Si Ruben
Si Ruben ay pangalawa sa limang magkakapatid. Ipinanganak na mahirap at lumaki sa hirap.
Naalala ko pa ang kwento ni Ruben sa akin noon. Dahil sa sya ay lumaki sa isang lugar sa probinsya na malayo sa kabihasnan, kinakailangan nyang maglakad ng may kulang na isang oras para lang marating ang pinakamalapit na tindahan. At pagdating sa tindahan na ‘yon, ang tanging bibilhin lang ay isang lata ng sardinas, isang sibuyas, isang kamatis, at isang salop ng bigas na syang magiging pagkain na ng buong pamilya nya sa isang araw.
Lubog sa kahirapan ang pamilya ni Ruben. Maaga silang naulila sa ama, at may karamdaman ang kanilang ina na naging dahilan upang hindi sila makapag-aral ng maayos. Walang aasahan sa pamilya kundi silang magkakapatid lang at dahil sa bata pa sila noon, kinailangan nilang itaguyod ang sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng kung anu-anong klase ng trabaho at pagsama-samahin ang perang naiipon dito pantawid gutom lang.
Ngunit hindi naging hadlang kay Ruben ang kahirapan nya at ng kanyang pamilya. Mayroon syang pangarap. Pangarap na makapag-aral at makatapos, at magkaroon ng sarili nyang pamilya balang araw.
Lahat ng klase ng trabaho pinasok nya. Nandyan yung maglinis sya ng dumi ng kabayo ng kapitbahay na kutsero. Minsan din nyang hinihiram ang kalesa ng kapitbahay nyang ito para i-byahe kapag araw ng sabado o linggo. Nandyan yung magtinda sya ng maruya at bananacue sa hapon, at ng balut at penoy naman sa gabi.
Dahil na rin sa pagsisikap, nakuha nyang pag-aralin ang sarili. Matalino si Ruben. Masipag. Mahilig mag-aral. Minsan akong namangha kay Ruben ng ikuwento nya sa akin na dati raw, naliligo sya na gamit ang isang kamay na nakahawak sa tabo na naglalaman ng tubig na pambuhos sa katawan, at ang isa naman ay nakahawak sa libro. Nerd eh no??
Nakapagtapos ng elementarya si Ruben dahil sa diskarte. At dahil nga sa may utak sya kahit paano, nakapag-aral sya ng high school dahil sa scholarship. Nakapapagtapos sya ngunit hindi muna tumuloy sa kolehiyo dahil wala syang pang-tustos para dito.
Di katagalan, nakahanap si Ruben ng trabahong manual sa munisipyo sa probinsya. Tiniis nya ang liit ng sweldo ng ilang taon. Wala rin halos napuntahan ang sweldong yan dahil sya ang tumayong ama ng magkakapatid. Kinailangan nyang maghanap ng trabaho na magbibigay ng mas malaki sa kasalukuyang tinatanggap nya, kaya nagdesisyon syang mapunta ng Maynila at doon makipagsapalaran.
Kwento ulit ni Ruben, “Alam mo pano ako nakarating ng Maynila? Naglakad ako! May dala akong dalawang bayong. Ang isa naglalaman ng konting kagamitan ko, at ang isa naman may laman na tatlong buhay na manok na inutang ko sa kapitbahay. Kapag nakakaramdam na ako ng pagod at gutom at kinakailangan ng kumain at magpahinga, kumakatok ako sa bahay-bahay at inaalok yung manok kapalit ng isang maayos na kain at pagtulog sa gabi”
Nakarating si Ruben sa Maynila at namangha sa kanyang nakita. Magagarang gusali, mga nag-kikintabang sasakyan, maliliwanag na ilaw sa gabi, mga taong maayos ang bihis… Mga bagay na kung sa isang probinsyano na tulad nya, eh magiging sanhi ng pagkasindak.
Pero hindi nagpasindak si Ruben. Lalo syang nagkaroon ng inspirasyon na maghanap ng magandang trabaho para itaguyod ang pamilyang iniwan sa probinsya. Nakahanap sya ng isang trabaho sa bandang Sta. Mesa bilang taga-hugas ng plato sa isang restaurant. Hindi pa rin ito naging sapat kaya’t sa mga oras na wala syang trabaho, nagsa-shine boy naman sya sa umaga. Suma-sideline din sya bilang isang pintor ng mga billboards.
