto kong sabihin. Kung walang taong masasaktan at tatamaan, good. Kung meron naman, better. At the end of the day, wala naman ako talagang pakialam sa sasabihin ng iba dahil andito lang ako para sa sarili ko.

Nandito lang ako para magkwento. Yan ang outlet ko. Dyan ako masaya noon, pero ngayon hindi na gaano.

I can’t be that kick-ass storyteller anymore simply because I’ve run out of stories to tell, period.

Kinakalawang na rin ako. Hindi na mabilis ang takbo ng utak dahil na rin siguro sa araw araw na pagkabilad sa trabaho. Hindi ako tulad ni Jon Cabron na makakita lang ng kuting o kaya ay billboard ng isang lalaking namumukol ang burat sa brip na suot, kaya ng gumawa ng isang astig na blog entry. At isa pa, nasabi ko na yata lahat ang mga importanteng kaganapan sa buhay ko. Nabasa nyo na ang halos lahat ng pahina sa libro.

Mula sa pagiging ex-DJ na gabi-gabing lasing at nakikipaglandian sa mga babaeng hindi ko naman kilala. Sa pagiging mapagmahal na anak sa mga magulang pero bully sa mga kapatid. Sa pagiging tarantado pero loyal na asawa kay Misis Azrael. Sa pagiging proud daddy ng pinakamaganda at pinaka-bibang baby sa buong mundo. Pati ang mga katarantaduhan ko sa trabaho at ang mga away na kinasangkutan ko dito nasabi ko na. Ang kahihiyan, kabatripan at kalungkutan na sinapit ko sa mga dating mahal naibahagi ko na rin. Oh, at wag kalimutan ang may ilang bloggers na dating kaibigan na ginago at nilapastangan ko ang pagkatao sa blog na ito sa simpleng dahilan na puro sila basura sa paningin ko. Wala na akong maibabahagi pa sa tingin ko.

Ito ang mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok ng kaibigan na makasama sya sa proyektong ito. Naging pangarap kasi namin dati pa na magsama sa isang noble at worthy project. Kung kelan naman kasi hindi na ako inspirado, tsaka naman dumating ang alok ‘nyemas.

Ayokong may madismaya. Ayokong may magreklamo. Malaking bagay sa akin ang kumpiyansa ng kaibigan, pero ayoko silang mapahiya.

Papakiramdamam ko muna. Maghihintay na baka sakaling may dumating na bagay na magbibigay inspirasyon sa boring blog life ko ngayon. Kung sakaling meron, malay nyo…

Bukas makalawa, baka mabasa nyo na lang ako sa dyaryo.

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!