I would If I could..
Nakatanggap ako kamakailan ng email galing sa isang kaibigan. Isang pormal na imbitasyon para sumulat sa isang bagong publication na ilalabas ngayong kalagitnaan ng Oktubre at unang ikakalat sa LRT at MRT station sa kamaynilaan.
Rekomendado ang inyong lingkod sa editors ng publication na ito dahil pasok daw ako sa panlasa nila. Blogger na sanay sa Tagalog, naninirahan sa ibang bansa at handang magsulat ng kung anu-anong bagay na may koneksyon sa pagiging OFW ang kanilang kailangan. Hmmmm.. pasok nga ako.
Kinakailangang mag-submit ng articles twice a week at ang bawat aprubadong column ay may kapalit na halaga na makukuha isang buwan pagkatapos mailathala ang column sa dyaryo. Hindi ako interesado sa pera. Wait. Let me rephrase that. Hindi importante sa akin kung bayaran ako o hindi. Ang numero unong concern ko ay kung kaya ko bang makapag-submit ng 2 fresh articles every week. At kakambal ng concern na yan ang pangamba na baka puro singaw lang lumabas sa mga isusulat ko.
Kung pipilitin kaya. Kung gugustuhin pwede. Kung nakasalalay ang buhay ko dito at pipitpitin ang bayag ko kapag hindi ko ginawa, aba kakaririn ko talaga to!
Pero…
Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako ang dating AZRAEL na kinagiliwan at hinangaan ng ilang mambabasa at kapwa bloggers noon. Lipas na ang glory days ng inyong lingkod. Laos na. Wala ng karapatang umasta at paniwalain ang sarili na may mga tagasubaybay pa dahil ang katotohanan nyan ay wala na at nag-alisan na lahat.
Kahit na ilang papuri na ang aking natanggap galing sa mga kapwa blogista, noon ko pa sinasabi na hindi ko tinuturing na isa akong manunulat. I hate writing. I don’t have the training for that. I don’t know the ins, the outs, and the techniques involved to make a composition stand out.
I never really considered myself a blogger as well. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng SEO, trackbacks, pingbacks, piggybacks, ang alam ko lang tback… I don’t understand why site traffic is a must. Naiirita ako sa mga ads sa blogs. At hindi ko maarok ang concept ng “Link me, I’ll link you, Let’s link our asses and take a dump on the same toilet bowl together because our shit look and smell the same anyway”
I am a story teller. I tell a tale just how I see it. No holds barred. Brutal. Pranka. Walang sinasanto. Walang pinapalampas na detalye. Kahit walang magbasa basa mailabas ko ang gusto kong sabihin. Kung walang taong masasaktan at tatamaan, good. Kung meron naman, better. At the end of the day, wala naman ako talagang pakialam sa sasabihin ng iba dahil andito lang ako para sa sarili ko.
Nandito lang ako para magkwento. Yan ang outlet ko. Dyan ako masaya noon, pero ngayon hindi na gaano.
I can’t be that kick-ass storyteller anymore simply because I’ve run out of stories to tell, period.
Kinakalawang na rin ako. Hindi na mabilis ang takbo ng utak dahil na rin siguro sa araw araw na pagkabilad sa trabaho. Hindi ako tulad ni Jon Cabron na makakita lang ng kuting o kaya ay billboard ng isang lalaking namumukol ang burat sa brip na suot, kaya ng gumawa ng isang astig na blog entry. At isa pa, nasabi ko na yata lahat ang mga importanteng kaganapan sa buhay ko. Nabasa nyo na ang halos lahat ng pahina sa libro.