Nakapag-ipon si Ruben. Naka-tungtong sa kolehiyo. Iniwan ang trabaho sa restaurant at namasukan bilang isang artist sa isang medyo may kalakihan at kasikatan na publishing company. Doon nya nakilala ang isang dalaga na di kalaunan ay magiging kasintahan nya. Si Linda…
Anak si Linda ng isang Major sa Militar. May kaya ang pamilya. May koneksyon sa pamunuan ng Maynila noon. Pero hindi naging hadlang ang estado sa lipunan ng pamilya ni Linda kay Ruben, at imbes na bumahag ang buntot, lalo syang nagsumikap na pa-ibigin ang dalaga.
Muling kwento ni Ruben, “Unang kita ko dyan kay Linda, love at first sight ako! Nahirapan ako pumorma dahil ang daming manliligaw na de-kotse!”
“Eh anong klaseng diskarte ang ginawa mo?” ang tanong ko.
“Magaling ako gumuhit noon. May pagka-makata pa ako. Weakness ng mga babae noong panahon na yun ang poetry na may kasamang guhit-kamay! Araw araw ko syang binigyan nga mga ganyang bagay noon, at ng minsang nagkaroon ng pagkakataon, niyaya ko syang mamasyal sa Luneta at pumayag sya. Yun na!” ang sabi nya.
Naging magkasintahan si Ruben at Linda, at hindi naging balakid sa pagmamahalan nila ang kahirapan ni Ruben. Pagkatapos nila sa kolehiyo, nagtanan ang dalawa at dinala ni Ruben si Linda sa kanyang probinsya at doon sila nagbalak na pansamantalang mamuhay. Nagpakasal sila sa huwes na lingid sa kaalaman ng pamilya ni Linda, at natunghayan lamang ng malalapit na kamag-anak ni Ruben.
Maraming pagsubok ang dinanas ng magkasintahan, pero nalampasan nila ito. Unti-unting guminhawa ang buhay nila at nakapag-pundar kahit paano. Matapos ang humigit-kumulang na isang taon, muli silang bumalik ng Maynila upang harapin hindi lang ang pamilya ni Linda, kundi pati na rin ang panibagong hamon ng buhay… Ang nalalapit ng pagkakaroon nila ng unang anak. Ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Nagpakasal sila sa simbahan na may basbas galing sa kani-kanilang mga pamilya, at matapos ang ilang buwan, ipinanganak ang kanilang panganay. Ang anak, na kung tatanungin mo si Ruben ngayon, sasabihin nyang ang nagbigay sa kanila ng swerte.
Nakapagtrabaho si Ruben sa gobyerno at maayos nyang naitaguyod ang kanyang mag-ina. Hindi katagalan, sinuwerte sya na pag-aralin ng gobyerno sa ibang bansa. Matapos ang dalawang taon na pagkawalay sa pamilya, bumalik si Ruben sa Pilipinas na dala ang kaalaman ng kanyang pinagkadalubhasaan sa ibang bansa, na syang naging dahilan upang magkaroon sya ng mataas na puwesto sa opisina ng gobyerno na kanyang muling binalikan.
Doon na nagsimula ang pagpasok ng biyaya sa buhay ni Ruben. Nakapagpatayo sya ng bahay, nakapag-pundar ng gamit, nakabili ng sasakyan, nasimulan ang isang maliit na family biuiness, natulungan ang mga kapatid na iniwan sa probinsya.
Ilan taon pa ang nakalipas, nadagdagan ang anak ni Ruben at Linda ng dalawa pa. Lumaki ang kanilang tatlong anak na hindi nakatikim ng anino man lang ng paghihirap na dating pinagdaanan ng kanilang ama. Naibigay ni Ruben, bilang haligi ng tahanan ang lahat ng pangangailangan ng kanyang asawa at mga anak. Nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak dahil sa hirap, tiyaga, sinop at higit sa lahat.. DAHIL SA ISANG PANGARAP NA HINDI ISINUKO, AT PILIT NA INABOT.
Simple lang ang mga pangarap ni Ruben noon..
Magkaroon ng isang pamilya na magbibigay sa kanya ng ngiti at saya sa araw-araw.
Tumanda na kapiling ang asawa, mga anak, at mga apo na nagsasama ng maayos at nagmamahalan.
Ganoon ka-simple lang…
Pero mas higit pa sa kanyang minithi ang kanyang nakuha.. Gusto kong ibahagi kung ano ang meron si Ruben at ang pamilya nya ngayon pero sigurado akong magagalit yun at baka dagukan ako dahil napaka-humble ng taong yan.
