Si Misis Azrael. Ang aking kasabwat sa lahat ng kalokohan at kaakibat sa lahat ng bagay. Ang ina ng aking magandang anak na si Maria Aila Ysabelle.

Sa mga oras na nangangapa ako sa dilim, naliligaw, at nangangailangan ng gabay, si misis ang nagiging tanglaw sa daan at nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para ituloy ang paglalakbay at harapin ang pagsubok ng buhay.

Sa aking pansamantalang paglisan upang magtrabaho sa ibang bansa, siya ang walang kapaguran na sumusubaybay sa paglaki ng aming anak. Sumisigurong lalaki na malusog, masaya, at malayo sa kapahamakan si Aila.

Si Misis Azrael.. Ehemplo ng isang butihing asawa at mabuting ina. Isang tunay na ilaw ng tahanan.

Ang LIWANAG ng aking buhay.

—————————————-

This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!