Shuttered 010: Bago?
Bumili ako ng bagong celfone noong isang linggo. Naisipan na palitan na ang luma kong ginagamit dito. Pinag-isipang mabuti kung ano ba ang magandang modelo, at dahil na rin sa kasanayan sa paggamit ng Nokia, napagdesisyunan ko na N96 ang modelo na para sa akin.
Matapos ang ilang araw, napansin ko na madaling maubos ang karga ng baterya nito. Ibinalik ko sa tindahan at nireklamo ang bagong biling gamit ,at matapos ang pagtatatalo, pinalitan nila ng bagong baterya. Inusisa kong maaigi ang dahilan kung bakit nagkaganoon at ang tanging sagot sa akin ng mga tao doon, dahil daw ito ay gawang Tsina at maaring pinalitan ang orihinal na baterya na kasama sa kahon upang ibenta sa mas malaking halaga.
Bagong modelo ng telepono, lumang baterya. Sa panahon ngayon talagang mapapatanong ka sa sarili.. Ang binili mo ba ay bago nga kaya?
———————————————————
This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD
Possibly Related Posts:
- Shuttered 013: Puso
- Shuttered 012: Madumi
- Shuttered 011: Liwanag
- Shuttered 009: Old Friend
- Shuttered World
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!



37 comments
timi
on
October 16, 2008 at
1:32 pm
O sya, sya…since nag plurkvertize ka…
“Comment”
Ok payn, serious…
Di ko pa nae-experience na madugaan ng ganyan…Lalo tuloy pababa ng pababa ang tingin ng produktong galing sa moderland ng lola ko…
timis last blog post..When was the last time you reached out?
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 1:50 am:
oh at may lahi kang intsik. actually ako din naman. pero we have to admit, sablay talaga ang mga gawang tsina. hindi naman lahat, pero karamihan.
Reply
ice
on
October 16, 2008 at
1:33 pm
Una: Maganda ang nabili mong telepono. Like ko din yan!
Pangalawa: Linsyak na Tsina. Puro ka-anuhan ang mga produkto… Useless ba.
Pangatlo: Buti na lang at pinalitan nila ng bago. Pero orihinal na ba yan?
Pang-apat: Bibili na ako ng bagong selpon. Naalala ko, dedbols na pala selpon ko.
ices last blog post..Watta sekyu
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 1:53 am:
una – mas may maganda pa dyan kung tutuusin. pero gamay ko ang nokia kaya swak saken yan.
pangalawa – korek. as what ive said, hindi naman lahat.. mga 99 percent lang
pangatlo – pinalitan. china pa rin. no way to tell if original or not, pero mas di hamak na ok dun sa nauna
pang-apat – bilin mo na lang to!
Reply
K.qtpie
on
October 16, 2008 at
1:35 pm
Yah.. AZ.. ganun talaga… dami ganyan na manloloko ngaun.. especially if cellphone buy mu…
*ayan ha comment nako*
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 1:53 am:
salamat kaye. bakit naman kasi kailangan pakialaman pa yung original package eh no?
Reply
Aling Baby
on
October 16, 2008 at
1:39 pm
sa wakas!!!!
nung napalitan ung batt, um-ok naman siya?
nasa trading company ako nagwo-work, pag galing samin..shempre, original ang lahat ng accessories pero sa tagal ko dito, natuklasan ko na yung buyer namin, sila ang nagpapalit ng battery saka nila pinapadala sa mga stores nila…grabe noh? ang laki na nga ng patong nila, papaltan pa nila ang battery at accessories. pag indi ka marunong tumingin, talagang mapapabili ka ng fake.
*bumabawi lang hehe..
Aling Babys last blog post..May balat (birth mark) ka ba….doon??