Kung tatanungin ako kung ano ang dahilan at bakit tumatamasa si Ruben at ang kanyang pamilya ng biyaya ngayon… Ito lang ang masasabi ko..
Dahil si RUBEN ay mapagkumbaba. Mapagmahal. Walang galit sa kapwa. Isang mabuting asawa at ama. At higit sa lahat…
SI RUBEN AY ISANG MABAIT NA TAO…
Matanda na ngayon si Ruben. Hindi na kasing alerto tulad ng dati. Hindi na ganun ka-tikas. May konting nararamdaman na rin na sakit sa katawan. May kalabuan na ang mata, ngunit malinaw pa rin ang pang-unawa sa mga taong nakapaligid. Sa kabila ng lahat ng yan, sa mahigit na anim na dekada na nyang pag-iral sa mundong ito, may isang bagay pa rin ang hindi nababago…
Ang kanyang simple ngunit dalisay na ngiti…
Yan si RUBEN.
Ang aking idolo..
ANG AKING MAHAL NA AMA…
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!



40 comments
Jules
on
October 28, 2008 at
2:23 am
a truly inspiring story, robin.
Juless last blog post..Our Lady of the Assumption in Dauis, Bohol
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:04 pm:
ty ma’am jules
Reply
dor
on
October 28, 2008 at
4:22 am
Pre, congrats, wala ng mas sasarap sa mga salitang ito para sa isang ama, I feel you, congrats ulit
dors last blog post..Such a Snake
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:04 pm:
salamat!
Reply
potsquared
on
October 28, 2008 at
4:57 am
napakagandang kwento na kapupulutan ng aral… salamat sa pagbahagi pareng az…
potsquareds last blog post..heroes.. kuno..
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:04 pm:
ty ty!
Reply
mylene
on
October 28, 2008 at
9:13 am
kamukha ka ng dad mo!
totoo pala ung mga ganung kwento noh. ung pupunta ng maynila dala ang manok. ang galing, akala ko sa movies lang un. ang galing ng dad mo, very inspiring ang buhay na pinagdaanan niya.
mylenes last blog post..Sablay!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:05 pm:
totoo yun. hindi ko na lang kinuwento lahat dahil hahaba na masyado ang entry
Reply
sommer
on
October 28, 2008 at
11:02 am
…nakakainspire naman kwento ng tatay mo…it really pays to be humble, patient and masipag.=)good job kuya rob!!!
…the more akong atat umuwi..namiss ko tatay ko lalo!!!
sommers last blog post....internet..innernet..intarnet…
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:06 pm:
lapit na pare! magkikita na rin kayo! at mababatukan ka na nya sa mga kalokohan mo bwahahaha!
Reply
ayreen elque
on
October 28, 2008 at
11:33 am
touching story…ito lang talaga ang hanggang ngayon pinagiisipan ko kung totoo nga kaya.. “naliligo sya na gamit ang isang kamay na nakahawak sa tabo na naglalaman ng tubig na pambuhos sa katawan, at ang isa naman ay nakahawak sa libro” ano ba yun?! ahahha!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:07 pm:
totoo yan!! sabi nya ha, ewan ko lang lol. pero masipag tlaga yun. hanggang ngayon hindi mo makikitang ‘idle’ lang… laging naghahanap ng aayusin sa bahay
Reply
mj
on
October 28, 2008 at
1:12 pm
wow!!! ang sarap basahin kuya!!! Your dad musta be Proud of U..Keep It Up!!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:07 pm:
i dont know if he’s proud of me. but i am so proud of him hehe
Reply
Lhay
on
October 28, 2008 at
1:45 pm
Congratz dude, nakakatuwa at nakaka inspire ang iyong kwento tungkol sa iyong ama. Nakakataba ng puso. Salamat sa pagbahagi sa aming ng iyong kwento.
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:08 pm:
walang anuman.. kinagagalak kong maibahagi ang isang kwento tungkol sa idolo ko
Reply
Snow
on
October 28, 2008 at
5:28 pm
a very touching and yet inspirational story.
Snows last blog post..My Digital Filipino Club and Bloggers Fellowship Night Experience
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:08 pm:
thanks snow
Reply
prinsesa000
on
October 28, 2008 at
11:36 pm
nakakainspire naman to azrael…
truly na galing nga talaga sa puso tong post na to…
swerte mo sa tatay mo! and im sure proud rin sayo si Ruben
prinsesa000s last blog post..kapos…
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:08 pm:
salamat salamat.. bow
Reply
Mumu sa Kanto
on
October 29, 2008 at
9:29 am
i feel for this post. hawig ng previous post ko, we’re all lucky to have such humble and strong dads. they’ve learned from their experience and we learn from them
Mumu sa Kantos last blog post..God’s ABC
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:09 pm:
korek! FYI nga pala mumu.. ur post actually inspired me to write about my dad. salamat!
