The INVITATION
Ikaw ba ay isang blogger na may gustong sabihin pero hindi mo mailagay sa blog mo? Isang frustrated storyteller na gustong magkaroon ng konting exposure sa blogosphere? Isang aspiring writer na hindi mailabas ang lahat ng kabadtripan sa mundo because of all that censorship shit?
Pwes, hayaan mong imbitahan kita na sumulat, dumaldal, dumakdak at magbunganga sa blog ko!
Alam kong nagawa na dati ito. Yun bang guest blogger na gagawa ng entry sa blog ng iba. Walang pinagkaiba ang imbitasyon ko na ito. Yun nga lang, sa aking blog.. NO HOLDS BARRED, ANYTHING UNDER THE SUN, and FIRE AT WILL!
Ah eh, example lang yan. Pwede rin naman na tungkol sa isang paghanga sa isang tao, paglalahad ng iyong mapait na karanasan, pagkwento ng iyong past love life na hindi makalimutan, o pagbibigay ng payo sa mga taong sa tingin mo ay nangangailangan nito.
You may remain anonymous or not, it’s entirely up to you. Wala akong ise-censor sa mga sasabihin mo. Walang ie-edit. Kung ano ang ipinadala mo sa email, yun na yun!
Kung interesado ka, at may nakahanda ng entry. Ipadala mo lang ito sa aking email [azrael.666@gmail.com]. Ilagay mo rin dyan kung meron kang specific instructions na gusto mong ma-implement sa entry mo. Halimbawa, gusto mong maging anonymous. Gusto mong pangalanan kita pero wag ng ilagay ang URL ng blog mo. Gusto mong closed ang comments section. Yang mga ganyan ba.
Eto lamang ang aking munting guidelines:
1. Dapat ay wikang Tagalog at English lang. Taglish pwede. Pero kung arabic, chinese, japanese o kung ano pa yan, wag ka na!
2. Bawal ang entry na hindi orihinal. Yun bang forwarded jokes sa email or sms tapos babaguhin mo lang ng konti tapos isa-submit mo na. Ayoko nyan!
3. Bawal ang may kasamang pics ng porn. Pwede mong ilabas ang kalibugan sa entry pero ayoko ng may visual representation pa. I find it uneccessary.
Win-win situation ito para sayo at sa akin. Mailalabas mo ang frustrations mo sa buhay, masasabi ang gustong sabihin, na hindi ka hinuhusgahan dahil anonymous ka nga. Aminin nating lahat, kahit tayo ang pinaka-astig na blogger sa mundo, may mga pagkakataon na hindi rin natin masabi ang gusto nating sabihin sa ating blog. Dahil baka mabasa ng mga asawa natin, parang ganun bwahahahaha!
Makakatulong ka rin sa akin na ma-reach ang quota na at least 20 entries a month dahil tinatamad na akong mag-blog eh di ba! At isa pa, sigurado ako na kahit paano eh kaibigan at kakilala naman kita para magpadala ng entry at paunlakan ang imbitasyon na ito. Isipin na lang natin na nag-iinuman tayo sa isang maganda at tahimik na lugar at sa pagkakataong ito, ikaw naman ang nagsasalita at all ears ako sa pakikinig sayo.
Sound good?? Ano pa hinihintay mo. SULAT NA!
Muli, ipadala ang entries sa [azrael.666@gmail.com] sa lalong madaling panahon!
Salamat sa pagbabasa kaibigan. At aasahan ko ang iyong paglahok!
Magandang araw sa lahat!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


23 comments
potsquared
on
October 16, 2008 at
1:20 am
ang husay ng konsepto mo pareng az… congratumalations… pwede akong mag anonymous para nga di mabasa ni kumander.. bwahahahaha! i love it!
Reply
A Z R A E L
reply on October 16th, 2008 1:17 pm:
pwede pareng pot. kung seryus ka dyan, email mo lang ako. pramis hindi ko lalagay pangalan mo. pic lang! bwahahaha!
Reply
Lhay
on
October 16, 2008 at
12:04 pm
Pwede ba sumali ang isang baguhang cutie blogger gaya ko? Klan pwede mag submit?
Reply
A Z R A E L
reply on October 16th, 2008 1:18 pm:
pwede lhay. send na sa email ko bilis!
Reply
Lhay
on
October 16, 2008 at
12:05 pm
at oo ng pala, nice theme you have there!
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 2:13 am:
salamat!
Reply
cams
on
October 16, 2008 at
6:07 pm
gandang ideya ‘to kuya. ;)
Reply
A Z R A E L
reply on October 17th, 2008 2:13 am:
maganda nga. pero mukhang hanggang dyan na lang sya.. idea lang… walang nagsa-submit eh bwahahahaha!