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 1:56 am:
ty sa bisita aling bebe. tama ka. common practice yan kahit saan. ang masakit nito, mismong sa nokia ko binili yung fone at a slightly higher price dahil ang habol ko eh yung pagiging original at yung warranty. sad to say, mismong sila hindi sigurado sa kanilag binebenta. yun eh sa mga cables, batteries at accessories lang naman. of course yung mismong unit orig yun
Reply
jen
on
October 16, 2008 at
1:43 pm
ni charge mo ba yan ng matagal on first use?
bakit nga china made ang nokia now? yung isang N81 ko China made din daw..
pero di naman sya aksyado sa battery..so far, ok naman ang performance nya! ![:]](http://azraelworld.com/wp-content/plugins/smilies-themer/xpressions-grey/smile2.gif)
jens last blog post..First Fog Out!
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 2:05 am:
sinunod ko lang ang sinabi eh. overnight daw ang initial charge. pagkatapos nun half day lang drain agad. same problem i had before dun sa N73 at yung lumang N95 ko. pero baterya lang tlga. taenang mga tao eh pinapalitan ng china na, pineke pa ampft!!!
mura kasa ang labor sa china kaya halos lahat eh dun na gawa.
Reply
mj
on
October 16, 2008 at
1:46 pm
cge lang atleast napalitan di ba? pag hindi napalitan..malamang kaaway mu naman world nun!!!
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 2:06 am:
kailangan ko pa makipagsigawan sa kanila para mapalitan. mananalo ba sila sa bunganga ko!
Reply
meztisahen28
on
October 16, 2008 at
1:47 pm
in short, carefully check every product u buy man… khit yung pinaka maliit n detalye,siyasatin… mei mga gadgets kayang bsta na lang sumasabog noh… hala…!
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 2:09 am:
i checked everything. ok ang unit, cables, charger.. yung battery ang sablay. i found out the originals are being replaced by inferior fake ones, dahil nabebenta pala ang orig around 1000k/ battery. isipin mo nga naman, sa sampung unit na napalitan mo ng battery pwede ka ng rumaket ng additional 10,000 pesos
Reply
kulot
on
October 16, 2008 at
4:07 pm
nako, buti na lang at nagpost ka ng ganito, i am planning din to acquire that phone kasi nga bago labas, nung isang araw ko lang din nakita yan, 289rials men! saan mo nabili yan at ng maiwasan na yung shop na yan
kulots last blog post..Metallica is back
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 2:12 am:
sa nokia ko mismo binili parekoy. pero meron din sa carrefour at emax. di ko lang sure ang price dun baka mas mababa. kung bibili ka, check mo maigi yung battery. make sure isusulat nila yung serial nun sa resibo para in case na ibalik mo, hindi ka pwede baliktarin na kesyo ni-switch mo sya.
teka nga pala huy! bakit hindi ka na nagtext saken?? text mo ko!
Reply
Reyn
on
October 17, 2008 at
11:24 pm
pinag-iisipan ko na din na magpalit ng telepono pero naghahanap pa talaga ako ng mabibilhan ng gawang Finland na Nokia dito dahil nawala na talaga ang tiwala ko sa mga gawang Tsina.
Naku. Buti naman at pinalitan nila yung baterya ng binili mo…
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:35 am:
wala na yatang N series na gawang finland. huling nakita ko eh N73 na germany
Reply
Taroogs
on
October 18, 2008 at
10:44 am
kaya minsan, pareng az, mas ok yung bumili ng 2nd hand — alam mo kung hanggang saan lang talaga ibubuga niya. at kapag nalampasan niya yun, bonus pa! :-)
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:35 am:
2nd hand na baterya?
Reply
mumu sa kanto
on
October 18, 2008 at
11:13 am
putres talaga yang china made products na yan. no wonder their sales had dropped more that 50% last month. mavote nga!
dati mga productong madaling marisa tulad ng phone, sunod mga laruan na nahaluan ng nakalalason na kemikal, ngayon mga gatas na nahaluan ng melamine, puta anu bang kagaguhan meron sa china?
mumu sa kantos last blog post..the bi congregation [repost]
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:36 am:
anong kagagahuhan meron sa china? eh di chinese!
