Archive for November, 2008

..na pag binasa ng derecho ang RECENT POSTS widget ko sa sidebar..

MAKAKABUO NG ISANG MAKABULUHANG SENTENCE TUNGKOL SA AKING PAGKATAO.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (23)

Hindi ako nakakalimot sa atraso. Kahit isandaang taon pa ang makalipas, kapag may nagawa kang mali saken, habambuhay kang nakasulat sa ’shitlist’ ko.

Wala rin sa akin ang kaibi-kaibigan o kadugo pagdating sa pagtatanim ng galit. Kahit kamag-anak pa kita, basta may ginawa kang napakalaking kasalanan, magkasakit man ako ng Alzheimer’s, hindi pa rin kita malilimutan.

NOON:

Noong binatilyo pa ako (meaning wala pa akong hilig sa gimik at hindi pa ako habulin ng mga chiks), may tatlong magkakapatid na lalaki na pinsan ko ang nanirahan sa pinas galing sa Amerika.

Si Ricky, Michael at Jordan. Half pinoys at half mexican US citizens sila na anak ng tito ko at ng napangasawa nyang Mexicana.

Ipinanganak sa Amerika ang tatlong ito, pero dahil nga sa umuwi ng pinas noon at doon pinag-aral ng kanilang mga magulang, natuto mag-tagalog at nakalakihan ang mga ugali at lifestyle nating mg pinoys.

Taong 1995 ng nakasama ko, at ng mga kapatid kong pawang mga lalaki din, ang tatlong mongrel na pinsan naming mga ito sa iisang bahay lang. Naging impyerno ang buhay namin, lalo na ako dahil saksakan ng kulit ang mga magkakapatid na yan.

Andyan yung magkampihan at maglalaro kami ng basketball, pinas vs usa, pero dahil sa maliliit pa ang mga amerkano, lagi silang talo. At kapag napikon, tangena hinahabol kami ng pamalong kahoy. Natural ako ang pinakamatanda at pinakamatangkad sa aming anim, kaya ako, at ang grupo ko ang laging wagi sa kahit na ano pang laro o contest na pinaglalabanan naming lahat.

Naalala ko rin na minsan akong natutulog ng pinagtripan ako nung tatlong hilaw na pinoy na yun. Nakanganga pa ako habang nananaginip ng naramdaman ko na lang na may biglang bumara sa lalamunan ko. Nanghuli ng gagamba ang nga tarantado at pinasok sa bunganga ko na parang kweba lang ako ganun. Assholes!

Napatawad ko sila sa mga ginawa nilang yan, pero may isang bagay na hanggang ngayon, kapag naaalala ko, binabangungot pa rin ako sa galit..

Hindi ko malilimutan ang ginawa nilang pamamahiya sa akin sa harap ng gerlpren ko noon… Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (51)

…walang kwentang tao dahil… Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (24)

May gusto akong kanta ngayon. Medyo may kalumaan na dahil september ko pa narinig ito, pero ngayon lang nagkaron ng matinding impact sa akin.

HUMAN by THE KILLERS! One killer track that’s destined to be on top of my iPod playlist for months! Sigurado yan!

Bakit ko sya gusto? Iisa-isahin ko:

1. Dahil ang kantang ito ay nagpapaalala sa aking ng new wave era. Ganun kase ang dating nya. Para bang rock na ballad na dance na hindi mo maintindihan. Parang pinaghalong tunog ng New Order, U2, Echo & The Bunnymen na may bahid ni Bruce Springsteen.

2. Naalala ko ang aking kabataan.. Noong myembro pa ako ng isang banda, na sa kasamaang palad eh kasikatan lang sa reunion party ng mga kamag-anak ang narating bwahahaha! Pero uhmmmm, bigla ako nag-nostalgia trip. Kung tinuloy siguro namin ang bandang yun at medyo sumikat kami, isa ito sa mga songs na ginagawan namin ng covers ngayon. Hmmmm.. Pwede!

3. Gusto ko rin ang lyrics nya. Unang dinig ko, medyo nawindang ako.. ‘ARE WE HUMAN? OR ARE WE DANCER?’ Parang mali di ba? May mga ibang tao pa nga na sinasabing hindi raw ‘dancer’ yan kundi ‘DENSER’.. Ah eh mali sila dyan dahil lalong nawalan ng sense ang kanta kung ‘denser’ ang ginamit na salita. At isa pa, mismong si Brandon Flowers (the band’s vocalist) ang nagsabing ‘dancer’ sya, kaya manahimik na ang mga nag-mamagaling. Babalikan ko ang lyrics maya maya.

Dito muna tayo! Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (18)

NOON:

Mga apat na buwan na rin ang nakalipas ng huli kong makakwentuhan ang nanay ko tungkol sa kung anu-anong isyu tulad ng politika, showbiz, sports at kung anu-ano pa. Tinawagan nya ako sa telepono at nakipagtelebabad ang nanay ko saken. Kung ibe-breakdown mo ang minutong naubos naming dalawa sa loob ng isang oras, ganito ang resulta:

AZRAEL: 5 minutes

Nanay ni AZRAEL: 55 minutes

May sinat pa ata ang nanay ko nun, at halata sa boses nya na may sore throat din sya, kaya hindi sya gaano nakapagsalita.

Anyway, since nasa politika, showbiz at sports ang aming usapan, may isang bagay ako na naitanong sa nanay ko na nagpainit ng ulo nya. Alam mo naman yun, madaling maiirita. Buti na lang hindi ako mana sa kanya. :P

At ang issue???

Si MANNY PACQUIAO bilang isang magaling na boksingero na may paparating na laban ngayong disyembre..

AZRAEL: “Mi! Ano na balita kay Pacman??? May laban sya sa disyembre di ba? Kalaban nya yung paborito nyong boksingero, si Dela Hoya?”

Nanay ni AZRAEL: “Hay naku! Wala yang si Manny! Madami na ang naiinis dito dyan kasi hindi na lang mag-concentrate sa boxing! Pinasok pa ang politika, at ngayon artista at singer na din yata! Ayoko sa kanya kahit champion pa sya na boksingero! Nayayabangan na ako! Pababagsakin ni Dela Hoya yan dahil hindi papayag si Oscar na mabugbog ang kanyang pretty face dahil kay Manny! Tsaka sa laban nila sa december, ipagdadasal ko na matalo si Pacman!”

Sa puntong yun, nahalata ko talaga ang inis ni ermat kay Manny. Ewan ko ba. Nagsimula yan noong pinasok ni Pacman ang politika at naalyansa sa kampo ni GMA. Eh numero unong galit kay GMA si ermat.

Natapos ang usapan namin sa binitawang salita ni ermat na parang ganito:

“Sa akin ka maniwala. Sa December, talo yang si Pacquiao! Dahil ayoko sa kanya at ang ichi-cheer ko eh si Dela Hoya!” Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (21)