Cancelled
Madaming dahilan kung bakit tinatamad na akong mag-blog. Iisa-isahin ko…
1. Ayoko ng mag-share ng mixes. Bukod sa mahirap gumawa nito, wala na rin akong oras. At isa pa, wala na akong kailangan patunayan pa. I have made some people smile at tama na yan. I’ve given slices of a pie wholeheartedly to those who asked to be fed. I just can’t give the whole thing, sorry
2. Na-realize ko na mas masaya ako sa Photography kesa sa blogging. I can express more through Photography. With blogging, every single fucking word I say elicits different meanings and reactions from people. Ang daming bagay na hindi ko masabi, hindi mai-kwento. Dahil pagmumulan ng away mag-asawa.
3. Na-realize ko ulit na past time lang talaga ang blogging para sa akin. Ngayon, kung busy ako sa trabaho at sa iba pang bagay, alangan naman na unahin ko pa ang past time?? Kagaguhan.
4. Malapit na akong umuwi ulit sa pinas para magbakasyon. Hindi ko na mahaharap ang blog na ito para lang mag-update sa mga bagay-bagay na interesado man kayong marinig, eh wala naman akong balak na ikuwento pa.
At ang pinakamalaking dahilan kung bakit talagang tamad na tamad na akong mag-blog………
5. Dismayado ako sa isang imbitasyon na dinedma bwahahahahaha!
Sa isang banda, mali din ako dyan. Hindi ko gaanong pinag-isipan. Walang planning at poor ang execution. Mabilisan kasi. Lasing ako noong naisip ko yan, at para lang may mai-blog, sinubukan kong gawan ng gimik.
I realized one thing though..
Kapag gagawa pala ng ganitong gimik, kailangan ipagkalat ang impormasyon sa buong blogosperyo with matching adverts, announcements, banners, buttons, prizes, giveaways. etc…
Yun bang mag-blog hop ka tapos anyayahan mo lahat ng madaaanan mo para lumahok. At kung kulang pa yan, eh ano ba naman na gumawa ka ng ‘meme’ or ‘tag’ at ipasa mo sa lahat ng nasa blogroll mo. Utusan sila na ipasa din sa lahat ng nasa blogroll nila dahil pag hindi nila ginawa, katulad ng mga chain letters at forwarded emails sa inbox mo na may litrato ni Virgin Mary, o kaya ng isang batang malnourished sa Africa, eh may masamang mangyayari sa kanila at sa kanilang pamilya. Sigurado yan! Sa isandaang taong makakabasa, mayroong isang taong papatol!
Ang problema, tamad akong mag-blog hop.
Pero seryoso, unti-unti kong nararamdaman ang sampal ng realidad. Masakit pala bwahahaha! At ang reality eh eto:
1. Hindi na ganun kalawak ang ‘reach’ ng aking blog. Kung dati eh panis saken ang 800-1200 hits a day, napansin ko na ngayon eh nasa 250-500 na lang. Ang ibig sabihin nyan, marami ng nag-alisan na dating mambabasa. Wala nakong magagawa dyan. Ang dami kayang bago at makulay na blog ngayon na pwede nilang basahin. Hindi ko na rin kasalanan kung mas pinili nila na tambayan ang mga nag-aastig astigang mga blog na ito.
2. Ang dami ngayon na tinatamad na rin sa mismong blog nila, tapos mag-eexpect pa ako na makikigulo sa blog ko? That’s asking too much. Kahit sa kaibigan sa totoong buhay, hindi ka pwedeng humirit ng ganyan dahil pagmumulan yan ng pagkatabang sa inyong samahan.
3. Madaming tao ang naaksidente. Dadaan sa blog mo at sasabihing, ‘oy! ayos to! sali ako dito! magpapadala ako ng entry!’ At pagkatapos mag-iwan ng ganyang komento, pupunta sa kabilang blog para doon naman maki-chika at sa hindi inaasahang pangyayari, habang tumatawid sa blog super highway, mabubundol ng sasakyan at mababagok ang ulo sa espaltadong daan.. Blag! AMNESIA!
Dahil sa mga dahilan na yan, nagdesisyon ako na wag ng ituloy ang pakulo ko na wala namang kwenta kung tutuusin. My decision to turn that ’spur of the moment’ thing into an actual blog entry was a mistake.
