1984 ng una akong makapagbakasyon sa bansang pinagtatrabahuhan ng tatay ko. Tandang tanda ko pa ang mga bago at magagarang kagamitan sa bahay, na inabutan namin dito. TV, VCR, stereo, oven at kung anu-ano pa.

Wala na ang mga kagamitang iyon. Sira na. Naipamigay na. Naitapon na. Napalitan na ng bago.

Pero may isang gamit na hanggang ngayon ay gumagana at nagagamit pa. Ang aking kaibigan sa paglalaba.

Ang gamit na ito na may dalawampu’t-apat na taon na rin sa kanyang pagsisilbi. Walang kapaguran sa pag-ikot ng motor at lingguhan ang pagkusot at pagpiga sa naipong labahin.

Retirado na ang tatay ko. Nasa Pilipinas na. Pero bago sya tuluyang umuwi sa bansang sinilangan nagpang-abot pa kami dito sa Oman at ang tanging ipinamana nya sa akin ay ang lumang gamit na ito. “Ingatan mo ito” ang sabi nya. “Alagaan mo at mahalin. Pagsisilbihan ka nito ng walang reklamo”.

2008, may dalawampu’t-apat na taon ng nagsisilbi sa pamilya ang kagamitang ito. Nagmula sa tatay ko, hanggang sa akin, nagamit na rin ni Misis Azrael, at malamang na makikita rin ni Aila.

Luma na. Tuklap na ang pintura. Kinakalawang na. Pero matikas pa rin at hindi pa rin pumapalya sa pagtulong sa aking paglalaba.

Ang aking luma ngunit may pakinabang pang washing machine.

This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!