Plurk style entry
1. Malapit na akong umuwi ng Pinas! Excited na akong makaamoy ng polusyon!
2. Araw-araw late na ako umuuwi galing sa trabaho. Nahalata ni bossing na lugi sya sa pinapasweldo saken at ginagantihan ako ngayon.
3. Hindi totoong may dimples ako. Pimples yun na kinalikot ko at nagsugat ng malalim. At tsamba lang yung sa parehong pisngi sila lumabas
4. Nagsimba si Mrs Azrael at Aila last sunday. Nakikanta si Aila. Sobrang taas ng boses, yung pari natawa!
5. Tungkol kay Aila ulit. Maaga syang nagising kanina at naunahan pa si Mrs Azrael. Nahuli sya ng mommy nya na pinaglalaruan yung toy fone at sinasabi, “Dada dada.. Ta! Ta!” (Daddy daddy, kamusta kamusta.)
6. Tumawag ang tatay at nanay ko na kasalukuyang nasa California ngayon. Tinanong ako kung anong size ng shirt ko. Hindi ko sinagot dahil kung t-shirt lang ang pasalubong saken wag na!
7. May n96 na ako yahu!
8. Malapit ko na rin palitan ang aking Canon DSLR. 50D naamoy na kita bitch! At meron na rin pala akong 10-22 na wide angle at 580EX II na flash yehey! Lowepro or Crumpler bag na lang ang kulang
10. Inaway ko yung isang helper kanina. Umaalingasaw ang baho sa sasakyan kong bagong linis. Huminto ako sa tabi ng daan, inabutan ko ng pera, at pinag-taxi ko pauwi bwahahaha!
11. Vista na ang OS ng lahat ng PC ko. Salamat sa vista, dalawang laptop ang ayaw gumana.
12. Palaki ng palaki ang tyan ko. Mukha na akong butete. Pero wala akong pakialam dahil masarap kumain!
13. Naisip ko lang. Si Willie Revillame ang pinaka-walang kwentang TV host sa history ng Pinas. At OO, maka GMA ako
14. May sinigawan ako na Omani kanina. Ang usapan 8 am ang meeting time. Dumating 10 am. Hindi ko ginawa ang site nya, at pinunit sa harapan nya ang photocopy ng titulo ng lupa. I’m so angas!
15. Ulam ko kanina sinigang na Lapu-lapu. Yan na ang huling kain ko ng isda na may sabaw. Ang lansa naknangtokwa!
16. Mahina ang daloy ng tubig sa banyo kanina. Nagmamadali ako maligo at para matapos na, bidet ang ginamit kong pang-shower
17. Nanaginip ako na nagsasalita yung washing machine ko. “Wag mo naman akong laging gamitin. Losyang na ako maawa ka naaaaaaaaaaaaa”
18. Ang daldal ko sa site kanina. Nakalunok ako ng langaw.
19. At may hinabol ako na kambing na kinain yung baon kong sandwich!
20. Nilulumot na ang blog ko kaya kahit na random crap eh pinatulan ko na may mai-blog lang. Sorry po! Taong gwapo lang!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!

:*(... 


51 comments
Jovi
on
October 13, 2008 at
9:48 pm
bat hinabol mo pa yung kambing?
Jovis last blog post..For those who think I was made, not born…
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 13th, 2008 9:56 pm:
dahil nanggigigil ako sa kanya! tangnang kambing yun pati yung papel kinain
[Reply]
Jovi
on
October 13, 2008 at
9:54 pm
tapos ko na mabasa lahat
Jovis last blog post..For those who think I was made, not born…
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 13th, 2008 9:57 pm:
sa tagal tagal na nating magkaibigan, pati yan kailangan mo pang sabihin? salamat!
[Reply]
Trish
on
October 13, 2008 at
9:59 pm
re #5 and # 7 parang kay aila mapupunta yong N96 mo pag-uwi mo sa pinas
ipupusta ko ang buhay ko , di ka nakalunok ng langaw!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 13th, 2008 10:03 pm:
actually naisip ko rin yan eh. hindi ako gaano impressed sa N96. kung meron lang latest ng blackberry dito yun sana binili ko. malamang yung N96 maging laruan lang ni Aila.. watta!!!!!!
nakalunok ako talaga ng langaw pramis. hindi ko naman nalasahan, derecho sa lalamunan eh
[Reply]
kiko
on
October 14, 2008 at
12:57 am
Wow! Magpapalit ka na agad ng camera? Kainggit naman. Malamang ako nagiging robot na ang bagong model ng Canon,ito pa ring 400D ang gamit ko! Walang pambili! Hehe!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 9:58 pm:
kailangan na kiko eh. napapag-iwanan na kase huhuhuhu
[Reply]
R.J.
on
October 14, 2008 at
5:25 am
yahoo! pareho pala tayong nasusuka kay willie revillame, isama mo na rin lahat ng host ng wowowee!