Reply
cams
reply on October 25th, 2008 4:08 am:
meron… basta kuya, meron mag susubmit hehe.![;]](http://azraelworld.com/wp-content/plugins/smilies-themer/xpressions-grey/wink.gif)
camss last blog post..i’ve had the time of my life
Reply
glesy the great
on
October 22, 2008 at
3:17 pm
submit ako as soon na magkaroon ako ng oras… pwede di ako mag-anonymous? wala lang trip ko lang magsulat para sa iba… try ko lang kahit isang post lang… ahehehe…. papansin ako eh.. seryoso ako, di lang ako makapagsabi ng saktong date kasi baka di ko matupad… pero magsusubmit ako… cheers..;p
glesy the greats last blog post..oyayi ni manong drayber
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:32 am:
sige glesy. all submissions are welcome. nakalimutan ko palang sabihin, sisimulan ko to 2nd wk of nov. iniipon ko muna submissions then hopefully, i can feature an article on a weekly basis. gandang araw!
Reply
mylene
on
October 23, 2008 at
9:51 am
aabangan ko yang mga istoryang yan! sayted na ko!
Reply
A Z R A E L
reply on October 24th, 2008 8:33 am:
2nd week november hehe. abangan!
Reply
repah
on
October 25, 2008 at
6:55 am
ako rin magsusubmit ako.. yung sikreto ko ibubunyag ko..hehehe
repahs last blog post..KASAL
Reply
Snow
on
October 28, 2008 at
5:33 pm
Let me think about this…
Snows last blog post..My Digital Filipino Club and Bloggers Fellowship Night Experience
Reply
Cancelled | A Z R A E L on November 7, 2008 at 10:13 am
[...] Dismayado ako sa isang imbitasyon na dinedma [...]
Helena
on
November 7, 2008 at
10:48 pm
Nagtampo naman agad…sayang sasali sana ko. Eh kaso naisip ko nakakahiya naman kung hindi ma-approve masakit diba. Hindi ako masasaktan kung walang magbabasa ng blog ko, walang clicks, walang hits, walang maki-link at kung anu anu pang kaekekan. Pero yung ikaw ang nag-offer tapos sasabihan kang “sory beter lak neks taym” yun ang masakit. Kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.
Tanong ko lang bakit mo kasi to nilagay:
NO HOLDS BARRED, ANYTHING UNDER THE SUN, and FIRE AT WILL!
Eh di sasamantalahin talaga ng mga taong walang magawa. At naghahanap lang ng exposure. Next time medyo higpitan na lang ang rules para malinaw. Ok.
O ngumiti ka naman dyan.![;]](http://azraelworld.com/wp-content/plugins/smilies-themer/xpressions-grey/wink.gif)
Helenas last blog post..Medicine: the whole shebang
Reply
Post Halloween Special: How to entertain guests at your own wake (by Glesy the great) | A Z R A E L on November 10, 2008 at 9:57 am
[...] I just can’t pass this on. A blogger submitted this entry a few hours after I cancelled the “INVITATION” gimick. Binasa ko ang attached word document, at naramdam ko ang pagod, tyaga at effort ng isang [...]
I came, I saw, I posted- Glesy the Great « Anakngpiso’s bahay-palasyo on November 11, 2008 at 12:13 pm
[...] ako sa Azraelworld para makichismax ng bagong ihip na balita kung meron man… nakita ko ang Invitation para sa mga gustong maging guest author sa kanyang blog… I came, I saw, I conquered ang drama [...]
Rosas: by Timi | A Z R A E L on November 20, 2008 at 9:50 am
[...] from AZRAEL: Isang submitted entry na naman para sa “INVITATION” gimik. May mahigit isang linggo ko nga itinatago ang ‘piece’ na ito. Sa tuwing nababasa [...]
Written work on Azrael’s blog | Crimson Heavens on November 20, 2008 at 10:08 am
[...] submitted a short story (if you can call it that) to AZRAEL as a reply for his INVITATION. Actually this is the 2nd submission since the first one was an old work of mine which would [...]
Maldito
on
November 20, 2008 at
5:33 pm
magsusulat ako nito bossing…dahil idol kita…syempre susuportahan ko yung mga ideolohiya mo..ahaha..
may plano ako bossing sa entry ko…
indi mo sasabihin kung sino ang sumulat..pero papahulaan mo ako sa mga readers mo..ahahaha…
deal or no deal?
Malditos last blog post..Gluttony and the Lemur
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 5:35 pm:
DEAL Malditz!!!
intayin ko yan. kung talagang seryoso ka, bigay mo saken detalye sa email kung anong gimik ang gagawin natin sa post mo hehe
Reply