Mayroong nagpadala ng entries kahit paano. The problem is, they are all crap. Ayokong maglagay ng guest blogger/submitted entries sa blog ko tungkol sa iba’t-ibang kulay ng bulaklak at kung ano ang simbolo ng mga ito, ng mga usaping kesyo dapat na pinahihintulutan ang 3rd sex marriage dahil putangina hindi ako sang-ayon dyan, at ang pinakamatindi… Hindi ko kayang sikmurain na ilagay sa blog ko ang isang fantasy sex story kung paano nagtalik ang isang ama at ang kanyang dalagitang anak, habang nanonood ng palihim sa kabilang kwarto ang buong angkan.. PWE!! So fucking tasteless!
Posting these crap entries will not correct a mistake. It will only make things worse. I therefore announce that all invitations previously sent are now cancelled.
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


22 comments
b00bsy
on
November 7, 2008 at
12:29 pm
uuuy first time ko magcocomment dito kay az. sabi kasi nya sa plurk:
αʑяαεɭ boobsy oy comment ka naman sa blog ko! kaya eto andito ako ngaun. hehehe.. isa si az sa mga hinahangaan kong blogger. astig, prangka, magaling sumulat, and of course flawless ang grammar! sayang nga mejo tinatamad na ang lowlo nyo. bihira na magupdate. mababawasan na ako ng mga babasahin at pagtatawanan. hehehe… joke! az peace tau.. lam mo nmn bilib ako sau eh. basta keep up the good work pre!
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 7th, 2008 1:18 pm:
naks! sa wakas dinalaw ako ni miss bloq critic! bwahahahaha! bulong mo saken kung may bago ka ookrayin ha.. at madalaw
salamat sa bisita CB!
[Reply]
Lenggai
on
November 7, 2008 at
2:55 pm
ahm, nasa opisina ako habang binabasa tong entry mo at nagtataka ang mga kaopisina ko bat ako nangingiti…
una, guilty ako rito… dalawang beses mo na akong inimbitahan, pero dalawang beses rin akong hindi nakapagbigay ng entry… lemme explain why:
- may nasulat na ako, pero bandang huli, hindi ko rin ipinadala kasi basura. hindi sya tungkol sa bestiality, pero isinulat ko siya nang may poot sa aking puso at walang kalite-literary sense, nakakahiya naman kahit pseudonym pa eh mailagay siya sa blog mo, baka ako mismo, murahin ko ang sarili ko…
- hindi ko maisa-entry ang mga bagay na hindi ko mailabas sa blog ko… sabog-sabog na thoughts siya, parang ‘yung thought bubblets entry ko. gusto ko sanang magbigay ng something worth print “screening”.
that said, sori hindi kita naabisuhan tungkol sa mga scratch drafts ko. friends?
Lenggais last blog post..Kill ‘em Buses!
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:40 am:
bwahahaha tinamaan! to naman sus! wala yun! ang totoo nyan, palpak din kasi ako. tulad ng ng nabanggit ko sa taas, para kaseng walang direksyon. maganda ang concept, pero kulang sa preparasyon at tamang paraan para maikalat sa blogosperyo at maintindihan ng lahat.
lenggai lenggai tsk.. ang pagkakaibigan naten hindi nasusubukan sa ganitong bagay lang. hindi man ako magdaan sa blog mo, at ikaw eh ganun din.. magkaibigan tayo kahit ano mangyari! kaya wag ka ng magpaliwanag dyan at kiss mo na lang ako!
[Reply]
glesy the great
on
November 8, 2008 at
2:17 pm
uy teka lang bakit cancel na… may draft na ako!!! pinuntahan ko po yung blog nyo po ngaun para malaman kung san ko isesend ung draft… sayang naman… pero siyempre di ko na po kayo oobligahin na ibalik yung invitation, ang epal ko naman diba?
hmmm.. isa po ako sa mga nag-comment pero magpapasa po talaga ako (ngayon nga po sana yun)… kaya nga po di ako nagbigay ng saktong date kasi baka di ko matupad…
hmmm… sige na nga oobligahin ko na po kayo… pwede pa po ba ako magpasa? asahan ko po sana reply nyo… kahit isang post lang sa blog nyo po… pero okay lang kung ayaw nyo pa rin… i won’t take it against you po… sana lang marinig ko po yung reaction nyo… galit man or approving… tapos saka ako magpapasa sa email nyo kung approve po… thanks.. it’s nice being here kahit sa maikling panahon… hindi to eklat.. i really mean it.. cheers-glesy the great;p bon voyage…;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:41 am:
hindi ko na binasa tong comment mo.. dahil naka post na submitted entry mo bwahahaha!