R.J.s last blog post..twist and shout
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 9:59 pm:
apir pre! yang si willie kasuklam-suklam tlaga yan!
[Reply]
gasti
on
October 14, 2008 at
6:41 am
haha! plurk style nga..buti itong site mo kahit .com ay madali ko napapasok. hindi na kelangan ng proxy shit.
nakakatuwa talaga ang mga bata. ang cute nila lalo kapag kinakausap sa fon..madaldal pero hindi mo maiintindihan ang lahat ng sinasabi.
gastis last blog post..an entry to remember
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:00 pm:
tapos lahat ng mahawakan akala laruan. kung ipagbatuhan parang tinatae lang ng magulang nila ang pera waaaaaaaaaah!
[Reply]
abhie
on
October 14, 2008 at
7:00 am
pareho tayong maka-GMA. i hate Willie, ang yabang!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:01 pm:
oo naman no! eat bulaga rules!
[Reply]
mtoni
on
October 14, 2008 at
7:59 am
kuya az konti na lang mari na isali sa lafftrip tong blog mo.
nakakatuwa naman ung little princess mo..bibo.
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:02 pm:
lafftrip blog? naku mali ka dyan mtoni. walang nakakatuwa sa blog ko nyahahaha!
[Reply]
Ann
on
October 14, 2008 at
8:45 am
at bigla ko din naamoy ang Canon DSLR ko … hay malapit na malapit na!
Anns last blog post..Starbucks Frappucino
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:03 pm:
ano ba yan ann? 450D? 1000D? or 50D? hmmmm baka 5D MKII yan mamamatay ako sa inggit!
[Reply]
Ann
reply on October 14th, 2008 10:20 pm:
Naku wish ko lang din na 5D MKII nga … 450D po ang bibilhin ko. Pero hoping pa din ako, pero I can feel na makukuha ko siya before the year ends hehehe. Exciting!
Pray for me hahaha!
Anns last blog post..Mommy’s 62nd Birthday
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:25 pm:
good yan ann! pero if you’re planning to be serious about photography, mag 50D ka na agad. o kahit na yung 40D mura na yung ngayon. tapos ihanda mo na wallet mo sa lens at accessories!
[Reply]
jen
on
October 14, 2008 at
9:05 am
nagsasalita ang washing machine! watta!
mahina din tubig samin kaninang umaga hanggang tuluyan na syang mawala, buti na lang madami stock namin ng mineral..di kaya senyales to esem?
ang cute ni aila especially with her gossip girl inspired head band!
**napansin mo bang parang sa plurk din ako nag comment?
jens last blog post..kahapon
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:06 pm:
hmmm.. mineral ginagamit mo pampaligo? watta jologs! ako panghugas ko ng pwet perrier
[Reply]
jen
reply on October 15th, 2008 9:07 am:
ayoko ng perrier, si yaya-your-such-a-loser lang gumagamit nun! nasabi ko na bang may kasamang tequilla yung mineral namin dito? hindi! ok! alam mo na! this omani!watta adik!
jens last blog post..kahapon
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 15th, 2008 11:32 am:
kaya may kasamang tequila yang tubig nyo dyan, pang sanitize ng ano nyo!
[Reply]
sommer
on
October 14, 2008 at
9:20 am
…”wowowee sinong di mawiwillie!”…TFC rules!!!
sommers last blog post..1,2,3…countdown!!!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:07 pm:
wag ka na! wala kang kakampi dito!
[Reply]
MJ
on
October 14, 2008 at
9:41 am
Az…saya nang buhay mu… nakakabaliw..hahaha
[Reply]
MJ
on
October 14, 2008 at
9:43 am
Az…saya nang buhay mu… nakakabaliw..hahaha
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:07 pm:
mas magiging masaya ang buhay ko kung mag-iiwan ka ng blog URL
[Reply]
mj
reply on October 15th, 2008 10:34 am:
wala pa akong maisip eh..kaka open account ko pang..dont worry Az..
marami akong isusulat…pag iisipan ko nang mabuti para mapasaya ka!!!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 15th, 2008 11:28 am:
nakanamam!! ngapapakyut pa ako eh si joy ka pala hayuuf! pero sige aabangan ko yan. hehe
[Reply]
mj
reply on October 15th, 2008 6:32 pm:
ganun> d ka na masaya dahil ako?