Mula sa pagiging ex-DJ na gabi-gabing lasing at nakikipaglandian sa mga babaeng hindi ko naman kilala. Sa pagiging mapagmahal na anak sa mga magulang pero bully sa mga kapatid. Sa pagiging tarantado pero loyal na asawa kay Misis Azrael. Sa pagiging proud daddy ng pinakamaganda at pinaka-bibang baby sa buong mundo. Pati ang mga katarantaduhan ko sa trabaho at ang mga away na kinasangkutan ko dito nasabi ko na. Ang kahihiyan, kabatripan at kalungkutan na sinapit ko sa mga dating mahal naibahagi ko na rin. Oh, at wag kalimutan ang may ilang bloggers na dating kaibigan na ginago at nilapastangan ko ang pagkatao sa blog na ito sa simpleng dahilan na puro sila basura sa paningin ko. Wala na akong maibabahagi pa sa tingin ko.
Ito ang mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok ng kaibigan na makasama sya sa proyektong ito. Naging pangarap kasi namin dati pa na magsama sa isang noble at worthy project. Kung kelan naman kasi hindi na ako inspirado, tsaka naman dumating ang alok ‘nyemas.
Ayokong may madismaya. Ayokong may magreklamo. Malaking bagay sa akin ang kumpiyansa ng kaibigan, pero ayoko silang mapahiya.
Papakiramdamam ko muna. Maghihintay na baka sakaling may dumating na bagay na magbibigay inspirasyon sa boring blog life ko ngayon. Kung sakaling meron, malay nyo…
Bukas makalawa, baka mabasa nyo na lang ako sa dyaryo.
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


18 comments
libay
on
October 9, 2008 at
3:04 am
hmmm i love the title
…
Sa palagay ko may pressure kasi dahil it’s a must na gumawa ka ng dalawang entry in a week. Unlike sa blogging… nasa sa iyo kung gusto mo magblog or hindi. May araw na inspired ka at kahit araw-araw makakagawa ka. At may panahon na wala kang maisulat.
Pero kadalasan mas nag-iimprove tayo dahil sa pressure. Sabi mo nga di ka writer pero ang dami mong blog na maganda. Para sa akin kayang-kaya mo yung offer na yun. Sisiw… kaya nga idol kita. Plus yung experiences at talents mo … Kaya ikaw lang ang tamang tao para sa project na yan…
Ano bang dyaryo yan at makapag subscribe na
libays last blog post..Better Late than Never
Reply
A Z R A E L
reply on October 10th, 2008 4:06 am:
salamat sa kumpinyansa libs. pero nagdadalawang isip pa rin ako. sa pakiramdam mo, wala na akong pwede pang maikwento na pag-iinteresan ng tao. bahala na. susubukan ko siguro sa isang linggo.
Reply
mayui
on
October 9, 2008 at
6:38 am
yan nga ang challenge sa isang manunulat: ang makapagsulat ng isang matinong artikulo nang pasok sa deadline.
di naman mauubusan ng kwento sa mundo. kahit nga lumang kwento na, pwedeng iremodel kumabaga at gawing bago.
kaya mo yan, kuya.
mayuis last blog post..Ate
Reply
A Z R A E L
reply on October 10th, 2008 4:06 am:
eh hindi nga ako manunulat eh kulet ha!
Reply
mayui
reply on October 10th, 2008 7:25 am:
eh sabi mo storyteller ka.
what i meant was, yun ang challenge sa isang manunulat. kaya kung gusto mo pong maging manunulat, dapat tanggapin mo na yung pagsubok na yun. kung ang isang blogger, nagsusulat at will at kung kelan gusto, ang isang manunulat sa dyaryo, may deadline na kailangang i-beat.
kaya mo naman siguro yun. anumang desisyon mo, goodluck.
mayuis last blog post..Relief
Reply
sommer
on
October 9, 2008 at
10:16 am
pare! congrats sa offer! nasabi ko na pero congrats ulit!
ewan ko ha? pero sa sinulat mo ngayon…just proves that she did offer the post to the right person..ikaw. you just proved na isa kang writer..artist at that…tipong kelangan ng inspirasyon para sumulat..pressured sa deadline..the works..ganun ang mga writers di ba? at hello..who better to tell buhay OFW..the man with the talent and wit with writing and photography! alangan!=)
ayos..no kissing-ypur-ass pare,pero you’re the man.