Reply
meztisahen28
on
October 18, 2008 at
2:18 pm
well,alang impocble s tsekwa khit anung produkto p yan… that would be all
Reply
linglingbells
on
October 18, 2008 at
8:32 pm
pasaway talaga ang mga tsinoy na gumagawa ng mga selpon! masyadong magugulang!!!
linglingbellss last blog post..Paano magsaya matapos ang limang buwang paghihirap?
Reply
glesy the great
on
October 19, 2008 at
6:09 pm
honga.. grabe ngaun kung hindi ka marunong kumilatis ng binili mo madedenggoy ka… buti na lang di ako gadget addict, kasi malamang madali akong madenggoy di kasi ako marunong kumilatis ng mga ganyan-ganyan… pwede magtanong? magkano bili mo at saan? cheers-glesy the great
glesy the greats last blog post..oyayi ni manong drayber
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:37 am:
nasa Oman ako glesy. dito ko binili yan. roughly 28 thou in pesos. hindi ko alam ang price sa pinas pero sure ako na mus mura tlaga dito
Reply
Jovi
on
October 21, 2008 at
3:59 am
sige bili ka na lang bago uli. aken na lang yan!
Jovis last blog post..Grouchella
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:38 am:
sige.. wag na
Reply
Lhay
on
October 21, 2008 at
11:51 am
Naku basta gawang tsina talaga ladi na lang may sira.. nextaym kilatisin mo maiigi yung bibilhin mo..
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:39 am:
ano ba ang dapat kilatisin sa baterya na selyado pa? so aamuy-amuyin ko sya ganun?
Reply
antuken
on
October 22, 2008 at
6:14 am
hala, kahit pala dyan sa oman ganyan na rin? ako swerte kse nabibigyan ng bagong phone sa office. usually kse every 2 years nagpapalit ng unit at ang lumang unit samen na rin napupunta. ;)
antukens last blog post..raffle numbers round 2
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:39 am:
good for you
Reply
A Z R A E L
on
October 24, 2008 at
8:43 am
FYI lang. baterya lang po ang problema ko sa binili ko at hindi ang unit. wala akong problema sa unit. sobrang mahal ko sya at ang patunay nyan eh lagi kong hinihimas ang celfone ko at katabi ko sa pagtulog..
pakipaliwanag nga sa akin kung anong klaseng kilatis ang dapat na gawin ko sa isang baterya na selyado pa? dapat ko ba itong dilaan muna at pag lasang maalat isoli ko ganun? pag bumula ang bibig ko ibig sabihin defective?
gusto ko lang depensahan ang sarili ko sa mga nag-iisip na bopols ako pagdating sa ganitong bagay. na kesyo siguruhin na ganito na ganyan..
baterya lang problema ko.. BATERYA LAAAAAAAAAAAANG!
Reply
muymuy
on
October 26, 2008 at
6:42 pm
ni hao ma!hehehe..
..naku buti na lang napadaan ako dito kasi nagbabalak akong palitan na ang mobile ko..nung nagwindow shop ako nung nakaraan sabi nang sales staff wala na raw talagang maid in Finland kasi nagsara na raw ang factory dun..kaya puro made in china na lahat..how sad naman!..
http://www.muymuy.wordpress.com
muymuys last blog post..Filipino o Philipino???…hmmmm
Reply
muymuy
on
October 26, 2008 at
6:48 pm
sana made in Finland at hindi maid in Finland!!..wahahaha..anu ba yan bayan..sakit ko tlaga toh!…
muymuys last blog post..Filipino o Philipino???…hmmmm
Reply
avine
on
July 20, 2009 at
11:05 am
akoh china made din cell koh..dali nga maubos baterya..ok lang bah 2 f palitan ko sya ng orihinal..baka kc d mag balance baka madali lang masira kc d gawang china ang bibilhin koh
Reply
avine
on
July 20, 2009 at
11:09 am
replayan nyo ako poehh kc bibili cguro akoh bukas if okay lang nah ung nokia talaga bibilhin koh
N5310 cell unit koh..2lingan nyo po akoh
Reply