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 15th, 2008 6:50 pm:
bwahahahaha!
[Reply]
jao220
on
October 14, 2008 at
10:05 am
dude kung bebenta mo ung luma mong camera d2 lng ako ha…..hehehehehehehe…….kelan uwi e di pahinga ka sa blog…yngats
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:08 pm:
ang totoo nyan pre, binebenta ko tlaga. kung interesado ka email mo lang ako hehe
[Reply]
mayui
on
October 14, 2008 at
1:58 pm
ako, nasa ‘pinas na! yahoo! kanina lang.
ayus ang washing machine na yan ah. pero tama naman siya eh. ahaha!
gow plurk!
mayuis last blog post..I’m back!!!!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:08 pm:
di nga?? naks nakauwi ka na pala. bakit hindi ko nabalitaan yan??
[Reply]
Toto
on
October 14, 2008 at
3:25 pm
makulay mundo mo bossing… hehehe… kakatuwa din anak mo…
para lalong masaya (http://www.gmanews.tv/story/126787/DTI-wraps-up-Wowowee-probe - for willie haters)
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:09 pm:
salamat sa link toto. sisilipin ko yan maya maya
[Reply]
dor
on
October 15, 2008 at
5:26 am
Hahahaha, lintek na kambing yun a, ang sosyal naman: nagsa-sandwhich?! haha, welcome back sa Pinas, wag kang mabibigla sa mga billboard na naglipana sa Edsa, and mag-gym ka kung gusto mong mawala yang taba, ayaw ng chicks ng malaking tyan, gusto nila malaking….
dors last blog post..Second Quest: First Formal Job
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 15th, 2008 11:30 am:
pre, hindi lang basta sandwich, al meat shawarma yun! pero teka dude, wala pa ako sa pinas. uuwi pa lang.
at hindi ako naniniwala na mas ma-appeal ang walang tyan pre. tignan mo mga babae sa beerhaus, lab na lab nila mga butete
[Reply]
Dee
on
October 15, 2008 at
9:03 am
HAHA! Natawa ako dun ahh, pimples lang pla un. :)))))
Nice naman. May N96 ka. Buti ka pa. I’m so inggit.
Btw, link ex?? :DDD
Dees last blog post..ohmygad.net
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 15th, 2008 11:30 am:
sinuwerte lang Dee hehe. salamat sa bisita
[Reply]
Mumu sa Kanto
on
October 15, 2008 at
10:20 am
oo nga ang plastik ni willie saka manyak hahaha
#1- excited ka na rin ba masnatchan? o kaya makaamoy ng mga drayber na amoy nganga?
#20- istayl ko rin yan pag nasa dulo na ng bangin.
Mumu sa Kantos last blog post..the bi congregation [repost]
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 15th, 2008 11:31 am:
ayan na naman yang nganga na yan! pero, oo. excited na ako. unang unang gagawin ko sa pinas sasabit ako sa dyip kahit na wala naman laman na pasahero
[Reply]
lush
on
October 17, 2008 at
7:48 pm
hindi rin ako masyadong attracted sa isdang me sabaw, parang redundant.
lushs last blog post..i miss u like crazy
[Reply]
trampoi
on
October 18, 2008 at
10:45 am
pareng az! musta na tol?? talagang inilaan ko ang sabadong ito sa blog mo.. masyadong busy laging nasa labas at walang tym sa net. cencya na at ngayon lang ulit ako naka bisita sa mansyon mo, parang ayaw ko na tuloy umalis kasi tawa ako ng tawa sa hinabol mong kambing na tumira ng baon mo.. heheheh.. tsaka buntis si misis so medyo preoccupied lang..gudluck nalang sa pag uwi mo sa pinas.. add mo nalang kami sa friendster mo. kenshi_karl@hotmail.com
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:47 am:
naks trampi! magiging tatay ka naaaaaaa!
[Reply]
damienctf
on
October 24, 2008 at
8:27 am
Bossing, bakit mas madami pa ata ung chicks na bisita mo sa blog kesa sa may betlog, sabagay pogi ka nga pala hahaha. Lapit na pala ako maging daddy din, kaya tatakbuhan na rin kita pag may katanungan ako. Cheers!
[Reply]
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:47 am:
yan ang sumpa ng tadhana damien. wala na ako magagawa dyan huhuhuhu
[Reply]
Snow
on
October 28, 2008 at
5:35 pm
nice post sir. naintindihan ko naman kahit plurk style
Snows last blog post..My Digital Filipino Club and Bloggers Fellowship Night Experience
[Reply]