Reply
timi
on
October 29, 2008 at
2:19 pm
haaayyy…Nakakabilib ang tatay mo…Nagpapatunay lang na kung meron talagang tyaga, sipag at determinasyon eh kaya ng tao na matupad ang pangarap nila…
timis last blog post..When Love = Ouch?
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:10 pm:
yan nga ang gusto kong iinstill sa utak ng anak ko eh.. sana makuha nya ugali at pananaw ng lolo nya.. kase ako hindi gaano matyaga at masipag eh.. madiskarte lang at magulang bwahahaha!
Reply
p0kw4ng
on
November 1, 2008 at
2:50 pm
wow a very inspiring story..galing ng tatay mo!
nakidaan lang po..add kita ha:)
p0kw4ngs last blog post..Skeyri..Skeyri!!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:11 pm:
salamat pokwang.. at ang cute ng name mo lol
Reply
jao220
on
November 2, 2008 at
10:11 am
galing mo talaga dude.Be Proud!!!!!!!!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:11 pm:
tatay ko magaling hinde ako waaaaaah!
Reply
antuken
on
November 3, 2008 at
7:03 am
we’re blessed to have good & loving parents. kaya naman sobra-sobra rin ang mga papuring naibibigay natin sa kanila ano.
i wish i could say my dad’s beginnings were like yours. inspiring kse. kaso, hihi, hindi pareho eh.
antukens last blog post..delivery ho!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:12 pm:
ano nga ba beginnings ng dad mo? na-curious ako ha! kwento mo naman!
Reply
antuken
reply on November 6th, 2008 5:15 pm:
hahaha. sus. privileged ang tatay ko. kolehiyo pa lang naka-impala na. totally different from your dad’s hehe.
antukens last blog post..NDE
Reply
Angel
on
November 3, 2008 at
3:55 pm
patunay lang na hindi hadlang ang kahirapan para umasenso.
Angels last blog post..Gusto mong matakot?
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:12 pm:
tama!
Reply
Lenggai
on
November 3, 2008 at
10:43 pm
ganda naman nito az!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:14 pm:
salamat lenggai
Reply
Limegemini
on
November 4, 2008 at
7:34 pm
ah.. kuya this is so nice.. so inspirational. he must be proud of you, and you really are proud of him..
Limegeminis last blog post..Just a little of this for a mean time
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:14 pm:
yep. i hope the feeling is mutual
Reply
lei
on
November 5, 2008 at
8:13 pm
nice naman. nakakatuwa naman itong true to life story na ito. itry mo kaya sa maalaala mo kaya? malay mo naman mapakita pa yan sa tv. anyway, may pagkapareho sila ng lolo ko. ung lolo ko naman, hindi naniniwala na ang tao maghihirap kung ito ay masipag at madiskarte. kahit kasi mahirap lang lolo ko nun never daw syang tumira sa ilalim ng tulay or sa gilid ng ilog. kung may tyaga lang daw talaga ang tao, imposibleng hindi maging maganda ang buhay.
very inspirational to. cool dude!
leis last blog post..Obama won! He is the change we can believe in!
Reply
A Z R A E L
reply on November 6th, 2008 4:16 pm:
kung papakinggan lang ng kabataan ngayon ang turo ng mga nakakatanda tungkol sa pagpapakumbaba, disiplina, tyaga, at pagsusumikap.. madami sigurado ang successful sa kani-kanilang buhay ngayon.
salamat sa muling pagbisita
Reply
ray
on
November 14, 2008 at
10:16 am
webcam! webcam! (ay, maling post pala…sorry…)
seriously, Az, magandang parangal ito sa iyong dad. at maiging nailalabas mo ito habang meron pang pagkakataon na malaman niya ang iyong nararamdaman at paghanga. i guess dito rin pumapasok yung concept ng “pay it forward” sa iyong pamilya at iba pa.
that said, puwede bang malaman kung saang probinsiya ng dad mo? kasi naisip ko lang kung bisaya ng pangalan niya ang binigay sa iyo o bisaya ng pangalan mo yung kanya. (joke! peace tayo!)
Reply