Shuttered 009: Old Friend
1984 ng una akong makapagbakasyon sa bansang pinagtatrabahuhan ng tatay ko. Tandang tanda ko pa ang mga bago at magagarang kagamitan sa bahay, na inabutan namin dito. TV, VCR, stereo, oven at kung anu-ano pa.
Wala na ang mga kagamitang iyon. Sira na. Naipamigay na. Naitapon na. Napalitan na ng bago.
Pero may isang gamit na hanggang ngayon ay gumagana at nagagamit pa. Ang aking kaibigan sa paglalaba.
Ang gamit na ito na may dalawampu’t-apat na taon na rin sa kanyang pagsisilbi. Walang kapaguran sa pag-ikot ng motor at lingguhan ang pagkusot at pagpiga sa naipong labahin.
Retirado na ang tatay ko. Nasa Pilipinas na. Pero bago sya tuluyang umuwi sa bansang sinilangan nagpang-abot pa kami dito sa Oman at ang tanging ipinamana nya sa akin ay ang lumang gamit na ito. “Ingatan mo ito” ang sabi nya. “Alagaan mo at mahalin. Pagsisilbihan ka nito ng walang reklamo”.
2008, may dalawampu’t-apat na taon ng nagsisilbi sa pamilya ang kagamitang ito. Nagmula sa tatay ko, hanggang sa akin, nagamit na rin ni Misis Azrael, at malamang na makikita rin ni Aila.
Luma na. Tuklap na ang pintura. Kinakalawang na. Pero matikas pa rin at hindi pa rin pumapalya sa pagtulong sa aking paglalaba.
Ang aking luma ngunit may pakinabang pang washing machine.
This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD
Possibly Related Posts:
- Shuttered 012: Madumi
- Shuttered 011: Liwanag
- Shuttered 010: Bago?
- Shuttered World
- Shuttered 008: Road Accidents In Oman
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!



16 comments
Trish
on
October 10, 2008 at
12:54 pm
certainly a fitting title! impressive…
ano pala brand and model nyan para makabili rin? haha.
i think your dslr camera would have been a great subject as well for this theme. LUMA na eh.
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 11th, 2008 12:53 pm:
hindi ko na ilalagay dito yung dapat na comment ko dahil siguradong iiyak ka na naman bwahahahaha!
[Reply]
Trish
reply on October 11th, 2008 6:03 pm:
tado!
[Reply]
thess
on
October 11, 2008 at
1:13 pm
Kuya ang ganda ng pamana ng dad mo. Ingatan mo pa lalo at ng maipasa kay Aila
Welcome po sa LP!
thesss last blog post..Only 199, 95!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 11th, 2008 1:23 pm:
salamat idol thess. hindi ito ang opisyal na entry ko sa LP ha. nasa kabila. nilagay ko lang dito dahil wala ako mai-blog nyahahaha!
[Reply]
iris
on
October 11, 2008 at
2:02 pm
lupet, buhay pa after 2 decades!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 11th, 2008 2:14 pm:
oo nga. sobrang tibay nya, hindi ko maitapon may sentimental value na
[Reply]
Lhay
on
October 11, 2008 at
2:40 pm
Ayos sa washing machine ha, magkasintada kami pero mas mukhang may pakinabang sya kesa sa akin…
[Reply]
Lhay
on
October 11, 2008 at
2:41 pm
Ayos sa washing machine ha, magkasintada kami pero mas mukhang may pakinabang sya kesa sa akin…
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 11th, 2008 2:50 pm:
watta bwahahahaha!
[Reply]
mayui
on
October 11, 2008 at
11:57 pm
aww.. touching!
astig naman yan. napakaingat niyo sa gamit, napatagal niyo ng ganyan! mas matanda pa sa ‘kin yan ah.
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 13th, 2008 10:00 pm:
iba talaga ang mga gamit noon. matitibay. ngayon swerte na kapag tumagal ang washing machine ng limang taon
[Reply]
potsquared
on
October 13, 2008 at
1:37 pm
so nakainuman mo na rin yang washing machine mo pareng az?
potsquareds last blog post..OMG!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 13th, 2008 9:59 pm:
oo. matindi ang bonding namin pre
[Reply]
Matt Golfcovers
on
October 13, 2008 at
2:37 pm
I’ve heard some goody things about this blog. The content has really been useful a great balance of text and pictures.
[Reply]
trampoi
on
October 18, 2008 at
11:12 am
kapag marunong ka lang talagang gumamit at mag alaga ng mga kagamitan kahit anu pa yun cguradong tatagal ito..malamang yan nalang ang natitirang buhay sa mga ka batch nya. at ang matindi dyan ay gumagana pa.. ingatan mo pa lalo.. tatagal pa yan.. mabuti at d pa pudpud ang pulsator nya.. ayos matibay nga cya..
[Reply]