sommers last blog post..lamyerda 005
Reply
A Z R A E L
reply on October 10th, 2008 4:09 am:
marami ang inalok dyan sigurado. medyo na-swerte lang siguro ako dahil kahit paano eh may pinagsamahan kami ng kaibigan kong ito. kailangan alugin ko muna siguro ang utak ko at baka sakaling may maisip na matino. ganyan ako eh. mahirap magsimula, pero kapag nakailang hakbang na, dere-derecho na.
Reply
ana_banana
on
October 9, 2008 at
1:03 pm
there’s no harm in trying… maraming nagbabasa ng blog mo kase you write from the heart…alam mo yan …Sana lng isang araw mabasa namin article mo sa dyaryo (tiktik ba yan Az)
Seriously yakang yaka mo yan… suportahan ka namin bibili kame ng dyaryo kahit libre pa yan sa MRT/LRT… lol
ana_bananas last blog post..Thanks God It’s Friday!
Reply
A Z R A E L
reply on October 10th, 2008 4:11 am:
tiktik ampft! bawal nga magmura, dumakdak tungkol sa politika dun eh. yun pa kayang kalibugan??!! pero teka matanong nga baka pwede yun. aba sigurado madami ako masasabi bwahahaha!
Reply
jao220
on
October 9, 2008 at
4:46 pm
alam mo bro kaya mo yan di na pinag iisipan yan,kaw pa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! tapos after a year malay mo matalo mo yung xerex sa bulgar ba yun o abante hehehehehehehehehehe…………..kaya mo yan dude….peace
Reply
A Z R A E L
reply on October 10th, 2008 4:11 am:
isa ka pa! wholesome to!
Reply
ayreen elque
on
October 11, 2008 at
6:57 pm
y not? go lang ng go…keri mo yan!!
ayreen elques last blog post..major updates..
Reply
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:15 pm:
yoko!
Reply
mylene
on
October 12, 2008 at
10:44 am
who cares with the hits! nasa content naman yan ng blog. para sa akin, astig parin ang blogging style mo. walang pinagbago. kung anong style at magnet ni azrael666 ganun parin ang impact ni azraelworld sa mga readers. kaya go!go!go!
wag ng mag-inarte jan sisiw lang sa yo yan eh!
Reply
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:16 pm:
huwat? may nabanggit ba ako sa hits?
sus 700-100 hits a day hindi ako nagrereklamo noh!
Reply
Jon Cabron
on
October 12, 2008 at
7:41 pm
tinatamad na rin akong magkuwento, nagkataon lang na kinakailangan ko talagang bumiyahe ng isang oras para pumasok at isang oras pa ulit para umuwi.. at obligado akong magisip ng kung anu ano sa byaheng ‘yun para hindi ako mamatay sa inip.
subukan mo ‘yan seryoso, sayang naman… basta magpakabait ka lang
Jon Cabrons last blog post..naranasan mo na bang mabutasan?
Reply
A Z R A E L
reply on October 14th, 2008 10:18 pm:
yun ang hindi ko kayang ipangako kaya wag na lang!
Reply
meztisahen28
on
October 18, 2008 at
2:50 pm
naalala ko tuloy sayo ang paborito ko na si bob ong…bumili pa nga ako nung isa niang pamosong aklat ang “Ang Paboritong Libro ni Hudas”…. siguro nga napepressure ka lng din at xempre samabayanang pinoy na ang mkkabasa nian dba? pero on the lighter side,ndi parang isang priviledge na rin ang mkagawa ng gnyan? i’m just thinking out loud, tska utak mo nmn yan eh,hindi ko dala yan,kea bhala ka na nga! joke! pero at least na-recognize ka bilang isang manunulat….
Reply