[Reply]
potsquared
on
November 9, 2008 at
9:31 am
sorry na az.. tinamaan din ako dito sa post na ito.. it hurts yah know! alam ko na para makabawi ako.. kiss kita! hihihi
potsquareds last blog post..present and distraction…
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:42 am:
kiss ampft. si joy ang i-kiss mo!
[Reply]
timi
on
November 9, 2008 at
12:09 pm
Ay sayang, iniisip ko ba naman na i-submit ang napaka-korny kong kwento…pero buti na lang din pala di ko na lang binigay…baka basurahin mo! Joke bespren!
Pero maganda nga sana yung idea, kulang lang talaga ng pag-advertise siguro…
timis last blog post..Never-ending constructions
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:42 am:
subukan mo kaya. malay mo magbago isip ko.. teeheehee!
[Reply]
ayreen elque
on
November 9, 2008 at
4:46 pm
hindi ako invited. kaya wala akong kahit tuldok na maipapasa sayo. ahaha! tampo lang yan…cge na, ibalik mo na ulit ang pakulo…
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:43 am:
hindi daw invited. para sa lahat kaya yan! palibhasa di ka nagbabasa ng blog ko at ng mga naunang entries.. TSE!
[Reply]
ayreen elque
reply on November 10th, 2008 11:00 am:
buset! ako nga ang hanap ng hanap ng updates mo! maarte ka! ibalik mo na..mgsusubmit ako kahit walang kwenta at mabasura at least ng effort para d ka ng-eemo mode dyan! bwahahah!
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 11:05 am:
ang dami na kayang updates hello! ay isa lang pala bwahahaha! ok sige game submit ka na. isa ka ring malikot ang utak eh. sure ako patok yan!
[Reply]
Helena
on
November 9, 2008 at
8:27 pm
Di na nga nagparamdam si Az, nagtampo na. Kulang sa himas? Pano naman kaming mga nagbabasa at kakapadpad lang dito
Tama si misis! 
Helenas last blog post..Text Scam
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:44 am:
buhay pa rin ako! at walang tampo tampo dyan sus. nagtatampo lang ako sa mga nagmamahal saken eh hindi nyo naman kaya ako mahal kaya wag na kayo
[Reply]
libay
on
November 9, 2008 at
8:30 pm
Ibalik! Ibalik! … pero sana picture blog na lang yung sa invitation… ke hirap naman kasing sumulat… plus andyan pa yun kritiko ng blog at baka masemplang lols…
libays last blog post..Tres Marias
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 10th, 2008 10:44 am:
hmmmm.. picture/photoblog… pwede! umpisahan mo tita libs! alam ko ang estilo mo ng pagsusulat.. makaka relate ako dyan sigurado! game!
[Reply]
Post Halloween Special: How to entertain guests at your own wake (by Glesy the great) | A Z R A E L on November 10, 2008 at 9:48 am
[...] from AZRAEL: I just can’t pass this on. A blogger submitted this entry a few hours after I cancelled the “INVITATION” gimick. Binasa ko ang attached word document, at naramdam ko ang pagod, [...]
Helena
on
November 11, 2008 at
3:04 am
JOKE NA SAGOT: pano ka naman nakasiguro. ;-)
SERYOSONG SAGOT: hindi lang yung mga mahal mo ang pwdeng mgmalasakit sayo. Nagkataon lng na hndi ako kabilang sa mga napadaan lang at nagk-amnesia. Bilang lang ang blag na binabasa ko, yung kaya ko lang sikmurain. Hehe. Kung ayaw mo maniwala eh di wag mo.
Tom ko na basahin entry ni madam. Nagkaron ng malaking bayrus ang aking PC at hindi ko sya matalo. Syet!
[Reply]
A Z R A E L
reply on November 12th, 2008 3:37 pm:
sige naniniwala na ako sayo.. so pano?? close na tayo ha?
[Reply]
mumu sa kanto
on
November 12, 2008 at
6:36 pm
taenang fantasy sex blog entry yan
saka putres sino magbabasa ng ibatibang kulay ng bulaklak tas symols non bahaha!
mumu sa kantos last blog post..God’s ABC
[Reply]